Share

Chapter 09 - Seatbelt

Chapter 09 - Must have been the wind

Solene

Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min.

May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala.

"Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako.

"Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya.

"Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo sa pinto at mas minabuting hintayin ang nanay ko. 

"Busog pa po ako. Aantayin ko na lang po si Mama." Nilingon ko siya na nasa kusina, nag-lalagay na ng kanin sa pinggan ko.

"Hay na' ko, 'wag nang matigas ang ulo. Kumain ka na, masama ang mag-palipas ng gutom."

Iniba ko ang usapan para hindi na niya ako kuliting kumain. Hindi ako kakain hangga't wala pa si Mama.

"May lakad ka po ba ngayon?" tanong ko, ngumiti siya at tumango lamang. 

"Oo, dadalawin na'min ang puntod ng Lola ni Nikkolai.  Pumuslit lamang ako dito para masigurong kumain ka na pero heto't hindi ka pa rin pala kumakain." Nahiya naman ako, nag-abala pa siyang pumunta dito para tignan ako pero heto ako't nag-mamatigas. Malungkot na bumalik ako sa hapag at naupo. 

"Alam niyo po ba kung nasaan si Mama? ang tagal niya po kasing bumalik." Marahan siyang umiling.

"Hihintayin kong matapos kang kumain bago ako bumalik sa bahay. Sige, kain na." Nag-simula na akong sumubo ng biglang lumitaw ang hinihintay ko sa pinto. 

"Mama!" Agad akong bumaba sa upuan at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Ang tagal niyo po, kanina pa po ako nag-hihintay sa 'yo. Pumunta po dito si tita Faranh para pakainin ako. Ayaw ko po kasing kumain kanina,"  nahihiyang sambit ko. Napatingin siya kay tita na nakatingin lang sa kanya.

"Saan ka ba galing Serinna? kanina ka pa hinihintay ng anak mo. Kung hindi pa ako pumuslit dito, hindi pa 'yan kakain."

"Ga'nun ba? pasensya na at natagalan si Mama ha? pasesya na rin sa abala Faranh." Tipid na tango lamang ang binigay ni Tita bago ako sabihan ni Mama na kumain na. Bumalik ako sa pag-kakaupo sa silya at nag-simulang sumubo.

Naririnig ko pa silang dalawang nag-uusap kaya pinilit kong hindi makinig kasi sabi ni Mama, masama daw ang makinig sa usapan ng matatanda.

"Saan ka ba nanggaling Serinna? naawa na 'ko sa anak mo kanina." Nanghihinang napayuko si Mama pero nag-panggap akong walang nakita. 

"Nag-hanap ako ng panibagong trabaho. Hindi na kayang punan ng sweldo ko ang pangangailangan naming mag-ina. Wala na akong naisip na ibang paraan." nakita ko ang pag-iling ni tita faranh.

"Pwede kitang tulungan makapag-hanap ng trabaho pero huwag mo naman pahirapan ang sarili mo Serinna, pag may nangyari sa 'yo paano ang anak mo?" Napatingin siya sa 'kin, nang mag-tama ang paningin na 'min ay ngumiti ako pero kahit na ngumiti siya kapansin-pasin ang pagod niya.

Palagi siyang pagod sa pag-tatrabaho, mapakain at mabigay lamang ang mga kailangan ko. Sa tuwing papasok siya sa trabaho niya, wala akong nakakasama sa bahay na 'min kaya minsan ay iniiwan ako kina Tita Faranh. Minsan naman ay pinupuntahan ako ni Kuya Nikkolai at Kuya Chad sa bahay para makipag-laro sa 'kin. 

Nakakalungkot man isipin na minsan ay wala kaming makain pero gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan upang malagyan lamang ng laman ang tiyan ko. Ang sakit isipin, tila kinukurot ang puso ko. nag-babakasakali ako na balang araw ay mababayaran ko ang lahat ng pag-hihirap niya.

