Share

Chapter 5: Confused

Hindi ako maka move on kung anong nangyari sa amin ni Mr. Raven kanina, nakakabigla na ewan hindi ko maipalawanag. Mabuti narin siguro na dumating si Ms. Nica Illustre kun'di ay baka nawala na ang iniingatan ko peru bakit kaya gano'n ang pinakita ni Mr. Raven na parang kunwari galit siya sa akin? Kung talagang hindi totoo na nasa mutual understanding sila sana man lang hindi pasigaw ang boses niya sa akin kanina. Bahala na, gusto kong makalimutan lahat ang nangyari kanina, Alexis naman bakit kasi nadala ka, okay sige, hindi na nga iisipin.

Palabas na ako ng building at ayon na nga si Kiko hinintay talaga ako.

"Girl ang tagal mo naman, may nangyari bang hindi dapat mangyari?"

Napalunok ako sa hindi tamang oras, ayaw ko na nga maalala eh.

"Girl, ito parang tanga, ba't napalunok ka? Ibig kong sabihin kong may nangyari ba na hindi dapat like pinagalitan kaba, sinigawan kaba. Ang dumi ng utak nito," sambit ni Kiko habang abala sa paghahanap ng aming masakyan.

Hindi na ako nakapagsalita pa at sumakay na kami ng grab ride papuntang BGC nagpaalam narin ako kay Mommy Luticia at sa tita kong nag alaga sa akin sa probinsya.

One month palang ako rito sa manila dahil sa camiguin talaga ako nag-aral at si Mommy Luticia naman ang nagbigay sa akin lahat ng pangangailangan ko, naawa raw kasi si mommy sa akin noon dahil wala na akong Mama at papa kaya nakapag desisyonan niyang siya ang magtustos sa akin pati narin bilang personal doctor ko. Sabi nila tita ay nakilala lang raw nila si mommy sa mismong hospital noong nagkasakit ako. Thankful ako kina mom at tita na gumabay sa akin hanggang sa aking paglaki.

Bumaba na kami ng sasakyan at namangha naman ako sa ganda ng BGC ganito raw dito kapag gabi maraming tao at maraming gimikan, kanina nga ay nakita ko si Nadine kasama ang kanyang glam team grabi, ang ganda niya gusto ko na nga sanang puntahan kaso napansin ko halos mga tao rito parang araw-araw yata sila may nakakasalubong na artista nakakahiya naman kung lalapit ako roon at mag susumigaw saka privacy nila 'yon.

It's 8:00 in the evening na kaya halos mamangha ka talaga sa mga tao rito na pang concert ang outfit buti nalang naka skirt ako ngayon na above the knee and may sapaw ako sa polo ko kaya hinubad ko nalang ang polo para ang white string top ko lang ang makita na hanggang pusod, pair naman siguro sa pink kong skirt at heels ko na white. Well, magpapakabog paba si Kiko? Queen of fashion yan eh kayo na bahala mag imagine ano sout niya basta bongga yang baklang yan.

Napagdesisyon nalang ni Kiko na doon nalang raw kami sa hidden bank bar para raw ay makapasok ako at ma experience ko.

Bigla nalang pumasok si kiko sa 7'elev resto sabi ko pa "bakit naman sa 7'elev resto kami pumasok?" shsh... lang raw ako. Nabigla naman ako na pagbukas ng pintuan ay nasa ibang dimensyon na kami. "I was amazed ha." Turan ko sa aking sarili habang tumitingin sa kaliwa't kanan.

"This is one of the famous bar here in BGC, hidden siya kasi nga nasa loob ng 7'elev resto, pagpapaliwang ni kiko sa akin.

Naalala ko nga ito na parang nag viral pa nga ito. Hindi ko lubos akalain na sobrang mahal pala ng mga inumin dito, sa probinsya kasi ay mahal na sa akin ang flavored beer samahan mo pa ng Tanduay Ice, noong bago pa ang mga inumin na iyan ay tiyak na mukhang may pera ka sa paningin ng iba kapag umiinom ka n'yan.

We decided na mag tequila nalang kami and then after niyan gusto ko rin subukan uminom ng cocktail drinks. Malakas ang tugtog rito ang iba ay sumasayaw ang iba naman ay nag kukwentuhan lang. Hindi ko na napansin, naparami na pala ang inom ko, patay talaga ako nito. Tanaw ko na si Kiko nakipag shake hands na sa kabilang table nakita raw niya friend niya at may kasamang shupapo.

"Girl, ano kaya paba? Hindi na tayo mag duty bukas deserved natin ito."

Loko talaga to si Kiko ang dami pa ngang pendings. Nakasandal na ako ngayon sa balikat ni Kiko and you know kapag ganito hindi mawala ang deep talk hindi ko maiwasan maluha kapag nababanggit ko sila Mama at Papa kahit anong pilit ko wala akong maalala na binurol sila.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko pagtingin ko ay si Mr. Raven pala ang tumatawag, ano nanaman kaya kailangan nitong supladong to, mag ala una na ng madaling araw tumatawag parin.

"Sino yan?" Pilit binabasa ni Kiko ang pangalan nito. "Sup...la...do?"

"Wala 'to, hayaan mo na." Pilit agawin ni Kiko ang cellphone ko kaya iniiwas ko naman ito at nahulog ito sa sahig agad kong kinuha ngunit nasipa naman ng may dumaan.

OMG ka talaga Kiko, saan na napunta 'yon hindi pwedeng masira ‘yon, regalo nga lang iyon sa akin. Halos gumagapang na ako kakahanap dahil madilim naman dito sa loob kaso nakita kong may pumulot. Pagtayo ko ay isang lalaki ang may hawak ng cellphone ko at itinaas niya ito habang naka ilaw. Paglapit ko.

Shocks, how come Mr. Raven knows that Kiko and I are here? ang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit na nahihilo na ako ay sobrang linaw sa aking mata ang kanyang itsura. Lumapit rin si Kiko, akala ko ay mag panic ito ngunit pina inom pa nga ito at pina upo sa table namin.

Walang sinabi at walang reaksyon si Mr. Raven kun'di nakatitig lang siya sa akin. Si Kiko naman ay inaasar na ako. Naalala ko nanaman ang nangyari sa amin shit talaga. Bakit nga ba siya andito? baka makita pa kami ng MU niya makahanap pa ako ng gulo.

Nagpaalam na si Kiko dahil may emergency raw sa bahay nila kaya walang choice kun'di maiwan kami ni Mr. Raven.

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nakaramdam na ako ng hindi kaaya-aya sa tiyan ko, gusto ko ng sumuka kaya agad naman akong inalalayan ni Mr. Raven sa comfort room, pagkatapos sumuka ay hindi ko na alam ano ang sunod na nangyari.

----

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm, pagmamadaling bangon ko sa kama at agad binuksan ang cabinet.

"A-ano 'to? bakit mga tuxedo ito?"

Nilibot ko ang aking tingin, napakagat nalang ako sa aking daliri.

"Kaninong bahay 'to? bakit naka bath robe na ako?"

Halos di ako mapakali, pabalik balik ang aking lakad dito sa loob ng kwarto. Biglang may pumihit ng door knob, agad akong humiga sa kama na parang lilipad ang kaluluwa ko sa bilis at nagtago ako sa ilalim ng kumot. Dahan-dahan akong sumilip sa kumot at nakita ko ang paa ng lalaki, dinahan-dahan ko pa ulit ang pagsilip para mas makita ko pa hanggang sa mukha niya. Pinagmamasdan ko ang mabalahibo niyang binti, makinis na tuhod at... at... takti bakit na boxer siya? Bigla kong nabitawan ang kumot at agad akong pumikit, jusko lord na kidnap na yata ako. Hindi naba ako virgin? ang unfair naman dahil sa kalasingan ko hindi ko man lang na enjoy.

Sa kalagitnaan ng pagpikit ko ay inalis nito ang aking kumot.

"Alam kong kanina kapa gising, bumangon kana at kumain. May deduction ang late at possible bigyan ng memorandum."

S***a, si Mr. Raven? I'm sleeping with Mr. Raven?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
nd alam n raven nc alexis ang mtgal nya ng hinahanap,tadhana tlg n magtagpo cl
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status