Share

Chapter 2

I breathe so heavily.

I can feel my pulse pounding in my temples.

Bumalik ulit 'yong kabang nararamdaman ko kanina. Unang araw pa lang, gan'to na agad? 

I crumpled the paper at itinapon sa basurahan na kakalagay ko lang kanina dito.

Kaagad akong bumaba dahil biglang nawala ang antok ko.

"Mom, I told you! May nakapasok dito, and he or she knows my name!"

Ikinuwento ko naman sa kaniya 'yong nangyari at tumawa lang siya.

"I was just kidding! Sabi na, eh. Matatakot ka."

What?

"Mom, you're unbelievable! You almost killed me!" 

"Ikaw naman kasi, gustong-gusto mong nanonood ng horror movies, tapos ngayon ay matatakot ka? Actually, that's Zion's idea."

Tumingin ako kay Zion na busy sa panonood ng TV na kakalagay lang din namin kanina. Idineliver na kasi dito 'yong ibang gamit na naiwan sa condo namin sa Manila.

"Hey, Zion! Ikaw, ha! That's not a good idea."

Lumingon siya sa 'kin at tumawa lang din. "Don't be scared, Ate! That's just a prank!"

"Prank-prank ka diyan! 'Yan kasi nakukuha mo sa panonood sa YouTube, eh."

Zion is only 10 years old, at sobrang kulit talaga.

"And, Mom naman, ba't kayo pumayag sa sinabi ng makulit na Zion na 'yan? Muntik niyo na akong patayin sa kaba!"

Kaya pala nawala si Zion kaninang naglilinis kami tapos pagbalik niya ay tawa sila nang tawa ni Mom.

But honestly, that was a relief.

Akala ko ay may kung sino nang balak takutin ako nang gano'n.

Bumalik na lang ako sa kuwarto at itinuloy ang naudlot kong pagtulog kanina.

It's almost 7 PM when I woke up, naririnig ko na nanonood pa rin sila sa baba.

Cartoons.

Bumaba ulit ako para kumain, naabutan ko sina Mom sa sala na tutok sa TV.

They're watching Phineas and Ferb again, Zion's favorite.

"Mom, anong ulam?" A typical question you can ask from your Mom.

"Tingnan mo na lang do'n, hija."

Dumiretso naman ako sa kusina at nang makakuha ng pagkain ay bumalik ako sa sala kung nasaan sina Mom.

"I don't want to eat alone, ba't kasi 'di niyo man lang ako ginising kaninang kumain na kayo?" Umupo ako sa sofa, na kakalagay lang din kanina.

'Yong ibang gamit na sobrang luma na ay iniakyat namin sa attic.

"Hindi ka na namin ginising, ang sarap ng tulog mo, eh."

"Mom, nagbakasyon na rin tayo noon dito, 'di ba?" I asked out of nowhere, at saka sumubo ng pagkain.

"Yes, at naabutan mo pa naman ang lola mo."

Siya lang ang naabutan ko dahil sanggol pa lang raw ako nang mamatay ang lolo namin.

I can still remember those days.

Sa Maynila pa kami noon nakatira, and every summer vacation, palagi naming binibisita si lola dito. Hindi niya kasi maiwan-iwan ang lugar na 'to, ayaw niya sa siyudad.

Sobrang istrikto ni lola, na tumatakas pa kami noon ng mga pinsan ko para kumuha ng mangga malapit sa ilog, kapag nalaman kasi ni lola ay paglilinisin niya kami dito sa buong bahay. Puro pa naman kami reklamo noon dahil sobrang laki at lawak nito.

May isang beses pa na mag-isa akong pumunta ng ilog. Muntik na akong malunod, mabuti na lang at sinundan at nailigtas ako ni Mom.

Pagkatapos n'on ay hindi na nila ako pinalabas pa, pero dahil pasaway ay tumatakas pa rin ako, kakuntsaba ko ang mga pinsan ko.

But everything has changed noong namatay si lola. I was 9 years old that time.

