Share

Page 3

Nasa library kami ngayon at ginagawa ang assignment namin. Bakante ang oras namin dahil may meeting ang mga teacher sa faculty room kaya ito tinambak kami ng seat work. 

Medyo sinisipon din kakalaro kahapon.

"Guys, may celebration party daw si ma'am Andi para sa pagka pasa nya daw." Biglaang turan ni Divine. 

Itong babae na 'to maypagka-marites talaga e, kung saan saan nakakasagap ng balita.

"Pwede daw makisali sa celebration ang mga estudyante mga sis. Sige na sali tayo, sayang naman kung hindi tayo sasali."

Kita mo na may hulian pala yung pagbabalita nya nun e. 

"Sige, sama tayo. Alam nyo naman na game na game ako dyan e." 

Tamotong si Joana, gustong gusto din pala. Napapalak-pak naman sa tuwa si Divine at Lian kaya ayun nag whistle saamin yung librarian.

"Ikaw ba Channy, sama ka?" Baling saakin ni Joana.

"Hindi siguro mga te, knowing kuya di papayag yun.” simpleng tugon ko habang ang mga tingin ay nasa ginagawa ko lang.

“Ganito nalang pupunta kami sa bahay nyo at kami mag papaalam.” suhestiyon ni Joana na ikinatuwa naman ng iba.

“What time ba?” tanong ni Trisha.

“7 o'clock daw ang start ng party casual dress lang naman ehh..”

“Ok agree punta tayo may invitation na rin na binigay si ma'am saamin kanina.” masayang tugon ni Divine.

Pagkatapos ng usapan ay nagpatuloy na kami sa ginagawa. Tumutingin nalang ako sa buong paligid ng library room dahil tapos na ako hinihintay ko lang sila na matapos hanggang sa mapadako ang tingin ko sa gurong seryosong naka upo paharap saakin sa isang lamesa nakatingin ba sya saakin? Bakit parang napaka seryoso nya.

Tinitigan ko ito ng ilang sandali napakunot noo ako ng bigla nya akong inismidan at umalis. Ano ba problema nun baliw na sir Oliver.

•~•

NASA bahay na kami ngayon dahil katulad ng sabi nila kanina ipapa alam daw nila ako sa parents at kuya ko well good luck sure ako na di papayag si kuya knowing kuya mahigpit saakin yun.

Kala mo sya magulang ko.

“Kuya Clint pasamahin mo na saamin si Channy.” pagmamakaawa ni Joana.

Please po sir, ma'am at kuya ni Channy, please.” gatong din ng tatlo.

Ako tahimik lang na nanood sakanila at hinihintay ang susunod na gagawin. 

"Clint iho pag bigyan mo na ang bunso mong kapatid ngayon lang naman ehh.” suhestiyon ni Mama.

Agad naman akong nag puppy eyes kay kuya. At syempre dahil cute ako napapayag ko sya.

"But girls, im not allowing you to drink."

Nandito kami ngayon sa kwarto dahil inaayusan na nila ako. “OHH! ayan Channy bagay sa'yo..” masayang saad ni Trisha habang nakatingin saakin sa salamin.

Isang simpleng floral white off shoulder dress under the knee. Pinaresan ko lang ng two inch na sandal.

Pagkababa namin ay agad akong humalik kina mama at papa sunid kay kuya na napaka strikto ng itsura.

“Bunso mag iingat ka ah, uwi kaagad pagkatapos ng party.” bilin ni kuya. Tinanggal ko na rin ang braso nyang naka akbay saakin nagpaalam na rin ako kina mama and papa.

PAGKARATING namin sa venue marami na ring tao kaya dumeretso na kami sa table namin. Nandito rin ang lahat ng guro,..pero may isa pa akong hindi nakikita.

