Beranda / Romance / Mr. CEO, Marry My Mommy / Chapter 1: Betrayed

Share

Mr. CEO, Marry My Mommy
Mr. CEO, Marry My Mommy
Penulis: Mrsdane06

Chapter 1: Betrayed

Penulis: Mrsdane06
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-13 09:06:00

Guia POV

Excited akong naglalakad papasok sa building kung saan nagtatrabaho si Renz Vidal, ang boyfriend ko for three years. Siya ang Head of Finance sa Sandoval, Mercado and Rafael, CPA’s. Isa siyang CPA at 10th place na board topnotcher, five years ago. Hawak ang isang lunch box na may lamang beef teriyaki na niluto ko pa para pagsaluhan namin.

Inayos ko ang aking sling bag at nginitian si Manong Luis, ang security guard. Pero, nagtataka ako bakit hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin.

Tumunog na ang prompt ng elevator at bumukas iyon. Halos takbuhin ko na ang pinto ng opisina ni Renz. Hindi ko mahagilap si Charina, ang kanyang secretary. Kung sabagay, lunch break nga naman kaya malamang nasa canteen si Charina.

Nang nakalapit na ako sa pinto, kakatok na sana ako nang napansin kong nakaawang iyon. Namilog ang mga mata ko nang may narinig ako na tila ungol ng dalawang taong nasasaktan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako at hindi mapakali. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang tunog na yun. 

No. Mali ang iniisip mo Guia. Faithful si Renz sa iyo.

Buong tapang kung binuksan ang pinto kahit bahagyang nanginginig ang aking mga kamay. Ang tunog ng pagbukas ng seradura ay parang hayol ng isang hukom. Naumid ang dila ko sa nasaksihan. Ang bestfriend kong si Melinda ay  hubot hubad at nasa table ni Renz na nakababa ang pantalon habang abalang umuulos sa kandungan nito! Nanginig ang mga kamay ko at nabitawan ang stainless na lunchbox na hawak ko. Kumalansing ang mga iyon at tumigil ang dalawa.

Tinakpan ko ang aking mga labi para hindi tumakas ang aking hikbi. Parang ulan na bumuhos ang aking luha habang nakatulala akong nakatingin sa kanila na abalang nagbibihis. Pakiramdam ko, manhid ang aking buong katawan. Napako ako sa aking kinatatayuan at kay hirap ihakbang ng aking mga paa. Dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Hindi ko deserve na umiyak para sa isang taksil.

“Guia, let me explain,” ani Renz. Nasa harapan ko na siya at nakabihis na siya pero bukas ang tatlong butones ng kanyang button up shirt. Doon lang ako natauhan. Sumingkit ang aking mga mata at ubos lakas ko siyang sinampal. Lumagapak ang kanyang pisngi sa lakas ng sampal ko. Masakit ang palad ko, pero mas masakit ang dulot ng kataksilan niya.

“Saan ako nagkulang, Renz?” mahina ngunit madiin kong tanong.

“It’s not what you think, Guia. Inakit lang ako ni Melinda,” anito. Lumuhod si Renz sa harapan ko pero umiwas ako nang tangkain  niya akong hawakan.

Isang malakas na sampal ulit ang pinadapo ko sa pisngi ni Renz. “How dare you! Huwag mo ako bigyan ng ganyang rason, Renz. Mga baboy kayo! Ginusto mo ito, ‘di ba? Kaya panindigan mo!” Dinuro ko siya at binayo ang kanyang dibdib gamit ang aking kamao. Binuhos ko ang aking lakas sa pagtambol ng kanyang dibdib hanggang sa napagod ako. Gusto kong umiyak at lumuha pero ang taksil kong mata ay ayaw maglabas ng luha.

 Nilapitan ko si Melinda na nasa gilid lang ng opisina. Nakabihis na siya at hindi man lang kayang salubungin ang aking tingin. Sinampal ko siya ng ubod lakas. “Para sa pang-aahas mo sa boyfriend ko. Pero, salamat pa rin dahil nakita ko ang totoong kulay ni Renz!”

