Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.
“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata ko ng mabosesan ko kung sino ang caller, tiningnan ko pa ang screen ko para masigurado kung siya nga talaga.“Ay Hendrix, sorry, ano kasi . . . hinihintay ko tumawag si Hanz,” sabi ko na lang.“Malapit na ako sa labas ng campus niyo, kunin mo na ‘tong parang lalagyanan ng mapa, you forgot this on the dining table,” sabi niya kaya agad na nanlaki ang mata ko.“Ha?” malakas na tanong ko dahil parang hindi ko siya naintindihan.“You heard me Chy, kunin mo na ‘to. Nandito na ako,” sabi niya at binaba na ang tawag.“Bumalik ka na sa room, nasa labas si Hendrix dala ‘yung drawing tube ko,” sabi ko kay Nica at agad na akong tumakbo palabas, narinig ko pa ang tawag ni Nica pero hindi na ako lumingon.Tumakbo ako palabas ng building namin, buti na lang at class hours na at wala na masyadong tao sa hallway at nakatakbo ako ng walang nababangga. Nakita ko naman agad si Hendrix na nakasandal sa sasakyan niya pagkalabas ko sa may mismong lobby ng building namin.Pagkarating ko sa kaniya ay agad akong napakapit sa sasakyan sa sobrang hingal, nakatingin lang naman siya sa ’kin kaya hinitay ko munang kumalma ang tibok ng puso ko bago ako magsalita.“Do you need water?” tanong niya pero umiling ako.“‘Wag ka ngang takbo ng takbo, baka mapano ka pa,” sabi niya at inabot sa’kin ang itim kong drawing tube.“Sorry sa abala and salamat, ngayon deadline ng mga plates ko at parehas major ‘yon,” sabi ko naman at ngumiti sa kaniya.“Kaya pala madaling araw na ay gising ka pa,” komento niya kaya napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.“Paano mo nalaman?” tanong ko naman at nagpunas ng pawis sa noo ko.“Bababa ako noon para kumuha ng tubig tapos narinig kong kumakanta ka pa,” sabi niya kaya napangiti naman ako ng alanganin sa kaniya.“Go back, you have class right?” tanong niya at naalala ko naman na may pasok nga pala ako.Nagpaalam na ako at tumakbo na pabalik sa building namin habang bitbit ang tube.“Ay hala dinala talaga ng asawa mo?” bulong ni Nica nang makita ang hawak ko.Pinalo ko naman siya sa braso dahil sa sinabi niya, hindi alam sa school na kasal na ako at wala namang pumapansin ng wedding band ko dahil mukhang simpleng singsing lang ito.Nagdaan ang dalawang klase ko ngayon na puro sama lang ng loob ang binigay sa akin. Paano ba naman, kakapasa lang nung activity namin tapos may pinapagawa na naman at bukas din ang pasahan. Kaya talagang pigil na pigil ang pag-irap ko dahil baka mapagalitan pa ako, dinaan ko na lang sa ilang buntong hininga para makalma ang kaluluwa ko.“Sabi ko ngayon ako babawi ng tulog dahil napuyat ako kagabi,” sabi ko habang naglalakad na kami papunta ng cafeteria dahil break time namin.“Grabe talaga ‘yon ano? Feeling ata niya siya lang subject natin,” sagot naman ni Nica sa tabi ko.“Hoy! Naalala ko ‘yung asaw-” Tinakpan ko kaagad ang bibig niya dahil alam ko na sasabihin niya.“Tumahimik ka,” sabi ko ng may pagbabanta at binitawan na siya.“Pero nakakakilig naman kasi na pinuntahan ka niya, ‘di ba may trabaho ‘yon?” tanong niya kaya tumango ako.“Sana magka-developan kayo!” kinikilig niya pang sabi kaya natawa na lang ako sa mukha niya.“Kanina pa ‘yung message mong papunta na kayo,” bungad ni Hanz nung makarating na kami sa table.“Gutom na gutom?” tanong ko naman.Nagsimula naman na kami kumain habang nagra-rant na si Nica kay Hanz dahil doon sa prof naming parang kampon ni satanas na talagang nagpapahirap ng araw araw naming buhay.“Allyson! Mag-isa ka?” Napalingon naman ako doon sa tinawag ni Nica at nakita ko naman 'yung babae na hindi pamilyar sa'kin pero mukha namang mabait.“Oo eh,” sagot niya kaya inurong naman ni Nica ang upuan sa tabi niya at tinapik pa ‘yon para doon na siya umupo.“Dito ka na, sabay ka sa ‘min. Guys, si Allyson kaklase ko sa isang minor subject ko . . . si Chyna at Hanz,” pagpapakilala ni Nica kaya ngumiti naman ako agad sa kaniya.“Hi!” bati ko at kumaway pa ng kaunti.“Hi,” bati rin ni Hanz, napansin ko naman na medyo nahiya siya or baka hindi lang sanay makipag-interact sa tao.“Irregular student ka?” tanong ko naman kasi kaklase ko rin si Nica pero hindi ko siya naging kaklase eh si Nica may mga tinetake na extra subjects dahil nagshift lang siya ng Architecture noong 2nd year na kami.“Oo kaya ano- wala ako masyado kaibigan,” medyo mahina niyang sabi.“Eto na kami oh! Sabay ka na palagi sa amin ha!” sabi naman ni Nica kaya tumango rin ako sa kaniya.Nagusap-usap lang kami hanggang sa matapos kaming lahat kumain, halos mas umingay kami ngayon kasi nadagdagan kami ng isa. Noong una akala ko talaga mahiyain at tahimik lang si Allyson pero noong tumagal tagal na nagu-usap kami ay mas umiingay na rin siya, natatawa na lang ako kay Hanz dahil mukhang may dagdag sakit sa ulo na siya.“Isama na natin palagi si Allyson Nics, ang saya niya rin kausap ano,” komento ko at natawa pa ko nung naalala ko ‘yung tawa ni Allyson.“Oo, grabe sakit ng tiyan ko kakatawa sa tawa niya. Tawang paurong eh no,” komento niya na mas nakapagpatawa sa aming dalawa habang papasok ng room namin.Last subject na namin ngayon at ‘yung prof ko dito ang pinaka ayaw ko sa lahat, minor subject lang ‘to pero halos every class may quiz dito tapos sobrang lakas noon mang-objectify ng mga babae.Nagdi-discuss na siya sa harap at pinipilit ko na lang makinig pero wala talaga. Nakita ko namang nagpo-phone na si Nica sa tabi ko kaya pasimple ko ring kinuha ang phone ko sa bag ko, agad ko namang nakita na may message ako noong binuksan ko.Hendrix“I’ll pick you up, call me when your classes are done.” 4:40 pmNapakunot naman ang noo ko dahil doon, wala naman akong maalalang may pupuntahan kami pagkatapos ng klase ko kaya pilit kong inalala kung may sinabi ba siya pero wala naman. Hindi ko na ulit binuksan ang phone ko dahil baka ma-confiscate pa, tumingin na lang ako sa whiteboard kahit hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni prof sa harap.“Mall tayo Chy!” sabi agad ni Nica nang makalabas ang prof namin.“Susunduin ako ni Hendrix,” mahina kong sabi sa kaniya habang nagliligpit ng gamit ko.“At bakit? Anong- . . . may date kayo?” pang asar na tanong naman niya at sinundot pa ang tagiliran ko.“Hindi ko alam, sabi niya lang tawagan ko siya pagkatapos ng klase natin,” sabi ko naman.Binuhat ko na ang bag ko at naglakad na palabas habang nakasunod naman sa’kin si Nica na parang kiti kiti sa sobrang gulo, paulit-ulit niya pa sinasabi na may date ako kahit hindi naman talaga date ‘to.Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s
Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil
“Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara
Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”
Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka
“Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati
Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal
“Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.
Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m