Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin.
Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga."Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon.Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba.Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos.Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan ang blouse pero tinuck-in ko pa rin para mas malinis tingnan. Sa pang-paa naman ay gumamit lamang ako ng puting sneaker shoes na bumagay sa aking damit.Nang hindi makuntento sa ayos ko ay kumuha ako ng pang tali ng buhok at ginawang high ponytail ang buhok ko.Marahan akong umikot habang nakatingin sa salamin. Okay, ayos na to!Mula sa repleksyon ng salamin ay kita ko kung paano tumitig sa akin si Kenken. At habang tumatagal ay mas lalong lumilitaw ang pagkakahawig nila ni Mr. D."Hindi ako sigurado, anak. Daanan na lang natin siya mamaya paglabas," nakangiti kong sagot sa kanya.Maya maya pa'y lumabas na din kami ng kwarto at sakto namang papalabas na din si Mama sa kanyang kwarto. Palagi talagang maaga gumigising si Mama para mag asikaso sa amin. Si Papa naman ay alas sais nagigising, marahil ay dahil sa laging pagod ang kanyang katawan sa pamamasada.Nagpaalam lamang kami kay Mama atsaka tuluyang lumabas ng bahay.Humaplos agad sa aking balat ang lamig ng simoy ng hangin. Napakasarap! Paboritong paborito ko ang ganitong eksena sa aking buhay. Napaka peaceful!Tahimik. Malamig. Maaliwalas. Wala pang mga sasakyan at mga taong nag iingay dahil maaga pa lamang. At ang pinaka importante ay tulog pa ang mga taong walang ginawa kundi ang mag komento sa buhay ng iba!Dumaan muna kami sa katabing bahay para tanungin kung makakasama si Lucas ngunit may lakad daw sila ngayon kaya't next time na lang daw makakasama.Hawak hawak ko ang isang kamay ni Kenken at sabay kaming naglakad patungong simbahan. Maya maya'y kakargahin ko na din siya dahil alam kong mapapagod siya. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa simbahan kung kaya't kayang-kaya itong lakarin. Pero dahil two years old pa lang si Kenken ay paniguradong mangangalay agad ang paa niya.Nang makarating sa simbahan ay nagsindi agad kami ng kandila.Hindi masyadong karamihan ang mga nagsisimba sa oras ng alas singko kumpara sa oras ng alas otso at alas kwatro ng hapon. At kung papansinin ay halos mga matatanda at may mga duty ng sunday ang mga narito ngayon.Syempre mas pinipili namin ni Kenken magsimba sa ganitong oras para hindi kami nakikipag agawan ng upuan.Gumuhit sa akin ang isang ngiti ng makitang hindi na nagkakamali ang aking anak sa pag cross of the sign.Alas sais na ng matapos ang misa kaya't lumabas na din kami ng simbahan.Hawak ko ang kamay ni Kenken at tinanong siya, "Ano ang gusto mong bilhin natin?""Puto!" agad nya namang sagot sabay turo sa mga nagtitinda ng puto sa tabi ng simbahan.Naglakad kami papunta 'dun at bumili ng puto pati na din bibingka para sa aking mga magulang."Let's go, anak! Uwi na tayo. Pagod ka na ba maglakad?" kumuha ako ng isang puto mula sa supot at binigay sa kanya na agad niya namang kinuha at sinubo."Lakad na lang, ma!""Sigurado ka ha?"Kaya ko pa naman maglakad!" pabibo niyang sabi kaya natawa na lang ako.Well, that's him. Madalas tahimik pero hindi mawawala sa kanya ang magpabibo.Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa amin. I mentally roll my eyes the moment I saw who's in front of me."Here we go again!" mahina kong bulong sa hangin."May sinasabi ka?" maarteng tanong ng babaeng nasa harapan ko."May narinig ka ba? Let's go na anak…"Nang lalampasan na sana namin ang babae ay bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit sa braso. Dahilan para mapatigil kami sa paglalakad?"Hoy malandi! May sinasabi ka ata?" aniya.Lumipat ang tingin niya mula sa akin patungo sa anak ko. Ang pukol na binibigay niya ay puro panghuhusga. Hindi na ito bago sa'kin sapagkat noon pa man ay ganyan na siya."Kawawa naman itong pamangkin ko… walang ama!" sabay tawa niya ng malakas.Naramdaman ko agad ang pagtago ni Kenken sa likod ko."Kung may problema ka sa'kin, edi sa'kin mo idiretso! Huwag mong idadamay ang anak ko." sabay tabig ko sa kamay niyang nasa braso ko.She's Kia, pinsan ko. Si mama at ang mama niya ay half-sister. The reason why laging mainit ang dugo niya pati ng mama sa aming pamilya.We're really not on good terms. Her grandfather cheated on her grandmother with my grandmother. Of course, hindi alam ng lola ko na may asawa na pala iyong lolo niya. Ang ending, nabuntis si lola kaya naging half-sister si mama at ang mama niya.Palagi kaming pinapahiya sa mga tao at gusto nilang sirain kami sa mata ng mga tao.Nang makauwi kami ay sinimulan na namin ang usual naming ginagawa sa linggo.Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto para makapag almusal. Tulog pa rin si Kenken dahil maaga pa lamang.Masaya akong kumakain ng almusal sa kaisipang hindi ko kailangan magmadali ngayon dahil inagahan ko talaga ang gising.Kasabay ko mag almusal si Mama. Si Papa naman ay lumabas saglit upang bumili ng blueberry cheesecake ni Kenken pati na din tinapay namin.Nang bumukas ang pinto namin ay iniluwa nito si papa na may dalawang supot na bitbit."Pa! Kain na…" aya ko sa kanya."Kanino kaya yung magarang kotse na nakaparada sa may labasan?" patanong na kwento ni papa.Natigil ako sa pagsubo ng may maalala ako. Sana mali ang aking iniisip."Baka naman may kapamilya na binibisita?" sagot na tanong ni mama."Mukhang may hinihintay, e! Usap-usapan sa bakery na kanina pa yung lalaki na parang may hinihintay. Pogi daw nga, e!"Then, I lost it. Pagkatapos ko malunok ang sinubo ko ay uminom na ako ng tubig at tumayo. Agad akong nagpaalam sa aking mga magulang at tinahak ang pinto palabas ng bahay.Tila nagulat pa ang dalawa sa biglaan kong pagtayo at bago ako makalabas ay narinig ko pa si mama, "Anak, hindi ka pa tapos kumain!""Busog na ako, ma!" pasigaw kong sabi.Nang makarating ako sa labasan ay na-ispatan ko agad ang isang pamilyar na kotse. Bumukas ang pinto sa driver's seat at lumabas siya.His masculinity attracted the audience as he stood. Para siyang artista. Napaka perpekto ng mukha na aakalain mong nililok ng isang mahusay na manlililok.His deep eyes bore into mine. Kahit sa malayo ay ramdam ko pa rin ang nakaka intimida niyang awra.Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo nang maglakad ako palayo. Nagsenyas ako na sumunod siya at mukhang nagets niya naman.Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko ang parte na hindi matao. Sa tabi ko ay huminto ang kanyang sasakyan at lumabas siya.Nag iwas agad ako ng tingin at tinigasan ang mukha para magmukhang galit ako.Pero bago pa ako makapag salita ay nauna na siya, "What was that?"Nilakasan ko ang pag buntong hininga para maramdaman niyang galit ako. "Hindi mo ba napansin mga tao kanina? Pinag titinginan ka, oh!""And so?"Napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay."Anong and so? Akala ko ba you're the anonymous CEO of your company at hindi ka nagpapakita ng mukha sa mga tao?"Nagpamewang ako at nagpatuloy sa pagsasalita, "Anong headline ng tsismis? May. isang. pogi. ang. naghihintay. sa. kanyang. magarang. sasakyan! Ay bongga ah!"Bawat salita ay diniinan ko pero wala siyang sinabi.Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagpigil niya sa kanyang ngiti. Nailing iling siya at parang may binubulong sa sarili pero hindi ako sigurado."Oh, come on!" sabay bukas niya sa pinto ng passenger's seat. "Get in."Nang hindi ako gumalaw ay marahan niya akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa pinto.May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahilan para bilisan ko ang pagpasok sa kanyang sasakyan at ng mabitawan niya na ako.Nang masara niya ang pinto ay umikot siya patungong driver's seat at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.He's smiling… widely!AYUMI HILARYNapabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag ako'y nagigising. Mahahalata na ako'y nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa mga mata ko ang likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. I don't know him. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga ng magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kaga
"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng police station ang boses ni Papa dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Napapikit naman ako sa hiya at kaba. Pinag titinginan na din ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon. "Pa! Ma! Umuwi na tayo" pilit kong hinihila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa police station sapagkat 'di ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay. Talagang tinotoo nila ang pag report sa pulis huh! At dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao. "Saan ka ba kasi galing, yumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" Tukoy niya sa aking mga kaibigan na si Cheska at Leighton. Sila ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lalaking estranghero. Worst of all, we both do that thing. Cheska is m
