Share

Chapter Five

Gab

"NOW tell me? Paano mong nakilala si Brandon? Bakit nung napagusapan natin siya ay hindi mo naman siya kilala?" Sunod sunod na tanong ni Sofia.

They were squatting on the floor face to face. Ang nakapagitan lang sa kanila ay ang maliit na mesa. Dinala niya si Sofia sa isang Japanese restuarant sa mismong hotel na pinagdausan rin nito ng photoshoot dahil alam niyang paborito nito ang naturang pagkain at lagi ay agad na nawawala ang tampo nito pagnakakatikim ng tempura. Pero mukhang wala itong planong palipasin ang nangyari kanina.

"Sofia, maano lang ba't kumain ka muna?"

Naningkit ang bilugang mga mata nito. "Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi!"

Nilagyan niya ng tempura at sushi ang maliit nitong rice bowl. "Kumain ka muna, saka ko na sasabihin." Masyado na itong nagiging spoiled sa kanya, mabuti ring paminsan-minsan ay turuan niya ito ng leksiyon.

"Hindi mo sasabihin hangga't hindi ako kumakain?" nanunuyang saad nito "Bahala kana nga!" singhal nito at padabog na tumayo.

Christ this woman is really difficult.

Bago pa ito tuluyang makaalis ay maagap na nahawakan niya ang kamay nito. "We came from the same school noong nasa Amerika ako. Now sit down and eat, Sofia." May kalakip nang awtoridad ang tono ng boses niya.

Nakasimangot parin ito ng kanyang tingnan at mukhang wala talagang planong kumain.

Napabuntong hininga siya at nagsalita sa malambing nang tono. "Please, Angel, I don't want to argue with you over our lunch." Pinisil niya ang hawak-hawak paring kamay nito. "I'm sorry okay?"

Hindi parin ito umimik pero bahagya nang lumambot ang mukha nito.

"Sorry na."

"Hmmp! Galit parin ako sa ginawa mo."

Napangiti siya. Sofia was both fire and ice. Kahit na matampuhin ito ay madali lang naman itong lambingin.

"Huwag kanang magalit." Dinala niya ang kamay nito sa kanyang bibig at hinalik-halikan. "Kiss ko nalang ang Angel ko para mawala na ang tampo."

"Tumigil ka nga! Hindi bagay sayo!" sikmat nito bago hinila ang kamay nito mula sa kanya.

Kahit na medyo mabigat ang pagtatalo nila kanina ay nakuha narin niyang matawa. "Kain kana, Angel ko. Alam kong kanina ka pa gutom."

"Heh! You owe me an explanation about Brandon baka sakaling patawarin kita," sabi nito at nagsimula nang nilantakan ang sushi.

Siya man ay nagsimula naring sumubo. Ang totoo ay naging malapit na magkaibigan sila ni Brandon simula noong nasa prep school pa sila sa LA. Hindi niya inaasahang magkakasalubong muli ang landas nila kanina. Hindi naman kasi siya nanonood ng TV at sobrang abala siya sa kanyang negosyo.

Nagsimula ang lamat ng pagkakaibigan nila nang makabalik na siyang LA nung mga highschool na sila, dahil sa babae.

Natatandaan niyang si Brandon ang naging dahilan ng hiwalayan nila noon ng girlfriend niyang si Zoe. Mga bata pa sila nun at highschool pa. He was a man, and Brandon was no better than him. Hindi niya ito gusto para kay Sofia.

Nang mga panahong iyon ay kasalukuyang tumira siya ng Amerika para mag-aral pero ng magtapos siya ng highschool ay muli siyang bumalik ng Pilipinas. And from that moment on he promised to stay by Sofia's side and never leave.

Never.

Kahit ang araw-araw na makasama ito ay parehong masaya at masakit sa kanya ay nangako siyang hinding-hindi na mawawala sa tabi nito.

"Kain ka muna."

Lumabi ito bago muling sumubo. "Suplado mo kanina!"

Napangiti lang siya at pinagpatuloy narin ang pagkain. If Sofia only knew what he truly felt by that moment.

If she only knew.

