Share

Chapter-4

Kanina pa n'ya tinitigan ang sarili sa salamin. Nakapagbihis na rin s'ya at nakapagsuklay ng mahabang buhok pero tila s'ya nagdadalawang isip kung bababa o hindi.

"Ano bang balak gawin ni Shawn kanina?" Tanong nya at napasimangot.

"Hahalikan ba n'ya ko dapat oh ano? Haiyyyzz,nakakainis naman, kung halik lang naman pwede syempre isa sa mga pinapangarap ko 'yon ang muling mahalikan ni Shawn, pero kung-kung- ano kung, i consumate ang kasal namin pwe-.pwede rin basta maingat lang s'ya at di ako sasaktan physically," sabi n'ya habang nakaharap sa salamin aaminin n'yang na e-excite s'ya at natatakot kay Shawn.

"Kainis naman," maktol n'ya at tumayo, sinuri ang sarili, pinili n'yang isuot ang puting walking short at lace sando na nagpapakita ng makinis n'yang balat, maputi na s'ya dati pa at lalo lang s'yang pumuti ng pumunta sa Canada.

"I know you Shawn, you can't resist me," bulong n'ya at inayos ang bra para lalong apitin ang mga dibdib para magpakita ng konting clevage na kahit papano ay pwedeng magpagising sa pagkalalaki ni Shawn. Ngumiti s'ya at naglakad na palabas ng silid.

Pagbaba n'ya halos wala naman s'yang makitang tao, sa lawak kasi ng mansyon ng mga Alvarez parang hindi na halos nagkikitaan ang mga nakatira sa mansyon. Ginala n'ya ang mga mata at hinanap kung saan ang sinasabing nakahandang pagkain ni Shawn, wala naman sa komedor wala din naman sa sala.

"Ma'am andyan na po pala kayo, nasa labas po si Sir Shawn, sa may swimming pool, doon na rin po s'ya nagpahanda ng meryenda n'yo," sabi ng matandang babae na marahil kasambahay.

"Ah, sige po salamat po," magiliw na sagot n'ya at tinahak ang daan palabas, papunta sa swimming pool. Hindi naman ito ang unang beses n'yang makapasok sa mansyon ng mga Alvarez, pero hindi pa rin s'ya pamilyar sa mga pasikot-sikot ng mansyon.

Paglabas n'ya agad n-yang napansin ang paggalaw ng tubig na tila ba may lumalangoy roon, at ginala ang mga mata sa paligid nakita n'ya ang mesa na may nakahandang pagkain pero wala roon si Shawn. Lumakad s'ya at muling binalik sa tubig ang mga mata at doon nakita n'ya si Shawn na lumalangoy, nakita n'ya kung paano gumalaw ang malapad na balikat nito at naaaninag n'ya mula sa tubig ang pag galaw galaw ng hubad nitong katawan. Kitang-kita n'ya sa ilalim ng tubig ang malaking tattoo nito sa likuran na halos sumasabay sa bawat pag galaw nito, napalunok s'ya at tila bumagal ang paglakad n'ya habang nakatingin kay Shawn. Kontrol Haina, kontrol bulong ng isip n'ya.

Nang makarating sa mesa agad n'yang napansin ang maraming pagkain roon at may wine pa, ano to nag ce-celebrate sila sa pag uwi n'ya? O bibitayin na s'ya kaya pakakainin muna sxya ng mga masasarap? Dumampot s'ya ng green grapes at sinubo 'yon bago liningon muli si Shawn na saktong paahon na sa tubig. Napanganga s'ya habang nakatitig sa hubad na katawan ni Shawn tanging boxer short lang ang suot nito, at dahil basa umaapit roon ang masasabi n'yang malaking pagkalalaki ni Shawn, tila s'ya nasamid ng masulyapan ang pang ibaba ng asawa, at mabilis na hinila ang baso na may tubig at uminom.

Huwag kang parang maniac Hainna ano ba? Masyado ka naman yatang sabik sa asawa mo. Maktol ng isip n'ya. Humugot muna s'ya ng malalim na paghinga bago muling liningon si Shawn na papalapit na sa kinaroroonan n'ya, at tila ito modelo na naglalakad sa arawan at binibilad ang magandang pangangatawan. Winasiwas pa nito ang basang buhok na abot na sa balikat nito.

Oh god help me to survive muling bulong ng isip at wala sa sariling dumampot muli ng green grapes isusubo na sana n'ya 'yon ng biglang isubo 'yon ni Shawn mula sa kamay n'ya. Nagulat s'ya at napanganga nanaman habang nakatingin kay Shawn na ngumunguya in a sexy way, na para bang nang-aaakit nangtatakam. Ano ba to! Parang nanadya. Imbes na yata s'ya ang mang-akit sa asawa eh s'ya ang naaakit nito.

"You want?" Tanong n'ya at dumampot pa ng green grapes.

"Why don't you join me, let's swim," anyaya nito, at sinubo muli ang hawak n'yang grapes at naupo sa upuan. Napalunok sxya at naupo na rin paharap rito.

"Kakatapos ko lang mag shower eh," sagot n'ya dahil kung nagkataon baka nga sasamahan n'ya ito sa pag langoy bakit kasi di nito agad sinabi kanina, di sana nakapag ready s'ya ng damit. Ang dami pa naman n'yang dalang swim wear dahil alam n'yang summer na sa pinas, at nasa San Miguel s'ya kung saan naggagandahan ang mga beach.

