Share

Chapter 6

Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang.

Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya.

Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay.

Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig sa blueberry cheesecake. Bumili na din ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko.

Sa labas pa lamang ng aming bahay ay naririnig ko na ang boses ng aking anak. Malakas na iyak. Napatakbo agad ako sa kaba. Pagbukas ng pinto ay tumambad agad sa aking paningin ang aking anak na nakikipag agawan ng cellphone kay Lucas. Oh, here we go again. Lucas is our close neighborhood. He's 13 years old. Madalas siyang tumambay dito sa aming bahay kapag wala ang kanyang mga magulang.

Lumapit agad ako sa kanila.

"Anak, ibigay mo na kay kuya Lucas ang cellphone. Look oh! I have your favorite blueberry cheesecake." Masigla kong sabi sa kanya sabay pakita ng dala dala kong supot.

Agad namang tumigil sa pag iyak si Kenken kung kaya't kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para kunin sa kamay niya ang cellphone. Pagkabigay ko kay Lucas ay humingi na din ako ng pasensya.

"Sorry tita, pinahiram ko naman siya kanina eh. Pero kung ano ano na pinag pipindot kaya kinuha ko na. Baka may mabura na mga pictures eh." Nakayuko niyang sabi. Well, Lucas is sweet and a good boy. Kapag busy ang aking ina ay siya ang naglilibang sa aking anak.

"Shhh! Alam ko 'yun Lucas. No need to be sorry." Nakangiti kong tugon. "Oh halika may merienda akong dala."

Dalawang taon pa lamang ang aking anak ngunit gusto niya na mag cellphone. Hindi ito ang unang beses na nag agawan sila ng cellphone. Pinapahiram naman ni Lucas si Kenken. Pero kapag kung ano-ano na ang pinag pipindot ni Kenken sa cellphone ni Lucas ay binabawi niya na ito. At kapag ayaw ni Kenken ay nauuwi sila sa agawan.

Sa kabilang banda ay hindi ko rin masisisi ang aking anak. Pansin ko ang kanyang pagiging advance kumpara sa ibang mga bata. Dapat ngayon nga ay laruan pinapabili niya sakin. Pero ang hinihingi niya na ay cellphone. Sino namang 'di magugulat. Parang sa isang iglap ay mabubutas ang aking bulsa.

Sumapit ang gabi at inaayos ko na ang aming kama. Magkatabi kami Kenken sa iisang kama. Kasya naman kami. Dalawa lamang ang kwarto dito sa bahay. Yung isa, para sa aking mga magulang.

"Anak!" Tawag ko kay Kenken.

Dali dali naman itong lumapit bitbit ang kanyang pamalit na damit at toothbrush. Ang pinili niyang damit pantulog ay isang pares ng sando at pajama na kulay blue. Favorite color talaga ng aking anak ang blue. Maging sa ibang gamit ay gusto niya color blue.

Nang matapos mag ayos ay bumalik na kami sa kama. Pansin kong kakaiba ang kanyang pagiging tahimik. Tila rin may gusto siyang sabihin sa'kin pero mas pinipili niyang itikom ang bibig.

"Ma.."

"Yes, baby ko? May masakit ba sayo?" Lambing kong tanong sabay kandong sa kanya at hinalikan ang noo. Umiling naman siya agad.

"Mama, may papa ko?" Hindi ko gaanong naintindihan ang kanyang sinabi sapagkat sobrang liit ng boses niya at mahina pa.

"Ano yun, anak?"

"Papa… bakit wala akong papa?" Nagulat ako sa kanyang tanong.

Nagpatuloy siyang muli. "Kita ko mga kalaro ko kanina sa plaza. May kasama silang papa. Ma, asan ang papa ko? Bakit wala siya dito sa ating bahay?"

Puno ng kalungkutan ang kanyang boses. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. This is the first time he asks about his father. And for God's sake! He's only two! Paanong nagkamalay siya agad tungkol diyan?

Hindi ko inaasahan na mag tatanong siya kaagad tungkol sa kanyang ama. I'm not ready for this! And he's not also ready to hear about the truth. Masyado pang maaga. Anong sasabihin ko? Na hinding hindi na mangyayari yun kasi may iba na siyang pamilya? For sure, may anak na din yun. The last time that I've seen him, he's with his fiancee. And three years had passed! Paniguradong kasal na sila.

"Anak, I think this is not the right time for this. Let's not talk about that 'kay?"

"Pero gusto ko rin ng papa. Lahat ng kalaro ko ay may papa." Nakita ko ang pagtulo ng luha ka kanyang mga mata.

I'm sorry, baby. That night was a mistake. But you are not a mistake. You are my world. I'm sorry that you can't have your papa. But I promised that I will love you always. I will love you as a mother and your father. I will fill you with love, care and support.

Pagdating ng panahon ay maiintindihan mo rin. Sa ngayon, mas mabuti pang wala ka munang alam. I don't want to break your heart.

Kinaumagahan ay late akong nagising. Kumuha na lamang ako ng sandwich sapagkat hindi na ako makapag almusal sa pagmamadali. Ayokong ma-late sa aking trabaho. Lalo pa na traffic ngayon dahil may parada na ganap sa sentro.

So loob ng jeep ay kinain ko ang aking dala dalang sandwich. At sa kamalasan nga, ay na traffic talaga kami dahil sa parada. Anak ng tokwa naman oh! Malapit ng mag 7 am. Kagat kagat ko na ang aking dila sa kaba.

Haba naman ng parade! Umabot ng 20 minutes bago makausad ang jeep na sinasakyan ko.

Pagbaba ko ng jeep ay tinakbo ko na ang building. Actually, sa likod dapat ang daan namin pero dahil sa nagmamadali ako ay sa usual na daanan ako dumaan. Matatagalan pa kasi ako kapag sa likod pa ako dadaan.

Nadaanan ko ang mga empleyado sa desktop na gulat na gulat sa akin sapagkat ang tungo ko ay sa elevator imbis na sa hagdan. Isang liko na lang ay mararating ko na ang elevator. Ngunit pagkaliko ko ay saktong bumagsak ang aking pwet sa sahig. Ang sakit!

Kasabay ng pagbagsak ko ang sigaw ng iilan. Napatingala ako at doon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatulala sa sahig. Sinundan ko ang kanyang tingin. Isang laptop ang nakabuka. Sa katabi ng lalaki ay dalawang babae na nakatakip ang bibig sa bibig. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Sila marahil ang sumigaw.

Wait! Bumalik ang tingin ko sa lalaki, sa laptop na nasa sahig, at sa dalawang babae. Agad akong napatayo ng sumagi sa isip ko kung ano ang nangyari. Pagkaliko ko pala ay nakabangga ko ang lalaking nasa harapan ko at mukhang naghulog ang laptop.

Agad ako humingi ng tawad. "Sorry po!" Pinulot ko din ang laptop at inabot sa kanya. Pag angat ko ng tingin ay galit na mga mukha ang nabungaran ko.

"Anong magagawa ng sorry mo? Alam mo ba kung kanino yan!?" Pasigaw na sabi ng babae.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw naman ng isa pang babae.

"This is owned by Mr. D! Look what have you done!" Nanghihinang bumagsak ang kamay ko sa may bandang puson. Hawak hawak ko pa rin ang laptop na iaabot sana sa lalaki.

Ba't ang malas malas ko naman? Late na nga ako tapos may ganitong insidente pa akong madadaanan!

Pabalang na kinuha ng isang babae ang laptop sa aking kamay at sinabing "Di ka kasi nag iingat eh! Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo." Nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Mamaya na natin yan intindihin, unahin na muna natin ang iniuutos sa atin ni Mr. D. Mauubos lang oras natin kung papatulan pa natin siya." Nagsimula na silang lagpasan ako ngunit narinig ko pa ang kanilang pag uusap.

"Sa tingin mo 'di naman siguro ito nasira, ano?" " Ewan ko, check natin pagdating sa sasakyan."

Hiyang hiya ako. Hanggang sa makarating sa 2nd floor ay 'di pa rin ako maka move on sa nangyari. Paano nga kung nasira iyon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status