Share

Chapter 2

"Ikaw kasi". Kanina pa nag tatatalak si Emma tungkol sa suspension ko.

"Anong ako? Wala akong kasalanan?".

"Pero grabe ha?! Yung ginawa ni Papa Waje. He acted like a knight and shinning armor". Kinikilig nitong saad habang yakap ang unan na parang nanaginip ng gising.

"Fairytales!". Umirap ako dito at pinag patuloy ang pag eedit ng poem na assignment namin.

"Tingin ko talaga nakuha mo attention niya Paige". Napalingon ako dito dahil seryoso na ito ngyon.

Umiling lang ako.

"Mag ingat ka! Balita ko lahat ng babaeng lumalapit at nalilink kay Waje hinaharang ni Amanda".

"Don't think too much besh! Wala yun. Bored lang ang Waje na yun. Baka bukas di na nga ako kilala nun". Nag kibit balikat lang ako. 

Peru nag kamali ako. Dahil sa mga sumunod pang araw lagi itong naka buntot sakin. Iniirapan ko lang ito at patuloy na iniiwasan. Until one day nag sawa na atah ito kakasunod sakin kaya naman gumaan na ang pakiramdam ko nang hindi kuna ito nakita sa gate ngunit bat may lungkot akong naramdaman? Hindi pwede ito! 

Pagkatapos ng klase ay nag pasya akong mag bihis muna. 

"Will..will..will". It's Amanda and her gals. Nasa CR kami ngayon at napapaligiran ako ng mga alipores nito.

"Alam mo ba ang nangyayari sa mga umaaligid kay Waje? He's mine, girl! Wake up!". Sigaw nito at tinulak tulak pa ako. Lumapit ulit ito at idiniin ako. 

"I'm not his girl". Mariin kung sagot at tinitigan ito ng masama. Akala niya matatakot ako. I'm not guilty anyway. 

"Abat—

" Ouch! Napahiyaw ako sa lakas ng sampal nito sakin. Dahil matangkad ito madali nitong nahawakan ang buhok ko at sinampal ulit ako. Pilit akong nag pupumiglas ngunit tatlong babae ang nakahawak sa mga kamay ko. Gumati ako ng sipa ngunit hinawakan muli ng mga ito ang paa ko. 

"Bitch!". Sigaw ulit nito at sinabuyan ako ng tubig. Subrang sakit ng anit ko at dumugo ang bibig ko dahil sa lakas ng sampal nito sakin. Feeling ko namanhid ang pisnge ko. Nanginginig ako sa lamig dahil sa tubig na ibinuhos ng mga ito sakin. Nanghina ako at tuluyan nang binitawan ng mga ito.

"Tandaan mo yan! Stay away from him!". Sigaw nitong muli. Hindi ko na nagawang sumagot. Napaupo ako at awang awa sa sarili. Sapo ko ang aking ulo habang niyayakap ang katawan ko palabas ng CR. Maraming nakikiusyuso at inaabangan talaga ang pag labas ko. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Napapikit ako and it went all black.

Nagising ako at sinapo ang ulo ko. Puting kisame ang sumalubong sakin. Ginala ko ang paningin at napagtanto kung nasa school clinic ako. Biglang may gumalaw sa gilid ko at napatingin ako dito. Nag salubong ang aming mga mata. Napasinghap ako. Ngayon ko lang napagmasdan ng maayos ang kabuohan ng maamong mukha nito. Matangos na ilong at may mamulamulang mga labi. He's deep brown eyes is somewhat like intense. He's perfect jew. He has an gold earing. He's clean cut hair. Almost perfect. Teka? What is he doing here? And Am I checking him? Noway! Masakit ang ulo ko. 

"Are you okay?". May himig pag aalala nitong tanong.

Naalala kung andito ako dahil sa kanya. Gusto kung sigawan ito at magalit. Ngunit walang lumabas sa bibig ko. Umupo ako ang tiningnan ang mga galos na natamo ko. Mahapdi ang gilid ng labi ko at tingin ko namumula ang pisnge ko dahil sa mga sampal na inabut ko. Sinuklay ko ng aking daliri ang aking buhok at napangiwi ako dahil masakit ang anit ko.

"I'm sorry—

Tiningnan ko ito ng masama.