Nang mamatay si lola ay hindi na kami pumupunta dito para magbakasyon, dahil para saan pa? 

A year after lola died, we moved to U.S., at doon ko na ipinagpatuloy ang pag-aaral ko.

'Yong mga pinsan ko ngayon, nasa iba-ibang bansa na rin, pero dahil sa social media ay nagkakamustahan pa rin naman kami.

"Naalala ko tuloy noong nalunod ka. Akala ko mawawala ka na sa 'kin noon, Mira."

Bakas sa mukha ni Mom na hanggang ngayon ay bangungot pa rin sa kaniya ang nangyari na 'yon.

"But thank God, you saved me. Let's just forget the past, Mom, okay?"

"You've grown up so fast. You're not a little girl anymore." She caressed my hair and smiled.

"Sorry at naidamay ko pa kayo sa hindi namin pagkakaintindihan ng Daddy ninyo. Kailangan niyo pa tuloy sumama at tumira dito kasama ko."

"Mom, ano ba? It's okay." I hugged her.

My Mom is my most loved individual in the entire world. My number one teacher and number one fan. 

I owe my cooking capacity to her who's in like manner tenacious in teaching me how to cook.

With respect to physical appearance, my Mom has striking features prepared to take people's breath away, even at the age of 47.

She's my savior. Kapag pinagagalitan ako ni Dad, nandiyan siya kaagad para ipagtanggol ako.

There was a time na gabi na ako nakauwi dahil lumabas kami ng kaklase at kaibigan kong Pinay rin sa U.S., galit na galit si Dad noong oras na 'yon, mabuti na lang at nandoon si Mom para pakalmahin si Dad.

Ayos naman sila ni Dad back then, hindi ko lang alam kung anong nangyari. Bigla na lang silang hindi nag-usap.

Palagi nang umiiyak si Mom noon.

 I asked her a lot of times, at ang lagi niyang sinasagot ay hindi na siya masaya.

Na nasasaktan na siya.

After that, hindi ko na ulit siya tinanong at sinuportahan sa desisyon niya.

"I love you, Mom."

I am not that expressive, but I just have this kind of feeling that I must say those words now.

She's the most precious treasure for me.

No one can supplant my Mom. 

Saktong ubos na rin ang pagkain ko matapos kaming magkuwentuhan ni Mom. 

Naligo na rin ako at naghanda para matulog.

Nawala naman na 'yong takot ko.

Mabilis akong nakapag-adjust dito sa bahay, ewan ko na lang sa mga kapitbahay namin.

Still, I found them creepy.

-

KINABUKASAN ay ang ganda ng gising ko.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina, ini-on ko ang sound speaker at ipinatugtog ang sikat na kanta ng The Beatles na "Hey Jude".

Hindi pa siguro gising sina Mom, kaya ako na muna ang magluluto ngayon.

Binuksan ko ang bintana na nandito habang sinasabayan 'yong kanta, napangiti na lang ako dahil ang ganda ng sinag ng araw sa labas, hindi katulad kahapon na ulan nang ulan.

"Pst!"

May narinig akong sumisitsit.

"Pst!"

Who the hell is that?

"Dito sa bintana!" 

Lumapit ako sa bintana at lumingon sa labas, at gan'on na lamang ang gulat ko.

I was surprised, recoiling in shock. 

It's like time suddenly stopped for a while, like going back to my dream scenarios.

That voice.

Even from afar, I can clearly recognize those mesmerizing deep ocean blue eyes, which was under his tousled dark hair, glinted under the sunlight.

That perfectly symmetrical face.

Those thin lips.

Those perfectly arched dark eyelashes, so thick that it could be illegal.

It's him.

My heart pounded so fast, exactly what I feel every time I was having that dream.

"Akala ko wala nang nakatira dito, humingi lang ako ng papaya." Ikinaway niya ang kamay niyang may hawak ng papaya.

No, this can't be happening! 

Am I dreaming again? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status