Naninikip ang d****b niya habang matamang tinititigan ang pagbuka at pagsara ng bibig nito. Gusto niyang sulitan ang araw ngayon para makasama si Sofia dahil mawawala siya nang isang linggo. Kailangan niyang tutukan ang pinapagawa niyang hotel sa Davao. That would also mean that he would have to bare the next seven days of his life without seeing her. And that would also mean that he wouldn't be able to celebrate his birthday with her.

"What?" tumaas ang isang kilay nito. "Bakit ka natahimik?"

He fought the urged to touch her cheeks by that instant. Sinikap niyang itago ang pagbigat ng kanyang paghinga. "Nothing, Angel ko. Kumain ka pa."

__

Sofia

"NAGING magkaklase kami ni Brandon noon Sof, but he wasn't using the same last name. Maxwell ang ginagamit niya noon, hindi ko alam na siya pala ang Brandon Aguinaldo na tinutukoy mo."

Hindi parin tuluyang humupa ang galit niya kay Gab, buti nalang at pinagbigyan nito ang request niyang bilhan siya ng durian ice cream na two gallons lang naman, vanilla ice cream na two gallons din, blue berry cheescake at syempre isang katerba ng paborito niyang tobleron na tsokolate. Swerte na siyang hindi magkaroon ng tonsillitis sa sangkaterbang sweets na pinabili niya.

Dalas-dalasan ko nga tung pag-gagalit-galitan ko.

Kung minsan ay may maganda ring naidudulot ang galit o tampo niya kay Gab dahil agad-agad niyang nakukuha ang kung anumang gusto niya. Inaamin niyang spoiled talaga siya dito pero kung minsan ay naglalambing lang naman siya

Nasa condo niya sila ngayon. Nakaupo si Gab sa dulo ng kanyang sofa habang siya naman ay tila reyna na nakahiga sa kabilang dulo, nakasablay pa ang mga paa niya malapit sa hita ni Gab habang nilalantakan ang isang malaking bar ng chocolate.

Hindi niya alam kung ba't hindi pa ito umaalis. Alam niyang sobrang busy nito ngayon dahil kaliwa't kanan ang pinapatayong hotel nito.

Kumagat muna siya ng tsokolate bago muling nagsalita. "Bakit parang bitter ka kung makitungo kay Brandon kanina? Diba dapat ay binati mo rin siya?"

"Hindi ko kaibigan si Brandon."

"Ah, kung hindi pala kaibigan ay hindi mo babatiin? Anong klaseng pilosopiya na naman 'yan?"

Gumalaw ang adams apple ni Gab at napatingin ito sa kanya. "Hindi ko gusto ang ginawa niyang paglapit sayo. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan mong hawakan ka ng lalaking iyon."

Simpleng hawak sa mukha lang iyon! Ang OA ng isang 'to!

"Iniiba mo naman ang topic eh!"

"Kaya nga, Sofia. He used to date women only to dump them until he had his fill with them. Gusto ko lang malaman mo na hindi katiwa-tiwala ang taong iyon."

Tumaas ang kilay niya at bahagyang napabangon. "Dahil ganun karin, ano? Pareho lang kayo? At tsaka, malay mo nagbago na siya, hindi na siya kagaya mo. You know, people change."

"Lalaki ako, Sofia, kaya alam ko't nakikita ko kung ano lang ang gusto ng lalaking iyon."

Pinaikot niya ang mga mata at muling nahiga, dumausdos siya at pinatong ang dalawang paa sa hita nito. "Lahat naman ng mga lalaking pumuporma sakin ay hindi katiwa-tiwala sayo."

Natigilan si Gab at muling ibinalik ang mga mata sa harap at napatitig sa binuksan niyang TV. "Ayoko lang na masaktan ka Sofia."

Pinagpag niya ang dalawang paa sa mga hita nito, senyales na gusto niyang masahiin nito ang mga iyon. Nakuha naman nito ang gusto niyang mangyari. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit na palad ni Gab sa kanyang talampakan. Isinantabi muna niya ang tampo niya dito.

"Sof?"

"Uhm?"

