Share

Mr. Ceo's First Love
Mr. Ceo's First Love
Author: Shakira29

Prologue

Naalala ko pa noong naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Napansin kong maraming tao nagkagulo sa unahan kay bumitaw ako kay Mommy at sumingit para tingnan kung anong nangyari. Nagulat ako dahil may car accident pala, isang may edad na lalaki at isang may edad ni babae. Aalis na sana ako kaso nakuha ang atensyon ko sa batang babae na nakahiga, nakapikit at duguan. Umiiyak ito habang yakap yakap ang brown na teddy bear.

Sumukip ang dibdib ko naawa ako sa batang babae.

Sabi ko sa sarili ko, mag investigate ako kung sinong nag bangga sa kanila noon. Hindi ko man sila kilala peru ang iyak ng batang babae ang hindi ko makakalimutan, deserve rin nila makamit ang hustisya. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naalala ko. Kumusta na kaya siya? Magkikita pa kaya kami ulit?

-----

(15 Years ago)

Raven Chua's Pov:

Galing kami sa bahay nila tita sa Quezon City. Sabi ni Mommy sa pay parking niya iniwan ang kotse dahil wala na raw space doon sa labas ng bahay nila tita, marami kasi silang bisita.

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada. Napansin kong maraming tao nagkagulo sa unahan kay bumitaw ako kay mommy at sumingit para tingnan kung anong nangyari. Nagulat ako dahil may car accident pala, isang may edad na lalaki at isang may edad ni babae. Aalis na sana ako kaso nakuha ang atensyon ko sa batang babae na nakahiga, nakapikit at duguan.

Umiiyak ito habang yakap yakap ang brown na teddy bear.

Sumukip ang dibdib ko naawa ako sa batang babae. Pinagmasdan ko ang first aider, kinuha niya ang teddy bear ng batang babae at nilagay muna sa gilid hindi ko alam anong nasa isip ko, sa walang pag alinlangan ay kinuha ko itong teddy bear at agad tinago sa loob ng damit. Mabuti naman ay hindi ako napansin ng mga rescuer at police.

Pagkadating ko ng bahay ay agad akong pumasok ng kwarto para tingnan ang teddy bear na kinuha ko. Napansin kong may zipper pala sa likod pagbukas ko ay may lamang papel at may nakasulat.

Six years na ang lumipas pero nandito parin kami sa canada. Lumipad kasi kami ng canada after a week, kaya hindi ko narin alam anong nangyari sa pamilya nila. 20 years old na ako ngayon pero nakatago parin ang teddy bear sa cabinet ko minsan nga ay ito ang aking kinakausap kapag galit ako o di kaya'y kapag stress ako.

Mahilig ako magbasa ng mga news online, biglang napukaw ang atensyon ko na nakita ko ang news about sa nangyaring aksidente 15 years ago ang sabi raw ay may pinatay raw na babae sa may Quezon City at suspetsa ng mga pulis ay iisa lang ang pumatay nito at ang nag bangga sa sinasakyang taxi ng isang pamilya na disgrasya rin sa Quezon city 15 years ago.

Sabi ko sa sarili ko, mag investigate ako kung sinong nag bangga sa kanila noon. Hindi ko man sila kilala peru ang iyak ng batang babae ang hindi ko makakalimutan, deserve rin nila makamit ang hustisya. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naalala ko. Kumusta na kaya siya? Magkikita pa kaya kami ulit?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status