StephanieNandito na ako sa school. Medyo maaga kasi ako pumasok ngayon para maka iwas na rin ng tuluyan kay Samantha the monster. Tumuloy muna ako sa cr at kanina pa ako tinatawag ni kalikasan. Habang umiihi ako ay may narinig ako na pumasok din dito sa cr. Pag labas ko ay sakto na nakita ko ang isa kong stalker. Yes may stalker ako na ewan ko ba dito sa babaeng ito ang ganda ganda naman at mukhang hindi ito ka rainbow pero kung makahayag ng pag ibig niya sa akin ay wagas. Hindi ito alam ni Avril dahil pag kaming dalawa lang naman ito nagpapahayag ng kanyang nararamdaman daw kuno sa akin. Hindi ko naman pinapansin dahil nga kahit sobrang ganda pa niya ay wala naman itong dating sa akin. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Tanging pagkakaibigan lamang ang kaya kung ibigay dito. "Stephanie baby sa wakas ay na corner din kita. Alam mo ba na sobrang miss na kita. Masyado mo na akong binabaliwala." Nag tatampo na sabi nito sa akin.Maya lang ay tuluyan na siyang lumapit at kaagad n
StephanieHumihingal na pumasok na ako sa classroom namin. Mabuti na nga lang at wala pa ang Prof kaya naman nakahinga ako doon ng maluwag. Mabilis naman na umupo ako sa katabing upuan ni Avril na naka kunot ang noo na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro ito at bakit kay aga aga eh ito ngayon at pawis na pawis tapos hinihingal pa. Maya lang ay nagsalita na ito. Hindi na yata nakatiis na hindi mag usisa sa akin. "Oh anong nangyari sayo at ganyan ang ayos mo ngayon? Pinag tripan ka na naman ba nila Samantha? Mag sabi ka sa akin ng totoo Stephanie." May paghihinala na tanong nito sa akin. "Galing lang ako sa cr at naiihi na ako. Akala ko ay late na ako kaya tumakbo ako mula doon pa punta dito." Sagot ko sa kanya.Hindi ko sasabihin dito ang nangyari no. Mahirap na at baka kung ano pa ang masabi nito kay Samantha at saka hindi ko kayang sabihin sa kanya na hinalikan ako ni Jade at baka mag tanong pa ito ng mag tanong tungkol doon. Ayaw ko pa naman na masyadong nag kwe kwento lalo pa
StephanieNandito ako sa bar ngayon. Kasama ko ang aking mga pinsan na hindi ako tinigilan hanggang hindi ako sumasama sa kanila. Katwiran ng mga iyo ay wala naman daw pasok bukas eh kung bakit ayaw kong lumabas sa lungga ko. Duh hindi lang naman ako mahilig sa mga night life no. Mas gusto ko na mag basa na lang kaysa yung nandito ako. Sumasakit lang ang ulo ko kapag nakakaamoy kasi ako ng mga usok ng sigarelyo eh. .Hindi ko nga malaman sa mga pinsan ko na ito kung ano ang nagustuhan nila sa ganitong lugar. Ang ingay ingay na nga. Ang dami pa akong nakikitang mga lasing. Sabagay saan kaba nakakita ng bar na walang lasing tanga lang Stephanie? Maya ay bigla na lang ako hinila ng pinsan kong si Sabrina. "Tumayo ka nga dyan Stephanie. Para kang ewan dyan na naka pangalumbaba lang eh. Halika at mag sayaw tayo e enjoy natin ang gabing ito." sigaw nito sa akin. Sabay sayaw nito sa harap ko. Napipilitan na rin lang naman ako na sumayaw. Medyo tipsy na rin kasi ako sa dami ng alak na na
SamanthaHalos mag dilim naman ang paningin ko ng sakto na pag pasok ko sa cr na ganyan ay makita ng dalawa kong mata ang pag hahalikan ni Nerd at nitong si Jade na malandi na ito. Matagal ng pinag iinit ng babeng ito ang ulo ko eh. Sukat ba naman makipag paligsahan sa akin na maging isang Queen bee dito sa campus para lang tanga ito. Ni hindi man lang lumamang sa akin ng ganda ito eh. Mukha siyang paa na tinubuan ng mukha. Hindi ko alam pero galit na galit ako dahil sa naabutan ko na ginagawa nilang dalawa. bakq kung hindi pa ako dumating dito ay baka kung ano pa ang gawin ng dalawang ito. Pakiramdam ko ay gusto ko ng ubusin ang buhok ng Malandi na ito eh. At pag sa sampalin naman si Nerd na parang tanga ngayon na naka tingin sa akin.Dahil sa nakaka rimarim na ginagawa nila ay hindi ko na napigilan pa ang aking bunganga na mag rant sa mga ito. Napaka hayop talaga nila. Hindi ko alam kung bakit may nga ganyang klase ng tao na hindi ma kuntinto sa kung ano ang ipinag kaloob sa kan
SamanthaHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa tunog ng aking phone. Tumatawag na si Mica ko at nasa baba na daw siya. Mabilis naman na napa balikwas ako ng bangon sabay tingin ko sa oras. at napa hilamos na lang ako ng aking mukha ng makitang 9:30 na pala ng gabi. Hayst mukhang napa sarap ang tulog ko. Napagod kasi talaga ako sa totoo lang at isa pa ay medyo hindi ako masyado nakakatulog nitong mga nakaraang linggo at hindi ko alam kung bakit palagi ko na lang naiisip itong si Nerd na ito. Kaya nga inis na inis ako sa kanya eh. Mukhang kinukulam yata ako ng immoral na yon. Mabilis naman na nag reply ako dito na umakyat na muna siya sa unit ko dahil hindi pa kako ako nakakapag ayos. Kakagising ko lang din. Alangan na pag hintayin ko ito ng sobra eh. Alam ko naman sa aking sarili na ang tagal ko mag ayos. Syempre ganun talaga kapag masyado kang maganda. Lahat mapapansin sayo. Kaya dapat sa tuwing lalabas ako ay always good look dapat ako. Nag madali
Samantha Nagising na lang ako na may malambot akong yakap yakap na unan at ang bango pa. Tsaka ang sarap din sa pakiramdam ng binibigay nitong init sa akin. Kaya naman mas lalo lang akong nag sumiksik sa unan na yun. Hayst hindi ko alam na may nabili akong ganitong unan na kasing laki ko din lang. Ang alam ko ay hindi rin ganito ang amoy ng mga unan ko sa kwarto ko. Pero hindi ko na lang pinansin pa yun at mas sumiksik lang dito. Ang init din kasi nito eh. Nakaka relax at mas lalo pa kasi akong inaantok. Maya lang ay yumakap din sa akin ang unan na yun kaya naman mas lalo ko lang naramdaman ang init nito ng ikulong ako saga bisig niya. Pero tika. Kailan pa nagkaroon ng bisig ang unan at kailan pa kumikilos ang unan? kaya naman bigla na lang akong napa mulat ng aking mata dahil doon. At biglang bumungad sa akin ang natutulog pa rin na si Nerd. Kaya naman bigla akong natigilan dahil doon. Anong ginagawa ng Nerd na ito sa room ko? Baka mamaya may ginawa na itong masama sa akin. Kay
SamanthaMabilis na tumayo naman na ako mula sa pag kaka higa ko dito sa kama ni Nerd. Baka mahawa pa ako ng sakit ng mga ito. Hayst ang tanga tanga ko talaga kainis. Hinanap ko naman kaagad ang aking shoulder bag. Alam ko na dala ko ito nung lumapit ako sa kanya kagabi eh. Nang makita ko ito sa may table nito ay mabilis na nag dial ako. Nag dial ako sa bahay. Tinawagan ko ang driver namin. Mag papa sundo sana ako dito kaya lang ay hindi ko nga pala alam kung saang lugar ito. Pero nag bilin na lang ako dito na huwag aalis at tatawag ulit ko kaagad sa kanya. Hayst lahat na lang talaga naman ng katangahan sa buhay oh. Kasalanan talaga ng nerd na ito eh. Hindi ako na niniwala na hindi ako kinulam nito. At kung sa tingin niya ay hi hingi ako ng sorry sa kanya ay hindi mangyayari ang bagay na yun. Kahit mag lupasay pa siya dyan sa sahig Eh ano naman kung tinulungan niya ako at dinala dito sa condo niya. Sana nga hindi na lang nito ginawa yun dahil sure naman ako na hindi ako papa bay
StephaniePagkarating namin sa condo ko ay agad na binuhat ko na si Samantha the Monster pa punta sa unit ko. Gaya kanina ng pag buhat ko dito ay pa bridal style din. Hayst pasalamat ka at may nararamdaman ako sayo dahil kung hindi pababayaan naman talaga kita eh. Sa sama ng ugali mo na yan.Pero kahit na masama ang ugali mo. Hindi ko alam itong puso ko at bakit ikaw ang napili nito. Sa tutuusin ay mas marami naman diyan na mas maganda pa sa iyo at mabait pa pero tanging ikaw lang ang naka pukaw ng interest ko. Feeling ko nga ay ginayuma mo yata ako eh. Naiiling na lang na nasabi ko sa aking sarili. Hindi ko Naman maiwasan na hindi pamulahan ng mukha paano naman kasi ay damang dama ko ang kalambutan nito. Pati kahit na amoy alak siya ay mas nangi ngibabaw naman dito ang kanyang natural scent na gustong gusto ko sa kanya. Nakaka relax kasi sa pakiramdam ng amoy nito. Ang bango nya kasi napaka expensive ng amoy nito. Sabagay nga naman ay napaka expensive din naman kasi niya. Halatang