"I'll be leaving for Davao."

Naramdaman niyang dahan-dahang gumapang ang haplos nito pataas sa kanyang binti.

"May meeting kana naman ba with Lexi?" she asked, nanatili paring nakapikit. Bakit may kung anong kiliti siyang nararamdaman sa simpleng haplos at pisil nito. Pinigilan niyang mapaungol at makagat ang pang-ibabang labi. Alam niyang masarap ang haplos ni Gab, pero bakit may kung anong kontrabidang parte ng konsensiya niyang nagdidikta na hindi lang sa simpleng pagmasahe nito siya nag-e-enjoy kundi sa hatid na init ng mga haplos at pisil nito.

Langhiya! Bwisit kasing Glenn iyon kung anu-anong sinusulsol sa utak ko. Pero bakit ang sarap?"

"Sof?"

"Huh?" Bigla siyang napamulat, pero gusto niyang pagsisihang ginawa niya iyon dahil direktang nagtama ang kanilang mga mata at kasunod niyon ay ang walang sabing pagkabog ng kanyang d****b.

"Sof, nakikinig kaba?"

Diyos ko hindi pwede 'to!

Awtomatiko nahila niya ang mga paa mula sa mga kamay ni Gab at napabangon. "Ano bang sinabi mo? Medyo naidlip yata ako." She lied.

Bakit nagririgudon na ngayon ang d****b niya?

Shit hindi na normal 'to!

"Ang sabi ko, I'll be with my architects for a week."

"For a week? Bakit?" sinikap niyang maging kalmante kahit pakiramdam niyang may naghahabulan nang kung ano sa d****b niya.

"Kailangan kong matutukan ang construction ngayon. May kailangan rin kaming pag-usapan ng mga contractors."

Natigilan siya. Ibig sabihin makakasama rin ni Gab ang Lexi the Bitchy na iyon? Sinikap niyang huminga ng malalim at iniwas ang mga mata dito, kunyaring pinisil pisil niya ang kaninang minamasahe nitong parte ng mga paa niya. Kahit ngayon ay nararamdaman parin niya ang init ng haplos ni Gab sa paa niya.

"Ibig sabihin wala ka dito sa birthday mo?" Pakiramdam niya ay may kung anong asidong bumara sa kanyang lalamunan ng sabihin iyon. Lagi tuwing birthday nito ay nagkakaraoon talaga sila ng oras para makapagcelebrate na dalawa. Madalas pa nga eh may kung anu-ano siyang pakulong ginagawa tuwing birthday nito.

"Magcelebrate nalang tayo pagbalik ko, Sof.

Napalunok siya. Bakit biglang bumigat ang paghinga niya.

Shit talaga!

"Kailan alis mo?"

"Bukas ng umaga."

Hindi parin siya nag-angat ng mukha at pinagdiskitahang pagpipisilin ang paa niya.

Shit bakit ang tagal niyang mawawala? Hindi ba siya pwedeng umuwi- uwi nalang?

"Masakit pa ba? Akin na." Nagulantang siya ng muling dumapo ang mainit na palad ni Gab sa kanyang paa. Bigla muling dumaloy ang ilang boltahe ng kuryente mula doon at kumalat sa lahat ng parte ng katawan niya.

Tila napasong hinila muli niya ang mga paa. "Huwag na okay na ako, hindi na masarap masahe mo." Nag-angat na siya ng mukha sa pagkakataong iyon at sinikap salubungin ang mga mata nito pero kagaya parin kanina ang epekto. Muli, ay umiwas na naman siya tingin. "Siya nga pala may dinner date kami ni Brandon bukas."

"Bakit ka pumayag?"

"Pagtatalunan na naman ba natin 'to Gab? Natural, gusto kong makipagdate sa tao at gusto ko siyang makilala." Napatayo siya para kumuha ng juice sa fridge.

God, bakit ako nagkakaganito?

"Si Lito na'ng maghahatid sundo sayo."

Napahigpit ang hawak niya sa handle ng ref. Umaandar na naman ang pagiging pakialamero nito. Humugot muna siya ng sankaterbang hangin bago ito hinarap.

