Share

Chapter 53

POV: Bernard

Hindi niya agad makita si Marie. Maiksi pa naman ang pasensiya niya ngayon dahil may nalaman siyang anomalyang nagaganap sa opisina nila. May gumagastos ng pondo na para sana sa bonus ng mga empleyado. Yung pinagkakatiwalaan pa niya ang promotor dito. Umalis siya agad ng opisina para hindi makapanakit ng kapwa.

Naiinis siya dahil sa buong buhay niya, ngayon lang may nanloko sa kanya. Kaya dapat lang na makulong ang mga ito. Pinaiimbestigahan na niya ito. Magkakaroon sila ng meeting ng Lunes.

Mabuti na lang at dumaan siya ng opisina ngayon kahit wala siyang pasok. Bukas sila hanggang linggo dahil sa mga shipments.

Siya naman ay sabado at linggo ang rest day.

Natanaw niya si Marie na may ka video call. Hindi muna niya ito nilapitan. Nakita pa niya na pangiti ngiti ito.

Animo nasa cloud 9 kaya gugulatin niya sana.

Pero sa halip na tumili, sinukmuraan siya ng babae na parang karatista. Pakiramdam niya lahat ng ininom niyang kape ay maiiluwa niya.

"Grabe ka.." sabi niya ditong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status