Share

Chapter 12

"Okay, back to practice Humss-B! Let's go! Let's go!"

Napalingon ako kay Frenzy, leader namin sa sabayang pagbigkas. Wala naman akong balak sumali pero nang pina-required na ay wala na akong nagawa. Hindi ko naman ugali sumali sa mga ganito, 'e. 

Si Carol, siya ang mahilig dito. Kaya nga bago pa man magsalita si Frenzy, nasa pwesto na agad siya. Habang ako bored na bored sa upuan ko. Ang dami talaga naming pagkakaiba. 

Nang tumayo ako at akmang pahakbang na ay biglang may umakbay at umangkala sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa amoy pa lang, kilalang kilala ko na sila. 

"Tahimik natin, ah. Ganiyan ba talaga kapag broken hearted?" tanong ni Mia. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang wala siyang ideya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status