"Anong klaseng date iyon kung iba susundo at maghahatid sa akin, Montero? Isipin mo nga?! Ayan kananaman eh, pakialam ka nang pakialam sa buhay ko. Ano? Wala naba akong karapatang magkalove life?" Pinigilan niyang pumiyok ang boses saka nagpatuloy. "Gusto ko si Brandon at gusto ko siyang bigyan ng chance kaya pwede ba, pabayaan mo na ako? Bigyan mo naman ako ng chance na magkalovelife dahil ang tagal-tagal ko ng hindi nagkaroon!"

Simula ng mawala si Ethan. Gusto sana niyang idagdag pero hindi na nakuhang bumuka ng bibig niya. Hindi niya alam kung bakit sa lahat ay iyon pa ang naisipan niyang sabihin. Siguro ay dala ng inis niya kay Gab at siguro dahil narin dala ng walang permisong pagkalabog ng kanyang d****b.

She took a deep breath. Pakiramdam niya ay muling bumalik ang sakit. Napaharap muli siya sa ref at nanginginig ang mga kamay na inabot ang pitcher ng juice. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya.

"Sofia..."

"Huwag kanang magsalita kung puro kontra na naman lalabas diyan sa bibig mo!"

Gusto niyang umalis na ito. Bakit sobra siyang naapektuhan kay Gab ngayon? O noon pa talaga siya naapektuhan kay Gab at tama ang sinabi ni Glenn na in-denial lang siya?

Shit! Hindi talaga pwede to! Shit! Gusto niyang magmura sa harap nito.

"Sof..." napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang batok, kasunod niyon ay ang walang sabing pagpulupot ng mga kamay nito sa kanyang bewang. "I'm sorry."

Lalo siyang nahihirapang huminga.

She couldn't deny the fact-that no matter how exasperating and sometimes frustrating Gab was, still, nakukuha parin nitong palambutin ang puso niya...

Just like now.

"I'm sorry kung masyado na akong nagiging pakialamero. Concern lang ako sayo, Sof. Ayaw ko lang na masaktan ka ng lalaking iyon. Pero kung iyan ang ikakasaya mo ay wala na akong magagawa." Bakit sa pandinig niya'y gumaralgal ang boses nito o guni-guni lang niya iyon?

Kumurap-kurap siya, pilit ikinubli ang mga luha. "Okay na, bitawan mo na ako at hindi na ako makahinga." Pero ang totoo'y sobrang nadi-distract siya sa init na nagmumula sa katawan nito.

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang ulo. "Harapin mo muna ako, tingnan ko lang kung okay kana."

"Suntok o batok, Montero, mamili ka?" Naantala pa tuloy ang pag-inom niya ng juice.

"Galit ka pa, eh. Hindi mo ako matingnan."

Hindi niya gustong humarap dito at baka mabasa nito ang nilalaman ng mga mata niya.

"'Pag hindi ka humarap e-ki-kiss kita."

Anak ng tupang itim! Anong pinagsasabi ng hudas na 'to?

Napilitan tuloy siyang mapaharap dito pero nagulat siya ng makitang seryoso ang mukha ni Gab pero hindi niya mabasa ang mga mata nito. "Ayoko lang na magtampo ka bago ako umalis," sabi nito at basta nalang siyang kinabig at niyakap ng mahigpit. "Mami-miss kita, Sof. Mag-iingat ka dito at tawagan mo agad ako kung may ginawa ang lalaking iyon sa iyo."

Bakit gusto nalang niyang makulong sa mga bisig ni Gab ngayon? At bakit gusto niyang hilinging sana hindi nalang ito umalis?

Shit talaga! Shit!

At iyon na nga-tuluyan na siyang nalusaw. "Mami-miss din kita."

__

"THANK you, Brandon. I enjoyed the dinner," she gave Brandon a sweet smile. Taliwas sa mga sinabi ni Gab ay mukhang matino naman si Brandon at napaka-gentleman pa.

Dinala siya nito sa isang open-air-slash yacht-by the-bay dinner with matching cruise pa! She even witnessed how the sky was able to change its color from dusk to dark.

The view was just so romantic! At napaka-sarap pa ng steak na kinain nila. Mabuti nalang at mahilig siya sa pagkain kaya naka score ito sa kanya, may matching flowers pa!

He grinned showing his pearly white teeth. He looked so dashing wearing his semi formal clothes. Nakasuot ito ng isang blue polo shirt na tinirnuhan lang nito ng demin pants pero agaw pansin na ang dating nito. Ilang mga mata rin ang napalingon sa kanila kanina. Syempre, sikat na ito dahil maliban sa Levi's commercial nito ay may iba pa itong mga endorsement.

"You're Welcome, Sof. I enjoyed our dinner too, lahat iyon ay dahil sayo. Maganda kana pero lalo kang gumanda ngayong gabi."

She laughed and rolled her eyeballs. "Bolero mo."

"Hindi ako marunong mambola, Sofie."

Tapos na silang kumain at kasalukuyan nalang nagkwekwentuhan. Nakagarahe narin ang yateng kinalululanan nila sa dock site ng Manila bay.

Naitanong na niya ang tungkol dito at kay Gab at nagulat siya ng malamang dati umanong magkaibigan ang dalawa. Hindi naidetalye ni Brandon sa kanya at ayaw rin niyang e-detalye pa nito na ang pinag-ugatan umano ng alitan nito at ni Gab ay dahil sa babaeng nagngangalang Zoe.

Natawa siyang muli. Kanina ay naihingi na niya ng dispensa ang pambabastos na ginawa ni Gab dito. "Hindi ko talaga inakalang magkakilala kayo ni Gab."

Napasandig ito sa upuan. " Hindi ko rin inakalang kilala mo si Gab. Matagal na akong walang balita sa kanya." Napailing ito. "He was acting like a jealous boyfriend yesterday, wala parin siyang pinagbago."

"Ganun lang talaga iyon, protective lang iyon. Para ko lang siyang nakakatandang kapatid," depensa niya. Pero bakit parang hindi matanggap ng konsensiya niya ang huli niyang sinabi?

Kaya ka nga nakipag-date kay Brandon dahil baka siya na ang sagot sa ilang taong namahinga mong love life! Hindi iyong sumisingit-singit sa iba iyang utak mo!

"Mukhang galit parin sa akin ang kaibigan mo."

"Akala ko ba sanay kana dun? Alam mo na sigurong may pagka-suplado ang isang iyon?"

Napangiti ito. "Sa bagay, suplado na siya noon paman." Bigla itong sumeryoso at mataman siyang pinakatitigan.

"Bakit?"

Lumipat ang mga tingin ni Brandon sa kanyang labi. Bakit bigla siyang kinilabutan? "May dumi ba sa mukha ko?" agap niya para mapalitan ang awkwardness na nararamdaman.

"Wala Sofie, ang ganda mo lang kasi ang sarap mo lang tingnan."

Juice mio marimar talaga! Pinilit niyang magpakawala ng tawa. "Alam mo ikaw, ilang babae na ang na uto mo niyan, ha?"

"Wala, dahil ikaw palang sinabihan ko niyan." Seryoso ito at mukhang hindi nagbibiro. Medyo may twang pa ang pagtatagalog nito kaya medyo nakakaturn-on. Pero bakit ganun? Diba dapat ma-flattered siya? Bakit hindi kumakalabog ang puso niyang kagaya kay...

Shitness! Not again!

"Sof, I'd still want to go out with you."

Napalunok siya.

"And I hate to spoil this night but I just want to be clear with my intentions..."

Juice ko, ito na ba iyong sinasabi ni Gabriel Montero? Mukhang makakascore ang isang 'to ngayon kung sasabihin niyang... "Truth is, I'm dating you because I want to court you." Or worse " I'm dating you because I want to have sex with you, Sofie."

"I like you, Sofie, at gusto kitang ligawan."

Medyo nabigla siya pero sandali lang iyon. Kumurap siya ng isang beses at napainom ng tubig.

Ang bilis naman ng isang 'to.

