Share

Mrs Alvarez
Mrs Alvarez
Author: MrsDarcy

Chapter-1

Pagbaba niya ng eroplano malalim ang buntong hiningang pinakawalan niya. Tiningala ang langit, kulay abo iyon na tila nagbabadya ang ulan. Napangiwi pa siya dahil naalala na ganoong panahon din siya umalis ng bansa noon.

"I'm back now and deffinitely for good," bulong niya sa sarili haabang naglalakad papasok sa Saavedra Airlines. Tatlong taon siyang nawala sa bansa, labag sa kalooban niya ang pag-alis ng bansa noon, pero wala siyang nagawa, hindi n'ya kinaya ang pagkasuklam sa kanya ni Shawn.

Shawn Alvarez ang kanyang asawa. Nakakatuwang isipin na sa gabi mismo ng kasal nila eh pinaalis siya ng bansa ni Shawn. Masakit oo walang kasing sakit, pero eto na siya ngayon nagbabalik para gampanan ang pagiging Mrs. Alvarez nya sa ayaw at sa gusto ni Shawn, siya pa rin ang Mrs. Alvarez, siya pa rin ang pinakasalan nito at asawa nito hanggang ngayon.

"Nasabi mo ba kay Shawn na ngayon ang uwi mo?" Tanong ng Kuya Harvey niya, nang nakasakay na sila sa kotse nito.

Ilang beses niyang sinubukan tawagan si Shawn para sana magpasundo sa asawa, pero hindi ito sumasagot, halos dalawang oras na nga siyang naghihintay sa Airport para sunduin siya ng asawa, pero hindi ito dumating kaya naman ang Kuya Harvey nalang niya ang tinawagan niya para sunduin siya.

"Ah, yeah, he knows. Kaso busy kasi siya sa opisina kaya hindi siya makaalis." Pagsisinungaling niya sa kapatid. Alam niyang walang balak si Shawn na sunduin siya. Wala nga yata itong pakialam sa pag-uwi niya. Alam naman niyang natanggap ni Shawn ang mga messages niya, pero binalewala lang ni Shawn. Ano pa nga bang aasahan n'ya kay Shawn Alvarez the second riches man in San Miguel? 2nd kase si Joshua Tragora ang number 1 dahil ito ang Tragora heir. Ang pinaka mayaman sa bayan ng San Miguel. Si Shawn naman ang Alvarez heir pangalawa sa pinaka mayamang pamilya sa bayan nila.

"Alam ba niya na uuwi ka?" Tanong ng Kuya niya.

"Oo naman syempre, ano ka ba naman Kuya, sinabi ko sa kanya kagabi nang nag-usap kame, kaso nga lang daw may meeting hindi niya maiwan. So ayun hinayaan ko na hindi ko nalang pinilit pa," pasisinungaling pa rin n'ya sa kapatid. Ayaw niya itong mag-alala at lalong ayaw niyang malaman ng mga magulang niya kung ano ba talaga ang totoong sitwasyo ng pagsasama nila ni Shawn bilang mag asawa. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Ang alam nila masaya siya sa pagiging Mrs. Alvarez. Dahil iyon ang kasinungalingang pinapakita niya sa pamilya, ayaw niyang malaman ng mga ito na balewala lang siya kay Shawn, na wala itong pakialam sa kanya, na hindi siya tinuturing na asawa ni Shawn.

"How are you anyway? May girlfriend ka na ba Kuya?" Pang-iiba niya sa usapan. Dahil ayaw niyang pag-usapan ng Kuya niya ang tungkol sa kanila ni Shawn. Dahil baka mabigla siya at kung ano ang masabi niya.

"Nah! I'm busy for that," mabilis na sagot ng kapatid, habang sa kalsada nakatuon ang mga mata.

"I won't buy that," natatawang sagot niya at tumingin sa labas ng bintana. Papasok na sila sa Bayan ng San Miguel. Ibinaba niya ang bintana at linanghap ang simoy ng hangin.

"Wow! I miss this town," usal niya at inilabas ang kamay dinama ang masarap na hangin.

Tatlong taon na rin mula nang umalis siya ng San Miguel. Sa Canada siya nanuluyan para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya, at nakagraduate na siya noong isang buwan, bago pa man siya makapagtapos, napagplanuhan na niya ang pagbabalik niya sa San Miguel. Nalulungkot siya doon, malungkot manirahan mag-isa sa ibang bansa, pero wala siyang magawa dahil doon siya pintapon ng asawa. Oo pinatapon siya roon ni Shawn dahil kinasusuklaman siya nito, tila diring-diri sa pagiging mag-asawa nila si Shawn.

Napalunok siya ng makita ang malaking gate ng mga Alvarez. Pakiramdam niya hindi siya makahinga habang nakatingin sa gate ng bahay. Matagal na n'yang pinag-isipan ang pagbabalik n'ya ng San Miguel. Alam n'yang magagalit si Shawn sa gagawin n'ya, pero hanggang kailan s'ya mananatili sa Canada? Hanggang kailan s'ya itatago roon ni Shawn? Hanggang kailan ba ang galit sa kanya ni Shawn? Tatlong taon na nga mula ng sapilitan s'yang paalisin ng bansa ni Shawn. Siguro naman sapat na 'yon. Isa pa miss na miss na n'ya ang pamilya n'ya, lalo na si Shawn ang asawa n'ya.

"We're here," sabi ng Kuya Harvey n'ya, habang nananatili s'yang titig na titig sa gate ng mga Alvarez, nang may marinig na tumunog. Napabalikwas pa s'ya sa pag aakalang ang cellphone n'ya ang tumunog, dahil umaasa s'ya sa tawag ni Shawn. Ang cellphone pala ng kapatid ang tumutunog.

"Hello, Ah, yes,I'll be there in 10 minutes," narinig n'yang sagot ng kapatid.

"Hainna, I'm sorry, sa banko may nagrereklamong kliyente and he request to talk to me,"

"It's ok, Kuya. Ako na bahala sa mga gamit ko, you can go na," sagot n'ya. Habang ibinababa ng kapatid ang mga gamit.

"Sorry talaga Haina, I'll call you ok," paalam nito bago muling sumakay sa sasakyan nito. Tumango lang s'ya at nagpaalam na sa kapatid. Nang makalayo na ang sasakyan kibit balikat n'yang liningon ang gate sarado 'yon, kahit kumatok s'ya hindi s'ya maririnig ng mga nasa loob, dahil malayo pa ang bahay ng mga Alvarez mula sa gate.

Sinabit n'ya ang bagpack sa likod at hinila ang mga maleta, dala na n'ya lahat ng mahahalagang gamit n'ya, dahil wala na s'yang balak bumalik pa sa Canada. Tutal naman maaari naman s'yang magtrabaho sa San Miguel. Ang mahalaga ngayon ay maayos n'ya ang relasyon nila ni Shawn bilang mag-asawa, ang magampanan n'ya ang papel n'ya bilang Mrs. Alvarez.

Hindi s'ya makadaan sa gate, kaya sa gilid nalang s'ya dadaan, sa may tabing dagat 'yun nga lang sa buhanginan s'ya maglalakad, at mataas ang aakyatin n'ya bago makarating sa bahay ng mga Alvarez. Bumuntong hininga s'ya at sinulyapan ang high heels na suot.

"Ano ba naman kasing naisipan mo umuwi-uwi pa Hainna," maktol n'ya. At sinimulan na n'yang maglakad papasok, hila-hila ang dalawang maleta n'ya.

Halos nakakalahati na n'ya ang buhanginan ng may makitang tao sa tabing dagat na naglalakad. Huminto s'ya sa paglalakad at tinignan ang mga naglalakad, alam n'yang bukas ang tabing dagat para sa mga tao sa San Miguel, 'yun daw kase ang kahilingan ni Mr. Alvarez noon bago ito pumanaw, para mapakinabangan naman daw ng mga taga San Miguel ang magandang view ng tabing dagat, kaya hindi na s'ya magtataka kung may makita s'yang naglalakad doon, kahit sa ganitong oras. Nagpatuloy sya sa paglalakad habang hindi inaalis ang mga mata sa dalawang naglalakad sa tabing dagat. Nakita pa n'yang panay hampas ng babae sa kausap nitong lalake.

"Buti pa sila masaya," bulong n'ya at natigilan nang makita ang gilid ng mukha ng lalake. Nahinto s'ya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan, nang makita n'yang ngumiti ang lalake habang kausap ang babae.

"Shawn," mahinang usal n'ya, napako ang mga mata sa dalawa, pinanood ang dalawa mula sa di kalayuan. Ewan n'ya pero nakaramdam s'ya ng saki, tila nanikip ang dibdib n'ya. Sunod-sunod na lunok ang ginawa n'ya at nagbuga ng hangin, para alisin ang ano mang tila bumabara sa lalamunan n'ya.

Kitang-kita n'yang masaya si Shaw, nag e-enjoy ito sa kausap na babae, samantalang pagdating sa kanya, ni hindi man ito makangiti, ni hindi nga s'ya nito makausap man lang, at eto madadatnan n'yang masaya itong nakikipag kwentuhan sa ibang babae.

"Welcome home Mrs. Alvarez," bulong n'ya sa sarili, ilang beses pang bumuga ng hangin para alisin ang tila paninikip ng dibdib n'ya.

Laylay ang mga balikat n'yang umakyat sa hagdan, papunta sa mansyon ng mga Alvarez, kung saan s'ya mananatili kung papalarin s'yang tanggapin ng asawa, kung hanggang kailan ay hindi pa n'ya alam, baka nga maya- maya lang paalisin na s'ya ni Shawn, pag nalaman nitong umuwi na s'ya ng San Miguel. Baka kung saang bansa nanaman s'ya ipatapon nito para lang maiwasan s'ya, at malaya nitong magawa ang ano man ginagawa nito tulad ngayon. Alam naman ni Shawn na ngayon ang dating n'ya pero ano? Ayun nakikipag tawanan sa ibang babae, samantalang s'ya hirap na hirap sa bitbit n'yang mga gamit.

"Bakit kapa kase umuwi? Alam mo naman na wala kang lugar dito sa San Miguel eh," maktol n'ya sa sarili, habang hirap na hirap sa pagbuhat sa mga maleta. Muli n'yang nilingon ang dalawa na marahil hindi pa s'ya napansin.

"Kainis naman," sabi n'ya at nararamdaman ang tila may tumutusok sa dibdib n'ya. Nasasaktan s'ya sa nakikita, alam naman n'ya kung ano ang binalikan n'ya kaya dapat handa s'ya. Handa s'yang masaktan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chammie Bouyi
Unang chapter pa lang mapanakit na agad.. .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status