Justine:
"Sir, wag na ako ang magserve sa mga Sancgez na yun, alam niyo namang allergic ako sa mga yun!" tanggi ko sa manager namin. Ang alam ko, mas malala pa kay Drake ang mga pinsan nito. *Nakakainis ang Drake na tun, rapos kasama pa ang mga pinsan niya na katulad niyang baliw!" "Sssh!! ano ka ba, ang bunganga mo!" saway sa akin ni sir, "sige, kakausapin ko na lang si Drake mamaya, sasabihin ko na busy ka." "Salamat sir!" nakahinga ako ng maluwag. "Baka mawalan pang ako ng trabaho ka0ag ako ang nagsilbi sa mga yun." "Bakit ka ba kasi nagagalit kay Drake, eh ang bait nun?" taning ni sir sakin. Gusto ko sanang sabihin na bakla siyang kinikilig, kaso baka magalit pa sakin. "Basta, ayoko lang!" tanggi ko. Naiinis ako sa Drake na iyon! At ito na nga, halos isang oras din ang lumipas, bigla akong tinawag ni sir Gab. "Ikaw daw ang magsiserve sa kanila," sabi niya sa akin. "Sir? akala ko ba hindi na ako? bakit ako?" nagtataka kong tanong. Masama ang tingin na ibinato ko sa lalaking mayabang na ito. "Gusto ko, bakit?" sagot niya sa akin. Nakangisi pa talaga si tanga, na akala mo ay nakakaloko talaga. "Pwede bang iba na lang?" inis kong sagot sa kanya, "may ginagawa pa ako!" "Ikaw na.." bulong ni sir sa akin, "baka umalis dito yan, balita ko, malaking magtip yang magpipinsang yan," tinapunan pa niya ng tingin ang kumag na si Drake, "kaya pumayag ka na.. hindi ko ipapa centralize ang tip na galing sa kanila, di ba, bayaran ng bahay niyo ngayon?" Oo nga pala. Nakalimutan ko na magbabayad ako ng bahay. Baka mapalayas na naman kami. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni sir sa akin. "Sige sir, ako na lang," tugon ko sa kanya. "Good!" tinuktok pa ni Drake ang lamesa namin, "so? hihintayin na lang kita doon?" "Bakit? tutulungan mo ba akong magbuhat ng mga dadalahin ko, ha?" tanong ko sa kanya ,saka ko siya pinameywangan. "At bakit ko gagawin yun?" tanong niya sa akin. "Yun naman pala, eh di maghintay ka na dun!" bulyaw ko, "bawal dito ang unauthorized personel, ang lakas ng loob mong pilumunta dito." "Justine!" saway ni sir Gab sa akin, "anong kalokohan yang ginagawa mo? sorry sir, hintay na lang kayo sa table niyo, pupunta na lang siya doon." nakangiting sabi ni sir Gab kay Drake."Pakibilisan lang ha, kasi ,nagmamadali na kasi ang mga pinsan ko, thank you Gab," kinindatan pa niya ang manager kong bading, na pati itlog ay kinikilig! saka niya ako tiningnan, "wag kang masyadong suplada, Justine, pumapatol ako sa babae."
"Aba't--" hindi ko na siya naabutan na mabato ng basahan, hinawakan agad ni Trina ang aking kamay.
"Friend, baka mapa trouble pa tayo, hinay hinay ka muna. Alam mo naman ang magpipinsang yan, baka pag initan pa ang bar na to, mawalan pa tayo ng trabaho," wika niya sa akin.
Dahan dahan kong ibinaba ang aking kamay, saka kinalma ang aking sarili, "salamat, Trina, naiinis kasi ako sa lalaking yan, napakayabang!"
"Hayaan mo na lang, mahirap ng makipag away ngayon. Tandaan mo na lang, magagamit mo ang tip nila, pambayad sa bahay. May thesis ka pa, hindi ba? kaya kainin mo na lang ang pride at galit mo," paalala niya sa akin.
"Friend, lunok na lunok na nga. Akala nga nung iba dito, pa walk ako eh." tugon ko sa aking kaibigan.
"Paano, kapag nasa labas ka na kasi, mukha kang bold star," naiiling nitong sabi sa akin, "itago mo kasi yang dibdib mo."
"Hindi ko naman kasalanan, na noong nagsabog ng suso, nagsahod ako ng planggana, ikaw naman, lata na nga lang, nakalimutan mo pang ilabas." biro ko sa kanya.
"Lagi na lang sakin bumabalik ang mga ibinabato ko sayo, sana, nanahimik na lang ako," inirapan niya ako.
"Hoy, Justine? ano na, at para kang kambing diyan? puntahan mo na ang kostomer mo, at baka layasan nila tayo." sita sa akin ni Gab, "wag ka ng magpatumpik tumpik pa, bom karakaraka!"
"Oo na, vice ganda!" sabay naming sabi ni Trina.
Mabait si Gab, pero madaling masilaw sa pera, at ito na nga, naibenta na naman ako sa takot na mag alisan ang mga Sanchez na mayayabang!
Dala ang isang case na beer, pinuntahan ko ang table ng mga taong iyon. Masyado silang pansinin, dahil akala mo naman ay mga artista ng hollywood. Napalunok ako ng matanaw sila.
"Ano ba naman ang mga ito, mukhang hindi uso sa mga ito ang pagngiti, ipinaglihi ba sila sa sama ng loob?" kwento ko sa aking sarili. "Diyos ko, yun ba si Marcus? nakakatakot namang-- ay! parang mas nakakatakot si Dixon. Bakit laging nakakunot ang kanyang noo? Malamang, yun si Luis, at iyon naman si Cris."
"Hoy!" may tumulak sa akin na hindi ko agad napansin.
"Ay palakang dagat! ano ka ba sir!" medyo siniko ko pa si sir Gab. Nakakagulat naman kasi ito.
"Oh my God! para akong nanonood ng Hercules!" kinikilig niyang wika.
"Hercules? ano yun?" hindi ko matandaan kung saan ko narinig iyong pangalang yun.
"God yun, boba!" sagot niya sa akin.
"Aba malay ko.. hindi naman kami magkakilala ni Hercules," sabi ko sa kanya.
"Dalahin mo na nga yan dun, at naiinip na sila!" utos niya sa akin, "at ako na, ang magdadala nitong pulutan."
"Sir, bakit hindi na lang ikaw ang magdala nitong case? itry mo rin maging gentleman kahit minsan?" sarkastiko kong sabi sa kanya, "baka naman nakakahiya sa akin, dahil ako ang babae?"
"Baka magkamuscle ako no!" sagot niya sa akin, "saka mas mukha ka namang lalaki sakin, kung di lang malaki ang dibdib mo, mas maganda ako sayo."
"Sir, itry mo rin maging humble no? libre lang, gawin mo na, dali!"
"Tse! tigilan mo ko ng pag ganyan ganyan mo Justine ha, at andiyan ang crush ko, hmp! bilisan mo na!"
Aba, at nauna pa siyang maglakad palapit sa mga Sanchez!
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw