''aba aba ang ganda naman ng beshy ko ah .Bagay mo pala ang ganyang buhok .'' kilig na kilig si Diane sa papuri ni Cashandra sa kanya . ''trip ko lang naman magpagupit .Pero salamat dahil napapansin mo ang ganda ko '' natawa siya dahil trip lang pala ngayon ang pagpapagupit lalo sa tulad niyang ingat na ingat sa buhok . ''iyang buhok mo lang ang sinabi ko '' natatawang biro nito .Inirapan lang siya ni Diane at tumawa .Para sa kanya bagay ang maiksing buhok sa kaibigan lalo itong naging baby face at wala sa edad niya ang mukha nito . ''bakit pala nagpagupit ka ngayon ng ganyan dati rati hindi mo gusto ang ganyang kaiksing buhok dahil ang buhok mong halos lupagpas na sa pwetan mo ay laging 2 inches lang ang pinapabawas mo .Pero ngayo biglaan sagad kung sagad '' ''maka sagad kung sagad naman ito '' natatawa niyang saad .Namula naman ang mukha ni Cash dahil iba ang pagka intindi ni Diane sa sinabi niya . ''huwag greenminded babaita ''binato niya ito ng ballpen at inilagan n
" Amber thank god your home" mahigpit na yumakap si Lissy sa kanya tumugon na rin siya sa pagkakayakap nito pero wala siyang maramdaman na kakaiba . "halina kayo at may pinahanda akong pagkain" sabay silang nagtungo ni Lissy sa dinning area naroon rin pala ang tito Jackson niya at may kasama itong girlfriend. "kain muna tayo saka na natin pag usapan ang ibang bagay " gusto ni Devine makakainvng maayos ang kanyang anak alam niya at sigurado siyang mawawalan ng gana si Amber kung tungkol na naman sa engagement ang kanilang usapan. Tahimik lang sila kumain lahat ng biglang nabilaukan si Lissy at namumula ang balat . "hmmm ge..get my medicine sa bag ko !" hirap nitong salita .Biglang nag aalala si Amber kay Lissy kaya agad niyang kinuha ang bag nito at nilabas ni Lissy ang isang maliit ng puting bote ng gamot. Ini abot din ni Divine ang tubig saka uminom si Lissy .Ilang sandali pa ay nawala na ang pamumula ng balat nito at ang kanyang mukha . "sorry for this tita may allergies kasi a
"ohh talaga mama uuwi ka ngayong week ..why?" tanong ni Diane sa ina nito.Natuwa siya ng malaman niyang titigil na ito sa pagtatrabaho sa ibang bansa . "oo anak dahil engagement ng anak ni tito mo gusto niyang dadalo tayong lahat " labis ang tuwa ni Diane sa narinig .Open pala si pamilya ng stepfather niya .Hindi siya tutol sa dalawa dahil gustong gusto niya ang love story ng mga ito at wala naman na ang kanyang papa kaya ayos na kanya na makasama ng kanyang ina ang first love nito .Pero tito parin ang tawag niya kahit kasal na ang mga ito . "sige ma sabihin niyo lang kung kailan kayo uuwi at sunod nalang ako papunta doon kila tito " nag paalam na siya at pinatay na ang tawag , hanggang ngayon hindi niya parin pala alam kung taga saan ang asawa ng kanyang ina.Hindi pala niya natatanong ito dahil sa sobra niyang busy at parang nasabi na rin nila noong nasa ibang bansa sila pero mukhang nakalimutan niya . "Shopia ang aga mo naman pumasok ang himala " natatawa niyang saad sa pin
"nakauwi na pala ang mama mo?" nasa bahay nila Gil ngayon si Diane at naisipan niyang dumalaw muna sa kanila dahil nababagot siya sa kanyang bahay . "oo tita at mukhang deretso na siya kila tito " "talagang tinuloy ng mama mo makipag asawa doon a ," nagkibit balikat lang siya habang kumukuha ng cake.Kaya nag surprised visit siya dahil nalaman niyang gagawa ng cake ang tita Gil niya .Medyo tumataba na rin siya dahil sa kakain ng matamis .Tuwing naiisip niya ang lalaking naging parte ng nakaraan niya ay parang bigla siyang nagugutom at matamis na pagkain ang gusto . Hinayaan lang ni Gil kumain ang pamangkin niya habang abala siya sa pag papack ng ibang cake para dalhin sa mansion ng mga Fortillen.Namiss na niya ang mga apo nito kay Cashandra. Gusto niya rin kamustahin ito na baka sakali may panahon pa siyang kausapin ang ina nito .Mabuti nalang at may isa silang apo na laging nandoon kaya hindi sila nalulungkot at minsan dumadalaw din ang dalawa pa kasama niya " punta ka kil
Nasa kalagitnaan sila ng diskayon tungkol sa gaganaping engagement party sa susunod na linggo at napansin ni Jose na wala sa ulirat ang kanyang anak at nanatili lang itong nakatunganga at parang may malalim na iniisip . ''nakikinig kaba Amber '' tanong nito na siyang kinabigla ni Amber . ''ahh ano po iyon ulit . Pasensya na papa at medyo masakit lang ang ulo ko '' mabilis kinuha ni Lissy ang gamot nito tuwing sumasakit ang ulo ni Amber . Binigay niya agad at kinuha naman nito saka uminom . ''tito kailangan muna ni Amber magpahinga '' alam niyang may epektong antok ang gamot nito sa ulo kaya pumayag nalang si Jose .Nasa usapan sila kanina tungkol sa kukuning event organizer at napansin niyang tulala si Amber .Sumunod naman si Lissy kay Amber para alalayan ito papunta sa kwarto . '' I'm fine Lissy umuwi kana !'' medyo nasaktan siya sa pagiging cold nito sa kanya .Parang napahiya siya dahil nagmamagandang loob lang naman siya para maisip nito na kaya niyang alagaan si Amber tuwin
Pababa pataas ang tingin ni Lissy sa kararating lang na madrasta nito ngayon . May itsura din pala ito kahit may edad na .Alam niyang isa itong doktor sa ibang bansa at ngayon lang titigil sa trabaho dahil mag asawa na sila ng kanyang ama . Pero kahit ganun wala parin nagbabago sa kanyang paningin malandi parin ito dahil matanda na nga naisipan pang makipag asawa . ''Lissy pasalubong ko pala sayo '' ini abot ni Dona ang isang paper bag na naglalaman ng isang alahas . Kilala ang brand nito at kahit natuwa siya kung galing naman ito sa madrasta niya hindi niya iyon maaprecciate . Kinuha nalang niya dahil nakatingin sa kanya ang ama nito . ''Lissy hindi ka man lang ba magpasalamat ?" galit na tono ni Kit sa ama nitong basta basta nalang tumalikod pagkakuha sa pasalubong ng kanyang asawa sa anak niya .Hindi niya nagustuhan ang inasta nito dahil wala man lang sinabi o sinabing maganda . ''hayaan muna Kit ,siguro nabibigla lang sila gaya din ng anak ko nabibigla kaya hindi ko alam k
'' Amber meron kana pala '' malumanay nitong saad habang palapit siya sa lalaking pinakamamahal niya . ''anong ginagawa mo dito ?" seryosong tanong ni Amber pagkakita kay Lissy na lumabas sa guestroom na katabi lang ng kanyang kwarto . Ngumiti lang si Lissy at lumapit kay Amber .Niyakap niya ito at akma sanang halikan pero iniwas ng binata ang mukha sa dalaga saka nilayo ang katawan sa kanya . Medyo nainis naman si Lissy dahil sa inasal ni Amber .Matagal na niyang hinintay na may mangyari sa kanila pero parang wala lang kay Amber ang kanyang karisma . ''enough Lissy hindi pa tayo kasal kaya please lang '' pero ang totoo wala siyang nakakapang pagnanasa kay Lissy hindi niya alam kung ano ang rason dahil bilang lalaki sino ba ang hindi maakit sa ganda ng mukha at katawan nito .Lalo pa ang mga bilugan niyang dalawang dibdib na ngayon ay kitang kita niya dahil sa suot nitong pantulog . ''nexttime huwag kang mag suot ng ganyan kung lalabas ka dahil hindi lang tayo ang tao dito sa
''Diane bakit hindi kapa nag aayos ?" papunta na sila ngayon sa bahay ng kanyang ina para mag dinner .Tinignan niya ang sarili at maayos naman ang suot nitong denim short na sobrang hapit sa kanyang katawan kaya kitang kita ang kurba ng kasexyhan nito plus nagsuot lang siya ng crop top shirt na kulay itim na siyang pumaibabaw sa maputi niyang kulay . ''tita mag dinner lang naman ang gagawin natin sa bahay nila mama ayos na ito kesa naman magdress pa ako '' hindi niya type mag dress kung alam niyang panandalian lamang lakad .Ayaw niya din magtagal sa bahay ng kanyang stepfather dahil nababagot siya kung wala namang importanteng mga usapan . ''sige ikaw bahala pero ayos na iyan sobrang sexy mo na dyan '' natawa nalang siya dahil wala naman nanalo sa kanya pag oras nagiging matigas ang kanyang ulo .Pang bahay niya lang ang kanyang suot at doon siya komportable.Bahala na kung laitin siya ng kahit sino basta maayos ang pakiramdam niya. Sa iisang sasakyan lang sila sumakay para sam
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang