''How did you find mommy? Is this true daddy ?'' saad ni Xavi . Halos walang kurap kurap ang triplets habang nakatitig sa kasama ng kanilang ama .Ngiting tipid ang ginawa ni Cashandra at umupo sa para pumantay sa tatlong naggwagwapuhan na mga bata .Mata palang kuhang kuha nila sa kanilang ama .Muli na naman niya naalala ang kanyang anak .Sa tingin niya kasing laki na sana niya ang tatlong bata na nasa kanyang harapan .Hindi siya makapaniwala na nagkaroon nga talaga ng anak sina Theo at Faye . Nagmadaling niyakap ng Triplets si Cashandra.Masaya sila dahil nahanap na ng ama nila ang tunay nilang ina .Wala namang imik si Theo hindi niya gustong sabihin ang totoo sa mga bata na hindi si Cashandra ang tunay nilang ina dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mga bata pagkakita kay Cashandra. ''mommy ang tagal namin hinintay na nahanap kana namin '' pinunasan ni Cashandra ang mga luhan ni Xeruis. Laking pagtataka ni Theo dahil ngayon lang umiyak ang anak niyang napakaseryoso .Muling niyak
'' talagang ang tigas ng ulo mo Cashandra ''laking gulat ni Cash dahil sa pambubulyaw ni Zyruis sa kanya . Wala siyang kasama sa baba ngayon dahil may pinuntahan ang ina ni Theo at ang mga bata naman ay abala sa tutor sa kabilang bahay na siyang nagiging paaralan nila .Hindi niya inaasahan ang biglang pagsugod ni Zyruis sa bahay nila Theo . Akala niya nasa business trip ito dahil iyon ang sinabi ni Theo sa kanya nakaraang araw . ''grabeng pambubulyaw iyang Zyruis may nagawa ba akong mali at ganyan mo ako kausapin ?" magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya . ''ano ba pinakain sayo ni Theo at pumayag kang tumira dito sa kanilang bahay .Hindi kaba nahihiya .Wala pang isang taon ang asawa niya o ni man lang dalawang buwan Cash '' ''wala naman masama ang relasyon namin mahal namin ang isat isa .Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang gusto niyang mangyari ang maging ina ng mga triplets '' lalong nanlumo si Zyruis sa narinig . Pakiramdam niya balang araw ma
'' hindi ko alam na allergy pala si Gabe sa hipon at si Xavi sa mani .Si Xeruis naman ay ng manok ang daming pagkakaiba ang mga anak mo Theo ang swerte ni Faye at nagkaroon kayo ng anak tulad nila '' nasa swimming pool sila ngayon at pinapanood ang mga bata habang tinuturuan ng mga swim instructor. Hindi pa siya handang sabihin kay Theo ang naganap kahapon sa kanila ni Zyruis ayaw niyang mag away ang dalawa dahil sa kanya . ''oo ang dami nilang pagkakaiba .Hindi namin silang totoong anak .Ampon lang namin sila at naiintindihan naman nila iyon .Pero hindi nararamdaman ng puso ko na hindi sila galing sa akin .Nanaig ang lukso ng dugo na para bang galing sila sa akin '' ''bakit saan ba galing ang mga bata ?" tanong nito . Mas marami pa pala siyang malalaman na katotohanan tungkol sa buhay ni Theo nagtataka siya kung bakit hindi niya anak ang mga bata gayong kahawig naman niya ang mga ito .May kahawig din ang kanyang yumaong asawa . Kung para sa kanya parang hindi siya naniniwala na
'' andito pala ang mistress ni Theo noon .Nandito kaba sa hospital para magkunwaring kaawa awa ha ?'' isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Cashandra nagtataka siya kung ano ang kasalanan niya sa ginang . ''nakita niyong masama ang pakiramdam ng kaibigan ko .'' pagtatanggol ni Diane .Nakalimutan niyang tiyahin niya pala ang sumugod . ''isa kapa Diane kinukunsinti mo ang tulad niya hindi ka man lang nahiya kinakampihan mo ang tulad ng babaeng iyan '' biglang naawa si Diane sa kaibigan niya dahil sa pamumula ng pisngi nito .Bakat ang palad ng tiyahin niya sa mukha ni Cashandra. Tumingin siya sa pintuan dahil wala parin si Theo lumabas lang ito para kausapin ang tawag ng ina nito mula sa cellphone . '' halika ka dito '' dahil sa sobrang galit ni Lumina wala siyang paki alam kung nasa hospital siya .Hinila niya ang buhok ni Cashandra at kinaladkad ito sa labas papunta sa elevator. ''Tama na po '' wala naman nagawa si Diane dahil pinigilan siya ng dalawang lalaki .Hindi n
'' mukhang tama nga ang sinabi ni misis Vargas sir . Tignan niyo ang cctv tumakbo palayo si Cashandra pagkabukas ng elevator .Hindi naman hinabol ng mga lalaki pero mukhang takot na takot si Cashandra at may kasama silang babaeng lumabas din sa elevator pero ang babae ay kasama nilang pumasok sa loob ng kotse nila Lumina '' tinitigan niya ang kuha ng cctv .Alam niyang hindi si Cashandra iyon dahil ito kanina ang mabilis na tumakbo .Kilala niya ang suot na iyon dahil isang beses na niyang nakita na suot ni Thania ang damit na iyon . Halos masugatan ang kamay niya dahil sa kuko nitong nakabaon mula sa kanyang palad. Doon niya pinunta ang galit na galit niyang pakiramdam.Wala din mahanap ang mga tauhan nila . '' na trace naba kung saan pumunta ang sasakyan nila Lumina ?"''oo sir at sa sementeryo.Ito ang kuha ng cctv bumaba sila kasama sa kotse at pumasok silang lahat.'' naawa na rin si Miguel kay Theo wala na itong tigil sa kakahanap at kakautos sa mga tauhan niya para lang mahanap s
'' ineng nanaginip ka ...'' dahan dahang nagmulat si Cashandra.Naramdaman niyang may gumigising sa kanya .Pagkamulat niya ay isang matandang babae at hindi niya kilala ang nasa harapan niya . ''ako si Magda at siya naman ang asawa ko si Bon '' may edad na ang dalawa at sa tingin niya mangingisda ang mag asawa . ''ano ang nangyari sa akin bakit ako nandito ?" nilibot niya ang buong paningin niya sa bahay ng mag asawa .Maliit lang na kubo at maraming isda na naka sabit . ''hindi mo ba naalala ang nangyari sayo , nakita ka namin palutang lutang sa dagat .Akala namin patay kana pero bigla kang gumalaw pagka ahon namin sa katawan mo .May suot ka lang na bra at panty tingin namin nalunod ka .Pero ineng hindi namin sigurado iyon dahil ang dami mong sugat at mukhang napahirapan ka ?'' pikit mata niyang inalala lahat kung ano nga ba nangyari sa kanya pero ni isang bakas sa ala ala niya wala .Ang tanging tumatakbo sa kanyang isip ay ang lola Magda niya at magulang niya na nasa bahay ni
Mahigit limang oras ang kanilang byahe bago sila nakarating .Mabuti nalang at maalala ni Cashandra ang kanto papasok sa kanila . ''dito na ako salamat pala Ambo '' tatanggalin na sana ni Cash ang seatbelt niya ng biglang hinawakan siya ni Ambo sa braso . ''pasensya na Cash pero sure ka bang bahay niyo iyan .Parang wala namang nakatira '' tinignan ni Cash ang bahay nila at ibang iba sa kanyang isip .Kunot noo siyang mabilis bumaba dahil hindi ganito ang kanilang bahay . ''ano nangyari ?" tanong niya sa kanyang sarili .May nakita siyang nagsasampay malapit sa kanilang bakuran .Nagtataka siya dahil matanda na ito gayong ito lagi ang laging kaaway ng lola Madel niya noon . ''aling Sima nasaan sina lola at ang papa't mama ko ?" kinilabutan si Sima dahil sa tanong ng dalaga .Inalala niya kung si Cashandra naba ang dalagang nasa harapan niya . ''Cashandra anong pinagsasabi mo matagal ng patay ang mama at papa mo ..tapos ang lola Madel mo kasama mo siyang pumunta sa syudad '' ''s
''dito muna tayo sa hotel hanggang hindi pa bumabalik ang normal na isip mo '' tinignan niya si Ambo . ''baliw ba ako ?" seryosong tanong niya dahil sa pagkakasabi nito na hindi normal ang kanyang isip ay parang baliw siya sa kanyang pagkakaintindi ''I mean gumaling yang amnesia mo .Ipapagamot din kita bukas. '' tumango lang si at hindi na muna umimik habang tinitignan ang kwarto niya sa hotel .Mamahalin ang piniling hotel ni Ambo .Parang wala siyang kaalam alam dito sa syudad .Nasa isip niya parin ang kanilang bahay .Paanong nangyari na walang tao doon at bakit hindi niya maalala kung ano nga ba ang nangyari . ''mukhang malaking abala na iyon sayo ?'' nakaramdam siya ng hiya dahil ang dami ng nagawang mabuting bagay sa kanya si Ambo . ''naku hindi !!! makatulong lang ako sayo maayos na iyon .Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka .Padala ako mamaya ng pag kain mo dito '' ''salamat pala sa lahat .'' tanging salita nalang niya .Titiisin na muna ang tumanaw ng utang na loo
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang