"Kailan ka pa naging wonder woman?! May bayad ka ba, ah?! Alam mo bang muntik na akong atakihin nang malaman ko ang nangyari sa'yo! Bakit kasi sumugod ka pa do'n?!"
Nagkasalubong kami ni Carol sa hallway dahil papunta siya sa clinic para kumustahin ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit tapos inalalayan ako papasok sa room. Medyo iika ika kasi akong maglakad buhat ng masakit pa ang katawan ko.
Pagkatapos ko kasing makausap si Cadence, hindi na rin ako nagtagal sa clinic. Nag-walk out na ako. Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Wala naman kwenta. Nakakawalang gana lang. Makita nga lang siya, nasusuka na ako. Matagalan pa kaya ng tingin sa kaniya?
Naiinis ako dahil naiwan ko pa ang jacket ni Calum! Kaya nag-tuck in na lang ako para hindi mahalata ang butas sa uniporme ko sa likod. Bwisit kasi 'yang Cadence!
Mabuti na lang walang teacher. Bakante pala ang oras namin ngayon. Hay, mukhang kailangan kong tiisin ang sakit ng katawan hanggang sa makauwi.
“Tapos ka na?” Kinuha ko muna ang bag ko bago ako naupo saka ko ito kinandong. Bahagya pa akong napangiwi.
Umupo siya sa katabing upuan na nasa gilid ko. “Hindi pa! Hindi mo pa sinasagot tanong ko! Bakit ba sumugod ka do’n?! Bida bida ka talaga ‘no!”
“Nando’n kasi si Calum!” sagot ko saka lumingon sa kaniya. Natigilan naman siya. “Inaawat niya raw ang kaguluhan sa section na ‘yun pero nadamay siya. Siya tuloy ang napagtripan. Kaya sumunod ako. Nang makita kong hahampasin siya ng basurahan, naki epal na ako. Alangan naman pabayaan ko, ‘di ba? Edi siya ang nasaktan.” Napanguso ako.
“You saved him?” Tumango ako saka tumungo sa desk ko. Pagod na ako. Gusto ko ng umuwi. Pero may dalawang klase pa. Huhu. “Salamat.” Itinagilid ko ang mukha ko sa gawi niya.
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
Tumayo siya. “Salamat dahil buhay ka pa ngayon!” Niyakap niya ako tapos ngumuwa siya.
“Carol!” Pilit ko siyang inalis sa akin pero mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin. Nako naman! Ganito niya ba ako kamahal?!
"Anyare?!"
Biglang dumating sina Mia at Hannie. Nag-aalala ang kanilang mga mukha.
"Ayos ka lang ba, Millie?!" Sinuri ako ni Hannie. Tinuro ko 'yung likod kong masakit. Tinanong niya kung sobrang sakit daw. Sabi ko naman, sumasakit lang kapag nasobrahan ako sa kilos. Maingat naman niya ako niyakap. Halos maiyak na siya.
Nag-usap naman si Mia at Carol tungkol sa totoong nangyari sa akin. Gustong sugurin ni Mia ang mga gumawa sa'kin nito, pero agad ko siyang pinigilan. Mas palalakihin niya lang ang gulo. Kaya sa huli, wala silang nagawa.
Kinabukasan pumasok pa rin ako. Oras ng break, tumambay muna kami sa basketball court na katabi lang ng canteen.
"Oh, turon.” Lahad ni Carol ng turon sa harap ko. May hawak din siyang turon sa kabilang kamay. Napatingin ako sa kaniya. Tumaas ang kilay ko.
“Wala akong pera.”
“Tanga, libre ko ‘to,” aniya nang umirap.
“Akin na lang, Carol." Kukunin na sana ni Mia iyon nang unahan ko na siya. Inirapan naman ako ni Mia saka kumagat sa sariling turon.
“First time, ah. Anong meron? Mamamatay ka na ba?” Kinagatan ko iyon. Narinig ko ang mahina niyang mura bago umupo sa tabi ko.
“Minsan lang ako maging mabait. ‘Wag mo ng kwestyunin, sulitin mo na lang.” Saglit akong tumingin sa kaniya. Kumagat siya sa turon tapos tumingin din sa akin. Sabay kaming napairap sa isa’t isa.
“Daming pogi, oh. Hanap ka na lang d’yan pamalit kay Calum. Wala ka naman pag-asa do’n.” Turo niya sa mga naglalaro ng basketball.
"Oo nga, Millie. Move on ka na," gatong pa ni Mia.
