Share

Chapter Three

Sofia

BAKIT ba siya nadi-distract sa h***d na katawan ni Gab ngayon? Kanina sa mukha nito ngayon naman sa katawan nito?

Gosh, this is so weird!

Hindi niya napansing napailing-iling siya sa tinakbo ng kanyang isip.

"Bakit? Hindi mo nagustuhan ang lasa?"

Gosh! Don't talk to me right now Gab, I'm having weird dilemmas right now--if I'm going to eat this soup o ikaw nalang kaya papakin ko?

"Sofia?"

Napapikit siyang nakagat ang pang-ibabang labi.

"Hey!" Inangat nito ang kanyang mukha.

Kahit ayaw niyang tingnan si Gab ay wala siyang nagawa. "Masarap..."

Pakiramdam niya'y nag back flip ang dila niya at hindi siya makahanap ng tamang sasabihin. Hindi niya alam kung ang soup ang talagang ipinagkahulugan niyang masarap o ang katawan nito. Wala siyang ideya kung paano napapanatili ni Gab na maging maganda ang katawan nito sa kabila ng kabi-kabila nitong trabaho.

He had lean and firm muscles, his stomach washboard and he had arms that could promise a comforting hug forever. At kailan pa siya nagkamalisya sa katawan nito? She'd often times have seen him shirtless and sometimes in boxers too!

Hindi na ito iba sa kanya.

Diyos ko hindi na tama itong iniisip ko!

Hindi niya namalayang medyo nagtagal yata ang mga mata niya sa tiyan nito. Napalunok siya ng makita ang nakakalokong ngiti nito.

"Mukhang katawan ko yata ang gusto mong kainin ah?"

She wrinkled her nose. "Ikaw pa ba ang pagnanasaan ko? FYI, I'm a fashion photographer, I've seen too many to even notice yours! Nagsawa na ako diyan. And I've seen better."

"Defensive are we, Angel? Binibiro lang naman kita."

Biglang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "At kailan kapa natutong magbiro?" sabad niya habang hinipan ang sopas.

Malutong na natawa ito bago naupo sa kaharap niyang silya. "Kumain kana."

"Talagang kakain na ako at kanina pa ako gutom!"

Lalo itong natawa.

"Ano?"suplada niyang singhal.

"Wala, kumain kana."

Pinaikot niya ang mga mata bago sumubo. "Hindi ka ba magsusuot ng damit? Baka ikaw naman ang magkasakit sa tiyan."

"Bakit ba ang sungit mo ngayon? Sanay ka namang naghuhubad ako sa harap mo, ah?" nakakalokong nakangiti parin ito.

"Pinagsawaan ko na kasi 'yan, nauumay na ako. Mas type ko yung abs ni Brandon Aguinaldo."

Kumunot ang noo nito. "Brandon Aguinaldo?"

"Oo yung bagong model ng Levi's Phil. We did his first ever shoot last week with RAW. He has upcoming cover to make, at syempre ako ang magiging photographer. Miliage booked me for that matter already," sabi niyang napangisi.

Ang tinutukoy niya ay ang isa sa mga elite woman's magazine sa Pilipinas. She'd worked with Miliage for the past two years and she'd heard excellent feedback of her work from the mag's team.

Nagsalubong na ngayon ang makapal na kilay nito.

"He was so nice. He even invited me to dine with him on Friday. And oh, pinahawak pa niya sa akin yung abs niya during the shoot."

"You aren't funny anymore, Sofia."

"Sa tingin mo nagbibiro ako?" Lihim siyang natuwa. Syempre, joke lang iyong huli niyang sinabi tungkol sa abs. Alam niya kung gaano ka protective si Gab sa kanya. At ayaw nitong may basta-bastang lalaking aaligid sa kanya lalo na paghindi pa nito kilala. "Ano sa tingin mo? Gusto ko ng makipag date ngayon. I guess it's finally time to do some LOVE life now , Gab."

"If you were to ask me, Sofia. Mas magandang mag focus ka nalang diyan sa career mo. He would only wanna get inside your skirt, Angel."

Ilang pulgada yata ang hinaba ng kilay niya. "At paano mo naman nalamang yun ang habol niya, aber?"

"A good man will tell you his true intentions the first time he invited you to date with him, Sof."

"So ibig sabihin ay wala pala kayong pinagkaiba? Huwag mong sabihin sa akin na sa lahat ng mga babaeng nakakadate mo ay sinasabi mo na agad na gusto mo sila at gusto mo silang maging girlfriend kahit hindi mo pa sila lubusang kilala? At sa lahat ng babaeng nai-kama mo ay sinasabi mo sa una palang na gusto mo na silang ikama? Kaya nga nakikipagdate tayo, diba? Hindi dapat tayo nagpapadalos-dalos. Malay mo, baka madiskubre mo palang hindi mo siya type?" Dumukwang siya sa mesa at nanghahamon itong tinitigan. "Now, you tell me if you were able to tell them your TRUE intentions, hmm?"

Seriously?

Napasandig ito sa upuan at mataman siyang tinitigan. "Pwedeng gawing dahilan ng kung sino mang lalaki ang pakikipagdate para magawa ang gusto nilang gawin Sof, maliban kung sa una palang ay sinabi niyang gusto ka niyang ligawan dahil gusto ka niya at hindi dahil gusto ka niyang ikama."

"Talaga lang ha? Eh bakit sa tingin ko hindi ka yata ganun? Nakailang date ka na ba? At huwag mong sabihing hindi mo rin nai-kama ang mga babaeng iyon?"

