Share

Chapter 37

Pagdating naming sa sisigan, kaunti lang ang customer kaya agad kaming nakahanap ng bakanteng pwesto. Sa gilid kami umupo para solo namin ang electric fan. Nag-volunteer na si Carol na siya na ang mag-o-order. Hindi na niya kami tinanong dahil kabisado naman na niya ang palaging ino-order namin. Ginaya ko na rin ang order nila Mia dahil nasa mood akong lumamon ngayon.

Nang mag-text si Cadence (yes, may number na kami ng isa’t isa) sa akin na late na naman siya makakauwi, nag-reply agad ako. Palagi na lang. Minsan gusto ko na rin sugurin ‘yung head ng Student Council dahil sa dami ng pinapagawa sa presidente. Hindi ba nila alam na may buhay din siya sa labas ng eskwelahan?

Kung hindi lang siya busy ngayon, siguradong nandito rin siya.

"Sigurado ka na ba kay Pres?"

Mula sa phone na hawak ko, umangat ang tingin ko kay Mia. Sinalubong niya ako ng seryosong mukha habang nakatingin sa akin. Napatingin din si Hannie sa kaniya na katabi niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status