Share

Chapter 3: Hired

Mr. Raven Chua's Pov:

I thought ma badtrip ako sa araw na ito. Nasiraan kasi ako ng sasakyan kaya nag commute ako kanina. I met this pikon girl na nakipag agawan sa taxi, I never expect na applicante pala siya ng kumpanya ko. Ewan ko ba sa daming babaeng nakausap at naka asaran ko siya lang talaga itong pikon at parang hindi interesado sa akin. Simula ng tinayo ko itong kumpanya ngayon lang ulit ako nakaramdam ng excitement. Yes, I admit it na maganda siya, sexy at matangkad peru there's something sa babaeng to.

I was 24 years old ng tinayo ko itong kumpanya. I was inspired that girl I saw in the accident 15 years ago. Kinuha ko kasi ang teddy bear niya noon at hindi ko inaasahan na may zipper pala 'yon sa likod, may isang boung papel at nakasulat roon ang mga goals niya sa buhay. Siya ang nag push sa akin para maging matatag at lalong maging matapang sa buhay kaso 15 years na ang nakalipas hindi ko parin siya mahanap ulit.

I don't even know her name saka lumipad kasi kami papuntang canada after a week nung nakita ko siya. I want to help her to get revenge sa nagbangga sa sinasakyan nila noon. Her family deserve a justice! Now, that I am 29 years old. Handang-handa na akong tulungan ang babaeng iyon. Mayron akong hindi magandang nabalitaan tungkol sa batang babae, namatay rin daw ito sa aksidente. Ayaw kong maniwala kasi 'yon ang sinasabi ng puso ko.

Pinaubaya ko nalang muna sa tadhana ang lahat. If we are meant for each other then destiny will always find a way pero kung hindi parin kami magkita, pipilitin ko paring magkita kami ulit. Kahit buhay man siya o hindi, aasa parin akong magkikita parin kami. I guess that is the true meaning of true love.

----

Alexis POV:

Nakarating rin ako dito sa apartment. Na bwesit lang talaga ako ngayong araw na ito. Ang lakas mang asar ni Mr. Raven. Kapag patuloy pa siyang mang asar talagang hinding-hndi ko siya uurongan peru iniisip ko rin kung nakapasa ba ako? Takti talaga.

Alam kaya ni Mr. Raven ang kalagayan ko? paano kung hindi ako makapasa dahil may sakit akong dinadala.

Pag open ko ng wifi ay may notification akong natanggap.

"Congratulations Ms. Alexis Dela Cruz for passing the final interview. Welcome to the L&E Fashion Clothing Company, we have a short orientation tomorrow at exactly 8:30 AM after the orientation you may start to work with your designated team. Please be on time."

Halos masira na ang kama ko kakalundag sa saya. Hindi ako makapaniwala na may full time job na ako. Tinawagan ko naman sina tita at si Mommy doc ko na si Dra. Luticia. Masaya naman sila sa ibinalita ko ang tanging paalala lang ni Mommy sa akin ay huwag mag skip ng gamot at huwag kalimutan ang talk theraphy namin na every 25th of the Month.

Sa totoo lang ay hindi ko alam anong sakit meron ako ang tanging sinabi lang ni Mommy Luticia sa akin at ng mga kamag anak ko sa probinsya ay ang Importante ay gagaling na ako. Minsan kapag may talk theraphy kami ni Mommy ay napapansin kong nangingilid ang kanyang mga luha. Palagi niya lang pinapakita sa akin ang mga litrato ng Inay at Itay ko. Wala kasi akong kapatid ako lang ang Unica ija ng aking mga magulang.

Maaga akong natulog at nag set ng alarm para hindi ma late sa unang pasok. Pagkarating ko rito ay marami rin pala kaming na hired at isa na doon si Kiko, ang baklang kauna unahang nakausap ko sa orientation room.

"Oh! you look so pretty in your outfit dear. What's your name?"

"Thank you, nakakahiya naman sa sout mo." Kiko is wearing a trouser and a turtle neck na colorful na may pagka glittery.

"My name is Alexis."

"I'm Kiko," pangiti nitong pinakilala ang sarili habang nilahad ang kanyang kamay bilang pagpakilala.

"Girl, si Mr. Raven din ba nag conduct ng final interview mo? Shit! ang gwapo niya no? siya talaga ang inspirasyon ko eh kaya dito ako nag apply." Halos mamula ang pisngi ni kiko habang sinasabi ito.

"Gwapo? saks lang naman saka napaka suplado niya rin talaga ah!"

"Sinong suplado?" Halos humiwalay ang kaluluwa ko ng may biglang sumingit sa aming usapan. Si Mr. Raven pala itong biglang sumingit sa usapan namin, andito siya sa likuran namin. Chismoso!

Sinisiko na ako ni kiko sa tagiliran habang bumubulong.

"Girl, bawiin mo, bawiin mo. Kailangan natin ng trabaho. Evicted na yata tayo nito wala pa naman tong vote to save."

Dumaan lang rin saglit si Mr. Raven para mang asar, pumunta talaga siya rito dahil mag welcome speech sa mga newly hired. Andito kami sa orientation room ngayon habang nagsasalita si Mr. Raven ay halos ang mga kababaihan at kahit si Kiko ay sasabog sa kilig ng naramdaman dahil kay Mr. Raven. Hindi naman rin maipagkaila ang kanyang ka gwapohan. Matangkad, moreno at matangos ang ilong kaso ekis siya sa akin. Ayaw ko ng suplado at masyadong feeling noh. Pagkatapos magsalit ni Mr. Raven ay agad naman itong umalis. Palabas na ito ng pintuan ng biglang humarap ito ulit.

"Ms. Alexis Dela Cruz, please come to my office right after the orientation."

S***a! nagtinginan ang mga kasamahan ko rito sa loob ng orientation room, ang mga titig nila ay parang kinilig na may halong inggit na bumabakas sa expresyon ng kanilang mukha. Tumayo ako agad at sinagot ito.

"N-noted s-sir, s-sige po." Halos pautal utal na lahat ang mga sinabi ko.

"Girl, if ever offeran ka ng arranged marriage sabihin mo lang sa akin, willing akong sumalo," saad ni kiko.

Loko talaga tong si kiko, I am so happy na may kaibigan na ako dito sa kumpanya. Paniguradong magkakasundo kami ni Kiko sa mga kalokohan. Habang nag d-discuss si Ms. Jenica, HR assistant ng kumpanya. Bigla nalang sumakit ang ulo ko, dahil siguro sa ilaw ng projector na ginamit ni Ms. Jenica, kapag natatapatan ako ng ilaw o di kaya'y maka aninag ako ng sobrang lakas na ilaw ay sumasakit ang ulo ko, nahihilo ako at nawawalan ng malay.

Pag gising ko ay nasa loob na ako ng clinic. Napalibutan ako ng mga kurtina, tatayo sana ako kaso narinig ko ang boses ni Mr. Raven kausap niya ata si Ms. Jenica.

"Na check mo ba ang medical ni Alexis? wala ba siyang sakit o ano mang pwedeng ikapahamak niya o ng ating kumpanya?"

pagtatanong nito kay Ms. Jenica.

"W-wala naman sir. Okay naman ang kanyang medical at wala rin naman siyang nabanggit na may iba siyang karamdaman."

Bakit gano'n? bakit nag sinungaling si Ms. Jenica? during interview ko sakanya ay na share ko sakanya na may sakit ako na laging nahihilo kaya may maintenance akong gamot at may talk theraphy session ako every 25th of the month. Bakit niya tinago kay Mr. Raven?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status