Angkol Redmond's Secret Obsession

Angkol Redmond's Secret Obsession

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-10
Oleh:  JENEVIEVEBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
12Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Dahil parehong nasawi sa isang car accident ang magulang ni Claire Andrea Villanueva, no choice siya kung hindi tumira sa bestfriend ng daddy niya na si Redmond Gonzalez kung saan binilin din si Claire rito.Ngunit sa pananatili ni Claire sa bahay ng Angkol Redmond niya, lihim s'yang humanga rito. At habang tumatagal, lihim na n'yang mahal ito. Tinatanggap niya ang halik at yakap nito kahit na walang kasiguraduhan kung mahal din siya nito.Alam ni Claire na hindi sila dapat lumampas sa boundaries. Ngunit habang pilit niyang iniiwasan ang Angkol Redmond niya, lalo naman siyang napapalapit dito dahil hinahanap-hanap n'ya ang mainit na yakap at halik nito.What if everyone finds out about their relationship? Tuluyan nga kayang magigising si Claire Andrea na hindi sila pwede ng Angkol Redmond niya? Or will she risk everything for the name of a love that was never meant to exist?Hanggang saan nila kayang labanan ang isang pag-ibig na hindi kailanman dapat magsimula? Angkol Redmond Secret Obsession

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 01

01

Claire Andrea

Naalimpungatan ako sa malakas na ring ng phone ko. Kaya kahit na masama pa rin ang pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon at pinuntahan ang phone kong nakapatong sa study table ko sa tabi lang naman ng aking kama ngunit hindi ko lang kayang abutin.

Kumunot ang aking noo dahil madaling araw na pero bakit itong si Angkol Redmond tumatawag ito sa akin. Dumating na kaya sina mommy? Pagkaalis kasi nila mommy kaninang alas-otso ng gabi tulog na ako dahil nilalagnat ako.

“H-hello Angkol?” labis ang aking pagtataka bakit ganitong oras ay tumatawag pa ito sa ‘kin.

“C-Claire Andrea, k-kailangan mong pumunta ngayon sa Sta. Ana Hospital...nandito ang daddy at mommy mo," tila hirap magsalita ang Angkol Redmond sa kabilang linya.

"May sakit si daddy at mommy?" gulat na gulat kong tanong sa kaniya ngunit matinding katahimikan lang ang aking narinig tanging mabigat n'yang paghinga ang naulinigan ko.

“A-ano po ang nangyari? Okay lang po ba sila? Angkol bakit hindi ka makasagot?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

“I'm really sorry, Claire Andrea, naaksidente sila,” malungkot na sabi ng Angkol Redmond.

“Naaksidente si daddy at mommy? H-hindi naman sila nasaktan diba, Angkol Redmond?" kinakabahan kong tanong sa kaniya dahil ayaw kong isipin ang pinahihiwig ng sinasabi ni Angkol Redmond.

“W-wala na sila, Claire Andrea,” saad nito at malakas ko pang narinig ang pagsinghap niya na parang hirap si Angkol Redmond na sabihin iyon sa akin.

“A-anong wala na?” nanlaki ang aking mata habang umiiling ako. Nabitawan ko na rin ang phone ko habang umiiyak ako. Mariin akong napapikit habang naalala ko kanina lang nakangiti pa si mommy at daddy bago nila ako iwan sa aking k'warto para pumunta sa hotel kung saan ginanap ang birthday party ni Angkol Redmond.

Thirty-eight birthday kasi kanina ng Angkol Redmond. Hindi ako nakasama dahil saktong nagkaroon ako ng trangkaso kaya kahit gustuhin kong pumunta, nagpaiwan na lamang ako sa magulang ko.

Hindi namin tunay na kamag-anak si Angkol Redmond. Talaga lang nakasanayan kong itawag sa kaniya iyon bilang paggalang na rin dito dahil best friend siya ng daddy ko.

Certified single pa itong si Angkol Redmond at mayaman ang mga angkan nito maraming hawak na business. Kahit mas matanda si daddy ng anim na taon sa kaniya hindi iyong naging hadlang para maging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Hindi pa ako noon pinanganak. Dating sundalo ang daddy. Matagal ng sundalo ang daddy samantala ang Angkol Redmond, bagong pasok pa lang noon. Nang minsan nanganib ang buhay ni Angkol Redmond. Hindi na ito pinayagan ng pamilya na bumalik sa pagiging sundalo. Kaya napilitan nagbitiw at sumabay rin ang daddy.

Nagtayo ng business si dad para rin hindi nag-aalala si mommy laging nasa panganib dahil sa trabaho nito. Lumago ang restaurant ni dad magaling kasi magluto ang daddy ko ngunit hindi kasing yaman ni Angkol Redmond Gonzalez. Maraming negosyo ang angkan nito at CEO si Angkol sa malaki nilang kompanya.

“Hello, Claire Andrea? My driver is on his way to your house to pick you up.”

Napakurap ako mula sa walang tigil na pag-iyak. Naalala ko ang pag-uusap namin ni mommy bago sila umalis ng bahay namin.

“Sure ka talaga anak na okay lang maiwan ka?” tanong ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko kitang-kita ko ang pag-alala nito dahil may trangkaso ako mataas pa talaga ang lagnat ko namumula nga ang mukha ko pero ayaw ko naman hindi sila makapunta ni dad dahil inaantay sila ng Angkol Redmond.

“Opo mommy. Sige na po lakad na kayo ni dad, okay lang naman po ako rito isa pa kasama ko naman ang Ate Lynda," taboy ko sa kaniya.

Bumuntonghininga siya nakangiti akong pinagmamasdan para bang kinakabisado ni mommy ang buong mukha ko habang nakahaplos pa rin siya sa buhok ko.

“Tatawag ka kung may problema,” bilin ni mommy at parang ayaw n'ya akong iwanan halata kasi napipilitan lang s'yang umalis.

“Mommy nand'yan po si Ate Lynda. H'wag po kayo mag-aalala hindi ako noon pababayaan,” nakangiti kong tugon sa kaniya. Si Ate Lynda ang matagal na naming kasama sa bahay. Walong taon pa lamang ako noon nasa amin na s'ya at ngayon na eighteen na ako mahigit sampu taon na siya sa ‘min at mapagkakatiwalaan din ito.

“Nag-aalala lang ako anak alam mo naman na baby ka pa rin para sa amin ng daddy mo,”

“Bakit parang masyadong masinsinan ang pag-uusap ng dalawang importante babae sa buhay ko,”

Sabay kami ni mommy napatingin sa p***o nang bumukas at pumasok si dad. Nakangiti si daddy habang palapit sa kama ko.

“Hindi na lang kami pupunta I'm sure maintindihan iyon ng Angkol Redmond mo,” sabi ni daddy.

Umiling ako. “Daddy okay nga lang talaga ako. Sige na po late na kayo ni mommy,”

"Sure ka talaga anak? Maiintindihan naman ni Redmond kung hindi kami pumunta—"

"Okay lang po ako dad. Isa pa tatawagan ko po kayo kung lumala ang lagnat ko."

Sabay na bumuntonghininga si mommy at daddy pagkatapos mahigpit nila akong niyakap ni mommy. Natatawa rin ako dahil paulit-ulit nila akong palitan na hinahalikan sa noo at buhok ko.

"M-mommy... D-daddy....." hagulgol ko.

Kung hindi ko sila pinayagan...s-sana h-hindi ito mangyayare. A-ako ang nagtulak sa kanila na umalis sila. Ayaw nila akong iwanan dahil maysakit ako pero ako pa ang naggiit na pumunta sila roon.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status