"Pasensya na ulit ha? mukhang naabala ka pa na 'min sa lakad ninyo ngayon."

"Ay hindi, 'wag kang mag-alala at maya-maya pa naman kami aalis. Hinihintay lang namin si Zyl umuwi. Nasa trabaho pa kasi iyon."

"Aalis na 'ko. Babalik na lang ako bukas. Bye bye Solene," Paalam niya. Bumaba ako sa upuan at hinalikan siya sa pisngi. 

"Sige, salamat po Tita." Tumango siya bago umalis.

Dinaluhan agad ako ni Mama sa hapag at nilagyan ulit ng ulam ang pinggan ko.

"Gutom na gutom ka na ba 'nak? pasensya na at natagalan si Mama." ngumiti ako. 

"Hindi po, 'wag po kayong mag-alala ayos lang po iyon." Niyakap niya 'ko ng mahigpit.

Sana gan 'to na lang palagi. Ang mag-kasama kami, napapawi ang lahat ng pangamba't pag-aalala ko tuwing narito siya sa tabi ko.

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Maaga pa pero matindi na ang sikat ng araw at mahapdi na rin ito sa balat. Tinali ko ang buhok dahil dumidikit na ito sa leeg ko ng dahil sa pawis. Nakipag-siksikan at nakipag-unahan pa akong makasakay sa jeep.

Sa kamalas-malasan ko pa ay naipit pa ang sinasakyan kong jeep sa traffic, baka mahuli na ako nito sa trabaho. Ayaw na ayaw ko pa namang nahuhuli sa trabaho.

"Manong para ho! dito na lang ako bababa." Tumingin sa 'kin ang ibang nakasakay sa jeep pero hindi ko na iyon pinansin.

"Bayad ho, paabot naman ho manang. Salamat po," saad ko at tuluyan nang bumaba sa jeep. Napabuntonghininga ako at nilakad na lamang ang kahabaan ng kalsada.

Pinuslit ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang leeg at ang mukha kong nag-aala waterfalls na sa pawis. Mas mabuting mag-palit na lamang ako ng damit sa Third fractio. Habang nag-lalakad ako, may dumaang kulay rose gold na Lamborghini Aventador. Natumba ako at tumama ang siko at pwet ko sa kalsada. Mahapdi ang siko ko kaya paniguradong may sugat na iyon.

Bumukas ang pinto nito pero hindi ko napansin ang lumabas doon dahil abala ako sa pag-himas ng pwetan ko. Masakit nga talaga.

"Oh my god! are you okay? may masakit ba sa 'yo? nasagasaan ba kita?" Napatingin ako sa pamilyar na boses at nagulat ako ng mapag-tanto kong kapatid pala iyon ni Sir Hyde.

"M-ma'am? a-ay opo, w-wag kayong mag-alala ayos lang ako. Nabigla lang kasi ako," saad ko at napangiwi sa sakit ng bigla akong tumayo.

"Ayos lang po ako Ma'am. Sige po mauna na 'ko, baka mahuli pa ako sa trabaho eh." Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tila natataranta ng makita niyang paika-ika akong nag-lalakad. 

"No, you're not okay. Oh my god, I'm so sorry. Hindi kita napansin kanina. " Napahawak siya sa sentido at minasahe ito na tila problemado siya.

"Ayos lang talaga Ma'am." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at pinulot ang bag kong nasa sahig.

"No, you'll come with me. It's my fault kaya I need to clean your wound. I can't stand seeing you with bruises and besides it my kasalanan naman eh. I'm so sorry talaga,"  Bago pa ako tumanggi, naipasok na niya ako sa loob ng kotse niya.

Napanganga ako sa ng pumasok ako. Halatang babae nga ang may ari ng sasakyan nito. Hindi sinasadyang naitukod ko ang siko ko sa kung saan kaya napadaing ako sa hapdi.

