Share

Chapter 1: Annoying

Interview ko na ngayon sa dami ba namang pinasahan kong resume ay ni isa wala man lang nag reply. Mabuti nalang nitong umaga ay may notification akong natanggap sa email ko, hiring raw ng admin assistant sa L&E Fashion Company, sakto rin na ito ang gusto kong mapasukan na kumpanya. Mahilig rin kasi ako sa mga damit dahil Local model ako sa probinsya namin sa Camiguin. Bago lang ako dito sa Manila kaya hindi ko rin masyado alam ang pasikot sikot dito.

Pagkakita ko na hiring ng admin assistant ay hindi na ako nagdadalawang isip pa dahil kailangan ko rin talaga makahanap ng full time job, ayaw ko na ng part time job. Meron akong mga experiences pero tumatagal lang ng tatlong buwan dahil narin sa dinadala kong sakit. Bigla bigla nalang kasi akong nahihilo pero sabi nila, ako raw 'yong tipong babaeng may dinadala na karamdaman pero hindi nagpapatalo kahit kanino man saka palatawa at makulit rin talaga ako at kapag may nang-aasar sa akin ay ayaw ko rin magpatalo.

Papunta na ako sa kumpanyang pag a-applyan ko, hindi na ako nakapag researched pa dahil wala ng oras at nagmamadali narin kasi ako dahil sobrang hirap sumakay papuntang makati, anong oras na ma li-late na siguro ako nito, sabayan mo pa ng traffic sa Manila na hindi matapos tapos.

"Uy! may taxi na." Napasigaw ako dahil sa wakas may taxi narin na walang sakay halos kanina kasi may mga pasahero.

May lalaking nasa gilid ko, he's wearing a dark blue tuxedo, black slacks at may katangkaran rin ito halos magkasing tangkad lang kami. Tila'y nagmamadali rin yata ito. Sa isip isip ko unahan ko na ang mga tao rito na sumakay ng taxi, uunahan ko rin itong lalaking 'to dahil panigurado makipag unahan din talaga ito.

"Manong sa Makati po."

"Manong sa Makati po."

Nagkasabay kaming magsalita at talagang parehas pa kami ng destinasyon. Nagkalapat ang aming mga kamay sa hawakan ng taxi dahil nag uunahan na kami sa pagbukas nito. Nagkatinginan kami sa puntong ito.

"Ay... Ano ba! ako ang nauna," madiin kong pagkasabi ko sa kanya.

"Saan sa makati?" tanong ng driver.

"Sa may Ayala Avenue."

"Sa may Ayala Avenue."

Binuksan na niya pero na itulak ko siya.

"Please, ako muna. Ma li-late na ako."

"Hindi, ako muna!"

Napakamot nalang ng ulo ang taxi driver at halos umawat na ito. Sumingit ito sa kalagitnaan ng aming pagtatalo.

"Sige, ganito nalang. Bakit hindi nalang kayo magsabay dahil parehas lang naman kayo ng pupuntahan?"

"Ayoko po manong. Nagmamadali ako saka ayaw kong may kasabay," pagpapaliwanag ko kay manong driver.

"Ako rin, ayoko ng may kasabay. Sanay ako sa sasakyan ko na ako lang mag-isa."

Hindi talaga kami nagkakaintindihan kaya naghilaan pa kami. Bigla nalang dumating ang traffic enforcer at pinapasok kaming dalawa sa taxi.

"Ano? mag aaway paba kayo? may paparating pang ibang bus at taxi rito oh, kanina pa 'to nakatigil ang taxi, mga perwisyo!" pagalit na pagkasabi ng traffic enforcer sa amin kaya walang choice sabay nalang kami nitong lalaking 'to.

Siya nasa kanang banda at ako naman ay nasa kaliwa, walang imikan na nangyari parang hindi naman kami nag hilaan kanina, parang walang nangyaring pagtatalo, chill lang kunwari bagong sakay lang ang isa sa amin.

Dahan dahan akong lumilingon sakanya, dahan dahan rin itong lumilingon sa akin. Halos nagkakasabay kami ng lingon peru dahil mapag kunwari kaming parehas ay binabaling ko rin kaagad ang aking mata.

Tanaw ko naman na si manong driver na nakasulyap sa kanyang salamin. Nakiki balita rin siguro itong si kuya kung mag iimikan ba kami.

Ibinaba kami ni manong rito sa may eskinita ng Ayala Avenue hindi raw kasi pwede siyang maka diretso roon.

"Bad trip, lalakarin ko nalang siguro, twenty minutes nalang ay mag alas otso na."

Binilisan ko na ang paghakbang pero nararamdan kong may sumusunod sa akin. Paglingon ko 'yong lalaki pala na nakasabay ko sa taxi, na nakaaway ko kanina. Tumigil ako saglit para kausapin siya.

"Sinusundan mo ba ako?"

"What? hindi karin pala nakikipag unahan lang sa taxi, assuming karin pala. Hindi ba pwedeng parehas tayo ng way na pupuntahan?" tumatawa nitong pagkasabi habang naka pamaywang.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ngunit sumusunod parin talaga.

"Ano? susunod ka talaga?"

Paglingon ko, matandang lalaki pala nasa likuran ko. Halos magtagpo ang kanyang kilay sa sinabi ko.

"Ay! pasensya po." manipis kong ngiti habang sinasabi ito. Sa walang pag alinlangan ay tumakbo agad ako.

Takti na, baka mapalo pa ako ng tungkod ni lolo.

Pagkarating ko sa labas ng kumpanya ay nagtanong agad ako sa security guard kung saan ang applicant's area. Sabi ng guard sa may 3rd floor raw. Paglingon ko rin ay wala na yung lalaking nakasabay ko kanina. Siguro nag a-apply rin iyon ng trabaho.

Grabi, nakakamangha sa ganda ang building na ito, sakto lang ang lawak at laki nito. Hanggang 3rd floor raw ito at sa 3rd floor ang mga opisina sa 1st floor naman ay mini shopping mall ng kumpanya kung saan naka display ang mga damit, terno short & top, gowns at mga bikinis na sariling tahi ng kumpanya. Sa 2nd floor naman raw ay kung gusto mo magpa costumize o magpatahi ng sariling design. Medyo nanibago lang ako sa ganitong mga building dahil wala namang ganito kalaki na mga building roon sa probinsya namin.

Pagkarating ko dito sa 3rd floor ay nagsimula na pala ang short orientation. May short orientation lang raw kasi bago magsimula ang interview.

"Good morning applicants, welcome to L&E Fashion Clothing Company. My name is Jenica Garcia, HR assistant of L&E Company."

Mabuti ay nakahabol pa ako, nakinig muna kami sa introduction ni Ms. Jenica about sa company.

"Okay, let's start. Alexis Dela Cruz, you may now enter the interview room."

Sobrang kabado ako ngayon, sakto pa ako ang unang i-interviewhin. Mabuti naman ay nasagot ko rin lahat ng tanong. Ngayon ay for endorsement na ako sa Ceo para sa final interview dahil sinabi rin agad ang result.

Nakapasa ako!

Sobrang saya ng puso ko. Papunta na ako sa opisina ng Ceo, ano kaya ang itsura niya? sabi nila marami raw patay na patay sa ka gwapohan at katangkaran nito. Kumatok muna ako at agad binuksan ang pintuan. Nagbasa ito ng libro kaya natakpan ang mukha nito. Dahan dahan akong lumapit.

"Good morning sir."

Namilog ang aking mata ng pagbaba niya ng libro ay ang Ceo pala ng kumpanyang ito ay ang lalaking nakasabay ko sa taxi kanina. Hindi ko alam anong gagawin ko, biglang nag flashback 'yong nangyari kanina na nag uunahan kaming sumakay sa taxi saka yung akala ko na sinusundan niya ako.

"Good morning?" pang asar na pagbati nito kulang nalang sabihin niya na anong maganda sa umaga.

"You may sit down." saad nito.

Patay kana talaga Alexis mukhang evicted kana yata agad hindi ka pa nga na hire eh, mukhang ligwak na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status