" Muntik na akong mamatay! Sorry? Sa tingin mo? Your girl is crazy! ". Hindi ko na napigilan ang galit ko . Tumayo na ako at hinablot ang bag ko sa gilid. Napansin kung iba na ang damit ko. Napatingin ako dito. Nanginginig ang tuhod ko. 

" Sino nag bihis sakin?". Masungit kung tanong sakanya.

"Ako—

" WHAT??? Di ako makapaniwalang baling dito. 

"Ako ang nagpabili ng dress, Si Emma ang nag bihis sayo". Agap nito. I swear I saw him smile. Inirapan ko ulit ito. 

"I'm going home". Lumabas na ako sa silid at kinausap ang nurse.

"Oh! Ms. Madrigal, mabuti naman at okay kana". Natatawa nitong saad. "Gusto pa sanang ipa transfer ka ni Mr. Eleazar sa hospital, kung di kapa gigising. Actually, nasa labas na ang ambulance". Tumingin ito sa likod ko.

"I'm fine".

"Will you need to take pain killers, pumutok ang labi mo. Mabuti nalang walang butong nabali sayo. Sa liit mong yan tska kaya ka siguro nahimatay kasi nalipasan ka ng gutom".

Dina ako umimik. Pagka perma sa log book lumabas na ako ng di siya tinitingnan.

"Ihahatid na—

Inirapan ko siya.

"Boss!". Biglang tumayo ang dalawang alipores nito kasama si Emma na nasa labas ng clinic nag aantay. Lalagpasan ko sana sila. 

"My gosh! Paige! Mabuti nalang naabutan at nasalo ka ni Waje bago ka nawalan ng malay. Ayus kana ba?". Nag aalala nitong sabi at hinawakan ang kamay ko. "Nang malaman namin ang nagyari nag madali kaming pumunta doon, tamang-tama naman at nakasalubong ko sila... Kaya yun". Nahina nitong saad at napaitngin sa balikat ko. 

"Oh my! Ang laki ng pasa mo sa balikat".

Hinawi ko ang kamay ko.

"Uwi na tayo, papasok pa ko sa trabaho. Absent tuloy ako ngayon sa major". At patuloy sa pag lalakad.

"Paige! Ihahatid kuna kayo". Ani Waje.

"No thank you! Baka bukas e salvage na ako ni Amanda pag lumapit pa ako sayo! Abat! Mahal ko ang buhay ko. Bat ba ang kulit mo?! May kapatid at nanay akong binubuhay. Hindi ako pwedeng mamatay ng maaga".

"What??? Sa tingin mo hahayaan kung mangyari yan ulit sayo?? Ha?? Simula ngayon sino man manakit sayo. Tandaan mo dadaan muna sila sakin. Mark my word." Natigilan ako dahil diin ng pagkakasabi ito. "Hindi mo lang alam kung gaanu ako nag ngingitngit kanina habang hawak kita na walang malay. Swear! Kung di lang babae ang gumawa sayo nito baka ako mismo ang gumanti sa kanila". 

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nito ngunit galit parin ako. 

"Whatever! Tara na Emma." 

"Peru Paige—

Naputol ang sasabihin nito ng bigla nalang akong kinarga ni Waje. 

" Anu ba! ". Nag pumiglas ako ngunit wala ring silbi. Dinala niya ako sa kanyang sasakyan. 

" Ihahatid kita!"Mariin nitong saad. 

" What about Emma?? ". 

" Samuel? ". Tawag nito sa isa sa mga kasama nitong lalaki na tsinito. Tumango naman ito bilang sagot at nag aper pa ang dalawa. Tumawa naman si Emma. Halos mag iisang buwan ko na silang laging nakikita pero di ko parin alam ang kanilang mga pangalan. Tahimik kaming dalawa sa loob ng kanyang sasakyan. Mabuti nalang wala nang gaanung studyante sa labas kaya napanatag narin ako. 

"I'm sorry". Napatingin ako dito. Kita ko ang sensiridad ng tono nito. 

"It's not your fault, anyway". Ngayon na mas mahinahon na ang boses ko. 

"But still, ako ang dahilan". 

"Your girlfriend is crazy". Naiiling kung sagot dito at sinulyapan ito. Seryoso itong nakatingin sa daan. 

"She's not my girlfriend. Wala akong girlfriend". Madiin nitong saad at habang nakakunot ang nuo. 

"I don't care". Sagot ko dito. 

"You sure your okay?". Tanong ulit nito. 

"Yeah! Maliban sa anit ko". Napangiwi ako. 

"Balak atah akong kalbohin ng girlfriends mo". 

"She's not my girl—

" Yeah! Whatever!". Putol ko rito. 

" Hindi ba masakit ang bibig mo?".

"Masakit malamang!". Umirap ako. Nakita kung napa ngisi ito. May kinuha ito galing sa backset at inabot sakin ang isang maliit na paper bag. 

"Here.. It's a cream and other pain killer meds". Tiningnan ko naman ang loob nito. 

"Anu to? Pampalubag loob?". 

"What? No of course not!". Bawi nito. 

"I'm sorry". Ulit nito. 

"Tama na!". Tinaas ko ang kamay ko rito. 

"Okay lang naman ako. Masakit lang ang anit ko, panga, pisnge, balikat... Buong katawan actually. Salamat sa pag dadala sa clinic at dito sa damit at meds". Sabi ko ng di manlang ito tinitingnan. 

"Sorry hindi kita na sundo sa my gate kanina, malapit na kasi ang game kaya maaga pa nasa practice na kami at Welcome". Sagot nito. Napasulyap ako dito at seryoso itong nag dridrive. Lalo itong pomogi sa paningin ko. He's a remarkably handsome. Napailing ako sa iniisip ko. Hindi ko narin ito sinagot. Hindi naman niya kasi obligasyon na sunduin ako. 

Maya-maya pa ay natanaw na namin ang boarding house namin ni Emma. 

"Is that your boarding house?". Turo nito. 

"Ahh.. Oo. Thank you sa pag hatid". Sabi ko ng mag park ito sa harap at binuksan kuna ang pinto para makalabas. Akala ko dina ito lalabas kaya naman nagulat ako nang lumabas ito at tumabi sakin sa labas ng karenderya ni Ate Rose na landlady namin. 

"Oh Paige, napaaga uwi mo". Tanong nito kula sa loob. May mangilan ngilang kumakain dito. 

Opo Ate Rose, may pasok mo kasi sa trabho ngayon". Pagkakaila ko rito. Maya-maya pa ay dumating na ang isang itim na BMW at lumabas sina Emma. 

"Abat may nag hatid pala sa inyo". Si ate Rose na lumabas na ng tindhan nito. "Anung nangyari sa mukha mo?". Hindi kuna sinagot si ate Rose. 

"Papasokin niyo muna". Baling nito kay Emma. 

"No need po, paalis narin po kami. Hinatid lang namin si Paige at Emma". Magalang na sagot ni Waje. Nag taas ako ng kilay dito. Ang galang. 

"By the way Paige, ito nga pala si Samuel Domingo at Jerome Lim". Ani Emma. "Pasensya na kayo medyo manhid tong si Paige". Dugtong pa nito. Tumawa naman ang dalawa at nag lahat ng kamay. Ngunit hinawi ni Waje ito bago ko pa tanggapin. Nakangisi ang dalawa na sumaludo nalang sakin. 

"Nice to meet you boss". Sabay pang nag salita ang dalawa. Umiling lang ako at tumango. 

"Were going, get some sleep. Wag kanang pumasok sa trabaho". Ani Waje at pinatunog na ang sasakyan nito. Kumaway pa ito bago umalis. Ganun din ang dalawa. 

"Jerome Lim? Artista yun ahh!". Nagulat ako ng biglang mag salita si Ate Rose. 

"Oo siya po yun". Sagot naman ni Emma. "Kaso my isa po dito na walang access sa television at di alam ang bagay bagay". Naiiling nitong baling naman sakin. 

Namilog naman ang mga mata ko. Seryoso? 

"Tara na boss at nang makapag pahinga kana tska wag kana daw pumasok sa trabaho". Ani Emma sabay hagikhik. 

"Tigilan mo nga ako". Natatawa kung sagot dito. 

"Wow! Ngumiti siya ate Rose. Nakita mo yon?".

"OA naman nito!". Irap ko. Peru aaminin ko. Magaan ang pakiramdam ko. Ngunit hindi ko gusto ang di maipaliwanag na sayang nararamdaman ko ngayon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status