Share

Chapter 32

Lumapit si Raven sa akin at kinuha ang cellphone ko. Nanlaki ang mata at nagkatitigan kami. Halos mapako kami sa aming pwesto dahil hindi naman namin ito inaasahan na mangyari.

Nang natauhan si Raven ay agad itong sumakay ng kaniyang kotse at nagpaharurot. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Alam kong pupunta siya sa bahay niya dahil naroon si Alexis ngayon... Sa totoo lang ay nagaalala ako para sa kanilang dalawa. Hindi pa ako handa na mangyari to at alam kong hindi rin handa si Raven para dito. Paano na si Alexis?

Pagdating namin sa bahay ni Raven ay dali-daling pumasok ito at binuksan ang kuwarto ngunit wala na rito si Alexis. Halos hindi ko na maipinta ang mukha ni Raven sa puntong ito. Pabalik-balik ang kaniyang paglakad rito sa loob tila'y malalim ang kaniyang iniisip.

"Tol, tara! Baka nasa condo iyon nila ni Doc Luticia," pagmamadaling saad ko sa kaniya.

Iniwan na niya ang kotse at nagmamadaling sumakay rito sa kotse ko. Binilisan ko na ang aking takbo baka aalis nanaman iy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status