Guia Nakakatuwa pala marinig mula sa pananaw ng ibang tao na secured ang relasyon namin ni Jacob. Hindi rin naman kasi ako selosang babae. I am secured with myself. Wala akong sinasaktan na tao kaya natural na hindi ako takot na balikan ng karma. Ang napili kong design para aking wedding gown ay simple lang naman. Mermaid cut na french lace ang design. May manggas din iyon at hindi gaanong mahaba ang trail ng gown. Si Alberta na rin kasi ang nag-suggest na bagay sa akin ang ganoong design. Ayoko naman din kasi sa overly elaborate design na gown. Kahit kayang gumastos ni Jacob ay ayoko naman na abusuhin ang generosity niya. "Mauna na kami, Alberta. Hindi pwede mapuyat itong si Guia ko," paalam pa ni Jacob sa designer. Hinaplos ni Jacob ang tiyan ko ay doon napatili si Alberta. "OMG, ninang ako sa kasal ninyo. Hindi ako papayag na hindi ako kasali sa sponsor," deklara pa ni Alberta. "Hija, hindi mo naman sinabi na preggy ka pala." "May kambal na po kami
Guia Good riddance. Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng mga kasamahan ko sa trabaho. Iilan lang naman ang nakakaalam na half-sister. "Anak nasaan ba ang mga bantay mo? Where is Benedict and Benjamin?" tanong ko kaagad kay Vivienne nang makarating kami ni Jacob sa kanyang opisina. "Kuya Gio's stomach is upset mommy, so they have to go to the washroom," sagot naman ng anak ko. "Why is his stomach upset baby?" tanong ko. Hindi maselan ang tiyan ni Gio at bihira siyang magkasakit. "Tito Jacques gave him a candy when we were supposed to be in your office." Nanigas ang katawan ko. Narinig ko ang pagtatagis ng bagang ni Jacob. Namumula ang kanyang mukha at napakuyom ang kanyang kamay. Bigla na lang umalis si Jacob sa opisina niya. "Aling Nelia, pakibantayan si Vivienne at susundan ko si Jacob,' sabi ko pa. Parang tinatambol ang aking dibdib sa lakas ng pintig ng aking puso. Ayokong magalit at mas pinili na hinahanap ang motibo ni Jacq
Guia Ilang araw din na nanatili si Gio sa hospital. Medyo matapang na uri ng laxative ang nakita sa katawan ni Gio. Sa tatlong araw na nilagi namin sa hospital, isang beses lang na dumalaw si Jacob. "What happened to your fist and cheek?" tanong ko kaagad kay Jacob nang dumating siya sa hospital. Araw na ng paglabas ni Gio pagkatapos na tuluyan na siyang gumaling. "Huwag mo ng alamin, Guia," malamig na sagot ni Jacob. Kinagat ko na lang ang aking labi. Ayoko naman na mag-away kami sa harap ni Gio. Napansin ko ang pananamlay niya lately at ang palagi niyang paghahanap kay Jacob. Tahimik kaming nasa byahe pauwi. Nasa pagitan namin ni Jacob si Gio. Tahimik lang din siya. Nararamdaman ko ang paglamig ng pagtrato ni Jacob sa akin. Sinisisi ba niya ako sa nangyari sa anak namin? Napahawak na lang ako sa impis ko pa na tiyan. Kapit lang anak, 'yon ang namutawi sa aking isipan. Kung kailan talaga inumpisahan ng nakalatag ang mga detalye sa kasal n
Guia So that's the reason why Jacob was so strange lately? "Pinakulong mo talaga si Jacques?" pag-ulit ko sa sinabi ni Jacob sa akin. Hindi pa naman kami umaabot ni Melinda sa punto na nagkademandahan. Muntik na siya sa totoo lang kung hindi rin dahil sa pagtatanggol ni Aling Nelia. "I have to teach him a lesson, Guia. Kung ilang beses ko na pinalagpas ang mga kaguluhan na dala ng kanyang mga tiyuhin. I am not just talking about the recent incidents, Guia. Buhay pa si Mama, pinepeste na kami ng mga lalaking 'yon. Munting kibot lang sa panig ng ina ni Jacques noon, matapang silang susugod," salaysay pa ni Jacob sa akin. "Huh? May mga ganyang eksena noon?" tanong ko. Though alam ko ang mga sinabi ni Jacob pero hindi ko naman hiningi ang kumpletong detalye ng mga pangyayari sa buhay nila noon. Nabunutan na ng tinik ang aking dibdib. Akala ko pa naman mauunsyami pa ang pangakong kasal ni Jacob sa akin. If that happens, ano na lang ang explanation na sas
