Share

Chapter 34

Hanggang lumipas ang gabi. Kahit nagkaroon ng selebrasyon ang birthday ko, hindi ako makuntento. May kulang. Malapit na nga mag-11, matatapos na ang birthday ko, wala pa rin siyang bati! 

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ko sa kanilang apat na prenteng nakatambay pa rin sa sala namin. Nanonood sila ngayon ng TV habang kumakain. Nagsisimula na akong magligpit ng kalat sa sala. 

Umuwi na rin ang mga bisita. Kinatatakutan ko ay ang magiging kalat kinabukasan sa labas. Malamang ako na naman ang paglilinisin ni mama niyan.

Lumingon si Carol sa akin. "Pinapauwi mo na agad kami? Grabe ka!" Inirapan niya ako saka sumiksik kay Calum. Natawa lang siya asta ng jowa niya. Talagang sa harapan ko pa talaga. 

"Tanga! Nagtatanong lang!" angil ko.

“Pwede bang dito na lang kami matulog?” tanong ni Hannie at humikab sa tabi ni Mia na kasalukuyang busy sa phone niya.

Natigilan naman ako. “Gusto mo ba? Lilinisin ko ang buong sala-&

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status