3 Years Ago.
"Hainna, Hainna," tawwag sa kanya ni Bea her bestfriend habang tumatakbo palapit sa kinauupuan, may hawak-hawak pa itong dalawang pulang sobre. Napakunot noo s'ya at binitawan ang hawak na ballpen."Ano yan?" Tanong n'ya sa sobreng pulang hawak ng kaibigan."Hu-hu-laan mo," hingal na sabi nito."Ano nga?" Sabay hablot ang isang sobre sa kamay nito."Aray naman,""Ano ba to?" Taas kilay na tanong n'ya at binuksan ang pulang sobre. Binasa ang nakasulat doon isa yong invitation card sa birthday party. Napatili s'ya ng mabasa kung kanino party ang invitation na hawak."You're invited at Shawn Alvarez 25'th birthday," Napatili sya ng mabasa ang nakasulat."Oh no! Shawn!" Tili n'ya at nagtatalon sa tuwa at niyakap si Bea."Paano ka nakakuha ng invitation?" Tanong n'ya habang nagniningning ang mga mata na nakatitig sa pulang sobre."Ako pa, humingi ako kay Kuya syempre," sagot nito sabay kindat pa sa kanya."I can't wait," excited na sabi n'ya at hinalikan pa ang pulang papel.Matagal na s'yang may matinding crush kay Shawn Alvarez. Unang kita palang n'ya noon kay Shawn ay tinamaan na s'ya at talagang tumatak na sa kanya ang bad boy aura ni Shawn. 15 years old s'ya ng unang makita si Shawn, nakilala n'ya ito dahil kay Samantha ang kaibigan ng Kuya Harvey n'ya. At mula noon inistalk na n'ya si Shawn, inalam ang tungkol rito lahat-lahat. Kung saan ito nag-aral, nag tatrabaho, kung gaano din kayaman ang pamilya nito. Isa ang mga Alvarez sa pinakamayaman sa bayan ng San Miguel, pangalawa sa mga Tragora. Ang mga Alvarez ang nangmamay-ari ng malalaking planta ng isda sa bayan nila na ini-export sa ibang bansa, ang mga ito rin halos ang nangmamay-ari ng mga naglalakihang palaisdaan sa San Miguel, isama pa ang Alvarez Beach sa dulo ng San Miguel, isa sa pinaka magandang public beach sa bayan nila, at doon mismo sa tabing dagat nakatirik ang mansyon ng mga Alvarez. At sa pagkakaalam n'ya marami ng babaing dumaan kay Shawn, ibat-ibang uri ng babae kung sabihin ng iba, dahil tila lahat naman daw pinapatulan nito basta babae. Pero nitong nakalipas na buwan ay may dine-date ito si Patricia isang Nurse sa Donya Feliza Hospital na pang mamay-ari ng mga Tragora, at tila si Patricia na ang pinaka tumagal na babae kay Shawn, dahil balita n'ya halos apat na buwan ng lumalabas ang dalawa, at sa pagkakaalam n'ya hindi ganoon si Shawn, matagal na ang isang linggo sa mga nakakasamang babae ni Shawn, kaya naman nakakapagtaka at nakakakaba, dahil matagal na itong lumalabas kasama si Patricia."Anong isusuot mo sa party?" Tanong ni Bea matapos ang klase nila at naglalakad sa campus."Syempre 'yung the best," maarteng sagot n"ya, habang tila na s'ya nangangarap na kasama si Shawn."Aakitin mo na naman ba si Shawn? Nako ah sana naman this time may mangyari na," sabi ni Bea. Ilang beses na ba n'yang sinubukang akitin si Shawn, pero wala pa ring nangyayari. Naalala n'ya sa party ng Kuya ni Bea sinubukan n'yang kausapin si Shawn pero hindi n'ya nagawa dahil kasama nito si Patricia ang rumored girlfriend ni Shawn. Isang simpleng babae lang si Patricia na kung manamit ay makaluma at tila ayaw magpakita ng balat, maganda naman si Patricia kahit sa simpleng pananamit lang nito, pero sa tingin kasi n'ya hindi tulad lang ni Patricia ang nababagay kay Shawn, dahil hot at badboy ang dating ni Shawn sa tingin n'ya nababagay si Shawn sa mga tulad n'ya na fashionista, hindi nahuhuli sa uso at malakas ang dating."This time Bea sinisiguro ko sa iyo mapapansin ako ni Shawn," sagot n'ya sa kaibigan."Tignan natin ah, baka matameme ka naman pag nakita mo si Patricia at mangatog ka,""Bea!" Saway n'ya sa kaibigan."I'm Hainna dela Serna don't forget that, and what Hainna's want Hainna's