Share

Chapter 2: Positive

Guia POV

Dali-dali kong kinapa ang sarili ko. Pumaloob ang ulo ko sa kumot. Nanghina ako sa nakita ko! Pareho kaming hubot hubad ni John. Nakatalikod siya sa akin kaya tumambad sa akin ang matambok niyang pwet. Sa ibang panahon siguro ay kikiligin ako. Pero, ngayon, nagtatalo ang isip ko kung gigisingin ko siya o basta na lang siyang iiwanan.

Maingat akong bumaba ng kama at pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Kahit mahapdi ang nasa pagitan ng aking mga hita habang humahakbang ako, pinilit kong hindi makagawa ng ingay. Pumasok ako sa banyo at nagbihis matapos umihi. Tumulo ang luha ko sa hapdi ng aking kaselanan ng mapatakan iyon ng ihi.

Anong ginawa mo Guia? Twenty three years mong iningatan ang sarili mo para lang ibigay sa isang estranghero ang sarili mo!

Magsisi man ako, wala na akong magagawa para mabawi ang puri kong basta ko na lang ipinamigay. Bahala na!

Matapos hugasan ang aking pwerta, dali-dali kong sinuot ang damit ko kagabi. Nagmumug ako kahit papaano mawala ang morning breath ko. Nang lumabas ako sa banyo, dahan-dahan akong naglakad palait sa sidetable para kunin ang aking sling leather bag. Halos lumabas sa aking dibdib ang aking puso sa lakas ng tibok niyon. Nag tiptoe pa ako at tila magnanakaw na tumalilis palabas sa silid na iyon.

Bago ko pa tuluyang lisanin ang silid, binigyan ko huling sulyap ang lalaking naroon. Nilingon ko ang nakasarang pinto. Room 606.

“Paalam John,” mahina kong sambit. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at maingat na naglakad sa pasilyo. Bumukas ang elevator at namilog ang mga mata ko nang makita ang mga lumabas na mga lalaki doon. Ang mga lalaking naka itim na kasama ni John.

Napatakip ako sa aking mukha at itinabing ang aking buhok sa aking mukha.

“Sa room 606 yata si Sir,” anang lalaki. Tama nga ang hinala ko lalo lumakas ang tahip ng dibdib ko. Kaagad kong sinara ang pinto ng elevator at pinindot ang button papuntang ground floor. Abot-abot ang aking panalangin na sana hindi na ako abutan ni John. Tinawag ko na lahat ng santo, huwag lang nila akong maabutan.

Patakbo akong lumabas sa hotel nang bumukas ang elevator. Nagtaka pa ang receptionist lalo na at magulo ang buhok ko at paika ika ang aking pagtakbo. Walang lingon likod kong tinakbo ang daan patungo sa highway. Halos nasa two hundred meters din ang layo mula sa hotel ng highway.

Kaagad kong pinara ang taxi na dumaan. Nagtataka ang driver sa ayos ko pero hindi naman siya nagtanong pagkatapos kong magpahatid sa condo ko sa Araneta. Halos isang oras din ang tagal ng biyahe. Kanina ko pa tinitingnan ang patak ng metro.

Pumalo sa saktong eight hundred ang pamasahe. Inabot ko ang isang libo sa driver at hindi na kinuha ang sukli. Mahina akong naglakad papasok sa condo. Mabuti na lang at wala ang mga lobbyman. Pinindot ko ang elevator paakyat ng tenth floor kung saan nakatira ako sa condo na pag-aari ng pamilya namin.

Nang marating ko ang unit ko. Dali-dali akong pumasok. Naligo na kaagad ako at doon ko nakita ang intensity ng kalokohan ko kagabi. Para akong isang buto na pinapak ng husto ni John.Namumula ang aking leeg at puno ng hita!

Binilisan ko na ang pagligo at kaagad na natulog matapos maligo.

One month later….

Wala na akong balita kay Renz at Melinda. Dapat lang din naman lalo at hindi ko na gustong maugnay sa mga taksil na iyon. Tuloy ang buhay ko kahit pa naiwala ko ang pinakaimportanteng bagay sa akin.

Natanggap ako sa isang kompanya bilang isang sales associate. Graduate ako ng Marketing Management at bagaman two years na akong graduate hindi ako pinilit ng mga magulang ko na maghanap muna ng trabaho.

Okay naman ang takbo ng buhay ko hanggang sa isang araw, nagising akong masama ang pakiramdam. Patakbo akong pumunta sa banyo at doon sumuka. Halos wala akong lumabas na pagkain kundi halos malapot na laway lamang. Nasalampak ako sa sahig ng banyo at tigbi-tigbing pawis ang namuo sa aking mukha.

“Ano ang ibig sabihin nito, Guia?”

Napapikit ako sa matinis na boses ni Mama Guada. Sinikap kong tumayo pero nawalan ako ng ulirat.

Sa isang kwarto na ako nagising. Nilibot ko ang aking paningin. Pawang puti ang kulay ng kwarto at may isang babae na nakasuot ng coat.

“Maam, your daughter is four weeks pregnant. Normal po ang morning sickness lalo na sa unang trimester. I will prescribe vitamins for the healthy development of the fetus.”

Napahawak ako sa aking tiyan. Ang kaawa-awa kong anak. Ano ang ginawa ko?

Gustuhin ko man na kausapin si Mama pero napakatahimik niya. Hindi ko malaman kung kailangan kong magsalita o manahimik na lang. Umuwi kami sa condo ko na walang imikan. Pagpasok ko pa lang sa condo, isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

“Itinatakwil na kita, Guia! Isa kang kahihiyan sa pangalan ng mga Cordero!” Namumula si Papa Armando, habang si Mama Guada naman ay halos maiiyak na sa kanya tabi. Gustuhin ko man na humingi ng saklolo kay Mama, pero alam kong bingi si Papa sa mga kahilingan ni Mama.

“Armando, maawa ka naman sa anak natin! Huwag naman sana umabot sa ganito,” nagmamakaawa na saad ni Mama.

Isang sampal ang natanggap ni Mama. Dinuro pa ni Papa si Mama.

“Kaya lumalaking matigas ang ulo ng anak mong iyan, dahil konsintidor ka! Mamili ka, ako o ang suwail mong anak?” tanong ni Papa. Nagparoon at parito si Papa sa kabuuan ng sala. “Alam mo ba na kalat na sa mga kakilala ko na buntis ka! At hindi umamin si Renz na siya ang ama ng pinagbubuntis mo! Nakakahiya kang babae ka.” Halos maputol na ang ugat ni Papa sa galit sa akin pero nanatili akong tahimik. “Paano ko pa haharapin ang mga kasosyo ko sa negosyo kung kahit ang anak kong babae ay hindi ko kayang rendahan?”

Parang isang mabangis na leon si Papa na handa kaming lapain ni Mama anumang oras. Masyadong mataas ang pagtingin ni Papa sa apelyidong Cordero na mula pa sa pamilya ng mga tanyag na real estate broker. Kaya, para matapos na ang gulo nagsalita na ako.

“Huwag po kayong mag-alala, Papa. Para wala na pong nakakahiya ay kusa po akong lalayo.” Napayuko ako pagkatapos kong sabihin iyon.

“Mas mabuti pa na doon ka sa Tita Josephine mo sa Australia. Total, pareho naman kayong mga disgrasyada na pawang kahihiyan lang ang dala sa pamilyang Cordero. I will book a ticket for you today. And I don’t wanna see your face ever again! Kalimutan mo na na isa kang Cordero!”

Pareho kaming napatda ni Mama. Hindi ko alam na kalat na pala ang pagbubuntis ko. Napaigtad kami pareho nang pabagsak na sinara ni Papa ang pinto ng condo.