Iginala ko ang paningin sa buong venue pero parang may nakatingin saakin kaya naiilang akong napapatingin pero pagka dako ng tingin ko sa di kalayuang lamesa banda sa teacher's area dun ko na nakita ang lalaking kanina pa hinahanap ng mata ko.

And there he is staring at me,nakipag titigan naman ako sakanya, agad din akong nag iwas ng tingin sakanya dahil parang hinihigop nya ang buong systema ko. Nang tumingin ako ulit sa kinaroroonan nya ay wala na ito dun.

“Joana, excuse muna ahh, cr muna ako.” paalam ko sakanila.

“Ok, balik ka agad ah, magagalit kuya mo saamin pag nagkawalaan tayo.” paalala nya saakin.

Agad naman ako nag tungo sa cr pero bago ako makarating sa cr ay may humila sa palapulsuhan ko.

Pag angat ko ng tingin nakanganga ako ng makita kung sino to. Napa ilang kurap pa ako ng tatlong beses dahil di ako makapaniwala na sya ang lalakeng kaharap ko ngayon.

“Ahm.. S-sir may kailangan p-po ba kayo?” ilang na sambit ko habang sinusubukan na kumawala sa mga braso nyang na nasa bewang ko.

Tinitigan pa nya ako ng ilang beses bago nya ako tuluyang bitawan. Parang naka hinga ako ng maluwang nang bitawan nya ako mula sa pagkaka-hawak nya saakin.

Mapupungay ang mga mata nito na para bang may gustong sabihin o gawin? Pero pinipigilan nya lang.

Pero mas nagulat ako ng siilin nya ako ng halik, Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya ng malakas at sinampal. Nagulat din ako sa ginawako pero huli na para pigilan ito.

For pete sake he's my professor but he kissed me. Omg!

“I-i'm sorry,I didn't mean to..” panghihingi nya ng tawad saakin.

“O-ok lng w-wag lang natin uulitin. Im sorry fin po kasi nasampal kita.” pagka sabi ko nun ay agad akong umalis.

Ni hindi man lang ako nakapag cr dahil sa Oliver na iyun. Umupo nalang ako at di nagpahalata kina Joana na may nangyari.

“Hi..” agad ako napabaling sa lalakeng kakaupo lang sa tabi ko at hinalikan pa nya ako sa pisngi.

“Ohh! I-Ikaw pala Josh.” binati ko sya sabay bigay ng malapad na ngiti.

Mukha ba akong mga jowa nila at panay sila halik saakin? 

Kami nalang dalawa ang naka upo sa table sila Joana kasi nasa teacher banda nakikipag picture kina Ma'am Andi.

“Hindi ka ba pupunta kina Trisha, mukhang masaya pa naman dun.” suhestiyon ni Josh ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin habang sinasabi nya iyon.

Seryoso sya minsan pero may pagka jolly din. Hindi ko pa din makalimutan yung paglaro namin ng water gun sa field.

“Ayoko dito nalang ako, at saka ayos lang, hintayin ko nalang sila na matapos.” saad ko.

Pareho nalang kaming walang imik. Pinanood nalang namin sila Joana na nakikipag picture kina Ma'am Andi.

Nawalan na ako ng gana makisaya yung Oliver kasi na 'yun nakakainis e, kung hindi ko lang sya guro malamang pinisat ko na yung ano nya. Yung hmmm nya.

Hanggang sa maka uwi kami ay wala ako sa huwisyo buti nalang at pinangiti ako ni Josh.

Pagka uwi ko dumeretso na ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Syempre ginawa ko muna ang night routine ko pagkatapos nun humiga na ako sa kama napatingin nalang ako sa kisame habang hawak ang labi ko at iniisip yung kaninang paghalik saakin ni Sir Oliver hanggang sa bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko....

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang alarm clock kaya pinatay ko ito agad pero pagkatingin ko nito 5x na palang nag ring At 8:00 na bwisit late na ako.

Ginawa ko na ang morning routine ko at sumuot na Ang uniform ng napalagay na ako sa itsura ko agad akong bumaba at mabilis na pumara ng taxi sa room ko nalang i te-text sina Mama.

PAGKARATING ko sa room nakita kong nag di discuss na si Sir Oliver Tama sya pala ang first period namin ngayon. Nagmadali na akong pumasok pero sigurado akong napansin pa rin nya na late akong dumating.

“Gaga ba't late ka?” bulong ni Trisha alam mo bang hinahanap ka nya kanina kayanginitian ko lang sya ng pilit.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng mag tama ang tingin naming dalawa! Putek!! naalala ko nanaman yung paghalik nya kagabi!. Pero iba ang emosyon sa mga mata nito, bakit parang ang lamig naman ng tingin nya saakin.

“You're 30 minutes late Ms. Fortaleza.” he said it coldly. “Can you please stand up.” tumayo naman ako kaagad at direktang tumingin sakanya. “Can you give me an acceptable reason why are you late?.” masungit na sabi.

“I'm sorry sir, late po akong nagising, di ko po na set ang alarm clock ko, napagod po kagabi.” I lied na set ko naman ang alarm ehh. Tinatamad lang talaga ako bumangon kanina.

Tinitigan nya muna ako bago tatlong beses na tumango. He pinched his nose and breath. “Ok sit down,  we'll talk later..”

Umupo na ako kaagad dahil parang Wala naman syang sasabihin.

“Ok that's it for to day.” sambit ni Sir Oliver habang inaayos ang mga mga gamit nya papasok sa bag. “And Ms. Fortaleza?” tawag nya saakin napatingin naman ako agad sakanya. 

“Follow me in my office, I want to heard your true reason why are you late.” maawtoridad nitong sambit.

Magsasalita pa sana ako pero dire diretso na syang lumabas ng room.

“Uyy! Girl, mukhang di satisfy si Sir Oliver sa reason mo kanina.” si Divine.

“Good luck bess, masungit pa naman yan..” paalala ni Joana.

"Oliver is like tha— i mean ganyan talaga si sir may pagka seryoso at strikto sa oras ng klase nya." Parang may kakaiba kay Lian e. 

“Wait ka namin sa canteen ahh..” si Trisha sabay tayo at lumabas na.

Ako naman papuntang office ng Oliver na iyon. Pagkarating ko sa pinto ng office nya agad ko itong kinatok nang may narinig akong nag sabi ng come in pinihit ko na ito.

Pagkapasok ko agad namang may humila sa palapulsuhan ko ipinasandig nya ako sa sa likod ng pinto. “Now tell me why are you late.”

Sa sobrang lapit ng mukha nya di ko magawang magsalita dahil tumatama sa balat ng mukha ko ang mainit nyang hininga na nakakapag hatid saakin ng libo libong kuryente sa katawan ko.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. 

“Ahm s-sir na l-late po talaga a-ako ng gising.” utal kong sambit habang nakatingin sa kanyang walang emosyong mga mata.

" I thought you were dreaming about Josh's kiss."

Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nya pero agad naman pumasok sa isip ko ang paghalik ni Josh sa pisngi ko kagabi so nakita pala nya yun.

“No sir! I didn't think about it.” totoo naman ahh mas inisip ko nga yung halik nya eh.

Nang tingnan ko sya sa mata ay napakalamlam nun at tila ba tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo.

Medyo nakaramdam naman ako ng inis dahil bakit nga ba ako nagpapaliwanag sakanya e teacher ko sya. The last thing i remembered ay galit sya saamin ni Josh dahil naglaro kami sa field at hindi nakinig sa koase nya.

Itinulak ko sya kaya napaatras naman sya.

 "Sir please stop pestering me po. Ano naman kung halikan nya ako, tsaka wala na po kayo dun kasi teacher ko po kayo at wala na kayong karapatan manghimasok dun. Excuse me." 

------------

Binibining_Nhor

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status