Avril
Maaga ako ngayon gumising at mag luluto pa kasi ako ng breakfast namin ni dragona.
Ano kaya ang kinakain nun? Light lang kaya o heavy breakfast? Hmmmm try ko na lang mag luto ng rice if ever man na heavy ang gusto nya. Pero I doubt it. Kasi ang payat nito kaya malamang na hindi iyon masyadong kumakain. Pero mag luluto na rin ako para incase lang naman diba. Mahirap ng mapagalitan pag hindi ako nakapag luto.
After ko makapag luto ay umakyat ako saglit para maligo na at ng makapag ready na rin sa pagpasok. Baka kasi ma late pa ako pag hinintay ko pang magising si Ma'am.
Natatakot naman ako gisingin si Ma'am Jane at baka magalit na naman ito sa akin. Mukhang mainit pa naman ang dugo nun na akala mo ay laging may dalaw. Minsan nga pag maganda ang mood ni Ma'am tatanungin ko ito kung gaano kahaba ang araw na meron ito.
Kaya maglalagay na lang ako ng note para makapag paalam na rin dito na nauna na akong pumasok.
Panigurado din naman kasi na hindi rin naman iyon sasabay sa akin pumasok. Ni hindi nga iyon namamansin pag nagkikita kami sa school. Akala mo naman kung sino na hindi manlang marunong bumati. Kainis
Kung di ko lang siguro ito teacher sa isa kong subject ay baka hindi din ako kilala nito.
May attitude kasi talaga silang mag babarkadang guro. Mga pinaglihi sa sama ng loob at sama ng ugali. Buti na nga lang at binawi naman sa itsura. Pero kahit na nakakainis pa rin kaya pag ganun. Hindi naman porket maganda ka may label kang mag m*****a. Wala sa itsura yan no. Kaya tuloy silang magbabarkada lang ang nagkakaintindihan at magka vibes.
Nang makapag ready na ako ay bumaba na ako at sumakay na sa aking kotse papuntang school.
Hanggang ngayon ay tulog pa rin si dragona. Mukhang tulog mantika pa yata ito. Maganda ng tulog pa ito kahit paano ay makakakilos ako dito sa bahay niya ng hindi naiilang.
Bakit ba naman kasi nagkaganito ang buhay ko. Hindi pa ako nag eenjoy sa pagiging single ko tapos bigla na lang ako nagkaroon ng asawa.
Naiiling na lang na lumabas na ako ng bahay at tumuloy sa may garahe at nag drive na ako papuntang school.
Nang makarating sa school ay hinanap ko na agad si Stephanie. Baka kasi binubully na naman ito ng aming queen bitch este queen bee kuno. Siya lang naman nag label ng sarili niya na siya na daw ang queen bee sa campus. Ano yan reyna ng mga bubuyog? Parang tanga. Nasa talampakan na yata ang utak nito kaya ganun na mag isip.
Ano na yan di anak niya na kaming lahat na nasa campus at siya ang aming ina? Tanga ang puta. Hindi nag iisip. Basta maki uso lang. Dinaig nya pa si Dean kung ganun.
Di ko nga alam doon sa babaeng iyon at kung bakit pumapayag na ginaganon lang ni Samantha eh ang alam ko ay magaling ito sa martial arts. Sabi ko nga balian niya na ng kamay ng magtanda. Ang bilis din ng kamay nun kung manampal.
Akala mo naman entitled ito sa mga ganung gawain. Kasura lang.
At ito naman si Stephanie sabi hindi niya na lang daw papatulan at mananawa din naman daw ang mga ito ka ka bully sa kanya. Sus kailan pa kaya iyon? Pag naka graduate na siguro kami.
Paanong mananawa ay ilang buwan na kaya. Magtatapos na nga ang isang sem ay hindi pa rin sila nana nawa sa kanya.
Madalas niyang sabihin pa sa akin ay ayaw nya na lang daw patulan at kawawa lang daw ang mga ito sa kanya pag nagkataon.
Tsaka ayaw niya daw gamitin sa basag ulo ang mga natutunan niya. May point din naman siya sa bagay na iyon. Hindi nga naman ginagamit ang martial arts upang ipagyabang lang na magaling ka sa ganito kaya dapat ka nilang katakutan.
Ginagamit ito sa self defense. Pero self defense naman ang pag gagamitan niya ah. Ipagtatanggol niya lang rin naman ang kanyang sarili laban sa mga m*****a na iyon.
Kaya nga pag may pagkakataon ay ipinagtatanggol ko na lang siya kila Samantha.
Na kung minsan kahit ako ay napag bubuntunan din nila ng inis kay Stephanie. Mabuti na nga lang at hanggang salita lang sila sa akin. Hindi pa naman lumapat kahit minsan ang dulo ng mga daliri nila sa akin.
Nakita ko naman agad si Stephanie na nag lalakad na palapit sa akin. Ang lapad ng ngiti eh. Kung may jowa lang ito mapagkakamalan ko na naka score ito sa jowa nya.
Mukhang good mood yata ito ah. Baka di pa sila siguro nagkikita ng grupo ni Samantha kaya mukhang malinis pa ito. Alam nyo naman na siguro ang ginagawa ng mga bully sa mga medyo nerd na tulad nito diba? Palagi ngang may baon na damit yan eh. Incase of emergency daw.
"Oy Avril long time no see ah. Bakit di ka pumasok nung friday? Nag quiz pa naman tayo sa English 20 points din yon ha." Ang salubong nitong tanong agad sa akin.
"Ah e may importante lang na pinuntahan kami ng parents ko kaya hindi ako nakapasok. Bawi na lang siguro ako sa susunod." Nasabi ko na lang sa kanya.
Hindi ko naman pwedeng sabihin dito na pumunta kasi kami ng states ni Ma'am Jane at doon nag pakasal. Nakakauwi nga lang namin kagabi.
Baka mag freak out lang ito at sabihan pa ako ng libre mag pantasya gurl. Sa lahat naman ng pwedeng pangarapin si Ma'am Jane pa talaga? Really? Avril.? Baka masapak ko lang ito pag nag gaganyan sa akin. Anong tingin naman nito sa akin hindi pwede mapangasawa ang isang Ms. Jane San Gabriel? Duh asawa ko na nga ngayon eh. Yun nga lang sa papel at sa loob lang din ng isang taon. Pero atleast naging asawa ko ito diba.
"Hindi pa siguro kayo nagkikita ni Samantha noh kaya mukhang malinis ka pa hanggang ngayon?" Pang aasar ko na lang dito. Para maiwasan ko na rin siya na makapag tanong pa about sa hindi ko pagpasok nung Friday.
Bigla naman itong sumimangot ng mabanggit ko dito si Samantha.
"Huwag mo na nga lang banggitin ang pangalan ng bruhang iyon at sumasama lang ang araw ko pag naririnig ko ang pangalan nya." Nabwibwisit naman na sabi nito habang salubong na ang kilay.
If i know may crush ito doon. Halata din ito minsan. Makatitig doon sa isa wagas. Pero syempre sa akin na lang iyon para hindi naman ito mailang pag topic namin si Ms. Queen bee
"Okay sinabi mo eh." Taas kamay na pagsuko ko na lang dito.
"Tara na lang sa Canteen at nagugutom ako. Hindi kasi ako nakapag breakfast kanina at tinatamad ako na magluto." Yaya nito sa akin sabay hila ng kamay ko papuntang Canteen.
Sinamahan ko na lang sya at tumuloy na kami doon. Mag o order na lang siguro ako ng coffee habang hinihintay ko syang matapos kumain.
" Mag co coffee na lang ako Stephanie at kumain na kasi ako kanina ng breakfast eh." Sabi ko na lang sa kanya ng mag ask siya sa akin kung anong like kong kainin.
Habang hinihintay ko siyang makabalik dito sa table ay may bigla naman na pumasok at siyang nagpa tahimik sa mga maiingay na estudyante.
Nilingon ko naman kung sino ang pumasok. Ang mga dyosang m*****a pala na ngayon ay nakatingin sa akin ang isa.
Agad akong nilapitan ni Ma'am Jane nang mapansin niya akong nakaupo dito.
"Binabalaan kita Del Carmen na huwag na huwag kang mag kwe kwento ng about sa atin kahit na kanino. Nag kakaintindihan ba tayo" may diing bulong nito sa akin. Sabay pisil ng mariin sa aking balikat na ikina d***g ko. Medyo napasobra kasi ang pagkakapisil nito. Mukhang mag kakapasa ito mamaya.
Hindi ko naman maiwasang maamoy ang mabango nitong perfume na humalo sa natural scent nito dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"O-opo Ma-amm," pautal na sabi ko naman sa kanya. Kinabahan talaga naman kasi ako sa kanya.
"Maganda na iyong nag kakaintindihan tayo. Baka kasi maka limot ka sa usapan natin eh. Nga pala sino ang kasama mo ngayon dito?" Taas kilay na sita nito sa akin ng mapansin na may isang bag na nakapatong sa table.
"Eh si Stephanie po Ma'am Jane. Sinamahan ko lang po at hindi pa daw kasi siya nag be breakfast." Sabi ko sa kanya ng nakayuko. Di ko kasi kayang salubungin ang mga magaganda nitong mga mata.
Madalas kasi akong mawala sa aking sarili pag tinititigan ko ang napaka expressive nitong mga mata na para bang laging nangungusap sa akin na bigyan ko siya ng attention.
Na syempre ay hindi naman talaga ganon. Kasi nga kung titignan mo ito ay parang laging galit kasi masama ito kung maka tingin.
Di ko nga alam sa sarili ko kung bakit ganun ang dating sa akin nito eh. Wala na talaga malala na ako nito. Baka mamaya hindi lang crush ang maramdaman ko dito na sana naman ay huwag ng lumalim pa.
"Sa uulitin ay huwag ka ng kung kani kanino sumasama ha." Taas kilay ulit na bilin nito sa akin
Tumango na lang ako para matapos na ang usapan namin. Hindi kasi talaga ako mapakali pag nasa malapit lang sya eh. Parang laging nabibitin ang aking pag hinga.
Avril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag
AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih
AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi
JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng
JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas
AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga