Share

Chapter 40.3

Umupo si Gabbi sa tabi ni Jasmine at humalukipkip. Hindi ito sumagot sa tanong niya. 

Umikhim ang Director. "Miss Mangubat, we are deeply sorry for the issue brought by that article."

"So this is all about that," bulong niya.

Tumango ang Direktor. "We have found the culprit. We already discussed this with your parents but I still have to summon them. They will be here ---" Nahinto sa pagsasalita ang Direktor nang may umalingawngaw na mga yabag sa buong kuwarto. Niluwa ng pinto ng divider ang mga magulang niya. Napatayo ang Direktor. "It's nice to have you here, Mister and Missus Mangubat."

Isang tango ang sinagot ng ama niya habang hindi naman bumati ang ina niya. Naupo ang mga ito sa magkabilang tabi niya. Ngumiti nalang ang Direktor at naupo sa upuan nito.

Maya-maya pa'y may pumasok na isang babae. Ang Guidance Counselor ng Department niya. Naupo ito sa kabilang tabi ni Jasmine ay naunawaan niyang guardian ito ng blockmate niya. Nang tingnan niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status