“Mama!”

Five years later….

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?” tanong ni Tita Josephine.

“Siguro naman this time ay okay na si Papa sa akin at sa mga anak ko.” Bumuntonghininga ako. Sa totoo lang ayaw ko sana umuwi sa Pilipinas pero malala na ang sakit ni Papa matapos siyang atakehin sa puso last month. Nais niya akong makita, pati na ang mga anak ko.

Tumulak na kami papunta sa airport. Panay tanong pa ni Vivienne at Giovanni sa akin habang hinatid ni Tita Josephine papuntang airport.

“Nanay Jo, can we see our daddy in the Philippines?” tanong ni Vivienne. Tumulis ang nguso ng anak ko nang hindi kaagad sumagot ang tita.

“Why are you asking my sister? You want to see our dad?” usisa ni Giovanni. “We will find him so that mommy will not cry at night anymore.”

I rolled my eyes, from the twins’ convo I know they are brewing something behind my back. Kids these days.

Hinatid kami ng pinsan kong si Dylan sa airport. “Tito Ninong, we will miss you,” ani Vivienne. Niyakap niya ang pinsan kong giliw na giliw sa kanila. “Kuya, say goodbye to Tito Ninong,” anito.

Nakasimangot ang anak kong panganay. I know, medyo emotionally distant si Giovanni. He is like an old soul trapped in a kids’ body.

“Come on mate, say goodbye to your Tito Ninong,” ani Dylan kay Giovanni. Nakasimangot man sumunod ang anak ko kahit halatang napipilitan lang siya. May pagka OC din itong si Gio at ayaw ng niyayakap. Ayon dito, malaki na siya para laging yakap at tawaging baby. Kuya ang gusto niyang itawag namin sa kanya.

“Kuya, don’t be grumpy! You look pangit,” singit ni Vivienne. Humalukipkip pa siya at hinihintay ang response ng kanyang kapatid.

“Vie, that’s not how a young lady acts towards her older brother,” saway ko. Tumirik ang mata ng anak kong pasaway. “Don’t pull me that long face, young lady. Say sorry to your Kuya Gio,” utos ko.

“Hey, it’s okay,” bulong ni Dylan sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata. Kaya minsan naging spoiled si Vivienne dahil na rin sa pag-pamper ng pinsan ko na katulad ng mga anak ko ay anak ni Tita sa pagkadalaga.

“Sorry, Kuya Gio,” ani Vivienne. Hinawakan pa niya ang kamay ng kakambal.

“Apology, accepted,” kaswal na saad ni Gio.

Naging emosyonal si Tita Josephine. Naging kasangga ko siya at si Dylan sa pagpapalaki sa kambal kaya naiintindihan ko ang attachment niya sa amin.

“Tita, huwag naman kayo umiyak. Dylan, huwag mo muna iwanan ang mommy mo ha. Please take care of her. Pwede naman kayo bumisita sa Pilipinas since may housing naman na magandang apartelle na kasali sa benefit ko.”

Mabuti na lang talaga at bago kami umuwi ng Pilipinas ay nakakuha ako ng magandang posisyon sa JJL Ads bilang Chief Marketing Officer. At least hindi ko na iaasa sa mga magulang ko ang pag-aaral ng mga anak ko.

Emosyonal ang naging pagpapaalam ko. Kaya, hindi ko inaaasahan na sa sandaling nagkaroon ng sakit si Papa ay nais niyang makita ako at ang mga anak ko.

Hindi naman naging maligalig ang kambal sa kabuuan ng flight. Aliw na aliw pa ang flight stewardess sa pagiging madaldal ni Vivienne. Halos natulog lang sila sa kabuuan ng mahigit eight hours na biyahe. Gabi na ng marating namin ang Manila.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
kambal, maligayang pagbabalik at sa magtagpo Ang Kansas hahaha maliit Kasi Ang Mundo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status