Pero ibig sabihin ay na-fall ang isang 'to sa mga lalaking may true intentions. Ibig sabihin ay hindi lang sex ang habol nito. Ibig sabihin ay maniniwala siya dito dahil iyon ang sinabi ng IQ ni Gabriel Montero? At ibig sabihin ay mapagbibigyan niya ito.

"Ang bilis mo naman," pilit siyang ngumiti.

"Bakit ko pa patatagalin? Gusto kita at gusto kong masilayan ang mukha mo at ang ngiti mo araw-araw. Mabuti ng alam mong malinis ang intensiyon ko sayo."

"Alam mo ang galing mong magtagalog."

Shit di ako makabanat! Ang galing magpa-awkward moment ng isang 'to!

"Sa Amerika ako halos nanirahan but I was raised to speak tagalog."

"Ang galing naman ng mommy mo." Pag-assume niya na ang ina nito ang Filipino.

Napangiti ito. "Yeah she is, one of these days ipapakilala kita sa kanya."

Muntikan na siyang masaid sa kakainom lang na tubig. Aba! Wala pangang ligawang nangyayari, meet the mother na?

"Ikaw naman--"

"Brandon!"

Anak ng tipaklong!

Natigilan siya at napalingon sa nagmamay-ari ng matinis na boses. "Brandon! Oh my... look at you! Hindi ko alam na nandito ka pala sa Pinas?" sabi ng babaeng akala mong naghost ng awards night dahil sa itsura ng gown nito.

Hindi ba uso ang tela sa babaeng 'to?

Hanep sa uka ang harapan ng gown nito at napakalaki naman ng slit sa magkabilang legs. Isang pulgadang hiwa nalang yata at kita na ang panloob nito kung meron man. Biglang tinubuan ng kung anong inis ang katawang lupa niya. And what pissed her off even more was that the bitch didn't bother to give her a second look.

Aba't kung makaeksena akala mo walang date yung kausap ko?

Napatikhim si Brandon. "I came here two months ago, Zo," mapagpaumanhing napatingin si Brandon sa kanya. "By the way Zoe, this is Sofia."

Saka lang siya tiningnan ng bruha.

"Oh...I'm sorry...May kasama ka pala..." kunyaring natutop ng kamay nito ang sariling bibig. Tumaas baba ang tingin nito sa kanya at huling-huli niya ang pag-ismid nito.

Hanep din kung umarte itong babaeng 'to. Sobra ko bang liit na hindi niya makita? Kung hilahin ko kaya iyang kulay mais mong buhok?Lakas makapang-inis ng bruhang 'to. At teka anong Zo? Zoe? Don't tell me...

"Nice to meet you, Sofia," kunyaring nginitian siya nito at nagulat nalang siya ng bigla itong dumukwang at b****o-beso. "Seriously? You're not his type."

Nagpanting ang tenga niya sa pasimpleng binulong nito. Awtomatiko pumulupot ang mga braso niya sa likod nito. Impaktang 'to. "Nice to meet you too, Zoe,"sabi niya at bahagyang nilakasan para marinig ni Brandon. Saka niya ito ginantihan ng bulong. "Seriously? Allow me to comment, ha? Hindi ko kasi alam na porn star pala type niya. How cheap!" Binuntutan pa niya iyon ng mahinhing tawa habang tina-tap-tap ang likod nito.

Agad lumayo ang bruha sa kanya at sinamaan siya ng tingin saka nito binalingan si Brandon. "Can I join you?" pa sweet na sabi nito.

Anong sabi?

Napa-ubo si Brandon. "Uhmm..."

"Oh sure Zoe, walang problema. Siguro inindian ka ng date mo, 'no? Sayang naman ng get up mo, ganda pa naman ng gown mo." Siya na ang sumagot para kay Brandon. "You may take a seat, Zoe." She motioned for the vacant seat beside her.

Napamaang ito. Mukhang nainsulto sa sinabi niya. Matutuwa na sana siya pero nang makaupo ay bumanat din ang bruha. "Oh actually, I'm with my friends over there." Kumaway ito sa isang mesa na medyo malayo-layo sa kanila. Nakita niya ang ilang mga babae at lalaki doon na kumaway din dito. Mukhang tulad din nito ang mga kasamang babae--nagtitipid sa tela.

"Nakita ko lang kasi si Brandon so I happened to pass by for a little chitchat sana. May date ba kayo? It looks to me that you're having a meeting kasi. You as..." The bitch tilted her face side ways at tinitigan siya na para bang kinikilatis. "Brandon's employee or shall I say PA?"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Ako mukhang PA? Impaktitang 'to! Sobrang nakakarami na 'to ah! Nanggigigil na nakuyom niya ang mga kamay sa ilalim ng mesa.

"Zoe, Sofia is my date tonight." Umeksena nang sumabat sa wakas si Brandon.

"Oh I'm sorry Don, hindi ko talaga sinasadyang mapagkamalan siyang PA mo."

Isang ulit nalang at ingungudngod ko na mukha nito sa inidoro!

"Look, Zo, you might as well go back-- "

Bago pa matapos si Brandon ay tumawa na ang babae. "Hindi mo lang ba ako kukumustahin, Don? For old times sake? I'm sure you missed me." Confident nitong sabi na iniliyad pa ang mga d****b.

Ta'inis na nitong gagang to at nakipaglandian pa sa harap ko!

Parang bigla siyang sinikmura at biglang sumakit ang ulo niya. Hindi niya gustong maging bastos pero inunahan siya ng bruha.

"I wasn't informed na uso pala ang date crashing sayo? No one to scratch your itch tonight, Zoe? Siguro naman kahit sinong lalaking lalapitan mo ngayon ay papatulan ka." She lased her eyes on her cleavage saka siya napatingin kay Brandon na ngayon ay mukhang nasaid rin sa sagutan nila ng malanding babae. "Brandon, I guess it's already late, at medyo nilalamig narin kasi ako. Pwede mo na ba akong ihatid?" sinadya niyang palambingin ang boses. She needed to regain her wits before the bitch could take over again. Baka hindi siya makapagtimpi at masabunutan niya ito ng wala sa oras.

Agad na siyang tumayo without giving the bitch a second glance. And before she could marched off ay naramdaman niyang naroon na si Brandon sa tabi niya. Ipinatong nito ang dalang jacket sa balikat niya. "I'm sorry , Sof. Let's go." Bulong nito.

"No worries. Thanks anyway."

"Bitch..." Hindi iyon nakaligtas sa kanyang tenga.

Wala sana siyang planong lingunin ang bruha pero hindi niya kinaya. She matter-of-factly looked at Zoe with a hint of victory. "Nice meeting you, Zoe...and oh by the way, allow me to comment again..." Pinasadahan niya ang damit nito. "Nice dress, I could recommend you to grace the cover of ROD next month. I'm sure you'll be interested. Walang duda, mukhang trip na trip mo namang ivalandra iyang katawan mo," she mocked at her. ROD was the tantamount of playboy mag in the country.

Inabot niya muna ang peonies na bigay ni Brandon bago siya nagmartsa paalis sa table nila. Narinig pa niyang may kung anong sinabi si Brandon sa bruha pero naglakad na siya deretso sa wood bridge na nagkokonekta sa docksite.

Hindi siya bitch at nagiging bitch lang naman siya kung kinakailangan. Sinagad lang ng babaeng iyon ang pasensiya niya. At huwag lang niyang malaman-laman na iyon ang Zoe na minsan ng naging girlfriend ni Gab kundi ay baka hindi na siya makapagtimpi sa susunod at magilitan niya na ito ng leeg. Lakas makapang-insulto ng bruha!

Kahit saan talaga may mga asungot at inggitera!

"Sorry about that, Sof." Hindi paman siya nakakahakbang sa wood plank ay naroon na si Brandon para alalayan siya.

She gave him her sweetest smile kahit gusto muli niyang magmura. "Siya ba iyong Zoe na naging ex mo at ni Gab dati?"

Lord sana naman hindi!

Napalunok muna ito bago tumango. "Yeah, she is.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status