Kung nandito lang si Hannie, siguradong gano'n din ang sasabihin niya. Mag-move on. Kaso naiwan siya sa room dahil kinokopya niya ang assignment ni Carol na nakalimutan niyang gawin kagabi. Pagkatapos kasi ng break ay major subject na namin. Terror ang teacher kaya dapat may maipakita kang assignment kung ayaw mong mapalabas.
Bumuntong hininga ako saka marahang sumandal sa bench. May mga bench na nakapaligid na nasa ilalim ng puno kaya tanaw tanaw ang mga naglalaro ng basketball. Perfect spot para simpleng masilayan si crush kapag may laro sila. Kaso isang beses ko lang napanood maglaro ng basketball si Calum, foundation pa iyon. Hindi ko alam kung mauulit pa iyon.
“Hangga’t hindi pa ako umaamin, may pag-asa pa.” Kagat ko sa turon.
“Paano kung may girlfriend na ‘yung tao?” tanong ni Carol.
“Imposible. Wala naman ako nakikitang umaaligid sa kaniya.”
“Hello, uso po ang taguan ng relasyon...”
Napataas ang kilay ko nang lumingon sa kaniya. Kumunot ang noo ko.
“Kaibigan ba talaga kita—“
“It’s already time for your next class. Bakit nandito pa rin kayo? Are you planning to cut a class?”
Sabay kaming lumingon sa bagong dating na si Cadence. Maayos ang tindig. Pormal na pormal ang dating. Seryoso ang pagmumukha. Respetado talaga ang datingan.
Agad nagsitayuan sina Mia at Carol upang magbigay galang sa kaniya. Nag-sorry pa sila dahil hindi namin namalayan ang oras. Pumirmi naman akong nakaupo habang kumakin ng turon. Palihim pa akong sinuway ng dalawa upang magbigay galang din pero hindi ko sila pinansin. Umiwas lang ako ng tingin na parang walang tao sa harapan ko.
Tumingin ako sa orasan ko. Tss. Time na nga. Kainis.
"Sige Pres, babalik na po kami. Pasensiya na ulit!" Nag-bow si Mia. Sumunod naman si Carol.
Naramdaman ko ang tingin niya sa akin.
"Tss," rinig ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Tumalikod na siya at naglakad palayo. Ilang saglit ay may nakita siyang kalat saka niya pinulot ito. Sus. Pakitang tao. Pustahan, kapag wala ng nakakakita sa kaniya, saka siya titigil. Baka nga agad siyang maghugas ng kamay. Tsk.
"Hay nako."
Umiling ang dalawa sa akin bago sila umangkala sa isa't isa at naunang maglakad.
Inirapan ko lang sila bago nagmartsa upang unahan sila sa paglalakad.
Dumaan ang dalawang subject pero wala akong natutunan.
Antok na antok ako. Muntik pa nga akong matumba dahil hindi ko talaga mapigilan. Ikaw ba naman makinig sa mahinang boses ng teacher mo tapos Contemporary Arts pa ang subject niya.
Nabuhayan lang ako sa activity na gagawin namin.
Habang nagpapa-activity doon ay nagpaalam si Carol na magbabanyo lang daw siya saglit. Ako naman ay busy sa pangongopya kila Mia. Wala naman siyang reklamo dahil sanay na siya sa akin. Pero minsan sinasabihan niya ako. Hindi ko lang siya pinapansin.
Hindi ko naman kailangang mangopya kung nasa mood lang ako gumawa. Eh nagkataong wala ako sa mood.
Saka saktong lumabas ang teacher namin.
"Millie! Si Carol umiiyak sa CR!"
Akala ko magiging matiwasay ang pangongopya ko. Dumating si Innie at lumapit sa akin. Hindi na ako nagtanong pa at agad kong pinuntahan ang pinakamalapit na banyo sa'min. Balak pa sanang sumunod nila Mia at Hannie kaso pinigilan ko na sila.
Pagdating ko ay agad kong sinigaw ang pangalan niya. May ilang kababaihan na nagsasalamin ang napatingin sa'kin.
Hindi ko na sila pinansin at agad kong hinanap si Carol sa mga cubicle.
Ang apat na cubicle ay walang tao. Sa panghuling cubicle ay nasigurado kong nando'n na siya dahil nakasarado iyon. "Carol-"
Nang mabuksan ko iyon ay bigla akong hinila ng taong nasa loob saka itinapon sa bowl. Nasubsob ako sa gilid ng bowl at buti na lang hindi mismo sa bowl! Hindi agad ako nakatayo dahil sabay na kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, mukhang madadagdagan na naman ng sakit.
"Nice to see you again," dinig kong sambit ng isang babae.
Umangat ako ng tingin.
Ang tatlong babaeng nagsasalamin kanina ay nasa harap ko na kasama ng bruhang nagtulak sa'kin.
Ah, set-up. Bwisit na Innie 'yon!
"Lagot ka sa'min ngayon, tanga," sabat ng pangalawang babae. Nakapusod ito at makapal ang lipstick. Kamukha siya ng pwet ko.
"Lakas ng loob mong suntukin ang master namin! Kami naman ang gaganti ngayon!" sigaw ng katabi niya na maikli ang buhok at akmang ipapalo sa'kin ang hawak na baseball bat nang pigilan siya ng medyo matino sa kanila.
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Ah, taga lower section. Mukhang mas matino pa ang itsura ng tatlong babaeng nakausap ko sa room nila. Talagang dumayo sila dito para gumanti sa akin dahil sinuntok ko ang 'master' nila. Pucha. May ganoon silang nalalaman?
"Don't be excites, we have still times to make this memorable one for this little bitch."
Matino nga. Bobo naman sa grammar.
Umirap ako at sinubukang tumayo.
"Oh, oh, tatayo pa nga." Hinawakan ako ng isang mataba na siyang nagtulak sa'kin. Maliit lang ang cubicle pero nagkasya pa ang balyenang ito dito. Ang tatlo ay nasa likod niya sa labas.
Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa uniform ko. "Taba mo!" asar ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata nito at sasapakin na sana ako nang unahan ko na siya. Malakas ko siyang sinampal kaya nauntog ito sa pinto. Hindi ko na siya hinintay na makaganti kaya sinipa ko na siya papunta sa mga kasama niya. Nagsitumbahan naman sila. "Weak niyo naman," iling ko.
Unang tumayo ang may baseball bat. "Ahhhh!" Hahampasin niya na sana ako nang malakas ko siyang sinipa sa tiyan dahilan upang mapahiga siya at tumilapon ang hawak niya sa kabilang cubicle. Napuno ng mura ang banyo nang isa isa na silang sumugod sa akin.
May sumampal, kumalmot, nanabunot at tinadyakan ako. "Peste kayo!" Hinila ko ang buhok ng isang nangangalmot sa'kin at kinagat ko naman sa braso ang nananabunot. Pero mabilis silang nakabawi kaya halos maihiga na nila ako sa sahig dahil patuloy nila akong dinadaganan. "Ginagalit niyo talaga ako!" Ubos na pasensiya ko.
Gusto talaga nilang matikman ang hagupit ng taong lumaking basag ulo. Sa kalagitnaan ng pang-aapi nila ay pinalobo ko ang pisngi at bumilang ng tatlong segundo. Pagkatapos ay inipon ko na ang lakas ko upang lumayas sila sa pagkakadagan sa'kin. "ANG BABAHO NIYO!"
Isa-isa, walang palya. Buong lakas at tapang kong sinipa ang pagmumukha nila. Muli na naman napuno ng mura at hiyawan ang banyo.
Nang magtagumpay ako ay huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Hingal na hingal akong humarap sa kanila. Susugod na sana 'yung mataba nang malakas ko itong tinadyakan sa tuhod. Napaluhod ito at napakapit sa kasama niya.
Hindi ko napansin ang babaeng kamukha ng pwet ko sa gilid ko kaya hindi ako nakailag nang malakas niya kong sinampal. Hinila ko naman ang buhok niya saka itinapon sa mga kasama niya.
Ayun, lagapak sila!
Nang bumangon ang babaeng bobo sa grammar ay mabilis siyang sumugod sa'kin para ako ay sabunutan.
Gumanti naman ako at napunta kami sa sink.
Halos mapunta na ang mukha niya sa lababo mismo. Binuhos ko na ang buong gigil ko kaya nagsimula na siyang magmakaawa na bitawan siya. Nang kinurot niya ako ay napahiyaw ako at akmang sasampalin ko sana siya nang biglang bumukas ang pinto.
"LAYLA EMILLIENE PONCE!"
Natigilan ako sa isang sigaw.
Lumingon ako sa boses na 'yon saka huminga nang malalim. Siya na naman kasama ang mga alipores niya. Iirapan ko sana siya nang maaninag kong apat pala sila.
Dahan dahan kong binitawan ang bobong hawak ko.
Nasa likod si Calum habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"You really can't pass the day without harming people, huh. If you've been lucky the last time you made chaos, this time I won't pass this immature displeasing behavior of yours!"
Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na si Cadence. Wala na nga akong naintindihan sa sinabi niya dahil na kay Calum lang ang atensyon ko. Kaagad din ako umiwas ng tingin at sinabunutan ang sarili.
The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N
Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot
“Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.
Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son
“Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t
Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma