Share

Chapter 40.2

Mula sa araw na 'yon ay bumalik sa dati ang buhay niya. 'Yong buhay na wala si Gideon. 'Yong tahimik. Mas tahimik lang sa ngayon dahil wala sina Dalya at Pedro, wala na ring makakausap na Hazel, Gabbi, at Tiara. Sa katunayan, bilang lang sa daliri ang pag-imik niya.  

Sa Unibersidad, nawala na ang bulungan sa tuwing dumadaan siya. Pero hindi pa tuluyang nawala ang mga matang nakasunod sa kaniya. Hinayaan na lang niya dahil hanggang tingin lang naman at hindi siya kinukuyog ng mga ito.

At ang araw na 'yon ay isa lang ordinaryong araw para kay Jewel. Dumadaan at nakakalimutan din pagkaraan. Ang bawat kilos at lugar ay para lang ng kahapon. Bahay man o mapa-Unibersidad, magkakapareho lang. 

"Miss Mangubat?" 

Huminto siya sa paghakbang at inipit ang nagulong hibla ng buhok nang dumaan ang hangin. Lumingon siya sa tumawag. Isang Professor na hindi pamilyar sa kaniya. Umikhim siya. "Yes?"

Ngumiti ito at nilahad ang kamay sa harap niya. "I'm Pro

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status