"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo ng ambulansya ngunit malakas ang busina nito na kahit malayo na ay maririnig mo pa rin. Nang mapadako ang aking paningin sa mga mata ng lalaking nasa harap ko, nakita ko ang kuryusidad dito. What? Don't tell me hindi niya narinig ang sinabi ko? Napabuntong hininga na lamang ako. "Can you repeat what you're saying?" Ay bwisit! Sabi na eh di niya narinig. Huminga ako ng malalim habang 'di hinihiwalay ang aming eye contact. "Sabi ko, bunti- ""Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Naputol ang aking sasabihin sa biglaang pagsabat ng isang babae. Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ako. Her presence intimidated the sh*t out of me. She looks sophisticated and elegant. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na isang vintage long sleeve, black dress. Sa mabagal na paraan, bumaba ang kanyang tingi
"Hello, my baby Kenken!" Masigla kong bati sa aking two years old na anak. Well, it's been three years since I told my parents that I'm pregnant. As expected, they are disappointed in me. I was their hope, but I just ruined it myself. Everything was difficult for me. I stopped studying to find a full time job. Luckily, I got one. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang advance ang aking anak kumpara sa ibang mga toddler. Sa isang taong gulang niya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Go with your Lola, baby. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" I carried my son to my mother. Pagkabigay ko kay baby Kenken ay nag palit lang ako ng damit atsaka nagsimulang magluto ng aming hapunan. I sighed. Just like the other days, umuwi na naman akong walang ma
DIONYSUSI mentally smirk knowing that my right hand man, Charles Dominguez, isn't going to win with me."You should consider this. For your company."I look at Charles with my poker face. "My company survives and grows even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us. And not because of me!" " Okay, you win again." He said while raising his both hands. Showing his defeat.I walk up to my seat and gently massage my neck. I can feel the fatigue of yesterday's activity. Well, I do really hate associating with others. But since I have the highest donation in the charity, they invited me to join them. I didn't expect that I would be part of their activities. I sighed. Upon adjusting my necktie, I noticed something on the floor. I immediately frowned."Hey dude! What's that?" I asked Charles. He immediately picked it up from the floor. When I saw it up close I realized that it was a woman
Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang
"Pinapatawag ka muli sa baba. From our boss again." Wala akong magawa kundi ang itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali."Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Di ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kumpanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D." Dada ng aming head.Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang useless ang makipag usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Good morning, Mr. D. This is Ayumi Serra, janitress. Gusto mo raw ako makausap." Kahit alam ko naman na ang rason kung bakit niya ako pinapatawag. "Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa trab-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat. Nakakapanibago ang kanyang tono. "Ayumi."Napakalumay nito. Napakakalma. Ibang iba sa boses niya noong huli ko syang makausap. Iba ito sa inaasahan ko.
"We should talk about us." Saad nya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang room kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya't ang hirap huminga lalo na titig na titig siya.Matapos ang ilang taon kong pag hihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpa intimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang 'yun." Gigil kong sabi. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si Kenken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking nasa harap ko bilang ama ng anak ko. Hindi niya deserve! Makakaya kong buhayin si Kenken kahit walang sustento galin