Napangiwi ako at napahawak sa bibig ko ng hindi sinasadyang dumulas iyon sa bibig ko. Nahihiyang napatingin ako sa kanya na mukhang sobrang guilty dahil sa nangyari.

"Oh my god. I'm really sorry," pag-uulit niya. Kagat-kagat niya lang ang labi niya buong byahe. 

Inihinto niya ang sasakyan at siya pa mismo ang nag-bukas ng pinto para sa 'kin. Mukhang sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Ako na lang po sana ang nag-bukas." Marahan siyang umiling at binigay ang susi sa kung sino na nakasuot ng uniporme.

Hinigit niya ang braso ko, para namang makakawala pa ako sa lagay na ito. Hindi na ako nag-matigas dahil mahapdi talaga ang sugat. Saka ko lamang napag-tanto na nasa RIOTTE STROVINSTELL pala kami!  hindi ko kasi nakilala ang uniporme ng mga empleyado kasi bago ata ang mga uniporme nila eh. 

"Good morning Madam, can I help you?" tanong ng receptionist.

"May i request a first aid kit? pakidala na lang sa suite ko. Thank you." Agad na tumango ang receptionist at nagulat pa nang makita ako. Natandaan niya ata ako.

"May delivery po ba?" Umiling ako.

"Uh no. She's with me,"  tipid na sagot ng kasama ko. Habang nag-lalakad kami papuntang elevator, panay ang tingin ng mga nadadaanan at nakakasalubong na 'min sa daan.

Siguro nag-tataka sila kung bakit may kasama ang isa sa may-ari ng hotel na ito na isang  kagaya ko? mukha naman kasi akong katulong sa lagay kong ito samantalang artistahin ang dating niya. 

"Gagamutin ko iyan sa loob." Bahagya pa akong napa hawak sa pwetan ko dahil masakit pa rin ito. Hindi maganda ang pag-kakabagsak ko kanina.

"Ma'am baka po kasi magalit ang boss ko." Ngumiti lang siya at umiling-iling.

"Leave it all to me," mahinahong sabi niya pero hindi ko naintindihan iyon. Kinuha niya ang cellphone niya sa purse na dala niya at may pinindot na kung ano.

"Hello, I'm here. I have to run some errands. Pauksan mo ang suite ko, yeah. Don't worry I'll be there in a bit."  Binaba niya ang cellphone niya at binalingan ako ng tingin.

"Follow me." Sinunod ko siya hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto.

"Dito ho tayo Ma'am?" Tumango siya at binuksan ang pinto. Paika-ika naman akong sumunod sa kanya.

Napanganga ako sa laki at ganda nito. Hindi ko inasahan na ganito pala kaganda ang bubungad sa 'kin sa loob.

"Take a seat. The first aid kit will be there in a minute, can you still hold the pain?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango na lamang ako at tuluyan nang naupo sa malaking sofa at hindi matigilang igala ang mata sa kabuuan ng kwartong ito. Isang bahay na 'to para sa 'kin pero syempre iba sa kanila dahil mayaman sila.

"You're here, with someone." Napatingin ako sa may-ari ng baritonong boses na iyon. Nag-tagpo ang mata na 'min at imbes na iiwas ko ang paningin ko ay mas napatitig pa ako sa matang mga abo na tila hinihipnotismo at hinihila ako papalapit sa kanya.

"Magandang umaga ho Sir Hyde." Nag-taas siya ng kilay at maya maya'y tumango bago binalingan ng tingin ang kapatid niya

"You didn't tell me that you're with someone." Alam kong ako ang 'someone' kaya gusto ko na tuloy umalis dito. Nakakahiya, sobra.

Naagaw ang atensyon na 'min lahat ng may kumatok sa pinto. 'Yun na siguro ang nirequest na first aid. 

"Open the door. Nariyan na ang first aid kit," utos niya sa kapatid niya. 

"Ako na ang mag-bubukas." Pero agad na pinigilan niya ako kaya nahiya ako. 