Tumalikod na ako sa dalawa. Masakit. Parang dinurog ang aking puso. Hindi ko akalain na kaya akong pagtaksilan ng dalawang taong mahalaga sa akin. Kung sana ay nakinig ako sa aking mama na iwasan si Melinda ay hindi na sana hahantong sa ganito. Hindi ko pa rin lubos maisip na na maranasan ko ang pagkabigo sa pag-ibig. Hinahanap ko sa sarili ko ang pagkukulang ko kay Renz pero,  hindi ko alam kung saan banda.

“One more tequila, please,” utos ko sa bartender. Binaba ko ang shot glass matapos iyong tunggain. Gumuhit sa aking lalamunan ang init ng alak at nanuot sa aking dila ang pait ng tequila. Simpait ng inumin ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko naman ugali na uminom sa bar mag-isa pero exception ito ngayon. Gusto ko lang lunurin ang sarili ko sa alak para makalimutan ang taksil na si Renz. 

Nanumbalik ang lahat ng masasayang sandali ng relasyon namin ni Renz. The candle lit dinner. The flowers and chocolate and stuffs.  All this time ay niloloko lang pala ako ng dalawa! Hindi matanggap ng pride ko na ipagpapalit lang ako ni Renz sa bestfriend kong kung magpalit ng lalaki ay parang nagbibihis lang ng underwear.

Binayaran ko na ang aking ininom. Pabagsak kong nilapag ang libuhing pera sa bar counter. Nakatingin lang sa akin ang waiter na kanina pa napailing sa sunod-sunod kong shots. Medyo nahihilo na ako sa limang shots pa lang ng tequila pero gusto kong sumayaw. Gusto kong kalimutan ang sakit ng pagtataksil ni Renz at Melinda sa akin. Gusto ko munang panandaliang kalimutan ang lahat at magpakasaya. Kahit ngayon lang gusto kong ilibing sa limot ang tatlong taon na sinayang ni Renz.

Iginiling ko ang aking balakang at baywang. Kasabay ng maharot na tugtug inilabas ko ang lahat ng galit ko sa taksil kong boyfriend. Para akong isang kabayo na nakawala sa kuwadra. Hataw kung hataw 

“Hey, gorgeous. Wanna dance with me?” Napalingon ako sa tinig na iyon na halos nakadikit na pala ang labi sa tainga ko. Naningkit ang mga mata ko at tinulak ko ang pangahas ng marahan.

“Excuse me? Lumayo ka nga sa akin! Wala ako sa mood na makipag-usap sa mga hindi ko kakilala,” asik ko sa lalaki.

“Really? Bakit ang harot mong sumayaw?” tanong nito ng pasigaw. Kumunot ang noo ko. Kung gaano kalakas ang tugtug ng sound system sa dancefloor ay ganoon din kayabang ang kaharap ko. Napapikit ako at nagbilang ng hanggang lima bago tumalikod. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ng lalaking napangisi na.

“Bitawan mo ako,” babala ko. Piniksi ko ang kanyang kamay ngunit mahigpit pa rin ang hawak ng lalaki. “Bitiwan mo ako sabi eh!” Ubod lakas ko siyang tinulak at hindi niya iyon napaghandaan. Sumalya siya sa dance floor. Napasinghap ang mga sumasayaw. Kita ko kung paano dumilim ang kanyang mukha sa ginawa ko. “Ang kulit mo kasi eh!” 

Iniwan ko ang lalaki s dancefloor pero hindi pa man ako nakakalayo muli niya akong hinawakan. “Ano ba? Sabi ng ayoko sayo eh, kulit!” reklamo ko.

“Let the woman go. Huwag kang makulit, pare. Kapag ayaw ng babae, huwag mong pilitin.” 

Napatingala ako sa lalaking nagsalita. My mouth went agape when I saw his handsome face. Kahit nakasuot siya ng mask, hindi yun naging sapat para itago ang kagwapuhan niya. I feel like drowning at his stare. Para siyang isang guardian angel na nagkatawang tao. Dangerously handsome at that!