"I don't normally date a woman just for the sake of dating. Bago namin gawin ang bagay na iyan ay alam na namin kung ano ang kailangan namin sa isat-isa. And that would also mean that before she'll engage in doing that with me ay alam na niya kung ano lang ang maibibigay ko at ganun din siya sa akin. And I don't see any wrong in bedding a woman lalo na kung hindi naman iyon labag sa kalooban niya."

Medyo hindi derekta at hindi offensive ang pagkakasabi nito pero na gets niya iyon. Biglang umalburoto ang dugo ni Gabriela Silang sa katawang lupa niya. "Don't you think that it's so inappropriate na sabihin mo sa babae na sex lang ang habol mo sa kanya? Napakawalang respeto naman niyon sa babae, Gab."

"Saying your true intentions isn't an act of disrespect at all, Sofia. Mas maganda nang alam mo bilang babae kung ano ang totoong intensiyon naming mga lalaki sa una palang. Kung gusto mo ay pwede kang pumayag at pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo."

"From what you've said it seems like you only date to have sex with women."

Napabuga ito ng hangin sa sinabi niya. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Sofia."

"Ginaya mo pa ang mga babaeng kagaya mo rin na sex lang ang habol!"

Nagmamarakulyo na talaga ang feminista niyang kaluluwa.

He leaned closer on the table. "Hindi ang pakikipagsex ang issue dito Sofia kundi ang pagsasabi ng totoo mong intensiyon sa isang tao bago mo sila yayaing makipag date. And I have no intention of offending your kind. Alam lang ng mga babaeng nakadate ko kung ano ang gusto nila, Sof. I'm not sexist so all is fair with sex."

"Ah ganun? So ibig sabihin ay okay lang na pumayag akong makipagsex kay Brandon kung sabihin man niyang iyon talaga ang intensiyon niya sa akin? At since all is fair with sex naman ay pwedeng kami ring mga babae ang magsabi sa inyo na sex lang rin ang habol namin sa inyo, ganun?" nanghahamon niyang sabad.

"You are being unreasonable here, Sofia. "

"At paano akong naging unreasonable, aber?"

"You don't really mean that."

"Kakasabi mo lang tapos ngayon babawiin mo na?"

"You can only have sex with a man if you've fully understood the consequences of the actions that you are going to engage, Sofia. Alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin dahil matalino ka. And don't you dare ask that man that you would like to bed him. Hindi ka ganyang klase ng babae."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hindi kita maintindihan!"

"Alam ko lang kung anong gusto mo at hindi ang ikama at ang maikama ng lalaking iyon. Hindi ka pa handa sa bagay na yan."

"Aba talaga lang ha? Ikaw nalang kaya maging ako at mukhang alam mo kung anong gusto ko?"

Napailing itong napahawak sa batok. Palibhasa Summa Cum Laude ang kumag kaya ang daming alam. "Kumain kana pagkatapos ay magpahinga."

"Ang labo mo talaga, Gab. Hindi ko maintindihan ang mga pilosopiya mo sa buhay. Okay na sana yung naging eksplinasyon mo, tapos binawi mo pa? Ano 'to laban bawi lang?"

Napabuntong hininga ito at muling nagsalita ngayon sa mas malumanay at makatwirang tono. "Iba ka Sofia. Hindi ikaw ang klase ng babaeng paguukulan ng pansin ang bagay na kagaya ng pakikipagsex pagkatapos ay makakauwi kang hindi maaapektuhan. Sex will not be a one time deal to you, Angel, at ayaw kong pagsisihan mo iyon sa huli. Alam kong gagawin mo lang iyan sa taong karapatdapat na paglaanan ng pagkababae mo."

Wow! As in wow! Pagkababae ko talaga ang term? How noble! Pero hindi naman talaga totoong noble ang nagsasalita. Mukha lang.

"You sound like you can read my mind. Aba'y malay mo bang gusto ko ng makipagsex? At nasa makabagong henerasyon na tayo. Hindi na uso ngayon ang mga virgin girls!"

Narinig niya ang muling mahinang buntong hininga ni Gab. Dumukwang ito para punasan ng mga daliri nito ang gilid ng kanyang bibig. Makalat kasi talaga siya kung kumain.

"I know you won't let this pass, Sofia." Inabot nito ang baso ng tubig sa kanya. "Ubusin mo na 'yan at magpahinga kana."

"Gusto ko pang makipagdebate sayo, Gab."

"What is there to discuss, Sof? Enough of that sex thing. Ipakilala mo muna sa akin iyang Brandon na iyan bago ka makipag-date."

"As if naman kikilalanin mo? At tsaka what's wrong with discussing sex? Parati namang nagtre-trending ang topic na yan sa mga social media at kung saan-saan pa."

Tsaka lagi mo naman yang ginagawa! Magaling ka lang maglihim pero huli parin kita!

Napailing-iling itong napangiti.

Why does he look so hot when he's grinning like that?

"Ubusin mo muna iyang kinakain mo. Saka na tayo mag-usap."

"Ang daya mo talaga!" nakaismid niyang sabi bago nilantakan ang napakasarap na sopas nito.

"You still are the brattiest of the brats," sabi nito at sinuot na muli ang hinubad na t-shirt.

"And you are a chuivanist of the first order!" sagot niya sabay ismid.

She heard him chuckle.

Maslalo tuloy siyang nainis.

Hindi daw siya sexist pero halata namang nangunguna sa lahat ng chuivanist ang kumag!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status