"No. You stay there," Matigas na pag kakasabi niya at tinignan ako kaya bumalik na lamang ako sa pag-kakaupo.

"You may go now," sambit niya sa empleyado niya at nag-lakad papunta sa 'min ng Ate niya. 

"Care to tell me what happened?" Kinuha ni Ma'am ang first aid kit at tumabi na sa 'kin sa sofa.

"Ako na lang Ma'am ang gagamot kaya ko naman saka nakakahiya ho." Tumawa lamang siya.

"No, let me do it. Ako ang may gawa n'yan kaya ako ang dapat na gumamot niyan,"

"So, I was driving papunta dito. Nag-mamadali ako but I didn't notice her walking at nabunggo ko siya. She landed on the floor so I brought her here na to clean her wounds."

Napaatras ako ng dumampi sa sugat ko ang bulak. Napansin niya iyon kaya dinahan-dahan niya.

"Wag kayong mag-alala hindi naman malakas angpag-kakabagsak ko kaya ayos lang naman din ho ako. Kahit nga hindi na gamutin iyang sugat ayos lang po." Nahihiyang sabat ko kaya natigil ang pag-dadampi niya ng bulak sa siko ko. Nakatingin lang sa 'min si Sir Hyde kaya pinipilit ko ang sarili kong wag siyang tignan pabalik.

Nakakahiya, parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa. 

Walang nang salita hanggang sa matapos ang pag-lilinis niya sa sugat ko. Napangiti ako ng makita kong masaya siya sa malinis na ang saguat ko. Ang ganda na nga niya, ang bait-bait pa. 

"Hayan. It's done na," masayang sabi niya.

"Maraming salamat Ma'am, Sir. Hindi niyo na ho kailangang gamutin ito pero maraming salamat. Sige ho aalis na ako dahil huling-huli na 'ko sa trabaho." Tumayo ako at dadmputin na sa na ang bag ko ng mapatigil ako dahil nag-salita siya.

"I already phoned Gaius earlier. I told him that you're here, with my Sister." Nilingon ko siya at nahuli kong nakatingin sa 'kin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad naman ako nag-iwas.

Hindi ko ata kayang makipag-titigan ng matagal. 

"Ah ganun ho ba? maraming salamat ulit." Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat.

"Ako na ang mag-hahatid sa 'yo for the last time to say sorry." Nakangiting alok sa 'kin ni Ma'am. 

"Huwag na Ma'am baka nakakaabala na ako sainyo saka medyo malapit rin din naman ang Third fractio, kayang-kaya ko lakarin," mariin kong sabi.

"I'll take her there. Do your business with Harred."  Nagulantang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Kailangan pa ba talagang hawakan ang kamay ko?

"By the way, I'm Marquis Jacobe. You can call me Marquis." Tumango ako at sinuklian ang ngiti niya.

"Solene ho Ma'am," saad ko.

"I know. So, this will be goodbye for now? hope to see you again." Tumango ako bago sumunod kay Sir Hyde.

T-teka nga...kilala niya ako? paano? kailan?

"Sino ba 'yan? 'di ba 'yan 'yung nag-deliver ng pizza noong nakaraang araw?"

"Ewan, baka siya na 'yon," Dinig kong bulong ng mga tao sa lobby ng hotel. Hindi ko na iyon pinansin pa.

"Get in," saad niya. Napabuntonghininga na lang ako at binuksan ang pinto pero napatigil 'din dahil hindi ko alam kung saan ako uupo.

"Pwede naman ho sa likod na lang ako." Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan.

Hala. Nainis ata.

"Damn. Just...just get in. Hindi mo 'ko driver. " Wala kong nagawa kundi ang sumunod na lamang kesa mag-pabebe pa ako. Taka akong napatingin sa kanya ng mag-tama ang paningin na 'min.

"May problema ho ba Sir?" Muling umigting ang panga niya at lumapit sa 'kin.

