Share

Chapter 6 Pagpapakilala

Imflor

Lord maraming Salamat sa buong araw na ginabayan nyo po ako sa trabaho..

Maraming Salamat dahil binigyan nyo ako ng sapat na lakas, Sana Ganon din bukas at sa mga susunod pang araw.

At Sana po mabait ang boss ko..

Taimtim ang dasal ko habang nakaluhod sa'king kwarto.. Dahil hindi ko nakita ang mukha ng amo ko, Kaya 'di ko maiwasan ang mag alala.

Sana Katulad nya si Mr. Chen ang dati kong Boss sa Vista mall..

Pagkatapos ko magdasal ay nag set ako ng alarm, maaga ang gising ko dahil malayo ang pinag trabahohan ko sa bahay namin. Pinikit ko ang aking mga mata..' Di nagtagal nakatulog ako.

Katulad ng dati alas singko ng Umaga tumunog Yung alarm ko.. Bumangon na rin Para magluto, maligo at syempre para mag handa pa punta ng trabaho.

Hindi ko na ginising si Aris dahil alas otso pa ang pasok niya sa eskwela.. Nag baon ako para makatipid na rin. Malayo pa naman ang San Vicente. Isang oras ang sakay ko sa jeep Kaya dapat alasais ay maka alis na 'ko dahil alas 7 dapat andon na ako sa Kompanya upang maglinis.

Pangalawang araw ko ngayon sa trabaho.

Kaya pagbutihin ko para hindi naman mapahiya ang nag rekomenda sakin sa kompanya na yon.

Makalipas ang isang oras nandito na' ko sa building..

At pinagmasdan ko ito ng mabuti dahil kahapon hindi ko ito tinitingnan ng matagal.

"DC " ang nakaukit sa harapan nito..

Sa Employee entrance na ako dumaan, dahil Yun ang Sabi ni Ms Edna kahapon.

At sinuot ko na ang name plate tag na binigay sakin. Hindi ko ito sinuot galing sa bahay Baka mawala.

Tiningnan ko ang aking sarili, Naka skirt ako ngayon ng kulay itim at navy Blue ang pang itaas nito,. Perfect ang outfit na to sakin, saktong sakto ang sukat ng damit..

Ito Yung uniform ko simula kahapon.. Lumapit na ako sa guard at nag bati ng magandang Umaga.

Magandang Umaga din sayo binibini!...

Naka ngiti ito sa akin..

at agad naman ako pinapasok..

Sumakay ako ng elevator pa punta ng 24th floor. At alas 7 palang.

Kunti lang ang mga employee, at nakatingin sila sa akin.

Nakaramdam ako ng ilang.

Hi Bago ka dito? Nahihiya ako dahil sa mga titig Nila.

Tanong ng isang babae na ka edad ko..

Oo...pangalawang araw ko na ngayon dito.

Anong position mo,? Tanong naman ng Isa pang babae.

Secretary po ako Ni sir Young Delgado.

Goodluck sa'yo sis Sana magtagal ka.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinasabi nila..

Pahiwatig ba 'to na masama ang ugali ng Boss namin.

Nasa 24th floor na ako ngayon, at nakita ko si Ms. Edna.

Good morning po Ms Edna..

Good morning din.. Ohh mag umpisa kana Ms Salvacion...

Utos nya. Dinala nya ako sa 25th floor sa office ng Boss ko..

Nasa harapan na kami ng sinabihan nya ako upang buksan ang pinto at binigay sakin ang susi.

Binuksan ko naman ito.

Tumambad sa'kin ang isang malawak at mabangong silid na may kulay Light Gray ang paint ang glass wall sa may harapan ng lamesa at kitang kita dito ang magandang tanawin sa malayo,ang puting tiles na sahig.. Kitang kita ang Gara ng mga gamit. Nasa ayos ang lahat.. Masinop talaga tong boss ko.. Bulong ko sa sarili..

Inumpisahan ko na ang paglilinis, wala naman gaanong linisin sa office na'to..

Ang CR sobrang linis.

Tiningnan ko ang paligid para masigurado Kung malinis na ba.. At success, Tapos na..

Napakaganda ng tanawin mula rito, makikita ang bukid at ang pagsikat ng araw sa malayo dahil glass wall ito. Kaya Siguro glass wall ang ding ding sa harapan banda Kung saan Nakalagay ang lamesa.

Dahil maganda ang tanawin nakakatanggal ng pagod at stress.

Lumabas na ako ng office at ni lock ito, ang boss nalang ang kulang..

Bumalik ako ng 24th floor. Nag hagdan nalang ako dahil malapit lang naman ito..

At malapit na rin mag alas utso..

Di nagtagal tumunog ang telecom sa aking mesa.

"Bring me a cup of coffee, boses sa kabilang linya na agad naman binaba..

Ang Boss ko na yon.. Nagmadali ako para ipagtimpla sya ng kape.. Dahil may sariling coffee maker ang Boss ko ay hindi na ako nahirapan pa..

Pagkatapos ay dinala ko sa 25th floor Kung saan ang opisina nito.

Kumatok ako sa pintoan, dahil instruction ni MS Edna na Kumatok muna bago Pumasok, ayaw daw ng boss ang pumapasok ng hindi nagpapaalam.

Come in. Binuksan ko ang pinto at dahan dahan pumasok sa loob...

"Good morning Sir. Ako po si Xiannel Salvacion pwede nyo akong tawagin Xia Para madali Se... Secretary nyo po.." Pagpapakilala ko sa aking sarili. Ako po Yung pinadala ni Ms Aguilar,

Utal na Utal ang boses ko habang nagsasalita.

Nakatalikod ito. Ang gwapo nya kahit hindi ko makita ang mukha nya halata naman sa pigura nya na may itsura sya. Ilagay mo lang sa mesa ko..

Utos nya sakin.

Wala na po kayong kailangan S...sir?

Wala na, you may go out and do your job as my Secretary. Okey po sir.

Aire

Lihim kong pinagmasdan ang babaeng Nakatalikod palabas ng office ko.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil halata sa boses nito ang takot at kaba..

Nakatalikod ako sa kanya pag pasok nya Para hindi makita ang mukha ko baka tumakbo pa sya papalayo Kung haharapin ko sya..

Parang may kakaiba sa babaeng 'yon.

Aaminin ko sa sarili na natutuwa ako Lalo na no'ng unang araw na makikita ko sya sa Mall ko. At nakasabay ko pa sa elevator..

Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagandahan na ako.

Maganda sya, maputi balingkitan ang katawan at simpleng babae.

Kinuha ko ang kape sa lamesa na tinimpla nito..

Mabuti naman at nakuha nya ang lasa na gusto ko sa kape.. Bumalik ako sa aking trabaho habang hinihigop ang kape.

Dinampot ko ang isang envelope nakalagay do'n ang information ni Xiannel at binasa ito ng paulit ulit.

She is single" 26 of age height 5'2 weight 48 and she is graduated in Business and Accounting. Nakasulat ang lahat ng information tungkol sa kanya..

I search her name on social Media at hindi ako nabigo "Xia Salvacion I stalk her social media account. Wala na itong parents, She has one sister kita sa mga photos nito dahil nka public ang social media account niya Xia pala ang dala nya.

Bumalik ako sa aking gawain at agad nag exit sa social media ng may Kumatok sa pintoan...

Sir Ms Edna po. Boses sa pintoan.

Pasok, Utos ko naman sa kanya, at pumasok na ito.

Sir sa palagay ko pasadong- pasado si Ms Salvacion. Mabilis po syang matuto sa mga itinuturo ko sa kanya.. Sa palagay ko hindi na ako kailangan pumasok bukas.

Nakangiti nitong Sabi...

Inikot ikot ko ang ballpen sa aking kamay habang nakikinig sa kanyang sinasabi..

Sir wag nyo na po tanggalin si Ms Salvacion po ," Pagbibiro pa nito habang tumatawa. Sa nakikita ko sir magaling ang secretary nyo magaling sya at maganda pa,wala akong nakikitang dahilan para hindi nyo magustohan.

Mahabang Sabi ni Ms Edna.

Nga Pala sir binigay ko po sa kanya ang duplicate nyo dito sa office para makapaglinis sya..

Okey you can go Ms Edna and Goodluck for the new chapter of your journey.. And thank you for ten years, kapag gusto mong bumalik your always welcome here..

Sabi ko naman sa kanya..

At nag paalam na ito..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status