Share

Chapter 08 - Shy

Chapter 08 - Must have been the wind 

Solene

"Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin. 

Anong kailangan nila sa 'min? 

"Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin

Nakuha nila ako...

Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.

"Solene!" mas lalo pa akong naiyak ng marinig ko ang sigaw ng nanay ko. 

"Ang ingay mong peste ka! Kapag hindi ka tumigil d'yan tatadyakan na talaga kita," sabi ng lalaki pero hindi ako nag-patinag, pinakita ko sakanilang hindi ako apektado sa mga sinasabi nila.

Kailangan naming makaalis dito! ngunit... paano?

"Sino kayo? anong kailangan niyo sa 'min ni mama? wala kaming kahit na anong pwedeng ibigay sainyo! mahirap lang kami." Inubos ko ang lakas ko mabitawan lang ang mga katagang iyon pero tinawanan lang nila ako na parang may nakakatawa ba sa sinabi ko.

Talaga bang katawa-tawa kami? kaya gan'to ang trato sa 'min ng mga tao sa paligid na'min? tao din kami hindi hayop! karapatan din namin ang irespeto bilang tao! iyon lang ang tanging hiling ko pero bakit hindi nila iyon maibigay? bakit? mahirap ba? 

"Anak mo nga talaga ito Serinna. Pareho kayong walang kwenta." Nag-init ang tainga ko sa sinabing iyon. Nakakalungkot isipin na ganoon kawalang kwenta ang tingin sa 'min ng lipunan. Wala silang karapatan na pag-sabihan kami ng ganoon pero wala akong magawa.

Hindi ko alam kung saan ba kami lulugar, kung saan kami tatanggapin at hindi huhusgahan.

"Kayo ang walang kwenta! ang sasama ninyo!" sigaw ko pabalik. Isang mabigat na kamao ang lumapat sa tiyan ko.

Napahiga ako at namilipit sa sakit. Tila niyanig ng sakit ang buong katawan ko. Umikot ang paningin ko at mukhang babaliktad na sikmura ko. Narinig ko ang sigaw ng nanay ko kaya pinilit kong umupo pero hindi talaga kaya. May mainit na likido ang lumabas sa bibig ko, mapakla ang lasa nito kaya sigurado akong dugo ito.

D-dugo...

"T-tama na pakiusap, bigyan niyo pa ako ng panahon para mabayaran ang utang sain'yo," dinig kong pakiusap ni Mama. Tanging tawa lamang ang sinagot nila sa kanya.

Hindi ako naaawa sa sarili ko kundi sa sariling nanay ko. Bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng ito? mabuti siyang tao pero bakit gan'to? ano bang nagawa niyang kasalanan sa nakaraang buhay niya at pinapahirapan siya ng gan'to?

"Aba, ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? binigyan ka na na 'min ng tatlong buwan pero anong ginawa mo? lumandi ka pa at inuna mo pa itong bubwit na ito."

Sunod-sunod na hikbi ang narinig ko at sigurado akong galing iyon kay Mama. 

"Kailangan kong buhayin ang anak ko at hindi ako ang may utang sainyo kundi si Anidda!" Narinig ko ang pa-lapat ng kamay sa pisngi niya.

Bakit si Mama ang nag-hihirap? diba dapat si Auntie? hindi si Mama ang may utang sakanila kundi siya! nagawa niya pa ito kay Mama na sariling kapatid niya! Sa 'min, sa 'kin na kadugo niya.

"Aba punyeta ka! sabi sa 'kin ni Anidda na ikaw na ang mag-babayd ng utang niya dahil may utang ka rin daw sa kanya. Ako pa ang gagawin mong tanga putangina ka!"  Rinig ko ang pag-mamakaawa ng nanay ko pero wala akong magawa kundi ang humikbi na lamang.

Bakit ba kasi ang hina ko? dapat ako nag-tang tatanggol sa kanya. Dapat ako! pero isa lamang akong bata na walang kalaban-laban. Ano bang laban ng maliit na paa't kamay ko? ang hina ko!

Panginoon huwag ninyo po kaming pababayaan, alam kong mabuting tao kami ni Mama kaya sana huwag niyo po kaming pabayaan. Nakikiusap ako. 

"Ilagay 'yan sa drum." Nag-pumiglas ako ng binuhat ako ng isa sa mga lalaki. A-anong gagawin nila sa 'kin?

"B-bitawan ninyo ang anak ko pakiusap. Huwag siya ako na lang." Pumalakpak ang lalaki sa tuwa.

"Mother like daughter nga naman. Ang sarap panoorin kung gaano nag-papaka-bayani ang ina maligtas lamang ang anak."

Isang malamig na tubig ang bumungad sa 'kin sa loob ng malaking drum. Nanginig ang buong katawan ko at nag-babakasakali pa rin na makakalabas kaming buhay dito...

"P-pakawalan niyo ako dito!" sigaw ako ng sigaw pero parang hangin lamang ang tinig ko at hindi nila iyon tinutugon

"A-anak" nanginginig ang labi ko. Narinig ko ang huling tawag niya sa 'kin bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

_ _ _ _ _ _

"Solene gising!" Isang malakas sigaw at sampal ang lumapat sa pisngi ko dahilan para magising ang diwa ko. nanghihina 'kong iminuklat ang mata ko at iginalaw ang paningin.

Nakita ko si Ethienne na nakaupo sa paanan ng kama, nagaalalang naka tingin sa 'kin. Napaupo agad ako. Hinawakan ko ang noo ko at leeg, punong puno iyon ng pawis.

"Narinig kitang sumisigaw kanina. Pinuntahan agad kita, basang basa ka na ng pawis," aniya at hinimas ang likod ko.

Nangilid ang luha ko. Tinukod ko ang dalawang kamay sa tuhod ko at napaiyak na lamang. Naramdaman kong tumabi siya sa 'kin at muling hinagod ang likod ko.

Kahit anong pilit kong kumawala ay patuloy pa rin ako dinadalaw ng mga bangungot at hindi ko alam kung hanggang kailan ito titigil. Mas lalo pa ako naiyak dahil naalala ko ang nanay ko... ang pinakaimportanteng tao na nawala pa sa 'kin.

Parang kinukurot ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga pinag-daanan na 'min mabuhay lang sa mundong ito. Ngayon na lang ulit ito nangyari, na nagising ako mula sa sigaw ni Ethienne kaya laking pasasalamat ko dahil nandito siya.

"Anong napanaginipan mo?" tanong niya. Nag-angat ako ang tingin habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha pababa sa pisngi ko.

Ayokong nakikita niya akong umiiyak dahil ayaw kong mag-alala siya sa 'kin.

"Hayaan mo na. Hindi mo na kailangan sagutin iyon ang mahalaga nagising ka." Niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko.

"S-si Mama. Yung nangyari sa 'min ilang taon na ang nakalipas." Kumalas siya mula sa pag-kakayakap at tinignan ako. Walang bahid ng kahit anong ekspresyon sa mukha niya kundi ang takot at awa.

"P-pinahirapan nila si Mama at nilagay nila ako sa loob ng drum." Pansin kong ang paninigas niya at umawang ang labi niya.

Isang saglit na natulala ako sa kawalan at binalot kami ng katahimikan. Walang nangahas na mag-salita, parang pinoproseso ng utak niya ang nalaman niya ngayon.

"Jusko Solene, hindi ko akalain na doon kayo umabot ni Tita," sabi niya pero hindi ako sumagot, nanatili lang akong tahimik . Alam niyang ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon pero nag-babahagi rin ako sa kanya paminsan-minsan, kapag kinakaya ko

Hindi niya ako pinipilit dahil alam niya kung gaano kasakit balikan ang nakaraan, kung gaano ako nag-hihirap sa sakit. Gustuhin ko man na takasan ang nakaraan pero ito na mismo ang gumagawa ng paraan para gambalain ang pamumuhay kong dapat sana'y tahimik. Kahit ang sakit ay hindi narin nawawala, tila ba naging parte na ito ng pag-katao ko.

Kailan kaya matatapos ang pag-hihirap ko? 'yan ang paulit-ulit na tinatanong ko sa sarili ko. Kung may madaling paraan lang sana ay ginawa ko na pero wala eh.

"Mag-palit ka ng damit. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako."Narinig ko ang pag-sara ng pinto at nilingon ko iyon.

Muli na naman akong natulala at naiwan sa gitna ng dilim. Kahit nga mismo ang dilim ay isa na rin sa naging parte na ng bawat ako at tanging ito lamang ang karamay ko noon. Masakit man isipin na walang nakakaintindi sa nararamdaman ko noon at wala akong malapitan pero tinanggap ko na lamang ang masaklap na katotohanan. Wala naman akong magagawa, iyon ang totoo.

Iyan 'din naman ang gagawin ng isang tao 'di ba? kahit itanggi pa, tatanggapin at tatanggapin pa rin ang masaklap na katotohanan ng buhay dahil ano pa nga bang magagawa na 'tin? Kundi ang lumaban kahit na mahirap... tanggapin kahit na masakit.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Kinabukasan, napag-sang-ayunan na'min na gumala sa mall dahil wala na siya bukas. Baka ito na naman ang huling oras na'min na mag-kasama kaya sinulit na na'min.

"Tignan mo 'to oh. Ganda ng design, simple lang pero eleganteng-elegante ang datingan." Nilahad niya sa 'kin ang isang ruffle beige dress at tinignan ko lamang iyon.

"Anong gagawin ko dito?"  Bumusangot ang mukha niya. Eh sa hindi naman ako nag-susuot ng mga gan'tong damit. Oversized shirt at pantalon ay sapat na.

"Kainin mo try mo," sarkastikong sabi niya.

"Eh hindi naman ako nag-susuot nito. Sa'yo na lang mas bagay pa yan sa'yo eh. " Ngumiwi siya at mahinang hinampas ang braso ko.

"Kaya nga binigay ko sa'yo kasi paniguradong bagay na bagay yan sa'yo girl. Dali na, wag nang kj. Sasabunutan kita d'yan sige ka," pag-babanta niya. 

Tinulak niya ako papasok sa fitting room kaya wala akong nagawa kundi ang sukatin ang damit. Maganda iyon at alam kong maganda din ang presyo. Nang iangat ko ang tingin ko sa salamin, napatitig ako sa sarili ko. Naging maayos ang itsura ko dahil sa suot ko. Hindi kasi ako sanay sa mga gan'tong damit, tshirt at pantalon okay na sa 'kin. 

Hinawi ko ang kurtina at pinakita ang sarili ko. Awtomatikong lumapad ang ngiti niya ng pasadahan ako ng tingin.

"Oh sabi sayo eh, bagay na bagay. Mukha ka nang tao Sis!" Aba proud na proud pa ang lokang laitin ako. Napapalakpak siya kaya nag-sitinginan naman ang ibang saleslady at nahihiya na ako. Dapat hindi ko na sinukat 'to eh.

"Ang ganda Ma'am!"  puri ng isa. 

"Bagay na bagay po sain'yo ang dress." Nag-ok sign si Ethienne at proud na proud pa siyang pinasuto niya sa 'kin 'tong damit. 

"Para kang modelo ma'am, ang ganda niyo po!" Nahihiyang ginawaran ko sila ng ngiti at yumuko na lamang.

"Hoy 'wag kang yumuko d'yan at pipicturan kita." Pinanlakihan ko siya ng mata at sineyasan na huwag na niyang ituloy kung anong balak niya pero ang baliw ngumisi lang.

Nilabas niya ang cellphone niya at paulit-ulit na sinabihan akong ngumiti. Hindi ko naman magawa dahil nahihiya na 'ko sa kadami-daming nakiki-usyoso sa gawi na'min. Pati ang ilang napapadaan upang mamili ng damit ay napapatingin din.

"Gora, mag-bihis ka na. Instant celebrity kana dito, Girl," Loka-lokang sabi niya kaya napailing-iling na lang ako.

Nang makalabas ako ng fitting room, binalik ko agad sa kanya ang damit.

"Oh? hindi mo ba nagustuhan? bagay na bagay pa naman sa 'yo pramis." Ngumiwi ako, eh sa hindi ako interesado na bilhin iyon.

"Sa 'yo na lang kung gusto mo." Pero pilit na binalik niya iyon sa 'kin.

"Hindi tayo aalis dito hangga't wala kang binibili kahit isa man lang." Naupo siya ng may makitang upuan doon. Kilala ko 'tong lokang 'to. Tinototoo niya talaga ang sinasabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang hilahin siya papuntang counter para bayaran na iyon. Nahagip ng mata ko ang multong ngiti sa mga labi niya. Alam na alam talaga niya kung paano ako bumigay.

Pag-labas na'min ng shop na 'yon, pinakita niya pa sa 'kin ang mga kinuha niyang picture ko kanina. Iyong una ay natawa kami pareho dahil pikit ang isang mata ko at iyong pangalawa naman ay nakangiti ako ng maayos. Tawa kami ng tawa hanggang sa may mabunggo ang loka.

"Tumingin nga kayo sa dinadaanan ninyo." Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang mata niya.

