Home / Romance / Mr. Vilmora's Accidental Bride / 2 - Parents always win.

Share

2 - Parents always win.

Author: yoonsofi
last update Last Updated: 2022-02-11 23:32:43

Ilang linggo ko ng tinatago ang nalaman ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko, isa lang ang sigurado ko at iyon ay ang hindi ko pa kaya maging isang Ina. Hindi ko pa nasasabi kay Mama dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

“Nakauwi na ho ako,” malakas kong sabi pagpasok ko ng bahay namin ngunit hindi ko man lang narinig si Mama.

“Ma?” tawag kong muli pero nang wala akong marinig ay umakyat na lang ako sa kwarto, nagulat naman ako ng makita ko si Mama sa loob at mas nanindig ang balahibo ko ng makita kung ano ang hawak niya.

“Ma,” mahina kong sabi at lumapit sa kaniya ngunit agad napabaling sa gilid ang mukha ko ng makatanggap ako ng isang malakas at malutong na sampal sa kaniya.

“Put*ng*na Chyna buntis ka?” sigaw niya kaya napahagulgol na lang ako ng iyak dahil sa pinaghalong takot at sakit.

“Sorry Ma,” wika ko habang umiiyak at pinipilit hawakan ang kamay niya pero tinatabig niya lang ako.

“Kailan pa? Sinong ama niyan?” malakas niyang tanong sa’kin pero hindi ko masagot dahil ang totoo ay hindi ko rin kilala kung sino ang lalaking ‘yon.

“Hindi ko na kayang buhayin pa ‘yan Chyna! Alam mong iginapang ko na ang lahat ng makakaya ko para lang mapag-aral ka ng kolehiyo! Gusto mo bang mamatay na ako ha?” sigaw niya at tuluyan na ring humagulgol sa tabi ko.

“Ginawa ko naman ang lahat para pangaralan ka at huwag matulad sa’kin,” sabi niya habang umiiyak na mas nagpadagdag ng sakit na nararamdaman ko. “Bakit mo naman ginagawa ‘to sa’kin Chyna?”

Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa hiya sa nanay ko, ayokong makita siyang umiiyak dahil sa kagagawan ko. Nanginginig na ang kalamnan ko kakaiyak kaya pinilit ko ng kumalma para makausap si Mama.

“Ipakilala mo sa akin ang tatay ng dinadala mo, sa ayaw o sa gusto niya ay papanindigan niya ‘yang nabuo ninyo,” sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Napaiyak naman akong muli dahil sa sinabi ni Mama dahil hindi ko alam anong gagawin ko, hindi ko kilala ang lalaking iyon at panigurado ay hindi noon tatanggapin ang nangyari.

Third Person’s POV

Naglalakad na si Chyna patungo sa sakayan ng jeep dahil papasok na ito sa kaniyang trabaho nang makita ito ng kaibigang si Hanz sa daan.

“Chy pasok na! Hatid kita,” sigaw naman nito mula sa loob ng sasakyan at ibinaba lang ang bintana kaya pumasok naman si Chyna sa sasakyan nito.

“Okay ka lang? Ang putla mo,” tanong naman agad ng binata ng mapansin ang itsura ni Chyna, tumango lang ito ngunit hindi pa sila nakakaalis ay bigla na lang nawalan ng malay si Chyna habang nakaupo sa passenger seat.

“Chy, ‘wag ka magganiyan,” sabi ng binata at tinapik si Chyna ngunit nang hindi ito magsalita ay agad niyang tinapik ang pisngi nito at nang hindi talaga ito mag-respond ay agad niya nang tinahak ang daan papuntang ospital dahil sa panic at takot.

Dinala niya sa emergency ang kaibigan at naghintay sa labas, hindi niya alam paano tatawagan ang nanay ng dalaga dahil hindi niya mabuksan ang telepono nito dahil sa password.

“Kamusta po siya?” tanong agad ni Hanz sa doctor ng makita niya.

“Ayos lang ang asawa mo, napagod lang siguro kaya ay pagpahingahin mo muna siya dahil nakakasama rin sa baby ang labis na pagod,” sabi ng doctor at nagpaalam na dahil may gagawin pa ito.

Natulala naman ang binata dahil sa narinig, parang hindi pa tinatanggap ng sistema niya ang sinabi ng doctor kaya para siyang blanko nang magpunta sa kama na kinahihigaan ni Chyna. Hindi rin nagtagal ay nagising ang dalaga at agad na nag-panic dahil may pasok siya.

“Hanz may pasok ako!” malakas na sabi niya ng pigilan siya ng kaibigan sa pagbangon.

“Magpahinga ka, makakasama raw sa baby ang labis na pagod,” sabi ng binata at idiniin pa ang salitang ‘baby’.

Napatahimik naman si Chyna sa sinabi ng kaibigan at hindi na nagpumilit umalis. Ilang beses niya narinig ang buntong hininga ng kaibigan ngunit hindi niya naman alam ang sasabihin dito.

“Sinong tatay niyan?” seryosong tanong ni Hanz sa kaibigan.

“H- hindi ko . . . kilala,” sagot ng dalaga habang nakayuko at agad naman napatingin sa kaniya ang kaibigan dahil sa gulat.

“Ano?” malakas na tanong nito pero hindi pa rin siya nilingon ng dalaga. “Anong hindi mo kilala? Paanong naging ganoon Chyna?”

“Hindi ko siya kilala okay? Nagkamali ako! Kasalanan ko,” sabi nito at naiyak na kaya naman napatigil din si Hanz sa naging reaksyon ng kaibigan.

Hinila niya na lang ito palapit para yakapin at kumalma ang kaibigan, iniisip niya na baka kung ano ang mangyari dito kapag na-stress masyado.

“Kailan nangyari?” mahinahong tanong ni Hanz sa kaibigan.

“Noong birthday mo,” sagot ni Chyna. “Dahil siguro sa kalasingan hindi ko na alam anong nangyari sa akin.”

“Sinasabi mo bang kaibigan ko ang nakabuntis sa ‘yo?” tanong ni Hanz at tumango naman si Chyna kaya napahilamos siya ng palad niya sa mukha.

“I-describe mo, kilala ko ang lahat ng nagpunta sa birthday ko Chyna,”  seryosong sabi nito na halatang desididong kilalanin ang nakabuntis sa matalik niyang kaibigan.

“Hindi gaanong kaputian, kulay itim ang buhok, medyo maskulado pero hindi sobra,” sabi ni Chyna habang pilit inaalala ang itsura ng lalaking nakita niya. “Gwapo, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, makapal ang kilay, mapula ang labi, may tattoo siya sa may dibdib na parang lobo."

“Put*ng*na,” bulong nang binata ng maisip kung sino ang inilalarawan ng kaibigan, kaagad niyang kinuha ang phone at naghanap ng litrato na kasama niya ang lalaki.

“Ito ba ang lalaking tinutukoy mo?” kinakabahang tanong ni Hanz at hinarap kay Chyna ang larawan, tumango naman ang dalaga na nakapagpapikit ng mariin sa binata.

“Sino siya? Ka- kailangan ko siya makausap,” sabi ni Chyna sa kaibigan.

“Tara na at ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni Hanz at sumunod naman sa kaniya si Chyna.

Tahimik sila sa byahe hanggang sa makauwi si Chyna, pinaalalahanan niya lang ang kaibigan na huwag na masyadong magpuyat dahil baka makasama iyon sa kanila ng anak niya.

Nakarating si Hanz sa bahay nila para lamang sana ay magpalit bago pumunta sa bahay ng lalaking hinahanap niya. Ngunit pagpasok niya sa kanilang tahanan ay agad niyang nakita ang lalaking gusto niya makausap na nanonood ng telebisyon.

“Oh Hanz, kumain-” hindi na natuloy ang tanong nito nang lumandas ang kamao ni Hanz diretso sa panga ng lalaki, hinigit pa nito ang kwelyo ng suot nito dahil sa galit na nararamdaman.

“You f*cker! Ano ang problema mo?” sigaw sa kaniya nito.

“Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” malakas na sigaw nito na puno ng galit ang mga mata.

“I don’t even know what the f*ck are you talking about,” galit na singhal ng lalaki sa kaniya at tinanggal ang hawak nito sa kwelyo niya.

“Anong ginawa mo sa resort noong birthday ko Kuya?” galit pa ring tanong nito sa nakatatandang kapatid.

“I drank-” napatigil ito ng maalalang mayroon siyang babaeng naikama ng gabing iyon habang lasing rin siya, napansin naman ni Hanz ang animo'y realisasyon sa mukha ng kapatid.

“Oo Kuya! Kaibigan ko ‘yung babaeng ‘yon! Matalik kong kaibigan ang nabuntis mong hayop ka!” sigaw nito at umamba ulit ng suntok ngunit naka dipensa na ang kapatid.

“Ano ang nangyayari dito?” sigaw ng Ama nila na kakababa lang ng hagdan kasama ang kanilang Ina.

“Itanong niyo sa magaling niyong anak kung anong kat*rantaduhan ang ginawa niya,” galit na wika ni Hanz.

“Hanz Gerald,” saway naman ng kaniyang Ina kaya tumahimik siya.

“Anong ginawa mo Hendrix?” seryosong tanong ng tatay niya.

“Your son is accusing me of getting his best friend pregnant,” sagot nito sa Ama.

“Oo sinabi niya sa’kin na ikaw ang nakabuntis sa kaniya,” sabi ni Hanz na halatang nagpipigil pa ng galit.

“I don’t even know your bestfriend!” sigaw ni Hendrix sa kapatid.

“Your bestfriend? You mean Chyna?” tanong ng Ginang sa anak kaya tumango naman si Hanz at napatakip na lang ng bibig ang kanilang Ina sa nalaman.

“Panindigan mo si Chyna,” madiin na sabi ni Hanz sa kapatid.

“I won’t take responsibility for something that I didn’t do,” sigaw nito, umamba ng suntok si Hanz ngunit naunahan siya ng kanilang Ama at napaupo na lang sa sahig si Hendrix sa lakas ng suntok na natamo.

“Papanindigan mo ang nagawa mo, sa ayaw at sa gusto mo Hendrix. I did not raise you to be a f*cking coward!” Madiin ang bawat salita ng Ginoo bago sila nito iwanan.

“We’ll talk to Chyna’s family tomorrow,” sabi naman ng Ina nila ngunit hinabol pa ito ni Hendrix.

“We’re not even sure if I was really the father! What if she’s just doing this for money?” tanong ni Hendrix sa Ina.

“‘Wag mong ubusin ang natitira kong respeto sa ‘yo Kuya,” saad ni Hanz sa kapatid.

“Son, I know Chyna. Kung ano man ang iniisip mo ay napakalayo niya sa ganoong klase ng babae, mabait at responsableng anak si Chy . . . kung hindi ganito ang sitwasyon at nalaman kong si Chyna ang magiging nanay ng anak mo, siguro ay naghanda pa ako ng salusalo,” sabi ng Ginang at iniwan na ang dalawang binata, agad rin na umalis si Hanz dahil galit na galit pa rin ito sa kapatid.

Kinaumagahan ay nagkasabay-sabay naman ang pamilya Vilmora sa hapagkainan kahit na napakatahimik lang nila.

“Dad! Can you hear what you’re saying?” singhal agad ni Hendrix ng pag-usapan ng kanilang mga magulang ang planong kasal.

“What? Nabuntis mo si Chyna, panindigan mo, pakasalan mo dahil kung ako ang may anak na babae, panigurado ganoon ang gugustuhin kong mangyari,” sabi ng Ginoo na hindi pinansin ang pagdadabog ng anak.

“But isn’t a wedding too much? Hindi ko kilala ang babaeng ‘yon, what happened to us was just a mistake! Hindi ba pwedeng sustentuhan ko na lang ang bata?” tanong nito habang nagmamakawa ang mga mata.

“Ngayon pakinggan mo ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba pera lang kailangan para makabuhay ng bata? Bukod sa pera mas kailangan noon ng magulang,” seryosong saad ng Ginang.

“Papakasalan mo si Chyna at magiging ama ka sa una kong apo Hendrix. Kung hindi ay ako mismo ang magtatanggal sa ‘yo sa posisyong ibinigay ko,” mariin na sabi ng Ama ng tahanan at kumain ng muli.

Ang Ginang na si Helena ang tumawag mismo kay Chyna para ipaalam na dadalaw silang pamilya sa tahanan ng dalaga. Agad namang naglinis si Chyna at ang kaniyang Ina dahil sa biglaang pagkakaroon ng bisita.

Hapon na ng matapos ang mag-ina sa paga-ayos ng kanilang tahanan at natapos na rin mag-ayos ng kanilang sarili. Nitong araw lang rin nalaman ni Chyna na ang lalaking nakabuntis sa kaniya ay ang kapatid ng matalik niyang kaibigan. Hindi pa rin mapalagay ang dalaga dahil hindi niya kilala ang lalaking ito at magkikita silang muli ngayon na kasama pa ang mga magulang.

“Pasok ho kayo,” agad na sabi ni Chyna ng salubungin ang pamilyang kararating lang sa kanilang tahanan.

“Mas lalo ka atang gumaganda Chy, ang tagal nating hindi nagkita ah,” bati naman ni Helena sa manugang na babae.

“Naging busy ho kasi sa course ko at sa pagtatrabaho,” sagot naman nito.

Nakapasok na ang pamilya at sa hindi malamang rason ay hindi kayang tingnan ni Chyna ang lalaking katabi ng kaniyang kaibigan. Nag-udyok naman ang Ina ni Chy na kumain na ng hapunan dahil naghanda sila ng kaunti para sa bisita.

Nakaupo si Chyna sa pagitan ng kaniyang Ina at ni Hanz at sa kasamaang palad ay nasa tapat pa nito ang binatang hindi niya kayang tingnan. Nagsimula ng kumain ang lahat habang pinapakinggan lang nila na ang mga magulang nila ang nagu-usap.

“Gusto na sana naming pag-usapan ang tungkol sa kasal para magawa natin ito ng mas maaga habang hindi pa malaki ang tiyan ni Chyna,” sabi ni Helena at agad namang nabilaukan si Chyna sa narinig kaya tinapik tapik ni Hanz ang likuran nito.

“K- kasal po? B- bakit po?” tanong nito ng makabawi.

“Chyna nakabuo na kayo ng anak, natural na kasal na ang dapat kasunod noon,” sabi nito sa dalaga at ngumiti pa, agad namang naglandas ang paningin niya sa kaniyang Ina upang humingi ng tulong ngunit ng makita niyang parang sang ayon ito ay napahinga na lang siya ng malalim.

“Pero naga-aral pa ho ako, twenty two pa lang po ako,” sabi naman ni Chyna at nag-isip pa ng ibang pwedeng dahilan para tumanggi sa kasal.

“Anak pwede ka pa rin naman tumuloy sa paga-aral, hindi porket ay ikakasal ka na ay hihinto ka na sa paga-aral,” sagot naman ng kaniyang Ina. “Mas mabuti na rin ito para sigurado akong hindi matutulad sa ‘yo ang anak mo na lumaking walang Ama.”

Nag-usap na ang mga magulang nila at wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi ang makinig sa mga plano at unti-unting piniliit ang sarili na tanggaping ikakasal na siya sa lalaking hindi niya man lang alam ang pangalan.

“Ano?” tanong ni Hanz sa kaibigan nang pasimple siyang kinurot ni Chyna sa kamay.

“Hindi ko alam ang pangalan ng kapatid mo,” bulong nito sa kaibigan na tila ba ay nahihiya pa.

“Seryoso ka ba? Hindi mo alam?”  tanong nito kaya ng umiling ang kaibigan ay sumagot ito.

“Hendrix Gabriel Vilmora,” saad nito at nagpatuloy na sa pagkain.

Naligaw naman ang paningin ng dalaga sa binatang nasa tapat at saktong ito rin ay nakatingin sa kaniya kaya agad siyang napatungo at tinuon na lang ang pansin sa ibang bagay.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba ay mula pagkarating sa tahanan ng mga Chaves ay pinagmamasdan na ni Hendrix ang soon to be bride niya. Pinagmasdan niya kung gaano ito kagalang sa kaniyang ina, kung paano ito makipag-usap sa kaniyang Ama at kapatid at kapansin-pansin rin ang pag-iwas nito ng tingin sa kaniya.

Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng dalaga na animo’y may halong ibang lahi dahil sa kakaibang kulay ng mata, abo ang kulay ng mata ng dalagang ni minsan ay hindi tumingin sa kaniyang mata.

‘This is the girl I am going to marry?’ isip isip ng binata habang nakatingin pa rin dito. Napa buntong hininga na lang ito ng makitang tapos na ang usapan ng mga magulang nila at mukhang desidido na ang mga ito sa kasal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   39 - The start of a bigger chaos.

    Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   38 - “Please breathe mahal!”

    Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   37 - Hanz doing his duty.

    “Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   36 - The other side.

    Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   35 - The friendship we have.

    Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   34 - Trying to be a good wife and a good friend.

    “Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status