Naiinis na bumalik si Cashandra sa party hindi niya makakalimutan ang nasilayan niya sa banyo . Nanlalamig parin ang mga kamay niya dahil nakikita niya si Theo na nakatingin mula sa gawin nila ni Nich . ''babe gusto ko yon '' tinuro niya ang isang pagkain at agad naman pumunta kumuha si Nich para sa kanya . '' here's your order ma'am '' natawa nalang si Cash sa kalokohan ni Nich .Hindi niya maitatanggi pero malakas ang humor ni Nich pagdating sa kanya . ''uyy mukha atang nakatingin kana naman kila Nich ?" binigay ni Zyrius ang isang baso ng wine . Kanina pa niya nahuhuling nakatingin si Theo sa babaeng kasama ni Nich . ''girlfriend niya ba ang kasama ?" tanong nito sabay inom ng wine pero hindi parin maalis ang mata sa babaeng walang paki alam sa kanya . ''yes at isang buwan na ata sila according to my twins .'' ''hindi mo ba naalala yang babae ?" tanong nito kay Theo .Kilala niya ang babae dahil ito ang gusto noon ni Theo kahit hindi niya sabihin na gusto niya ang dal
Nakatingin ang mag asawa sa anak nilang si Faye na bigla bigla nalang itong umuwi sa kanila kahapon .Alam nilang may mali dahil lalong nangayayat ang anak nila sa piling ni Theo . '' papayag ka bang ganon nalang gawin sa anak mo ang balewalahin ni Theo ?'' ''at sino nagsabing papayag ako nahihibang ka ba Lumina sinong ama makita ang anak na nasasaktan kahit hindi nagsasabi ng problema ang anak mo alam ko may kinikimkim yan '' kuyom ang palad ni Fidel habang iniisip ang mukha ni Theo .Hindi niya gustong wala itong paki alam na basta basta nalang umalis ang anak niya sa kanilang bahay ng gabi Tahimik lang si Faye na nakatingin sa swimming pool .Ito ang kahiligan niya noong kompleto pa ang kanyang mga paa. Naawa na siya sa kanyang sarili dahil sa lahat ng gusto niya ay hindi na niya magawa .Kahit ang paligayahin niya si Theo ay wala parin sa kanya . (flash back) Lasing na lasing si Theo umuwi at alam niyang galing sa bar ang kanyang asawa dahil ayon sa kanyang inutusan na sundan
''Cash sabi ni Zedo binilin sa kanya ni Zyrius punta ka na raw ngayon sa kompanya nila '' labis ang tuwa ni Cashandra sa sinabi ni Diane akala niya wala na siyang mapapasukan pa na kompanya ayaw naman na niya bumalik pa sa kompanya ni Nich dahil ayaw niyang ma issue at baka sabihin ng lahat na sinasamantala nila ang pagiging magkarelasyon nilang dalawa .''sige at magbihis lang ako.'' maaga pa naman at sabay nalang sila ni Diane umalis dahil papasok na rin ito sa kompanya ng Fortillen.Gustong siyang ipasok ulit ni Diane sa kompanya ng mga Fortillen pero hanggang ngayon hindi parin niya nakakalimutan ang nangyari sa kanya kahit napatunayan ng wala siyang sala dahil si Irene natanggal na rin tulad niya . ''tara na'' saad nito saka sumakay sila sa kanilang kotse .Hindi na niya sinabi pa kay Nich ang tungkol sa pag apply niya ng ibang work dahil ang gusto nito magpapatayo nalang siya ng simpleng business .Pero hindi niya tinaggap dahil kakaahon niya lang at wala na siyang iisipin pa .Gu
Habang kumakain sila ng hapunan ay naisip ni Diane tanungin kung alam naba ni Nich ang tungkol sa trabaho ni Cashandra. ''alam naba ni Nich na nagtatrabaho ka doon sa model agency ?" Tinigil muna ni Cashandra ang pagkain at naisip niya hindi pa pala niya nasabi kay Nich ang tungkol sa bago niyang trabaho .Umiling siyang humarap kay Diane at nagdadalawang isip siya na aminin kay Nich dahil sigurado siyang hindi papayag ito . ''dont worry ako bahala kay Nich '' ''pero mag uusap kami mamaya .Tawagan ko siya '' ''ano kaba magkalapit lang bahay natin sa kanila puntahan natin siya mamaya after natin kumain lalot nabalitaan ko may bago daw recipe si tita Gil ng cake '' nasabi kanina ng ina ni Nich na punta sila sa kanila para tikman ang gawa nitong cake .Pumayag na rin siya sa mungkahi ni Diane at tinignan niya ang oras mag alas syete palang naman ng gabi kaya maaga para para mangapitbahay muna sila . Muli niyang naalala noong bata siya laging nasa kapitbahay sila ng kanyang ina
