Share

CHAPTER 7

Author: lhyn
last update Huling Na-update: 2024-12-19 13:18:04

'' ano ginagawa mo dito Lucas ?" akala ni Diane kung sino na ang bisita na sinasabi ng kanilang guard .Isa palang maligno na naligaw sa kanilang pamamahay .

''gusto ko lang makausap si Cash sana kung pwede Diane !'' pinaikot ang mga mata niya dahil sa mala anghel na boses ng lalaki . Simula sapol hindi na niya gusto si Lucas para sa kanyang kaibigan dahil kilala nya si Lucas bilang tirador ng mga babaeng alam niyang madaling makuha at mabuti nalang naki pag break ang kaibigan niya na walang nangyari sa kanila . Pinapasok niya ito at niyaya sa kanilang sala .

''tawagin ko lang siya '' wala silang pasok ngayong araw dahil sa pagkamatay ng Chairman na kanilang pinagtatrabahuan tatlong araw ang binigay ng anak niya para sa kanilang empleyado .Pero ang masaklap ang mga gawain nila sa opisina ay dala dala nila kaya napuyat si Cash kagabi dahil marami itong trabaho na baon sa bahay .

''Cash !'' kumatok muna siya sa kwarto nito .Kahit matalik silang magkaibigan ay hindi nila nakakalimutan ang privacy ng bawat isa dahil para sa kanila respeto ang ganung bagay .

Abala sa pagsusuklay si Cashadra ng may kumatok sa pintuan .Tinapos muna niya ang pag aayos ng sarili bago bumaba para magluto sana ng pagkain nila ni Diane . Maay katulong ito pero naki usap siya kay Diane na magbakasyon muna ang katulong habang nasa bahay sila dahil walang pasok sa opisina at mabuti nalang pumayag ang kaibigan nito sa kanyang mungkahi .

'' bakit besh ?'' tanong nito pagkabukas .

''nandyan ang maligno mong ex '' lumabas siya ng kwarto at tumingin sa baba nakita niyang nakaupo si Lucas sa may sofa .

''bakit nariyan yang kumag na yan ?" tanong nito sa kanya .Nagkibit balikat lang si Diane dahil wala naman siyang ideya kung bakit bigla bigla itong pumunta sa kanila .

''puntahan muna at maghanda lang ako ng meryenda and paalala ko sayo bruha !! wag na wag kang makipagbalikan sa maligno na yan ah dahil kung hindi lagot ka sa akin .Uubusin ko ang buhok mo '' pagbabanta niyang saad .Ngumiti lang si Cashandra dahil sa pilyang pinagsasabi ni Diane sa kanya .

''over my dead body....Kung nasaktan ako enough na yon besh ..kaya wag mo ng akong pagbantaan '' natatawa niyang sagot .Alam niyang hindi nagbibiro ang kaibigan .Alam niyang pagod na ito sa kaka advice sa kanya noon dahil sa katangahan niya sa pag ibig .

Sabay silang bumaba ng hagdan pero siya lang ang dumeretso sa sala para kausapin ang naliligaw nilang bisita .

''salamat at pumayag kang kausapin ako Cash '' tumayo ito at akma sana bebeso kay Cashandra nang biglang lumayo ito at umupo sa kabilang sofa .

''upo ka '' utos nito .Pagkaupo niya sa sofa ay pinagmasdan niya si Lucas at nasasaktan parin siya dahil sa taong nasa harapan niya .

''salamat Cash !'' tumitig siya sa babaeng sinaktan niya at nanghihinayang siya na hiwalayan ito pero wala siyang magagawa dahil ayaw niyang magulo ang buhay ni Cashandra dahil sa mga magulang niya .Hindi rin sila magiging masaya pag oras na pinilit nila ang relasyon na meron sila kaya gumawa siya ng paraan para hiwalayan ito kahit alam niyang masasaktan niya si Cashandra.

''ano pala ang nakain mo at pumunta ka dito ?'' seryoso nitong tanong .

''gusto ko lang sana maghiwalay tayo ng walang sama ng loob Cash .Pumunta ako dito para sabihin sayo ng paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sayo '' tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa mga naririnig niyang sinasabi nito .Parang naninikip ang dibdib nito dahil sa sakit . Ang dali lang sa lalaki ang hiwalayan dahil hindi siya mahal nito .Tumayo muna siya at tumungo sa likod ng bahay nila Diane para makalanghap ng hangin .Parang naninikip ang kanyang dibdib dahil parang may tumutusok dito .Humugot muna siya ng hangin bago humarap kay Lucas na sumunod sa kanya .

''ilang taon Lucas .Ilang taon mo ako ginago pero pilit ko parin iniintindi lahat ng panloloko mo sa akin dahil mahal kita .Anong rason bakit ganon ganon mo nalang ako hiwalayan Lucas ..ANO !!'' napalakas na ang kanyang boses dahil sa sama ng loob at pighati .

''ayaw ko sa pakipot Cash at ayaw ko sa mahirap '' isang malakas na sampal ang kanyang napakawalan sa mukha ni Lucas .Parang isang iglap lang ang sampal na nagawa nito dahil sa pagkabigla sa mga sinabi niyang ayaw niya sa mahirap .Pagkatao na niya ang diniin nito at pagkatao na niya ang parang naapakan .Alam niyang mahirap lang siyang babae pero hindi niya iyon kinakahiya pero ang ipamukha sa kanya ng lalaking minahal niya ng ilang taon masakit para sa kanya madinig iyon sa mismong labi niya .

''kahit hindi ka opisyal na makipag hiwalay Lucas talagang hindi ako magmamakaawa na bumalik ka sa akin .Dahil wala sa bokubulary ko ang manghabol sa isang tulad mo '' tinulak niya ito ng malakas kaya muntik ng natumba si Luca .Dali dali siyang pumunta sa kanyang kwarto at doon niya binuhos ang mga sakit na kanyang nararamdaman dahil kay Lucas .

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 315

    Dahil sa issue sa kanila ni Xavi nagpasyang iwasan nalang ni Faith ang CEO bago pa siya mapatalsik ng wala sa oras . Kailangan niya ang trabaho dahil pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang business kahit maliit lang ang importante ay may sarili siyang pera . '' pinapatawag ka ni sir '' wala siyang nagawa kundi tumayo at pumunta sa opisina ni Xavi . Tumingin pa siya kay Maica at nanlilisik ang tingin nito sa kanya at mukhang hindi nito nagustuhan na papunta na naman siya sa opisina ni Xavi .Gusto man niyang asarin si Maica medyo natatakot naman siya na baka lalong masira ang kanyang pangalan kung patuloy siyang lumapit sa CEO . Pagpasok ni Faith agad na tinigil ni Xavi ang ginagawa nito at tumayo sa harap ni Faith sabay halukipkip at napatitig sa ganda ng mukha ng dalaga .Inaamin na niya sa kanyang sarili na may kaunting pagkagusto na siya kay Faith at hindi na niya iyon maiiwasan pa . ''iniiwasan mo ba ako ?" kahapon pa siya iniiwasan ni Faith at napansin niya ito . '' hind

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 314

    "mister Fortillen mali ata na ang anak mo ay nakikipagrelasyon sa isang empleyado lamang ." imbes na nakaramdam ng galit si Theo hindi na niya magawa dahil may tuwa sa kanyang isipan na mukhang umiibig na ang kanilang anak . "anong mali doon???" seryoso niyang tanong .Hindi pwedeng ipahalata niya na masaya siya at baka lalong mainis si mister Rivera ."itong larawan na ito nakikipagrelasyon siya sa isang designer natin at mukhang ginagamit ng babaeng yan ang pakikipag sipsip niya sa anak mo para yung design niya lagi ang napipili .Look naging model pa siya ng kompanya ng ganun ganun lang samantala ang dami nating model bakit ito pa ang kinuha ng anak mo " parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa nakita niyang larawan na nakikipagyakapan si Xavi sa isang magandang dalaga .Wala naman mali kung kinuha ng anak niya bilang model ang babaeng kayakap nito dahil ayon sa kanyang asawa na si Cashandra maganda ang napili ng kanilang anak maging model .Bagong mukha at mas lalo silang natuwa dah

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 313

    '' Xavi pinapatawag mo daw ako ?" kitang kita ni Xavi ang tuwa sa mukha ni Maica . Parang wala itong nagawang masama at mukhang inosente parin . Buntong hininga siyang tumingin sa mga design at nilabas ang kay Maica na sinasabing nawawalang design ni Faith . Hindi sa may pinapanigan siya kundi gusto niyang malaman kung totoo bang ginawa ito ni Maica ,at kung totoo man kailangan managot ito . '' can you explain kung ano ang ibig sabihin ng design mo ?" napalunok ng wala sa oras si Maica habang tinignan ang nakalapag na design sa harap ni Xavi .Akala niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinatawag iyon pala ay ang mag explain lang pala ng design.Nagtataka man ang kanyang isipan kinuha niya ang kanyang design at tinitigan ito .'' bakit isa ba siya sa napili ?" tanong nito . '' oo at gusto ko malaman kung ano ang explaination mo about this '' may tuwa sa kanyang isip .Nagagalak siya dahil napili ang kanyang design pero may inis siya dahil kung hindi design ni Faith mapipil

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 312

    Napatigil si Maica pagpasok sa kompanya dahil nakita niya ang larawan ni Faith sa mga tarpulin na nagkalat sa buong kompanya .May napansin din siyang billboard na malak mula sa harap .Nainis siya dahil bakit si Faith pa ang kukuning model gayong marami naman silang model . ''grabe asensado na talaga si Faith '' tila hindi makapaniwala ang mga katrabaho ni Faith dahil sa ganda nito .Para sa kanila bagay pala si Faith maging model ng mga alahas dahil napaka fierce ng mukha nito sa mga larawan .. '' pasipsip lang sa CEO kaya naging model '' galit na saad ni Maica sa mga kapwa niya empleyadong nagchichismisan . Hindi niya matanggap na isang tulad ni Faith ang makakakuha sa kanyang pangarap maging model ng mga alahas galing sa mga Fortillen. '' ganun ba iyon ?" naniwala naman ang iba kaya naisip nila kaya pala naging model ito agad dahil pasipsip . '' isipin mo kasi diba lagi siyang napipili sa design tapos kasama lagi ni Xavi '' narinig naman ni Neshie ang paninirang puri n Maica k

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 311

    Matapos ang kanilang date medyo nakaramdam na rin ng lamig si Faith . Napansin naman ni Xavi kaya binigay niya agad ang suot nitong coat . '' salamat '' saad nito . Medyo nahihiya na siya sa nangyayari sa kanila ni Xavi .Iba talaga ang nararamdaman niya para kay Xavi pero mali kung ituloy niya ito . ''hmm mukhang naantok kana pwede na sigurong pumunta na tayo matulog '' mukhang wala pa silang pahinga kaya at humihikab pa ito ng palihim . '' ayos lang ba sayo ?" naantok na talaga siya at mukhang iba ang epekto ng wine kanina na ininom nila . '' hmm oo kasi maaga pa tayo bukas uuwi '' kailangan nilang umuwi bukas dahil tapos naman na ang kanilang shoot at sigurado pwede ng ireleased ang mga tarpaulin at billboard bukas para sa set ng jewelry nila . ''namili kana ba sa pinasa naming design ng necklace?" tanong nito . Gusto niyang malaman dahil isa sa design niya ang gusto niyang mapili para kahit papaano parang unique ang design na yon na kadalasan ang mga kabataan ngayon ni

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 310

    Habang panay ang pagpause ni Faith sa harap ng camera nanatiling nakatitig lang si Xavi sa kanya . Hindi siya nagkakamaling kinuha si Faith bilang model nila dahil fit na fit ang alahas na kanilang pinasuot . Pagkatapos ng photoshoot nagpunta muna saglit sa banyo si Faith para makapaglabas ng sama ng loob mula sa kanyang puson .Kanina pa niya pinipigalan para hindi lalabas kaya tinodo na niya kanina ang alam niyang pose para matapos na at makaihi na siya . Lumapit ang cameraman kay Xavi at binigay ang mga larawan na kanilang kuha bago nila ma print at ilagay sa may billboard. '' paki suri nalang lahat ng larawan sir'' '' maganda .. sige pasok na lahat ito '' para sa kanya hindi na pwedeng itago ang mukha ni Faith dahil bagay sa kanya ang pagiging elegante habang suot ang mga alahas . Sa mata ni Faith siya nakatingin para sa kanya ito ang mas nakakapukaw ng atensyon dahil kumikinang ang mga mata ng dalaga .'' po ?" '' bakit may mali ba sa sinabi ko ?" ''wala naman sir sige po at

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status