Share

Page 1

NGAYON ang unang pasok ng dalaga sa I.U bilang transfer student, kakalipat lang kase namin dito sa Maynila galing probinsya.

"Anak mali late ka na!"pasigaw na sabi ng mama ko.

Hindi ko na sinagot pa si mama dahil nagmadali na akong maligo, at inayos ang sarili. Pagkababa ko agad at mabungaran ko syang naghahanda ng almusal namin.

The best talaga ang morning pag mama mo ang mabubungaran mo at naghahanda ng almusal mo.

"Ma! good morning."Magana kong sabi sabay halik sa pisngi nya.

"Huwag ka masyadong magmadali, Channy lagi mong tatandaan na magpaka bait ka ahh, transferee ka pa naman.." pag papaalala ni mama.

Humalik ako ulit sa pisngi ni mama.

"Ma, nandun naman po si Joana diba? Panigurado babantayan naman ako nun dun."

"Sige Ma alis na po ako, Paki sabi nalang po kay papa na pumasok na ako sa school!"Pasigaw ko habang lakad takbo palabas.

Nakita ko si kuya Clint na naghihintay sa labas naka tayo sa tabi ng kotse nya. Astig nya talagabg tignan lalo pa't lawyer sya yun bang mapapa--

Objection your honor, ang gwapo ng lawyer. Haha, shems.

Para saakin hindi kami ganun kayaman may kaya lang kami, sapat na para makapag aral sa isang sikat na unibersidad si kuya naman ang nag papa aral saakin dahil isa na syang lawyer ngayon kami lang dalawa ang magkapatid kaya siguro todo protekta sila saakin lalo na't 3rd year college na ako ngayon at isang taon nalang makakapag tapos na ako.

"Good Morning kuya Clint ko."Agad kong niyakap si kuya. kasabay nun ang paglapad ng malaking ngiti sa labi ko.

"Haynako bunso ikaw talaga, Tara na nga sumakay ka na baka ma late ka pa sa school." Minsan talaga naiisip ko na may regla si kuya kasi napaka mainitin ng ulo minsan at laging salubong ang kilay kaso lalake pala sya, hehehe.

Agad naman akong sumakay sa passenger seat tahimik lang ang naging byahe namin at sa wakas dumating na rin kami akmang lalabas na ako pero hinawakan ni kuya ang palapulsuhan ko.

Napakunot noo ako kung bakit nya yun ginawa. "Bakit kuya?"

"Bunso naman, bakit napaka ikli ng palda mo tignan mo nga nasa gitna na ng hita mo." inis na sermon ni

kuya.

"Kuya di ko naman alam eh, malay ko ba na maikli pala 'to." Naka tungo at pangongonsensya ko.

"Republic Act 7877 or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995. Pasensya na po don't worry sasampalin ko mambabastos saakin." sabay ngiting malapad.

Protective talaga ng kuya ko, patay ang babaeng magugustuhan nya.

"Ikaw talaga saulo mo pati article na 'yan. Oh sige na, nga pala wag ka masyadong magpapagod may sakit ka pa naman." pag papaalala ni kuya.

"Yap, I'll keep that always in my mind; byeeee kuya." humalik ako sa pisngi nya at lumabas na.

Di na ako tumingin sa likod para sana muling kawayan si kuya dahil dumeretso na ako sa Dean's Office kinuha ko muna ang cellphone ko pinindot ang number ng bff kong si Joana.

Buti naman at sinagot rin ni Joana kaagad. "Hi Bess musta?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Besyyy!"

nailayo ko ang cellphone sa taenga ko ng sumigaw ito di pa rin talaga nagbabago ang isang to high school kami nung huli kaming mag kita.

Sinabi ko sakanya na pupunta akong Dean's Office para kunin ang schedule ko. Sa di kalayuan ay nakita ko sya na may malapad na ngiti sa mga labi nito at nagtatakbong palapit sa'kin.

"Bessy! Namiss kita alam mo ba yun.." pambungad saakin ng bruha nung makalapit ako.

"Alam ko syempre,namiss din kita kahit medyo may kabobohan ka." sabay yakap ko sakanya.

"Uy grabe din 'to oh imbes na yakapin ako. Anyway, Tara pasok na tayo sa Office?.."

"Yeah." sabay katok namin sa pintuan agad naman na may sumigaw ng pasok kaya pumasok na rin kami. Agad kaming lumapit sa isang table sa dulo na may nakalagay na Dean's Table.

Agad na napapatingin ang mga guro sa gawi nina Channy dahil sa angking kagandahan ng dalaga sa puti ng kanyang balat pantay mula mukha hanggang paa at labas na labas din ang perpektong kurba ng kanyang katawan at makikinis nitong balat na kitang kita sa hita nito.

Kulot sa baba ang kanyang sobrang itim na buhok meron ding mapupulang mga labi nito.

"Hello po and good morning mga Maam/sir." pagbati ni Joana sa Dean na nakaupo sa swivel chair.