'' mag ingat ka doon besh " hindi na muna pumasok ng trabaho si Diane dahil tutulungan niya si Cashandra mag impake at para na rin ihatid niya ito para sa pagpunta nito sa palawan . ''ano kaba palawan lang ang pupuntahan ko '' natatawa niyang sagot sabay lapag ang isang maleta pababa ng kotse . Nagyakapan muna sina at nagpaalam sa isat isa .Parang kapatid na ang turingan nila kaya hindi nila maiiwasan mamiss ang isat isa. Pinaalis muna ni Cashandra si Diane bago siya pumasok sa kompanya dahil ayon kay Zyrius doon sila magkita kita bago pumunta . ''kala ko po magresign na po kayo ?" tanong niya sa dating assistant ni Zyrius nagtaka siya dahil naroon at may dalang maleta . ''orient muna kita sa lahat ng gagawin mo at nakiusap sa akin si Zyrius '' hindi niya masabi kung mabait o masungit ang babae dahil malumanay magsalita at hindi palangiti .Nakasuot ito ng makapal na salamit at manang manamit . ''wag mo akong tignan ng ganyan !'' bigla siyang nahiya sa kanyang inasal
''aba makayakap naman si sir akala mo unan lang si ma'am Cash '' isang oras mahigit lang naman ang kanilang byahe pero mahimbing parin ang tulog ng dalawa . Nasa higit sampung minutos na nila tinitignan ang dalawang mahimbing ang tulog at magkayakap pa ang mga ito . ''mauna na kayo at ako na ang gigising sa dalawa '' utos ni Zyrius sa kanilang .Agad naman tumalima bumaba ang lahat .Tinitigan niya muna si Theo bago gisingin .Napapangiti nalang siya sa dalawa dahil parang hindi aso at pusa .Alam niyang hindi magkasundo ang dalawa dahil sa kalokohan ni Theo na kahit sinong mababae ay maiilang sa tulad niya . ''bro gising ''tinapik niya ito sa mukha . Dahil hindi nagising sa unang pagtapik niya ay inulit na naman niya ito ng dalawang beses . ''hmm istorbo ka naman '' humibikab pa ito at dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata .Nakita niyang nakayuko si Zyrius malapit sa kanyang mukha . ''grabe manggugulat ka talaga .May balak ka bang halikan ako bro ?" agad pinitik ni Zyrius ang
''alam ko balak mo sa dalawa kaya hindi mo pinasunod ang napiling modelo ni sir Theo ?'' ''talagang nababasa mo ang isip ko Maya ah '' ngumiti lang si Maya at tumingin ulit malapit sa dalampasigan .Naroon na ang mga kasama nila at ganon din ang team ni Theo dahil VIP sila sa hotel ay nagpasya silang mag hapunan sa tabi ng dagat . ''makatitig ka sa kanya matunaw '' inirapan lang ni Theo si Zyrius at nagpasya siyang sagutin ang tawag ni Faye . '' kamusta Cash alam ba ni Nich na narito ka ?" kagat labing umiling si Cashandra hindi pa niya nasabi at nag aalinlangan siyang tawagan . ''kailangan mong paalam mamaya after ng hapunan '' tumango lang siya at umalis na rin si Zyrius sa tabi niya . Pagkarating ng mga server na mga crew ng hotel dala ng pagkain ay nagsilapitan ang lahat .Pa side ang tingin niya kay Theo na umupo sa kanyang tabi .Tahimik lang silang kumain. Ang dinner ay masasabi nilang maayos at masasarap ang mga pagkain na inahin sa kanila kaya nabusog ang lahat at nagpasy