"Ikaw? ikaw na naman? aba't ang kapal rin ng mukha mo eh no? ikaw na nga itong nakabangga sa 'kin ikaw pa ang may ganang magalit, wow ha?" Tinulungan ko siyang makatayo at pinag-pagan ang suot na pantalon.

Si Sir Phoenix lang pala kasama sina Sir Gaius at si Sir Hyde, tapos yung iba pang kaibigan nila na hindi ko matandaan ang pangngalan.

"Solene? what are you doing here?" Napatingin ako sa gawi ni Sir Gaius. Nakangiti siya ng malapad. 

"Wala po, nag-ikot-ikot lang," nahihiyang sambit ko dahil nakatingin na rin yung ibang mga kaibigan niya.

"Drop the formalities, i'm not that old," natatawang sambit niya at hinawi ang buhok na humarang sa mukha.

"Mag-kakilala kayo nitong asungot na 'to?" tanong ni Sir Phoenix sabay turo kay Ethienne. Paniguradong umuusok na ang ilong nito sa tinawag sa kanya.

"Mag-kabigan kami," tipid na sagot ko.

"Aba! asungot? ikaw ang asungot! wow, ang tindi mo boi ah?!" Pinag-krus niya ang braso sa dibdib at tinaasan ng kilay si Sir Phoenix.

Nag-tama ang tingin na'min ni Sir Hyde, kumabog ang dibdib ko kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin.

"By the way, this is Cross, Montani, Joah, Phoenix, and Hyde." Nag-unahan pa silang nakipag-kamay sa 'kin,s amantalang hiya-hiya na ang mukha ko. Si Sir Hyde lamang ang hindi nakipag-kamay sa 'kin. Tinignan ko si Ethienne at tinaasan niya lang ako ng kilay, mukhang bwisit na bwisit pa rin.

"Si Ethienne, kaibigan ko." Agad naman siyang nakipag-kamayan sa mga iyon pero inismiran niya lamang si Sir Phoenix.

"Sige, mauna na kami sainyo. Sir Hyde, pasensya na sa abala." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ba't ko pa siya binanggit? tinaasan niya lamang ako ng kilay kaya tumulak na kami ni Ethienne dahil hiyang-hiya na 'ko.

Bumili kami ng makakain at nag-pasyang abangan ang sunset sa Manila bay.  Nag-kanda lasug-lasog na ang kawawang kwek-kwek dahil sa pag-paulit-ulit na pag-tusok niya doon. Hindi na rin siya nag-salita simula noong nakaalitan niya si Sir Phoenix. Siguro may gusto kay Sir Phoenix 'tong lokang 'to.

"Uy kawawa ang kwek-kwek. Huwag mo naman pag-buntungan ng galit," saad ko at natawa. 

"Bwisit na lalaking 'yon! nakita ko na naman ang pag-mumukha nung hinayupak na 'yon. Ang sarap tadyakan shuta," Naiinis na sabi niya.

Marahas niyang tinutusok-tusok ang kwek-kwek at kinain samantalang ako tawa ng tawa habang pinag-mamasdan lang siya.

"Eh bakit ka naman nagagalit kay Sir Phoenix?"

"Bwisit na 'yon, laitin ba naman ako. Ang ganda ko naman para tawagin niya akong asungot!" Mas natawa ako sa pag-mamaktol niya.

"Siya yung kaaway ko sa probinsya! anak siya ng mga Creed, ang may-ari ng hacienda na pinag-tatrabahuhan ni Tatay!" Nagulat ako dahil sa kanila pala nag-tatatrabaho ang Tatay niya. 

"Si Sir Phoenix?" Wala sa sariling napa tango siya sa sinabi ko. 

"Hayaan mo na. Mabait 'yon si Sir Phoenix, alam kong hindi niya gagawin kung ano man ang naiisip mo." Pero mukhang hindi pa rin siya kumbensido sa sinabi ko.

"Ba't kasi ginatungan mo pa? pinalipas mo na lang sana kesa mag-kaalitan pa kayo." Nag-taas siya ng kilay.

"Palipas? alam mong hindi yan uso sa 'kin, Solene. Hindi ako umaatras sa kung sino, hindi ako nag-papaapi ng basta-basta na lang." Natigilan ako.

"Oh sige na. Kalma lang, nangyari na ang dapat mangyari."

Hindi na 'ko muling nag-salita. Tinuon ko na lamang ang buong pansin ko sa nag-sisimula nang mag-kulay kahel na kalangitan at umiihip ang malamig na simoy ng hangin.

