''hindi totoo iyan ....'' hindi din alam ni Monarch ang totoo dahil naririnig lang naman niya ito noon pero pinipilit ng kanyang ina na totoo siyang Belarmiño. '' ayon sa Don pag oras na mabasa na namin ito sa inyo . Kinaumagahan kailangan niyo ng umalis kung ayaw niyong ipakaladkad namin kayo paalis ng mansion . Kahit saang batas kayo papanig mananalo parin ang nilagdaang will ng Don na dumaan sa legal process at hindi lang kami ang nag approved kund mga ibang judges na rin '' lalong nanghina si Monarch sa nalaman .Saan sila pupunta ngayon kung papalisin sila sa mansion . '' ang kompanya kanino ? may ambag kami doon at hindi lang ang matandang iyon ang may hawak '' ngumiti sa kanya si attorney Villegas. ''huwag mo ng isipin ang kompanya iho dahil nabenta na ng Don ang kompanyang iyon sa mga Fortillen. Ito nga pala ang pay check na magiging parte niyo sa kompanyang iyon '' tinignan ni Brix ang chekeng hawak niya at higit thirty million lang ang binigay sa kanya ng Don . ''
Napakamot muna ng leeg si Amber bago maisipang magsalita .Parang hindi siya sanay na siya ang unang magsasalita sa kanila .Katatapos lang nilang kumain at wine nalang ang kanilang pinagsasaluhan . '' hindi naman siguro masama kung sabihin mo sa akin ang buong katotohanan tungkol sa nakaraan na meron tayo '' medyo na offend si Diane sa tanong ni Amber para sa kanya kung nakalimot ang isip bakit ang puso nito hindi man lang niya maramdaman na may nakaraan sila . ''wala akong pwedeng sabihin .Tulad ng sabi ko noon sayo mas okey na ikaw mismo ang makaalala '' pinunasan niya ang kusang tumulong luha sa kanyang mata .Nasasaktan siya bakit hindi man lang maramdaman ni Amber na naging parte siya sa isip at puso nito . ''kung minahal ba niya ako !'' tanong niya sa kanyang sarili lalo siyang nanlumo pag kaisip na hindi pala naging parte ng puso ni Amber ang tulad niyang umasa sa wala . Pakiramdam niya talong talo siya dahil umasa siya sa wala na may magmamahal din sa kanyang lalaki gaya
''pasensya na nahuli ako nakaalis naba sila ?" hindi nalang pinansin ni Diane si Amber na bagong dating nasa mansion siya ngayon para hintayin aalis ang mag iina sa mansion ng kanyang lolo . Napapasimangot nalang siya kung ano ang gagawin niya sa mansion gayong may bahay naman siya at kung sila talaga ni Amber may bahay din ito . ''ewww Diane anong pinagsasabi mo nakakadiri !'' napailing nalang siya dahil ang kanyang isang isip ay hindi sang ayon sa sinabi ng isa .Mukhang pati ang utak niya ay hindi makasundo gaya ng kanyang puso kahit anong sabihin niya sa kanyang sarili na iwasan nalang niya si Amber ay hindi niya magawa .Muntik na niyang makalimutan na mag asawa na pala sila sa papel . '' saan kaba galing kasi ?" tanong nito . ''sa hospital nagpa check up ako regarding my amnesia '' ''so what the findings about that ?" mahina nitong tanong . '' according sa doctor gagawa nalang daw ako ng bagong memories sa taong nakalimutan ko dahil kung pipilitin ko baka lalong lum
''attorney iyan ba ang apo ng Don .Anong alam niya sa pamamalakad ng hacienda hindi kaya malulugi lang dito at kami ang maapektuhan?" galit na tanong ng isang lalaki sa kanila . Lahat sila ay sumang ayon sa sinabi nito at nagkagulo ang lahat habang matalim nilang tinignan si Diane na kulang nalang itaboy nila ito palabas ng hacienda. ''kung ayaw niyo ang asawa ko dahil siya ang pinagbigyan ni lolo ng Hacienda its better pack your things and go away .Hindi namin gusto na ang mga tauhan dito ay hindi namin kasundo .Kahit walang alam ang asawa ko pagdating sa mga tanim o lupa dahil nga lumaki ito sa syudad don't underestimate what she can do.Subukan niyo siya bago kayo kumuda .Pero kung ayaw niyo malawa kayong aalis ngayon din '' lihim na napapangiti si Diane dahil sa mga sinasabi ni Amber parang totoong mag asawa sila kung magsalita ito at pinagtatanggol siya .Tama naman ang sinabi nito na may kaya siyang gawin kahit wala siyang alam tungkol sa hhacienda . Hindi naman nakaimik ang