"Good morning din sainyo, kung hindi ako nag kakamali ay ikaw ang transferee diba?" mahinahong saad ng matandang babae.

"Yes po, ako po yung transferee." malumanay na sambit ko.

"Gusto ko lang po kunin ang schedule at room number ko.."

"This is your schedule." sabay abot ng isang short bond paper na nakasaad dito ang schedule pati rin ang susi ng locker cabinet nya. "And that is your key for your locker cabinet.."

Agad nya itong kinuha at nagpasalamat lalabas na sana sya ng dumapo ang tingin nya sa isang matipunong lalake sa isang table sa dulo di na nya ito tinitigan pa ng matagal dahil hinila na sya ng kaibigan nya.

•~•

NANDITO na sila sa room kung saan ang first period nila nasa hulian sila banda dahil yun nalang ang upuan na bakante pa. Habang naka upo sya ay panay pa rin ang titig ng ilan sa mga kaklase niyang mga lalake tinatanguan nya nalang ang mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang ang prof nila.

"Hello good morning class." bati ng professor sakanila.

"Good morning Sir." bati nila pabalik habang ako nakamasid lang.

Agad naman dumako ang tingin ng guro sa kinaroroonan ko kaya napangiti ako ng pilit. "Ok before we start, let's welcome our transferee."

Agad naman akong napatingin sakanya. "Pwede ka bang tumayo at magpakilala?" mahinahong tanong nito.

Unti unti akong tumango at tumayo na sa kinauupuan ko. Nakatingin ang lahat ng kaklase ko at naghihintay sa susunod kong gagawin.

"Hello po, My name is Channy Fortaleza. You can call me Channy or Chan, nice to meet you all." bati ko sabay pakita ng malapad na ngiti at umupo.

Naubos ang oras namin sa pag discuss

naka tatlong palit na rin kami ng prof kanina.

Ngayon ay nandito kami ngayon sa canteen. Napakadami ng tao at parang nasa palengke lang, nakaka panibago ang ingay at tinginan ng mga tao saamin.

"Bess mag hanap ka nalang ng mauupuan ako na mag o-order para satin." Suhestiyon ni Joana.

Tumango nalang ako at naghanap, saktong nakita kong kumaway ang kaklase ko sa bandang kaliwa.

Lumapit ako sakanila."Hey, Channy right?"

Tumango ako agad at nang senyasan ako ni ganda na umupo sa bakanteng upuan ay hindi na ako nag atubili pa. "Dito nalang kayo ni Joana may dalawang upuan pa naman." sabay hila nya sa dalawang upuan.

Umupo na rin ako agad dahil nakatingin ang ibang mga estudyante sa gawi ko. "I'm Trisha." sabay lahad ng kamay nya agad akong nakipag kamayan sakanya.

Maganda sya at astig ang aura nya pero babaeng babae naman.

"This is Lian and Divine." sabay turo nya sa dalawang babae na kaharap ko nasa gitna kasi si Trisha ngiti lang ang itinugon ko sakanila.

Nakita kami ni Joana kaya umupo na sya kaagad. Marami kaming napag usapan pero puro kain lang talaga ako at sina Joana lang ang nakikipag-usap sakanila.

Maya maya pa'y nabigla nalang ako nang nagsitilian ang mga babae sa loob ng canteen pati na rin ang tatlo naming kasama ni Joana.

"Ohh god nandyan na sya!" sabi ng babae sa likod namin.

Agad naman ako tumingin kung saan ang atensyon nilang lahat agad ko namang nakita ang lalake na naka pamulsa di nga nakakataka na napapa ibig nya ang mga babaeng estudyante sa kakisigan nya. Yakap na yakap ang sleeve sakanyang braso nakakorte dito ang muscle nya na nakakadagdag sakanyang kakisigan.

Bigla akong tinapik ni Joana dahilan para bumalik ako sa reyalidad at sinenyasan akong kumain na.

"Sino sya?" tanong ko sa mga kasama kong babae na si Divine siguro pangalan nakalimutan ko kasi.

"Siya si Sir Oliver Sebastian,ang pinaka hot na professor dito sa I.U

(INTERNATIONAL UNIVERSITY). At sya din ang pinaka batang professor dito,ang gwapo nya talaga kahit saang anggulo tignan." Sabay tili ni Divine kaya napangiwi nalang ako.

Pinagmasdan kong muli yung gurong pinagkakaguluhan nila tsaka tinuon nalang ang pansin sa pagkain. Nakita ko pa ang ibang reaksyon ni Lian na hindi ko maipaliwanag kaya nagkibit balikat nalang ko.

Di rin kami nagtagal sa canteen dahil puro tilian ng mga babae ang naririnig ko dun, nakakarindi.

Sa sobrang pag iisip ko ay nakarating na din pala kami sa room.

Napatunganga nalang ako ng makita ang prof na nasa harap ko sya nga yung gwapong prof na nasa canteen kanina. Tilian nanaman ng mga kaklase kong mga babae ang naririnig sa room.

