Share

Chapter 22

Ilang minuto lang din ang lumipas nang magsimula na kaming mag-review. Katabi ko si Carol, kaming dalawa ang nakaharap sa gawi nila Cadence. Ako ang nasa pasilyo. Kaharap ko naman sa table si Hannie at kaharap naman ni Carol si Mia.

As usual, sina Carol at Mia ang nag-re-review sa’min. Si Hannie puro tanong. Hindi niya kasi magets agad. Mabuti na lang mahaba ang pasensiya nila sa kaniya. Kapag kasi ako ang nagtanong, badtrip agad sila. Gano’n sila kasama sa akin.

Nainggit ako saglit kay Hannie. Puro siya tanong. Ibig sabihin, tutok siya sa pag-re-review. Habang ang ginagawa ko lang ay pinagmamasdan sila. Hindi ko na masundan ang ginagawa nila.  

Sinusubukan ko naman maging katulad ni Hannie, pero itong utak ko ang pahamak. Bigla biglang lumulutang. Ilang beses kong sinusubukang magpokus sa pag-re-review pero agad ako natutulala. Naririnig ko naman sila pero wala akong naiintindihan.

Huminga ako nang malalim at hindi sinasadyang napatingin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status