Guia Shock is an understatement. Tiningnan ko nang palipat-lipat si Tita Josephine at Jacob. "Hindi ba, sinabi ko na sa 'yo dati na magsisisi sila? Pero, kalahati lang naman ang ambag ko sa pagbili at paglipat sa pangalan mo ng Green Living. Kalahati rin ang galing kay Jacob. Napakasaya ko na sa wakas, hija mababawi ko na rin ang pinaghirapan ni Guada na dapat sa 'yo mapunta." "But, Tita Jo, this is too much." Kinalkula ko sa isip ko ang kabuuang halaga ng Green Living. Humigit kumulang three hundred million pesos lang naman ang kabuuan! "Palugi na pinagbili ng papa mo ang shares niya. Ang mga shareholders naman na iba ay nagkusa na magbenta sa akin. It's not as expensive as you think, Guia. Very affordable kung tutuusin," may halong biro na sabi pa ni Jacob. "Mayabang," tanging nasambit ko na lang. "Just look at the brighter side, Guia. I am a businessman at gusto ko ang business structure ng Green Living. Unfortunately, your father
Guia "Alberta, medyo masikip na sa bandang tiyan itong gown," reklamo ko pa. Dahan-dahan lang ang paghawak ko sa delicate fabric ng gown. "Guia, you are starting to have a baby bump. Imagine, two months na rin ang nakaraan nang sukatan kita para sa gown." Nakangiti pa si Alberta habang in-assist akong hubarin ang gown. Dalawang buwan na rin ang nakaraan buhat nang makulong si Jacques. As much as I wanted to attend the trial, ayaw ni Jacob na sumali pa ako sa gulo nilang magkapatid. Ang kambal ay patuloy na naka home school. Mahigpit ang seguridad na pinapairal ni Jacob sa aming mag-anak lalo at nakatakas mula sa kulungan ang mga tiyuhin ni Jacques. Halata na rin ang tiyan ko ayon na rin kay Alberta. Hindi naman ako hirap sa paglilihi lalo at hindi naman weird na mga pagkain ang hinahanap ko. Ang hindi ko lang talaga natanggal ay ang fascination ko kay Michael. Minsan nayayamot na si Jacob pero anong magagawa ko? Talagang natutuwa akong tingnan ang head ng bo
Third Person POV "Kailangan na madaliin ang mga plano natin." Ang tatlong tiyuhin ni Jacques na nakatakas mula sa maximum security facility ay kasalukuyang nagtatago sa isang abandonadong factory sa labas lamang ng Metro Manila. "Kung bakit kasi ang higpit na ng mga bantay ng mestisong bangus na 'yon. Masyadong tuso ang kapatid ni Jacques at kahit ang espiya natin ay hindi makaporma para magbigay ng impormasyon natin," saad pa ni Roberto. Ang nabanggit ay ang nakarelasyon ni Mira na tinanggal na ni Jacob noon. "Masyado kayong mainit. Huwag na nating madaliin ang pagdukot sa kambal. Hintayin na natin ang kasal ng dalawa, mas madaling gawin ang plano kapag nasa isang maliit na lugar lang sila at abala sa pinakamasayang araw ng buhay nila," suhestiyon naman ng isa na si Jose. Sa tatlo ito ang ang pinaka kalmado at kalkulado ang mga kilos. "Alam niyo naman na mahigpit ang seguridad na pinapairal sa sambahayan ng mga Larsen. Handang magsunog ng milyones si J
Guia POVExcited akong naglalakad papasok sa building kung saan nagtatrabaho si Renz Vidal, ang boyfriend ko for three years. Siya ang Head of Finance sa Sandoval, Mercado and Rafael, CPA’s. Isa siyang CPA at 10th place na board topnotcher, five years ago. Hawak ang isang lunch box na may lamang beef teriyaki na niluto ko pa para pagsaluhan namin.Inayos ko ang aking sling bag at nginitian si Manong Luis, ang security guard. Pero, nagtataka ako bakit hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin.Tumunog na ang prompt ng elevator at bumukas iyon. Halos takbuhin ko na ang pinto ng opisina ni Renz. Hindi ko mahagilap si Charina, ang kanyang secretary. Kung sabagay, lunch break nga naman kaya malamang nasa canteen si Charina.Nang nakalapit na ako sa pinto, kakatok na sana ako nang napansin kong nakaawang iyon. Namilog ang mga mata ko nang may narinig ako na tila ungol ng dalawang taong nasasaktan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako at hindi mapakali. Hindi