''tignan mo nga ito kung tama ba yung plano ko para sa hacienda ?" inilapag ni Diane ang isang folder na naglalaman ng mga plano niya sa mga tao na nasa hacienda .Napag alaman din niya na nakatira ang mga tao sa labas ng hacienda at puro tagpi tagpi ang mga bahay nila . ''uunahan na kita gawa iyan ni Zyruis pina rush ko '' medyo nakaramdam ng selos si Amber sa narinig . Marunong naman siyang mag sketch ng plano kung apartment or bahay lang ang usapan bakit humingi pa ng tulong sa iba si Diane . ''ayos naman na !'' saad nito saka nilapag ang folder sa mesa .Medyo nawalan siya ng ganang tignan . Nagtaka naman si Diane sa inasta ni Amber hindi naman niya napansin na binuklat niya lahat ng laman ng folder . ''huyy okey ka lang ba sasabihin mong ayos ka ni ngalang binuklat ang ibang laman ng folder hindi mo ginawa ?" ''ako nalang gagawa .Ibigay mo na sa akin ang pagmamanage ng hacienda. '' ''sure ka '' tumango lang siya at kinuha ang folder na binigay ni Diane saka nilagay it
''hindi ito maari bakit ano gagawin nila sa hacienda ''wala naman silang narinig na plano ng dalawa sa hacienda kung ano ang gagawin pero sa kanila hindi pwedeng magtagumpay ang mga ito sa kanilang plano . Kailangan nilang makagawa ng paraan para masira ang mga ito sa mga tao na naroon para magawa nila ang kanilang gusto na hindi mahahawakan ng maayos dahil babaeng walang alam sa hacienda ang apo ng Don . ''tawagan mo si Arsing baka may alam " utos nito sa kanyang asawa .Agad naman tinawagan ni Monarch ang tauhan nila na nasa hacienda at napag alaman na wala pa silang natutunugang plano ng mga ito . "itigil niyo na iyan dahil sigurado akong wala kayong mapapala" kararating lang ni Brix at lasing ito hindi dahil naghiwalay sila ni Irene kundi dahil gusto niyang icelebrate ang pagiging malaya niya ngayon .Nasa bahay niya ngayon ang kanyang mga magulang mabuti nalang ang nagpagawa na siya ng bahay dahil kung hindi baka sa condo lang sila titira. "ganyan nalang ang inaatupag mo Brix
"nais naming ipaalam na lahat kayo ay pwede ng tumira sa hacienda pag matapos na ang ipapagawa naming munti niyong tahanan .Alam namin nakapagtataka man ito pero gusto naming gawin ito para sa inyo bilang pasasalamat sa pag aasikaso dito " maraming natuwa sa binalita ni Diane sa kanila .Aminado sila na nung una wala silang tiwala sa apo ng Don pero ang bigyan sila ng tahanan parang napakalaking blessing na sa kanila. Napansin naman ni Amber ang dalawa na nasa likod ng puno .Tila hindi masaya ang mga ito at parang matalim kung tumingin sila sa kanila.Lumapit siya kay Diane para akbayan ito . "bakit?" gulat na tanong nito sa kanya .Ngumiti lang siya at sumenyas na ipagpatuloy ang pakikipag usap sa mga kababaihan na mga tauhan ng hacienda. "tara na at may asikasuhin pa ako . Kailangan madala ang mga gamit dito para simulan na ang mga pabahay" medyo nilakasan niya ang kanyang boses para marinig ng sino man . Hindi naman niya pwedeng paunahin ang asawa niya dahil baka may mga taong gus
''baka may naalala na si Amber hindi niya lang sinasabi '' napaisip si Diane sa sinabi Cash hindi kaya tama ang sinabi nito na may naalala na nga siya talaga . Nasa mansion ngayon ang kaibigan dahil ayon daw kay Amber ay puntahan niya si Diane dahil walang kasama ito sa mansion . Hindi naman agad tumanggi si Cashandra kaya nagpahatid siya kay Theo at nag iwan din ang asawa niya ng mga bodyguard. ''sana nga kasi beshy buti hindi nalalaglag ang panty ko sa palaging pa sweet gesture and mga ginagawa niya sa akin para talaga kaming totoong magasawa '' pakiramdam niya nasa alapaap siya habang ninamnam ang mga masasayang nangyayari sa kanila ni Amber . Walang araw na hindi siya kinikilig sa mga punch line nito .Lahat dinadaan niya sa sweet kung paano siya lutuhan at ihanda ang mga gamit niya .Parang takot siyang masanay dahil baka bigla na naman siyang iwan ni Amber pero parang hindi na iyon mangyayari dahil sa pinapakita nito sa kanya ay isa kakaiba at talagang sincere . ''ilaglag muna
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang