Home / Romance / My Accidental Billionaire Boyfriend / Chapter 2: mysterious Fries and Mixed Signals

Share

Chapter 2: mysterious Fries and Mixed Signals

Author: James0626
last update Last Updated: 2025-04-05 13:21:05

Hindi ko alam kung paano nangyari ’yon, pero eto kami ngayon—nasa tapat ng isang food truck, kumakain ng fries at hotdog na may cheese, habang nilalamon ako ng tanong sa utak ko:

Who the hell is Ethan?

“Masarap ’to ah,” sabi niya habang inaagaw ang fries ko.

“Hoy! Ako bumili niyan!” sabay hampas ko sa kamay niya.

“Sharing is caring,” ngumiti siya na parang walang nangyari.

Seriously? Ang lalaking ’to, may suot na relo na mukhang kaya kong pagkakasyahin ang tuition ko for two years, tapos nakikiagaw ng fries?

“’Di ba dapat ikaw ’yung nagyayaya ng fine dining? Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko, half-joking, half-curious.

“Mas gusto ko ’to. Mas nakakakilala ng tao sa ganitong setting.” Tinitigan ko siya. Steady. Tahimik. Pero may kung anong tension sa mga mata niya—parang may binabasa siya sa akin na ako mismo, hindi ko pa maintindihan.

“’Ikaw nga pala.” Sabay kuha niya ng tissue at pinunasan ang cheese sa gilid ng labi ko.

Nag-freeze ako.

What the—

“Smooth move,” bulong ko.

Ngumiti siya.

“Hindi ko sinasadya.”

Liar.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko siya kilala. As in, hindi talaga. Wala siyang social media, hindi siya nagpapakilala nang buo, at ang tanging clue ko sa kung sino siya ay ’yung sinabi niyang he’s in the business of making people’s lives easier. Ano ’yon? Life coach? Sugar daddy? Assassin?

“Pwede ko bang malaman kung anong trabaho mo talaga?” tanong ko, diretso.

“Pwede,” sagot niya.

Nag-antay ako. Pero wala siyang idinagdag.

“Okay… kailan mo balak sabihin?”

“Kapag ready ka nang marinig.” What does that even mean?

“Alam mo, Ethan, ang dami mong red flags.”

“Good thing red is my color.”

Umiwas ako ng tingin pero hindi ko napigilang mapangiti.

This guy is infuriating… but also weirdly charming.

“Sigurado ka bang hindi ka stalker?” tanong ko ulit, kahit kalahati ng utak ko, seryoso na ang hinala.

“Kung stalker ako, siguro alam ko na ang middle name mo, favorite mong K-pop group, at ’yung time ng alarm mo every morning.”

Natahimik ako.

“Wait. Do you?”

Ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung joke ’yon o legit.

Bago pa ako makapag-decide kung tatakbo ba ako o magpapatuloy sa pagkain, tumunog ang phone niya.

One look and his face changed.

“Luna, I have to go.”

“Ngayon agad?”

Tumango siya.

“Emergency.”

Naglakad siya palayo, mabilis. Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, lumingon siya.

“I’ll text you.” At nawala siya parang multo. Just like that.

Naiwan ako, tulala sa tapat ng food truck, may hawak pang kalahating hotdog, at puso kong unti-unting nawi-weirdohan sa sarili.

Bakit parang gusto ko pa siyang makita kahit hindi ko alam kung dapat?

At bakit parang may tinatago siya… na ayokong malaman, pero gusto ko ring tuklasin?

“Minsan, hindi mo alam kung kinikilig ka o dapat ka nang tumakbo.”

Pagkauwi ko, diretsong bagsak sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, pero ang utak ko, parang nagka-marathon sa sobrang dami ng tanong.

Hindi dahil sa fries.

Hindi dahil sa hotdog.

Hindi rin dahil sa biglaan niyang pag-alis.

Kundi dahil sa sarili kong kabog ng puso.

Ilang oras na ang lumipas pero hawak ko pa rin ang phone—waiting. Baka mag-text. Baka mag-explain. O baka… wala lang talaga ’yon sa kanya.

Tumunog bigla ang phone ko.

Isang unknown number.

“I told you I’d text.”

Napaupo ako. Walang pangalan. Walang pic. Walang kahit ano. Pero sure ako—siya ’yon.

Ethan?

Seen.

Walang kasunod.

Walang emoji man lang.

Okay. Creepy.

Pero bago pa ako makabuo ng conclusion na part-time ghost siya, may pumasok ulit na message.

“I enjoyed today. You’re not what I expected.”

“In a good way.”

Napakagat ako sa labi. Tangina.

Ganito ba talaga ’yung kilig na may halong kaba?