get," taas kilay na sagot n'ya sa kaibigan. Dahil this time sinisiguro n'yang makukuha n'ya ang atensyon ni Shawn, kahit pa andoon si Patricia, gagawa s'ya ng paraan para makausap at makapagpakilala s'ya kay Shawn, 'yan ang misyon n'ya sa pagpunta n'ya sa birthday party ni Shawn sa sabado, paghahandaan n'ya ang araw na 'yon."Hainna saan ka pupunta?" Tanong ng Mommy n'ya habang pababa s'ya ng hagdan."Sa Tragora mall po Mommy, may bibilhin lang ako," sagot n'ya at hinalikan sa pisngi ang ina."Ano nanaman ang bibilhin mo?""Mommy, you know Shawn Alvarez po diba?""Alvarez? 'Yan ba ang nag-iisang anak ng mga Alvarez sa may dulo ng San Miguel?" Sunod-sunod na tango ang ginawa n'ya, alam naman n'yang walang hindi nakakakilala sa mga Alvarez sa bayan nila."Invited po ako sa party n'ya, and I want to look good para naman mapansin po n'ya ko Mommy," amin n'ya sa ina, close naman silang mag-ina kaya madalas nagsasabi s'ya rito lalo na tungkol sa mga boys na nakakasama n'ya at mga natitipuhan n'ya."Invited ka sa birthday ni Shawn?" Tinig ng Kuya Hayden n'ya na galing sa kusina at may bitbit na baso ng tubig, mukha narinig nito ang usapan nila."Yes," taas kilay na sagot n'ya sa kapatid."Do you know what kind of a party Alvarez always had?" Tanong ng kapatid. May idea s'ya dahil magkaibigan si Shawn at kuya ni Bea. Sinasabi ng kuya ni Bea na may pagka wild daw pag si Shawn ang nagpa-party. More on alcohol and wild girls daw."Yeah, I know why?" Mataray na tanong n'ya sa kapatid. Ang Kuya Hayden n'ya ay isa ding kilalang notorious sa bayan nila pagdating sa mga babae, wala din itong pinalalampas basta babae papatulan din ng kapatid. Gwapo at may dating din naman kase ang kapatid kaya marami ang nabibiktima nito."Well, sorry sister but I won't allowed you to go to that wild party,""What?! Si Mommy nga pinayagan ako eh," maktol n'ya at sinulyapan ang ina."But not me and deffinitely not Harvey, tignan ko lang kung payagan ka ni Kuya Harvey," seryosong sabi ng kapatid, sumimangot s'ya at sinulyapan ang Mommy n'ya na nagkibit balikat sa kanya. Alam n'yang walang magagawa ang Mommy n'ya pag ayaw ng mga Kuya n'ya at lalo na ng Daddy n'ya."Kuya naman eh," nagtatampong sabi n'ya, at yumakap sa ina, naghihingi ng tulong rito."You know naman na wala akong power sa mga Kuya mo,""Pero Mommy birthday ni Shawn 'yon, hindi pwedeng hindi ako umattend""For sure hindi si Shawn ang nag invite sa iyo, cause he never invite a teenager," sabi ng kapatid at nag quote pa sa mga kamay. Sumimangot s'ya."No, pupunta ako no matter what!" Sagot n'ya at nakasimangot na naglakad palabas ng pinto."Hey, hey! Saan ka pupunta?" Habol ng kapatid n'ya at hinarangan s'ya sa paglabas ng pinto."Sa mall," inis na sagot n'ya."Samahan mo na ang kapatid mo Hayden" utos ng Mommy nila."Talagang sasamahan ko, baka kung saan magpupunta ito," sagot ng kapatid. kibit balikat s'yang sumunod palabas ng pinto.Kahit ayaw ng mga kapatid gagawa pa rin s'ya ng paraan para maka attend sa party ni Shawn, pag ginusto n'ya walang makapigil sa kanya, lalo na pagdating kay Shawn. Kung kinakailangang tumakas s'ya tatakas s'ya maka attend lang sa party ni Shawn. Ito na ang pagkakataon n'ya para makalapit kay Shawn.Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na
"Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l
Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa
Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para
"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos
Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng
Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay
Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S
Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay