Home / Romance / Mr. Wrong becomes Mr. Right / Chapter 8- Mr. Wrong becomes Mr. Right

Share

Chapter 8- Mr. Wrong becomes Mr. Right

Author: YNAH MENDOZA
last update Last Updated: 2025-05-13 14:56:15

AYA

Hindi ko akalain na mangyayari ang kintatakutan ko ng ganun kabilis. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang panahon na matra-trap ako sa ganitong sitwasyon.

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa sala namin habang napapalibutan ng mga taong wala atang hinihintay kung hindi ang paglabas ng anumang salita sa bibig ko.

“Ehemmmm…” sunod kong narinig na sabi ni She. Nakakunot ang noo ko ng linungin ko siya.

Sinenyasan ko siya na tumahimik pero kinindatan lang niya ako at isang nakakalukong ngiti na naman ang pinakawalan nito sa harap ko.

“Mr…Marcus Napoleon.” Bigla na lang na parang sinilihan ang pakiramdam ko ng bangitin nito ang pangalan ng antipatikong lalake na ngayon ay nasa loob ng bahay namin.

Sunod kong tiningnan ang naging reaksyon nito sa pagtawag ni She sa pangalan nito.

“Yes?”

“A-mmmmm.” Para namang naumid ang dila ni She at hindi agad makapagsalita ng marinig nito ang baritonong boses ng anak ng gobernador namin.

“What’s that?” agap na muling tanong ni Marcus
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 8- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    AYAHindi ko akalain na mangyayari ang kintatakutan ko ng ganun kabilis. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang panahon na matra-trap ako sa ganitong sitwasyon.Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa sala namin habang napapalibutan ng mga taong wala atang hinihintay kung hindi ang paglabas ng anumang salita sa bibig ko.“Ehemmmm…” sunod kong narinig na sabi ni She. Nakakunot ang noo ko ng linungin ko siya.Sinenyasan ko siya na tumahimik pero kinindatan lang niya ako at isang nakakalukong ngiti na naman ang pinakawalan nito sa harap ko.“Mr…Marcus Napoleon.” Bigla na lang na parang sinilihan ang pakiramdam ko ng bangitin nito ang pangalan ng antipatikong lalake na ngayon ay nasa loob ng bahay namin.Sunod kong tiningnan ang naging reaksyon nito sa pagtawag ni She sa pangalan nito.“Yes?”“A-mmmmm.” Para namang naumid ang dila ni She at hindi agad makapagsalita ng marinig nito ang baritonong boses ng anak ng gobernador namin.“What’s that?” agap na muling tanong ni Marcus

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 7- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    MARCUSI felt different when she seated beside me a while ago. There's something I can't just explain. Hindi naman kakaiba ang ginawa niya, umupo lang naman siya sa tabi ko pero may kung anong kasiyahan ang namuo sa puso ko.Unlike our first met, tahimik ito at hindi madaldal ngayon. Mas gumanda pa ito sa paningin ko sa suot na naman nitong parang panglalakeng porma. Napailing na lang ako ng balikan ko ang hitsura nito kanina ng magtama ang mga mata namin ng muli kaming magkita.Wala itong kakurap-kurap, para nga itong natuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla nito. I was amazed by her simply simple and fascinating beauty. Kakaiba ang kilos at epekto nito sa akin na hindi ko maintindihan.I tried to ask for her number so she would not misunderstand my intention. I just want to be close to her, that's it.I'm not the typical guy who asks several women about their numbers. Sila ang nanghihingi ng number ko, then after a minute they will text me to hang out, and that's the start of a one-ni

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 6- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    AYAKinakabahan ako ng sabihin ni She na magpahatid na lang kami kay Marcus tutal ay wala kaming makitang namamasada ng motor para maghatid sa amin dahil biglang dagsa ang uwian ng tao.Kung alam lang nito ang huling nangyari sa amin ng lalakeng iyon na kulang na lang ay parehong mag-apoy sa galit ang mga ilong namin ay hindi siguro ito magpupumilit na sumabay kami sa kotse ng Marcus.Wala na nga akong nagawa ng sapilitan akong pinasakay ni She-she sa loob na kotse na minamaneho ni Marcus Napoleon.Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ni She ay kulang na lang ay ihulog niya ito sa kotse sa inis. Paano na ang mangyayari kapag naihatid na nito si She sa bahay nito mismo? Maiiwan kaming dalawa ng lalakeng ito, malay ko ba kung may balak siyang masama sa akin. Aba...aba, babaeng Pilipina kaya ako at pinalaki ako ng mga lolo at lola ko na pinapangalagaan ang puri kaya tiyak na makakatikim ako ng kurot sa singit sa mga ito kapag nalaman na nagpahatid ako sa isang lalake sa dis oras pa n

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 5- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    Halos mamilog ang mga mata ni Aya ng makita nito ang pangalawang bumaba mula sa isang magarang itim na sasakyan. Ni hindi nito nakuhang ikurap ang mga mata nito haban titig ito sa lalakeng kasalukuyang kumakaway sa maraming tao ng mga oras na iyon.Tila, hiyawan at talagang para mong mga baliw na baliw ang mga kakaibang nakapaligid sa lalakeng muntik ng kumitil ng buhay nito. Nakabawi lang si Aya ng sa pagkatulala ng malakas nitong narinig ang pagtili ni She."Aya! Ano ang sabi ko sayo? Matutulala ka di ba? Sobrang guwapo nun bunsong anak ni gobernor na si Marcus." Hiyaw nito kay Aya na natitiling nakatahimik lang katabi si She."T-tara na She, umuwi na tayo." Yaya ni Aya kay She at hinila pa nito ang braso ng kaibigan para maglakad pero nagpatigas ito ng katawan kaya napahinto si Aya sa paghila dito."Ano ka ba naman Aya, kung kailan nandito na si Sandro at Marcus saka pa talaga tayo aalis? Seryoso ka?" reklamo nito kay Aya."She naman, gabi na saka baka nag-aalala na sila lolo." tan

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 4- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    MARCUSI hate this day! Bukod sa napilitan akong umuwi ng Ilocos Sur dahil sa pakiusap ni Dad ay muntik pa akong makaaksidente ng isang bruskong babae. My Dad asked me to endorse him in the upcoming election. We never had that close relationship just like a normal father and son. Maybe because from the start, I chose to live far from them. Sa kanila nila Kuya Sandro.Mas pinili kong sumama kay Mommy sa Manila at doon manirahan. They never separated, but civil at least. May pangalan pinapangalaan si Dad so hindi puwedeng basta na lang makipaghiwalay si Mommy sa kanya kahit na hindi na magkasundo ang dalawa.Suddenly ay bigla na lang naging iba ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa until my mom decided to live in Manila with me. Hindi ko alam kung ano ang naging agreement nila ni Dad, but they both chose to live separately.Kapag kailangan na umuwi ni Mommy at may gathering na pupuntahan si Dad na kasama ito ay wala itong magawa kung hindi ang bumalik ng Ilocos, but after that she will

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 3- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    MARCUSI hate this day! Bukod sa napilitan akong umuwi ng Ilocos Sur dahil sa pakiusap ni Dad ay muntik pa akong makaaksidente ng isang bruskong babae. My D+ad asked me to endorse him in the upcoming election. We never had that close relationship just like a normal father and son. Maybe because from the start, I chose to live far from them. Sa kanila nila Kuya Sandro.Mas pinili kong sumama kay Mama sa Manila at dun manirahan. They never separated, but civil at least. May pangalan pinapangalaan si Dad so hindi puwedeng basta na lang makipaghiwalay si Mama sa kanya kahit na hindi na magkasundo ang dalawa.Suddenly ay bigla na lang naging iba ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa until my mom decided to live in Manila with me. Hindi ko alam kung ano ang naging agreement nila ni Dad, but they both chose to live separately.Kapag kailangang umuwi ni Mama at may gathering na pupuntahan si Dad na kasama ito ay wala itong magawa kung hindi ang bumalik ng Ilocos, but after that she will conti

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 2- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    Nagmamadaling bumaba si Aya sa kanilang sala at katatapos lang niyang maligo. Nakalimutan niyang may lakad pala siya ng araw na'yun."Kasi ba naman Alyanna, ayan kakapanuod mo ng mga drama sa t.v nalate ka naman tuloy ng gising!" Kastigo niya sa sarili habang nagkukumahog niyang sinusuot ang sneakers na gamit niya sa pag-alis.Mabilis niyang dinampot ang belt bag na palagi niyang sinusukbit sa maliit niyang bewang para lagyan ng ilan niyang personal na gamit katulad ng di keypad niyang cellphone, wallet at listahan ng paktura ng mga nadedeliver nilang mga gulay mula sa kanilang bukid."Apo, dahan-dahan ka at baka madapa ka sa kakamadali mo." Napansin pala ng kanyang lola ang mabilis niyang pagbaba sa hagdan habang may bitbit itong isang plato ng sinangag."La' pasensiya na po. Nalate po kasi ako ng gising. Di po ba may nabanggit ako sa inyo kagabi na hindi raw magluluwasan ng gulay sila Tyang Esteng sabi ni She-she at maghahanda raw po sila sa darating na fiesta. Hindi naman po puwede

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 1- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    “Alyanna!” isang boses ang umalingawngaw sa buong kabahayan nila Aya ng umagang iyon at kulang na lang ay mabulabog ang mga butiki at gagamba sa itaas ng kisame namin sa lakas ng boses ni She-she.“Uy, ano ba…may sunog lang ba at kulang na lang ay mapugto ang leeg mo sa kakahiyaw d’yan?” Inis kong tanong sa kanya ng makababa ako mula sa limang baitang na hagdan ng bahay namin.“Ay, sorry naman. Naexcite kasi ako...” Agad ay sagot niya sa akin ng walang paalam itong umupo sa kawayang upuan namin sa sala.“Tsssk! At ano naman iyon aber?” Naiiling kong tanong kay She-she na habang tumatagal ay lumalala ata ang kulay ng buhok nito. Noong nakaraang araw lang ay kulay pula na parang panabong na manok ang kulay nito, ngayon naman ay berdeng-berde na kung itatabi sa isang puno ay baka masama pang mahalabas dahil sa kakulay ng dahon an buhok nito.“Alam mo ba?” Excited nitong simula.“Hindi pa. Paano kong malalaman yun kung ngayon mo pa lang sasabihin sa akin di’ba?” kunwari ay biro ko sa kany

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status