LOGINYANAPara akong namamalikmata ng makita ko ang lalakeng nasa gitna ng kabukiran namin ngayon. Totoo bang nagpunta ang lalakeng iyan dito? Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko sa katotohanang nasa harapan ko ngayon. Kasalanan lahat ito ni She ih! Bulong ko sa sarili.Naiinis akong binalikan ng tingin si Marcus habang nakatayo ito malapit sa pilapil ng bukid. Nakasuot ito ng putting long sleeves na naka tack-in sa fitted jeans na lalong nagpatingkad ng imahe nito sa gitna ng init ng kabukiran. Isama pa ang suot nitong black shades at boots na suot sa paa na nagpakumpleto sa mala artista nitong hitsura. Namukhang photo shoot tuloy ang datingan nito at kulang na lang ay camera man.Aminin mo man oh hindi Alyana, naguwapuhan ka kay Marcus! Napangiwi ako ng bigla ay tumakbo sa isipan ko ang nakakakilabot na katotohanang iyon. Bakit ba kasi kailangan magpunta ng lalakeng iyan dito sa bukid namin?“Aya!” Narinig kong tawag sa akin ng taong may sala kung bakit sumasakit ang mga mata ko ngayo
AYANainis ako sa sarili ko kung bakit ba kailangan kong ma stress sa kaalamang may isang taong nakapasok ng bahay namin ngayon na hindi ko lubos maisip kung paano ito nangyari. Wala sa hinuha ko na makikita ko ang isang katulad niya sa isang simpleng bahay na mayroon kami ngayon.“Aya.” Untag sa akin ni She.Nilingon ko siya at nagtatanong ang mga mata ko ng tingnan ko siya. Nahagip pa ng paningin ko ang paglingon din ni Marcus sa gawi ko ng magsalita si She.“Bakit?”“Baka naman maipasyal mo si Sir Marcus sa bukid nyo, hindi ba?” may pagkindat pang kasamang tanong nito sa akin. Napaismid naman ako pagkatapos kong makita ang reaksyon niya.“Bukid namin?” kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito.“Opo. Kasi tingnan mo ah, itong si Sir Marcus ay minsan lang magbakasyon dito sa lugar natin so dapat ay entertain mo siya ng maayos.” Mahabang lintanya nito na lalo atang nagpasakit ng batok ko. Napatulala na lang ako habang katitig kay She. Ako? Bakit ako ang kailanga
AYAHindi ko akalain na mangyayari ang kinatatakutan ko ng ganun kabilis. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang panahon na matra-trap ako sa ganitong sitwasyon.Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa sala namin habang napapalibutan ng mga taong wala atang hinihintay kung hindi ang paglabas ng anumang salita sa bibig ko.“Ehemmmm…” sunod kong narinig na sabi ni She. Nakakunot ang noo ko ng linungin ko siya.Sinenyasan ko siya na tumahimik pero kinindatan lang niya ako at isang nakakalukong ngiti na naman ang pinakawalan nito sa harap ko.“Mr…Marcus Napoleon.” Bigla na lang na parang sinilihan ang pakiramdam ko ng bangitin nito ang pangalan ng antipatikong lalake na ngayon ay nasa loob ng bahay namin.Sunod kong tiningnan ang naging reaksyon nito sa pagtawag ni She sa pangalan nito.“Yes?”“A-mmmmm.” Para namang naumid ang dila ni She at hindi agad makapagsalita ng marinig nito ang baritonong boses ng anak ng gobernador namin.“What’s that?” agap na muling tanong ni Marcus
MARCUSI felt different when she seated beside me a while ago. There's something I can't just explain. Hindi naman kakaiba ang ginawa niya, umupo lang naman siya sa tabi ko pero may kung anong kasiyahan ang namuo sa puso ko.Unlike our first met, tahimik ito at hindi madaldal ngayon. Mas gumanda pa ito sa paningin ko sa suot na naman nitong parang panglalakeng porma. Napailing na lang ako ng balikan ko ang hitsura nito kanina ng magtama ang mga mata namin ng muli kaming magkita.Wala itong kakurap-kurap, para nga itong natuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla nito. I was amazed by her simply simple and fascinating beauty. Kakaiba ang kilos at epekto nito sa akin na hindi ko maintindihan.I tried to ask for her number so she would not misunderstand my intention. I just want to be close to her, that's it.I'm not the typical guy who asks several women about their numbers. Sila ang nanghihingi ng number ko, then after a minute they will text me to hang out, and that's the start of a one-ni
AYAKinakabahan ako ng sabihin ni She na magpahatid na lang kami kay Marcus tutal ay wala kaming makitang namamasada ng motor para maghatid sa amin dahil biglang dagsa ang uwian ng tao.Kung alam lang nito ang huling nangyari sa amin ng lalakeng iyon na kulang na lang ay parehong mag-apoy sa galit ang mga ilong namin ay hindi siguro ito magpupumilit na sumabay kami sa kotse ng Marcus.Wala na nga akong nagawa ng sapilitan akong pinasakay ni She-she sa loob na kotse na minamaneho ni Marcus Napoleon.Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ni She ay kulang na lang ay ihulog niya ito sa kotse sa inis. Paano na ang mangyayari kapag naihatid na nito si She sa bahay nito mismo? Maiiwan kaming dalawa ng lalakeng ito, malay ko ba kung may balak siyang masama sa akin. Aba...aba, babaeng Pilipina kaya ako at pinalaki ako ng mga lolo at lola ko na pinapangalagaan ang puri kaya tiyak na makakatikim ako ng kurot sa singit sa mga ito kapag nalaman na nagpahatid ako sa isang lalake sa dis oras pa n
Halos mamilog ang mga mata ni Aya ng makita nito ang pangalawang bumaba mula sa isang magarang itim na sasakyan. Ni hindi nito nakuhang ikurap ang mga mata nito haban titig ito sa lalakeng kasalukuyang kumakaway sa maraming tao ng mga oras na iyon.Tila, hiyawan at talagang para mong mga baliw na baliw ang mga kakaibang nakapaligid sa lalakeng muntik ng kumitil ng buhay nito. Nakabawi lang si Aya ng sa pagkatulala ng malakas nitong narinig ang pagtili ni She."Aya! Ano ang sabi ko sayo? Matutulala ka di ba? Sobrang guwapo nun bunsong anak ni gobernor na si Marcus." Hiyaw nito kay Aya na natitiling nakatahimik lang katabi si She."T-tara na She, umuwi na tayo." Yaya ni Aya kay She at hinila pa nito ang braso ng kaibigan para maglakad pero nagpatigas ito ng katawan kaya napahinto si Aya sa paghila dito."Ano ka ba naman Aya, kung kailan nandito na si Sandro at Marcus saka pa talaga tayo aalis? Seryoso ka?" reklamo nito kay Aya."She naman, gabi na saka baka nag-aalala na sila lolo." tan