"Ms.Fortaleza, you're the new student here right?"

Nabaling ang atensyon ko sa lalakeng nag salita sa harap. "Ahmm, Y-yes sir.." utal kong sambit.

"Well, nice to meet you."

Umupo ako agad dahil parang namamanhid ang buo kong katawan sa paraan ng pagtitig nya saakin tapos napaka-ikli pa ng pagbati nya sakin.

Itinuon namin ang oras sa pag discuss. Medyo wala din ngang pumapasok sa utak ko e kaya ang ending nung nag quiz na ay six out of 10 ang score ko.

"Ms.Fortaleza?" tawag atensyon ni sir Oliver.

Agad naman akong napatingin sakanya. "y-yes sir?" kinakabahang sambit ko.

"It seems like you're too occupied, collect all the papers and past it in my office." He used the no emotion voice to me.

"I will wait there.."

Sasabihin ko sana na kung pupwede ay iba nalang pero bigla nalang syang umalis. Kinuha ko na ang mga papel at pumunta sa office nya tinanong ko na rin kay Joana kung saan ang office nya dahil diko alam.

Nandito ako ngayon sa third floor sa isang building dahil nandito daw yung office nya agad akong kumatok sa pintuan na nasa dulo. Pinihit ko na ang pinto sumilip ako agad at nakita ko naman sya sa table nya sa dulo pumasok na ako at sinara ang pinto.

Nakatingin lang sya saakin habang ako naman ay naiilang na lumalapit sakanya nakalapit na ako pero nakatitig pa rin sya saakin.

"Ahm s-sir n-nandito na po yung quiz paper." nauutal kong sambit habang ang tingin ko ay di maka diretso sa mga mata nya.

Sa halip na kunin nya ang quiz paper ay tumayo ito nang hindi pinuputol ang titig saakin agad naman ako ng kinabahan sa mga titig nya at papalapit sa kinatatayuan ko. Napa singhap ako ng maramdaman ko ang presensya nya sa likod ko ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko.

"You look so nervous, didn't you?..." bulong nya saakin.

"N-no sir, I-I didn't.."

"Then why are you stuttering?" he whispered in my ear sexily.

Mariin akong pumikit ng maramdaman kong nangangatog ang mga binti ko. Naramdaman nya siguro na sobra na akong kinakabahan kaya lumayo na sya saakin.

"Ilagay mo nalang dyan." pag iiba nya ng pansin. Agad ko itong nilapag at nag simula ng maglakad papalayo

"Wait." agad naman akong lumingon ng mag salita sya.

"Don't think that i'm interested with you." sarcastic nyang sambit

Napakunot noo nalang ako."Don't worry sir I'm not thinking about that."mataray kong sambit sabay alis sa office nya.

Habang naglalakad ako naisip ko ulit yung sinabi nya sinabi ba nya na wag ko isipin na interesado sya saakin? ano ako baliw di ko iisipin yun noh

Napaka feeling nya pala di ko inaasahan yun he's getting into my nerves. Umiling nalang ako ba't ko ba sya iniisip napagtanto ko nalang na nasa field na pala ako kaya umupo ako sa upuan dun.

Iginala ko ang tingin sa kabuuhan ng university masasabi kong napakalawak pala nito.

"Nag iisa sa gitna ng tahimik na field." Nagulat ako ng may biglang nag salita sa likod ko. sabi ng lalake at tumabi saakin.

"Hi, I'm Josh." sabay lahad sa kamay nya.

Malugod ko naman itong tinanggap. "Channy."sabay ngiting matipid dahil hindi ko pa naman sya lubos na kilala.

"So ba't ka pala nandito?" sabi nya habang nakatingin sa malayo.

"Nothing i'm just thinking about my assignment then bigla akong napadpad dito." sabi ko na hindi tumutingin sakanya.

He slowly nodded na para bang nakuha na nya ang sagot ko.

Nasa gitna kami ng pag uusap ni Josh ng biglang mag si tilian ang mga babae sa baba namin tumingin kami kung saan sila nakatingin at tama ako nandito nga yung pilingerong guro.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakatingin sya saakin. He just smirking at me tumayo na ako at umalis na duon naka sunod pa rin pala si Josh saakin.

"Huy saan ka galing?" nagtatakang tanong ni Joana.

"Sa field nagmuni muni lang." tipid kong tugon. Hindi ko alintana na nasa likod ko pa rin si Josh.

"Uy Chan, kilala mo ba si Josh?"Mapanuring tanong ni Joana.

Lumingon ako kay Josh na nasa likod ko pa at mukhang masaya syang nakikinig saamin.

Marites yarn?

"Hindi, nakasabay ko lang sya at nagka-usap kami konti lang naman." Balewala kong sagot at pumasok na at diretsong umupo sa upuan ko.

Nabalitaan ko din kina Joana na ka-blockmate namin si Josh, nahuli lang sya ng pasok dahil sya din pala ang captain ng basketball team.

----------

Binibining_Nhor

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status