Halos hindi ako makahinga ng lumapit siya. Napapikit ako ng nanuot sa ilong ko ang bango niya. Amoy na hindi pang-karaniwang sa mga ordinaryong lalaki. Ibang-iba ang bango niya 'yung tipong hindi ka mag-sasawang singhot-singhutin siya mag-hapon.

Kung si Ethienne ako, paniguradong nilalandi na niya si Sir Hyde.

Napatitig ako sa perpektong hugis ng ilong niya, malaming na mga mata na pwede kang maging yelo pagtinitigan ka at pwede ka rin matunaw, mapulang labi, makapal na kilay, makinis na mukha at ang perpektong pag-kakahubog ng panga niya. Gawa ng talaga siya ni Lord.

Kung kasama ko lang si Ethienne sigurado akong blessing na naman to sa kanya. Pag gwapo daw kasi blessing, pero pag-pangit karma daw 'yan o kamalasan. Ang harsh niya 'no? 

Ang sama talaga ng gaga eh.

"What?" masungit na tanong niya na para bang isang kasalanan ang tumingin sa kanya. Ang sungit! 

"Your seatbelt." Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil medyo malapit rin naman ang Third fractio, hindi na kailangang mag-seatbelt dahil bababa 'din ako agad. 

Pinarada niya agad sa labas ng Third fractio ang pang-sosyal niyang sports car kaya madami ang nakatingin sa gawi na 'min. Sigurado akong ang hahaba na ng mga leeg ng mga katrabaho ko. Mahiling 'din kasi ang mga iyon sa chismis eh. 

"Maraming salamat, Sir. Pakisabi na lang 'din ho kay Ma'am Marquis,"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng mag-tagpo ang mata na 'min. Agad ko akong bumitaw.

A-ano iyon? Bakit ako nakuryente? 

"B-bakit Sir?" pinulot niya ang panyo at napatitig siya dito ng ilang saglit. Nag-papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa panyo ko. 

"May problema po, Sir?" Mariin siyang pumikit at nilahad sa 'kin ang panyo na nahulog at nag-pasalamat akong muli.

Ang weird niya. 

Nang pumasok ako, nag-silapitan ang ibang mga katrabaho ko para makiusyoso. Crush nilang lahat si Sir Hyde eh.

"Ang swerte mo naman at hinatid ka pa ni Sir Hyde." Napailing na lang ako. 

"Sanaol napapansin. Ang tagal ko nang nag-papapansin d'yan kay Sir Hyde pero ikaw pa lang 'teh ata ang napansin sa 'ting lahat. Isang malaking SANA ALL. ROR! "  Napangiwi ako sa sinasabi ng dalawa ng biglang may tumikhim.

"I heard about what happened. Are you alright?"  Hinead to foot niya pa ako na para bang inoobserbahan ang katawan ko.

"Opo Sir," nag-paalam na'ko at iika-ikang pumasok sa kusina.

"Hh anyare sayo?" bungad ni Maerchie. Napangiwi na lang ako.

"Mahabang kwento," 

_ _ _ _ _ _ _ _

Mabilis na natapos ang araw. Pag-bukas ko nang pinto ng apartment ko, isang malaking buntonghining na naipon ang pinakawalan ko. Mag-isa na naman ako.

Hindi pa ba ako nasanay? Sa tagal kong nabuhay nang mag-isa, walang kasama ngayon pa ba ako hindi masasanay?

Nanonood lang ako sa sala at patay ang mga ilaw. Kukuha na sana ako ng popcorn sa kusina ng sunod-sunot itong nag-ingay. May nag-text. Binuksan ko ito at napabuntonghininga na lang.

From: Unknown number

Hai Bh4be p4uwi na M3h. M4g-r34dy Ka N4, Al4m mu3 n4h. 

From: Unknown number

Sir, sa labas na po ako. i2 na po order n'yo sa jallibe.

Mga wrong send na naman. Pangatlong araw na ngayon eh, puro mga unknown number ang mga nag-titext sa 'kin. 

                                                     _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status