Sino ka ba talaga?

Tumigil ang mundo ko kakahintay ng reply. Tinitigan ko lang ang screen hanggang parang gusto ko na siyang i-unsend.

Pero pagkatapos ng ilang minuto, ayan na.

“Someone who shouldn’t like you… but does.”

What the—

Anong ibig sabihin no’n?

May asawa siya? May secret identity? May death threat?

“Luna, stop,” bulong ko sa sarili.

Pero kahit anong pilit kong maging logical, hindi ko maalis ’yung weird na kilig.

Bawal ’to.

Delikado ’to.

Pero gusto ko pa rin siyang kausapin.

At ’yun ang mas nakakatakot.

“Minsan ’yung ayaw mong makita, siya pa ’yung biglang sumusulpot.”

Nagising ako sa tunog ng alarm na hindi ko maalala kung kailan ko sinet.

Five-thirty A.M. What the hell?

Bumangon ako, mukhang multo. Gusto ko lang matulog at makalimutan ’yung mga cryptic text kagabi. Pero no. May group meeting kami sa school project. Required. At siyempre, ako ang assigned sa coffee run.

“Thanks, universe,” reklamo ko habang lumalakad papuntang café malapit sa campus.

Pagpasok ko, amoy pa lang ng kape, medyo gumaan na ang mood ko. Maaga pa, kaya konti lang ang tao. Tahimik. Chill.

Hanggang sa may biglang nagsalita sa likod ko.

“Large americano. One shot extra charm.”

Napalingon ako.

At ayun siya.

Standing there like he didn’t disappear on me last night.

“Ethan?!”

Ngumiti siya, ’yung tipong effortless at borderline nakakainis. Naka-dark hoodie siya, messy hair na parang bagong gising pero modelesque pa rin.

“Small world,” sabi niya, kunwari innocent.

Small world? Hindi ito coincidence. Sinundan niya ba ako?

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Coffee,” sabay turo sa menu.

“Ikaw?”

“Assignment. Ikaw ulit?”

Tumawa siya.

“Pwede bang destiny?”

Umiwas ako ng tingin pero hindi ko mapigilang mapangiti ng konti. Damn it. Bakit ba ganun ’tong lalaki?

“Seriously, Ethan. Anong ginagawa mo sa area ng school namin?”

“Meeting.”

“Sa ganito kaagang oras?”

Tumango siya, casual lang.

“Some people start early.”

“Some people don’t answer straight.”

“Some girls look cute when they’re annoyed.”

Napasinghap ako. Napakamot siya sa batok, parang nagpipigil ng tawa.

“Fine. Sige. You want honest?”

Tumango ako, arms crossed.

“Sinadya ko.”

“What?”

“Gusto kitang makita ulit.”

Parang may humila sa bituka ko.

“Bakit?”

“Because I wasn’t finished with you yet.”

Tahimik.

Tumunog ’yung pangalan ko sa counter. Kinuha ko ’yung tray ng orders. Nanginginig pa kamay ko. Hindi dahil mabigat. Kundi dahil sa kanya.

“Can I walk you back?” tanong niya. Hindi ako sumagot.

Tinitigan ko lang siya. Sinusuri.

Peligroso. Hindi klaro.

Pero ang totoo?

Gusto ko siyang makasama ulit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 35: Ang Kape, ang Ex, at ang Kapatid ng Lihim

    “Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 34: Laban sa Tadhana

    Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 33: Kahit Sinungaling Ka, Crush pa rin Kita

    Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 32: Pagkilala kay Nora

    Tahimik lang kami ni Ethan habang binabaybay ang madilim na hallway ng lumang bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya—parang may binubuhat siyang hindi ko pa lubos maintindihan. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya, pero naunahan ako ng kaba. Pagliko namin papunta sa sala, may narinig kaming kaluskos mula sa itaas. "May tao," mahina pero mariin na bulong ni Ethan. May halong takot ang tono niya—hindi ito ang normal na Ethan. Lumabas ang isang babae mula sa itaas. Matangkad, maitim ang buhok, at may matalim na tingin na parang bumabaon sa balat. Hindi namin siya kilala, pero nang tumigil siya sa tapat namin, alam kong hindi siya basta estranghero. "Pakilala ako," malamig niyang bungad. Walang emosyon, pero may lalim ang galit sa tono niya. "Anong pangalan mo?" tanong ni Ethan. Halata sa boses niya ang panginginig. "Nora." Parang na-freeze si Ethan. "Villareal?" tanong niya, halos pabulong. Hindi sumagot si Nora, pero ang titig niya ay sapat na sagot. Tila ba an

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 31: Lihim ng Apelyido

    Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   CHAPTER 30: Pangakong Di Na Muli

    Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status