_ _ _ _ _ _  _

"Mama, nasaan po ba ang Papa ko? bakit po hindi ko pa siya nakikita?" Kapansin-pansin ang paninigas niya ng tanungin ko siya.

"Ayos ka lang po?" Ngumiti siya at hinaplos ang buhok kong mahaba.

"Alam mo 'nak, ang Papa mo ay nag-tatrabaho para may makain tayo." Muli ko siyang tiningala na parang may gustong sabihin na hindi niya masabi sa 'kin ng harap-harapan.

"Ah ga 'nun po ba? kaya mag-aaral pa po ako ng mabuti para sulit ang pagod ninyo at para na rin makita ko na si Papa. Hindi ko pa po kasi siya nakikita." Nahagip ng mata ko ang namumuong luha niya at pasimple niya iyong pinahid.

Huli na ang lahat dahil nakita ko iyon.

"Anak, mag-pahinga ka na. Ang mga batang kagaya mo ay dapat na natutulog ng maaga para mabilis lumaki." Napatalon-talon pa ;ko sa buhanginan.

"Di ba po lalaki pa 'ko? tapos pag-malaki na ako pupuntahan ko si Papa at sasabihin ko kung gaano ko siya kamiss." Tumango lang siya ngunit tumalikod rin. Nag-taka ako pero isinawalang bahala ko na lamang iyon, baka masaya lang siya dahil hindi na siguro siya pakapag-hintay na lumaki ako. Para ako naman ang mag-alaga sa kanya at bumili ng mga kailangan niya.

"Anak, halika nga rito. Payakap si Mama." Agad naman akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit. Kahit ito na lang ang magawa ko para maibsan ang bigat ng dinadala niya.

Alam kong marami siyang pinag-dadaanan at yayakapin ko siya palagi para mapawi iyon.

"Bakit ka po umiiyak?"

"Hindi ako umiiyak, napuwing lamang ako 'nak." Alam kong nag-sisinungaling siya pero hinayaan ko na lang dahil wala ring saysay kahit pilitin ko pa siyang sabihin sa 'kin. Alam kong hindi niya pa rin sa 'kin sasabihin kung anumang gusto kong malaman.

Humiga ako sa hita niya habang hinintay ang pag-lubog ng araw. Nasanay akong maagang natutulog, ganitong oras dahil sinanay ako ni Mama. Tinanaw ko ang papalubog na araw at nang makuntento, ipinikit ko na ang mata ko.

Dinama ko ang malamig na ihip ng hangin.

"Anak pasensya na. Patawarin mo si Mama dahil hindi ko pa masasabi sayo ang mga dapat mong malaman. Masyado ka pang bata para maintindihan iyon." Narinig kong sabi niya pero nanatiling nakapikit ang mata ko at nag-kunwaring tulog.

"Patawarin mo 'ko dahil hindi ko kayang ibigay ang lahat ng mga kailangan mo katulad nalamang ng iyong Ama. Patawad dahil marami akong pag-kukulang sa 'yo bilang isang Ina. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak pero mag-papatuloy pa rin ako para sayo, kailangan na 'tin lumaban. Ikaw lang ang kalakasan ko anak." Tumulo ang luha niya sa 'king pisngi.

Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam na gan'to pala kabigat ang lahat para sa kanya, ganito pala kabigat ang dinadala niya pero nag-papatuloy pa rin siya para sa akin. Kung kaya ko lang alisin iyon at ilipat na lamang sa 'kin ay ginawa ko na, makita lang siyang masaya. 

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Kasabay ng muling pag-ihip ng hangin ang pag-babalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan ang tumulong luha mula sa mga mata ko.

"Hoy, bakit ka umiiyak ? ayos ka lang ba? may nasabi ba akong mali kanina?" Sunod-sunod na tanong niya. Agad kong pinunasan ang luha at umiling.

"Wala, may naalala lang ako."

"Sigurado ka? kung gusto mo umuwi na tayo." Umiling ako at nanatiling tahimik. Hindi na rin siya nag-salitang muli, nahalata niya sigurong ayaw kong mag-salita.

Tinitigan ko ang papalubog na araw, senyales na tapos na ang pag-hihirap para sa araw na ito. Panibagong bukas at panibagong kalbaryo na naman ang haharapin kinabukasan, bagong pag-asa ang mag-sisimula at bagong pag-subok ang nag-hihintay.

                                                          _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

A/N: Here's the chapter 8 of MHBTW. Hope you like it! :) -Nostxlgicxx

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status