Share

Page 2

Nakangiti si Joana na nakatingin saakin, nasa field kasi kami at mine-memorise nya kasi yung linya na para sa role play namin.

Makalipas lang ang ilang araw ay nagkalapit na kami nung tatlong mga babae, hindi rin kasi sila mahirap na pakisamahan talaga.

"Ano ba 'yan, ayoko na muna mag memo! Nakakapagod din." Nakasimangot nyang ani kaya napatawa ako ng malakas.

Minsan talaga hindi ko maintindihan anh babaeng 'to, yun bang gugustuhin nyang gawin sa una pero sa huli ay mabuburno din.

"Ayan kasi, nasobrahan na kakamemo sa linya nya." Napatingin naman ako sa nagsalita na si Trisha.

Kadadating lang nila at may mga hawak pang pagkain.

"Alam nyo hindi na ako magtataka kung masali sa Dean's list itong si Joana, masayadong ginagalingan e."

Napailing nalang ako at kumuha na sa fries na dala din nila. Pinapakinggan ko lang sila na mag usap usap at magkantyawan.

"At least pinaghihirapan diba? Minsan lang ako makapasok baka naman suporta din sa maganda nyong kaibigan." Sabay paypay pa ni Joana sa sarili.

Maypagka-mahangin din pala ang kaibigan kong 'to ngayon ko lang nalaman.

"Tse! Hindi ka makakapasok no. Tsaka excuse me, mas maganda ako sayo. Hmmp!"

Nakakatuwa silang tignan ni Divine. Sila lang dalawa ang nagbabangayan, sina Trisha at Lian kasi ay panay kain lang ako naman ay pinapanood sila.

"Minsan talaga nakakapagtaka na magkaibigan kayo ni Channy noon pa." Naka-kunot noo pang sabi ni Lian.

"Aba aba, bakit naman?"

"Kasi maganda sya at humble tapos ikaw parang mali e." Nakatingin pa sya sa langit habang sinasabi yun.

Napaawang ang bibig ni Joana saka umungklo para mabatukan si Lian pero tatawa tawa lang si Lian sa pag asar talo ni Joana.

"Medyo masakit yun Lian ah, pwede naman ilihim nalang. Sinabi pa e."

"That's enough guys, let's eat na muna baka hindi na tayo makakain e." Seryosong sabi ni Trisha saka sumubo ng takoyaki.

Habang kumakain ay nagulat nalang ako ng tumama sa balikat ko ang bola kaya hinanap ko ang pinanggalingan nito at dun ko nakita si Josh na mariing nakatingin saakin at nasa likod nya ang apat pang mga lalake.

"Hoy! Mag ingat naman kayo mga g*gong to!" Nakita siguro ni Joana yun.

Medyo masakit lang dahil hindi naman masyado malakas ang pagkakatama saakin pero knowing Joana, over protective.

"Miss ganda! Pakitapon nung bola saamin." Sigaw nung kasama ni Josh na mukhang maangas ang dating.

"Kayo na nga 'tong nakatama sakanya tapos uutusan nyo pa sya mga ugok kayo!" Naiinis na sigaw ni Divine sakanila.

Nasa may di kalayuan sila kaya nakikita kong nagtaas ng kilay si Josh saakin.

"Ms, Fortaleza yung bola please." Bwisit na Josh.

Hindi ko sila pinakinggan at inirapan nalang. Maya maya pa ay naramdaman kong may taong nakatayo na sa likod ko.

"Girls' you shouldn't stay here, you know that it's dangerous sometimes. Go to your room after that." Walang emosyon na sabi saamin ni Prof, Oliver.

Oo si Prof Oliver nyo nga, nakakagulat din na basta basta nalang sya sumusulpot.

Kabute yarn?

Pinulot nya ang bola at eksperto itong ibinato kina Josh na naghihintay. Hindi man lang nya hinintay ang sasabihin namin at dire-diretso lang ang lakad nya.

"Nakaka intimida ng aura ni Sir Oliver diba? pero nakakalaglag panty din." Kinikilig na sabi ni Joana at nag apir-an pa sila ni Divine

Nang mapadako ang tingin ko kina Lian at Trisha ay may kakaiba sa mga mata nila. Yun bang sa titig palang ay may pangungusap na.

Haynako.

"Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa klase at mapagalitan."

Nilingon ko pa ang gawi nina Josh at naabutan kong nandun si sir Oliver, mukhang may sinasabi sya sakanila.

Kahit likod nya napaka sexy tignan. Hmmp!

•~•

KINABUKASAN ay late na siguro akong nagising dahil sa dami ng assignment na binigay saamin kaya ito para na akong damuho.

Walang katapusang assignment. Haynako talaga college year.

Hindi na ako nag almusal at dire diretso na sa kilos. Si Sir Oliver pa naman ang first period namin ngayon.

Talaga namang nagpatahi agad si kuya ng palda ko, yung medyo mahaba na abot haggang baba ng tuhod ko. Ito talagang si kuya, minsan nakakakilig ang pagka protective nya; minsan naman ay nakakainis na rin.

Isinampay ko na ang stitch na at inayos na ang sarili. It's Friday now kaya naka sibilyan lang ako.

Pagkababa ko ay naabutan ko si papa na nagbabasa ng dyaryo, si mama naman ay may kausap sa telepono. Hinalikan ko lang sila sa pisngi saka sinenyasan si papa na aalis na ako.

Sa sobrang bilis siguro ng paglalakad at pagsakay ko sa taxi ay hindi ko man lang aakalain na dumating na ako sa university.

Pagkarating ko sa room ay buti nalang at wala pa si sir Oliver kaya ayun nakahinga ako ng maluwang.

As much as possible kasi ay gusto ko syang iwasan. Nakak intimida at medyo weird sya e. Akalain mo ba naman, iniisip ko daw na interesado ako sakanya, hmmp! Betlog nyang panis! Haynako talaga.

"Huy! Ano yang iniisip mo at halos mag isa na ang kilay mo?"

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Josh. Sya at si Trisha ang kasama ko sa isang subject ko at yung iba naman ay mamaya pa yun sa third period na.

"Wala." Umayos na ako ng upo at hindi na sya nilingon.

Umupo sya sa katabi kong upuan at pangisi-ngisi pang bumaling saakin.

"May kaaway ka ba Ms, Fortaleza?"

"Wala nga Mr, Alfaro. Wag kang magulo dyan, sisipain kita."

Hanggang sa madami na ang nagsisidatingan na kaklase namin ay panay sya kulit saakin.

"Sorry pala kahapon a, hindi na ako nakapag-sorry kasi sarap mong asarin. Wag kana rin pong magalit saakin, para kang tigre e nangangain."

Tinanguan ko kang sya dahil dumating na si Sir Oliver, mukhang seryoso pa naman sya ngayon.

Kung titignan mo si sir ay napaka seryoso nya sa propesyon nya at parang may pinaghuhugutan lahat ng ginagawa nya. Napaka gandang lalake pa, matalino, sexy at masarap din---

"Ms, Fortaleza?" Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang tawag ni sir Oliver.

Lumingon ako kay Josh dahil narinog ko syang tumatawa. "Tulala pa more."

"You're too occupied, eyes on me."

"Eyes on you sir."

Nakakahiya talaga ang ginagawa ko. Panay na siguro ako imagine e. Bwisit ka talaga Channy. Mapapalo ka ni mama ng walis nyan sa puwet makita mo.

"Y-Yes sir."

Habang nakikinig ako ay kinalabit naman ako ni Josh kaya lumingon ako sakanya tsaka tinaasan sya ng kilay.

"Imagine pa more, ini-imagine mo na iki-kiss ka nya no?"

Napalingon naman ako kay Trisha na nasa bandang kanan ko, nagpipigil lang sa tawa ang bruha kaya medyo nainis na ako.

"Hindi no, ikaw kaya iniisip ko."

Naubo naman si Josh at maging ako ay nagulat din sa lumabas sa bibig ko. Pahamak din minsan ang padalos dalos e.

"Seryoso?" Lapit pa nya sakin.

"Hindi."

"Yung totoo?"

"Nagkamali lang---

"Mr, Alfaro and Ms, Fortaleza meet me in oval later." Seryosong sabi ni sir Oliver. Kitang kita sa mga mata nya ang inis. "That's it for today class. See you tomorrow."

Lumabas na ito kaagad at hindi na ako nilingin pa.

Hinila na ako ni Trisha palabas ng room kaya hindi ko na nalingon si Josh.

"Next time kasi iwas din kay Alfaro, makulit yun kaya pati ikaw nadamay sa kagaguhan nya." Sabi ni Trisha habang naglalakad kami at papunta na sa canteen.

Nakanguso akong sumunod sakanya. Pahamak kasi na Josh yun e, nandadamay ng inosenteng tao.

Agad na ikinwento ni Trisha kina Joana ang nangyare sa klase pati na rin yung nagkamali ako sa nasabi kay Josh kaya ayun panay tawa ang tatlo.

"Masaya na kayo nyan? Parang wala ako dito kung makatawa kayo. Please guys stop laughing." Saka ko kinuha yung pineapple juice ni Joana at uminom dun.

"Sorry naman kasi, syempre masaya lang kami sa achievements mo" Mapanuya pang sagot ni Divine saka naman sila tumawa.

Haynako.

"Bahala kayo dyan."

Magsasalita pa sana si Lian nang biglang may lumapit saamin.

"Pinapatawag ka daw ni sir Oliver, Ms, Fortaleza. Nandun sya sa oval."

Tumango nalang ako kaya umalis na din ito. Isa sa mga kaklase namin sa Physics yun.

Nagpaalam na ako sakanila at madaling pumunta sa Oval. Nasa may di kalayuan si Josh at sir Oliver na nag uusap.

Kaagad akong lumapit sakanila kaya bumaling na din sila saakin, naramdaman siguro nila presensya ko.

Seryosong nakatingin si sir Oliver saakin habang si Josh ay nakangisi pa.

"Since hindi kayo nakikinig sa klase ko ay diligan nyo ang buong oval na to, that's your punishment."

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi nya. Inilibot ko ang tingin ko sa oval at mukhang maaabutan kami ng tanghali dito.

"No buts, start now."

Binigay nya saamin ang dalawang mahabang hose na inabot namin agad. Tumalikod na sya at dire- diretsong naglakad paalis. Napaka sama nya.

I HATE YOU TALAGA.

Napalingon naman ako nang biglang tapikin ni Josh ang pisngi ko.

"Tara na, let's start Ms, Fortaleza."

Wala na kaming inaksayang oras at nagsimula na kami. Bumubilis ang kilos ko dahil sa mga kilos ni Josh na sadyang mabilis. Natatawa din ako minsan sa pinanggagagawa nya.

Grabe talaga 'yun mag parusa.

Nung nangangalahati na kami ay bigla nya akong binasa kaya napatingin ako sakanya.

Teka?.. bakit may water gun na sya--

Nakita ko naman sa likod nya ang mga kaibigan nya na tatawa tawa pa na may hawak ding water gun na isa, i inigay nya din to kay Josh.

"Here get this, let's play water gun para naman hindi tayo ma stress."

Kinuha ko ito agad at binitawan ang hose, di pa ako nakaka ready ay pinatamaan na nya ako. Naka sibilyan na din naman ako kaya no probs kung basa na ako.

Lumaban na ako makipag-basahan hanggang sa panay takbo na kaming dalawa.

Nakakabata man tignan pero ang saya pala nito. Basang basa na kami sa paglalaro nitong water gun at napapahiyaw na ako sa tawa kapag pinatatamaan nya ako ng sunod sunod.

"Are you done playing with that water gun? It won't happen again, that you didn't listen to my class discussion and then turn my punishment into a game. This is so disappointing." Walang emosyon na sabi ni Sir Oliver pero kitang kita mo sa mga mata nya ang inis.. tapos sakit?

Hindi namin alam na nandito na sya ulit. Nadatnan pa kaming naghahabulan ni Josh.

"Sorry po sir." Hindi na sya nag react at inirapan kami.

----------------

Binibining_Nhor

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status