Ilang sandali pa may dumating na tatlong lalaki na nakasuot ng purong itim. “Bossing okay ka lang?” tanong ng isa. Pinalibutan ng mga ito ang tinawag nilang ‘bossing’ ng dalawa Habang ang  dalawang bagong dating ay abalang inaabog ang mga usisero.

 Napataas ang kilay ko. Lalaking naturingan pero isang team ang bodyguard?

“I’m fine,” tipid nitong sagot. “Are you okay, Miss?” tanong niya sa akin.

“A-ako?” Tinuro ko pa ang sarili ko. “Oo naman. Salamat nga pala sa pagtatanggol sa akin ha.” Inabot ko ang kamay ko pero nakatingin lang siya sa akin.

“Let’s get out of here,” anito. Hindi mana lang niya inabala ang sarili na abutin ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob kong sumama sa estranghero. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na pumasok sa isang VIP suite. Kinakabahan ako pero mas lamang ang excitement. Pakiramdam ko ay nasa isang eksena ako ng pelikula. Yung tipong magkakasarilinan na kami ng bidang lalaki.

“Hey, you are spacing out,” anang estranghero. “Oh, I forgot to introduce myself. I am John and you are--?”

“Guia,” tipid kong sagot. At dahil nawala ang lasing ko dahil sa pangungulit ng lalaking sa dancefloor, gusto ko ulit uminom.

“Sir, ito na po ang order ninyo.” Pumasok ang isang waiter at inilapag ang isang bote ng vodka.

“Let me pour you a drink,” ani John. Nagsalin siya ng inumin sa kopita at inabot niya iyon sa akin. Walang pag-aalinlangan kong ininom iyon. Nakadalawang shot na ako nang pigilan niya ako. “Whoa! Chill. You drink like fish,” komento niya.

Napangiti ako. Hindi naman siguro masama magsabi ng problema sa isang estranghero lalo at hindi naman kami close. Mas mabuti ng ilabas ko ang hinaing ko kaysa kimkimin ito. Infairness, gwapo si John pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya na natatakpan ng face mask at baseball cap. Tiningnan ko siya ng maigi. “Would you mind if you take off your face mask?” hiling ko.

“Why do I need to do that? It’s more thrilling to talk to someone even if my identity is hidden,” anito.

“Ano ka? Billionaire? Royalty?” Tumawa ako ng pagak at nagsalin na ng vodka sa aking kopita. Nang hindi matinag si John, pumormal ako. “Broken hearted lang ako.” Muli akong nagsalin ng vodka at inisang lagok iyon. Muling gumuhit ang init ng inumin na parang tubig lang sa pakiramdam ko.

“And who dares to hurt you? Tanga lang ang lalaki na mananakit sayo.”

“Or maybe because , hindi ko kayang ibigay ang hinihiling niya sa akin. Come to think about it, kung pumayag ako na ibigay ang sarili sa kanya, siguro hindi niya ako pinagpalit sa aking bestfriend.”

Hindi ko na napigilan ang umiyak sa harapan ni John. Bakit ako mahihiya kung bukas paggising ko ay hindi ko na siya makikita. Para akong bata na inagawan ng laruan at pakiramdam ko ay aping-api ako.

Ang isang bote ng vodka ay nadagdagan pa at bagaman umiinom din si John, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magpakalango sa alak. Ang huling natandaan ko ay ang mukha ni John na nakatunghay sa akin.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Napadilat ako sa nakakasilaw na liwanag ng silid. Namilog ang aking mga mata nang masilayan ang lalaking katabi ko. Anong ginagawa ni John sa tabi ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
hindi na bago hehe
goodnovel comment avatar
Adora Miano
o yeah,tagay pa more
goodnovel comment avatar
Adora miano
haha Patay tyo jan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Epilogue

    Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Chapter 91

    Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   MCMMM90

    MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   chapter 89

    Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Chapter88

    Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   chapter 87

    Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status