Nasa set na sila ng lumapit agad si Maya para sabihin kila Theo na hindi dumating ang dalawang model na nahuling nagbyahe . ''my gosh bro di mo man lang na confirm na hindi makakarating ang mga model mo ?" tila nanlulumong umupo si Theo mula sa artist chair na dala nila .Pinaaga nila ang magshoot para mauhanan ang palabas palang araw . ''hanap ng iba bro kaysa naman magsayang tayo ng panahon at pera dito '' kunot noo siyang tumitig kay Zyrius parang kampante lang ito at walang problema sa modelo na hindi dumating . ''aba at sino naman ang ipapalit natin ngayon ?" tanong nito . Parang sumakit ang kanyang ulo .Alam niyang makakagawa ng paraan si Zyrius pero gusto niya ang mga model na kanyang napili dahil fit sa kanila ang product na kanyang dala . Kunwaring nag isip si Zyrius ng ilang minuto at nakita niyang abala sa pag aayos si Cashandra.Talagang sinadya niyang paayusan si Cashandra sa mga make up artist ng agency para hindi gaano halata .Nagtataka pa ito kanina at mabuti
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang
"wala kaming ginagawang masama anak ..Oo alam namin na ganun ang balak ni Irene pero hindi siya ang may pakana sa pag ambush kila Diane at Amber sa daan" umuwi pa so Brix para komprontahin ang mga magulan matapos niyang malaman ang tungkol pag ambush ng mga kalalakihan kila Diane . Naniniwala siyang walang alam ang kanyang magulang dahil saan naman sila kukuha ng ganung kalalakihan gayong walang pera ang mga ito dahil binawi lahat ni Diane. "si Irene may alam ba dito?" galit niyang tanong . "sa tingin ko siya nalang ang dapat mong tanungin kami nasabi na namin ang totoo Brix. Plano lang namin iyon bago nangyari ang pag ambush sa kanila " matapos nila nalaman ang ganung nangyari kila Diane ay bigla silang natakot na baka sila ang pagbintangan nila .Isang beses na silang nakulong dahil sa ginawa nilang pag utos noon na sirain ang gamit sa hacienda para masira si Diane sa mga tao .Pero ang kumuha ng higit pitong tao para pagbabarilin ang mga ito sa daan parang hindi na nila kaya ang ga
"ano ba ang problema mo Kit bakit lagi nalang mainit ang ulo mo sa akin?" naluluhang tanong ni Dona sa asawa nito . "sino ang hindi magagalit sa isang unghang na tulad mo .Pwede mo naman kausapin si Diane para tumira tayo sa mansion niya diba " ito ang lagi nilang pinagtatalunan .Ilang beses niyang sinabi kay Kit na wala siyang karapatan sa kayaman na meron ang kanyang anak. "pera ng anak ko ay sa kanya lang Kit hindi ako pwedeng maki alam sa meron ang anak ko " isang malakas ang pinatikim ni Kit kay Dona.Dahil sa pagkabulag ng kayamanan na meron si Diane naging masama na siya .Ilang beses pina intindi ni Dona na wala silang karapatan pero pinipilit parin nito na hawakan niya sa leeg ang anak niya . "ang sama mo sa pagiging gahaman mo ngayon nagagawa mo rin akong saktan .Ayos pa ba ang isip mo Kit ?" may malaki siyang utang na dapat bayaran . Pinagmamayabang niya rin na may anak si Dona na taga pagmana ng million. "shut up Dona hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko" "paan
"mabuti at gising kana " pinikit ulit ni Diane ang mga mata parang hindi siya makapaniwala na buhay pa siya dahil nakikita niya si Amber .Mukhang kanina pa siya tinitigan. "nasaan ako ?" kunwari nitong tanong. "dinala kita dito sa hospital nawalan ka kasi ng malay kanina .Mabuti nalang at hindi kayo napahamak" alam na niya ang tinutukoy nito .Laking pasalamat niya dahil talagang ligtas na sila. "ligtas naba talaga tayo?" naluluha niyang tanong . "yes honey at hindi pa umaamin ang mga taong iyon sigurado akong may nag utos sa kanila para patayin tayo.. Pero kailangan parin natin mag double ingat dahil baka nariyan lang sa tabi tabi ang mgs nagbabalak na mawala tayo at hindi ko iyon aasahan mangyari " hinalikan niya ito sa noo at labi na siyang kinilig na naman siya . "ang anak natin?" tanong nito . "maayos ang lagay niya don't worry take time to rest para mabawi mo ang pagod sa kakatakbo mabuti nalang at kumapit siya ng maayos ." ngumiti siya at nagpasalamat ulit .Akala niya m