Share

Chapter 2: Interview

"May I have your resume?"

Inabot ko agad ang aking resume sa kanya. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Grabi, nakakahiya ang nangyari kanina.

"Alexis Dela Cruz and you are 24 years old. Ah, so, ito ang dahilan bakit ka nakikipag unahan kanina?"

Lord, ano ba ito? gusto ko lang naman mag apply bakit may ganito pa. Hindi naman ito kasali sa mga hiningi ko.

"Pasensya na po sir kanina. Gustong gusto ko lang talaga makapag trabaho na kaya gano'n na lamang ang aking pagmamadali."

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pag tanong.

"So, you are applying for an admin assistant position? I want to know what qualifies you for this position over other candidates?"

Seryusong tanong naman na siguro to ano? Hindi ba iba ang templa ng kanyang pagtanong? sige susubukan kong sumagot sa abot ng aking makakaya.

"I can say that I am qualified for this role because I have knowledge when it comes to fashion. My job experience and skills can be a good contribution to the company. I am also an effecient, natatapos ko kaagad ang mga task and duties na binibigay sa akin."

"What skills do you believe are most important in the role of an administrative assistant and why?"

"An administrative assistant needs to have soft skills such as excellent communication and time management."

Grabi, ang strikto niyang magtanong. Kakabahan ka talaga kapag ito ang mag interview sayo. Hindi ko pa naman napaghandaan ang ibang mga tanong. Halos hindi na ako makahinga sa kaba.

"What software and office equipment are you profecient in using?

"I am profecient using the microsoft office word, excel and power point. "

Shocks! meron paba? hindi pa ba tapos? baka pahirapan ako nito o di kaya'y baka hindi na ako matanggap dahil sa pagtatalo namin kanina.

"Where do you see yourself five years from now?"

Gusto kong sabihin na in five years may sarili na akong negosyo kaso hindi pwede baka mas lalong ma ligwak tayo niyan, dapat raw ay allign parin sa kumpanyang ina-applyan mo.

"In five years, I see myself with more skills, pursuing my modeling career, and being a successful employee in this industry where I could contribute a significant part to the growth of the company."

"I'm empress with your answer and your honesty but I hope next time huwag kanang magmadali para iwas away sa ibang tao at para safe makarating sa paroroonan. That's all for today and just wait for the result, we will notify you via email. By the way, My name is Raven Chua, Ceo of L&E Fashion Clothing Company."

Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin at dahan dahan ko rin sana i-abot ang kamay ko ngunit bigla niya itong binawi.

"I forgot, may atraso ka pala sa akin."

Binaba niya ang kanyang kamay at kumuha ng panyo para punasan ito. Akala ko ay mabait itong Ceo na 'to, hindi rin pala makain ng aso ang ugali. Kaya agad na akong tumayo at umalis ng opisina niya.

"Nakaka bad trip tong araw na 'to. Oo, aaminin kong may mali ako pero huwag naman sanang gano'n ang ipakita niya. Akala naman talaga niya nagiging gwapo siya sa pag asta niya ng gano'n. Grabi pinunasan pa talaga niya? Ano nandidiri ba siya sa akin? grabi!"

Naghihintay na ako ng masakyan pauwi ng apartment ko. Ako nalang mag-isa sa buhay, nasa langit na parehas ang mga magulang ko. Tita ko ang nagpalaki sa akin pero isang Doctor ang nagbibigay ng pangangailangan ko, siya ang sumuporta sa akin simula bata pa ako at ang tita ko naman na kapatid ng Ina ko ay tagapag alaga lang sa akin sa probinsya, si Dra. Luticia ay pangalawang Ina ko na, dito lang ako sa Camiguin namalagi hanggang lumaki ako dahil dito ako nasanay kaya minsan bumibisita nalang si Mommy Luticia dito.

Si Mommy Luticia rin ang personal doctor ko. Wala akong maalala sa kahit sino kina mama at papa, maging ang kanilang pagkawala ay hindi ko maalala. Sabi ni Mommy Luticia, namatay raw sila sa car accident. 9 years old ako noong panahong iyon pero bakit wala akong maalala? 24 years old na ako pero hindi parin nasagot lahat ng aking mga katanungan.

Habang naglalakad ako ay napahinto ako dito sa may upuan sa sobrang sakit ng aking paa, tinanggal ko lang ang heels ko . Sanay naman ako mag high heels pero kapag ganito naman katagal ang paglalakad ay parang bibigay rin ang paa ko saka medyo masikip itong nabili kong heels kaya nag paltos ang paa ko sa likod. Narinig ko nalang na may bumusinang sasakyan.

"Get in! sabay kana sa akin," sambit ni Mr. Raven habang nakadungaw sa mamahaling niyang sasakyan.

Sa sobrang inis ko sa ginawa niya kanina ay nagkunwari akong may tumatawag sa akin para kunwari lang rin na hindi ko siya narinig. Sinout ko ulit ang aking sandal at agad naglakad ng mabilis baka bababa pa ito at susundan ako kaso biglang may totoong tumawag at unknown number ito.

"Hello, sino ito?"

"Binibini, ako ito. sumabay kana huwag kang ma arte sana alam mong traffic sa Manila."

Takti! si Mr. Raven pala. Pag lingon ko ay andito na ulit ang kanyang sasakyan malapit sa akin. Nakadungaw nanaman ulit at tawang tawa pa ito sa pagtawag sa akin. How scary he is, naka save talaga agad number ko sa phone niya? saka hindi ko alam kung galit o sadyang nang aasar lang talaga tong gagong 'to.

"Ano? hindi kapa rin ba sasabay? Baka makipag-unahan kana naman diyan at makahanap kapa ng away."

Pinamukha talaga nitong Ceo na 'to ano? kung gaano ako ka interesado sa kumpanya niya. Kailangan ko lang din talaga ng pera. Sarap batukan talaga. Baka hindi na ako makapag timpi pa at sasagot na talaga ako, bumaba ito sa sasakyan niya at dahan dahang lumalapit sa akin. Pa atras ako ng paatras hanggang sa napasandal ako sa sasakyan niya. Bigla itong nagsalita.

"Sasakay ka o sasabay ka?"

"Ano yan? tanong ba 'yan, wala namang difference sa pagpipilian."

"That's why sumabay kana dahil wala karin namang takas."

Tinulak ko rin siya agad baka kako may makakita pa sa amin baka sabihin nilandi ko na agad ang crush ng bayan.

"Sige ka, kidnapping na yang ginagawa mo maganda naman siguro kung malagay sa head line ng balita na ang Ceo ng kumpanyang L&E ay nangidnap ng empleyado."

"Sige ka, exagerated na yang pinagsasabi mo pwede rin kita kasuhan diyan," pang asar niyang pagkasabi.

Kumawala ako sa mga titig niya at pinara ang taxi na parating. Agad akong sumakay at sinarado ang pintuan kaso bigla itong humabol.

"Ilagay mo sa paa mo." Sabay abot ng isang pack ng band aid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status