"I see," tanging sagot nito at nagsimula ng kumain. Gutom na rin naman s'ya kaya kumain na rin habang panay sulyap n'ya sa asawa na busy sa pagkain. Kanina lang para nanunukso ito ngayon seryoso nanaman.

"Pwede ba tayong mag dinner sa bahay mamaya?" Tanong n'ya, habang hinihiwa ang garlic bread sa pasta.

"Do you really want to go?" Tanong nito na di man s'ya linilingon.

"Yeah," sagot n'ya habang nakasunod ng tingin sa bawat galaw ng hubad nitong katawan,  habang tumutulo ang tubig sa magandang katawan nito mula sa mahabang buhok nito. Hindi lahat ng lalake binabagayan ang mahabang buhok, pero masasabi n'yang kay Shawn bagay ang mahabang buhok. He looks tough and sexier, nakadagdag sa sex appeal nito.

Shit bakit ang hot n'ya? Bakit may kung anu-ano akong naiisip? Hindi ako maniac, hindi ako mahilig sa sex wala din akong alam sa sex, wala pa nga akong experience. Nakakainis naman. bulong ng isip n'ya habang di maalis alis sa asawa ang mga mata.

"If you want to go, we can go, but," Bitin nito sa sasabihin at sinulyapan s'ya  nagulat pa s'ya ng magsalubong ang mga mata nila, dahil tila s'ya nahuli nitong nakatingin sa kanya at halatang pinagnanasaan n'ya ito. Nataranta tuloy s'ya at di alam kung saan titingin.

"But- What I can get after the dinner?"

"Ah, ano yon?"

"Ano ang makukuha ko pagkatapos ng dinner? Pagkatapos ng pag papanggap ko as a good husband of yours?" Panlilinaw nito sa sinabi at binitawan ang kubyertos at sumandal sa upuan, habang ang isang paa ay halos mag abot sa kina uupuan n'ya.

"Anong makukuha?" Kunot noong tanong n'ya rito.

"Hainna, hindi ako gumagalaw na walang kapalit, ayokong magpanggap na asawa mo ngayong alam naman nating dalawa na hindi asawa ang turing ko sa iyo, Yes ginagastusan kita ng malaki at binibigay ang lahat ng luho mo, pero alam mo na hindi asawa ang trato ko sa iyo,"

Napalunok s'ya sa sakit ng mga sibabi nito. 'Yon naman kasi ang totoo, alam naman n'ya 'yon, bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya? Alam naman n'ya ang lugar n'ya.

"Anong trato mo ba sa akin?" Lakas loob na tanong n'ya.

"One of my woman," mabilis na sagot nito. Hindi na n'ya ikinagulat 'yon.

Alam naman n'ya 'yon, isa lang s'ya sa mga babae ng asawa, marahil tulad lang din s'ya ng babaeng kasama ni Shawn kanina. Ganoon lang din s'ya para kay Shawn ang kaibahan lang dala n'ya ang pangalang Alvarez. Kung paano n'ya nakamit ang pangalang Alvarez ay isa ding alamat 'yon sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Obey everything I want,"

"Obey everything you want?" Kunot noong ulit n'ya sa sinabi ni Shawn.

"Yeah, mag kunwari tayong mag-asawa sa harap ng pamilya mo, I'll do my duty to satisfied your parents, ipapakita ko na naka jackpot sa pamimikot ang anak nila," tumikhim s'ya sa sinabi nito at tinapunan ng masamang tingin si Shawn.

"I'll be a good husband sa harap ng pamilya mo, and you'll be a good submissive wife sa kama ko," nanlaki ang mga mata ny'a sa narinig at muntik pa s'yang mabulunan sa sinabi ni Shawn. Tama ba ang narinig n'ya.

"Submissive wife?" Tanong n'ya.

"Come on Hainna, you're not naive so I know,  you know what I mean and what I want," sagot nito, napalunok s'ya at tila may kakaibang nararamdaman sa bawat salita nito.

"In 1 month you stay here sa mansyon as my wife, we can pretend we love each other sa mga taong kakilala natin na normal ang pag sasama natin. After 1 month you can go wherever you want. You can use my money as you want, tulad ng ginagawa mo ngayon, just one thing," putol nito sa sasabihin at tumayo mula sa kinauupuan. lumapit sa kinauupuan n'ya. Huminto mismo sa harapan n'ya at nababasa s'ya ng tubig mula sa katawan nito. Binalewala n'ya 'yon at tiningala ang napakagwapong asawa at napaka arogante bakit ganon?

Hinawakan s'ya nito sa baba at nagyuko ito ng ulo upang maramdaman n'ya ang mainit na paghinga nito sa kahiblang layo lang ng mgs labi nila. Napaawang ang mga labi n'ya at tila s'ya naghihintay ng ano mang mangyayari.

"Don't let other man touch you as long as you carry my name, once na ginawa mo yon I'll kill you Hainna," may pagbabanta sa tono nito at bago pa s'ya makasagot nasa mga labi na n'ya ang mga labi ni Shawn. He is kissing her gently, sofly teasing her at nadadala s'ya pakiramdam n'ya tila s'ya kandilang unti-unting nauupos, nanlalambot ang mga tuhod n'ya sa bawat galaw ng mga labi nito sa mga labi n'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status