Share

Chapter 10

Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay.

Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin.

"Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin.

Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririnig ko na lang na "buntis ako".

Hindi na 'to bago sa lugar namin. At dahil nga sa nabuntis ako ng maaga at walang ama ang aking anak ay naging tumpukan ako ng kanilang mga usap usapan.

"Yan kasi ang aga aga lumandi."

"Kung sino sino nilalanding lalaki kaya wala tuloy ama ang anak."

"Hindi man lang pinatapos ang pag aaral."

"Magiging pabigat pa sa magulang. Dagdag pakainin lang ang bata na yan."

Ito ang ilan sa mga naririnig ko mula sa kanila. Nakakapagod na sa araw araw kong paglabas ng bahay ay ganyan ang aking naririnig. They judged me. They even judged my parents for not keeping attention to me.

One time, sinubukan kong ipagtanggol ang aking sarili. Ngunit kahit anong gawin at sabihin ko, kung sa mata nila'y mali ako ay hinding hindi na magbabago ang tingin nila sa akin. Lumalabas pa na masama ang ugali ko sa pag sagot sagot sa kanila. Nang mabuntis ako ay biglang bumaba ang kanilang tingin sa'kin. Tumagal ng ilang buwan ang kanilang pangungutya. Sa loob ng mga buwan na iyon, laking hirap ang aming dinanas ng pamilya ko.

Kung saan saan ako nag apply sa lugar namin. Mga restaurant, bakery, clothing shop maging sa gasoline station. Ngunit walang may gustong tumanggap sa akin. Kahit sa dati kong pinagtatrabahuhan na cafeteria ay 'di na ako tinatanggap.

"Naku! Alam mo naman na 'di kami tumatanggap ng buntis di'ba? Madaming nagpupunta sa cafeteria na ito kaya kailangan malingkis ang galaw ng mga tauhan. Paano ka mag seserve niyan sa maraming tao kung buntis ka?" Saad ng manager ng cafeteria nang ako'y lumapit sa kanya.

"Eh, hindi pa naman po malaki tiyan ko. Kaya ko pa pong bilisan ang aking galaw." Pakiusap ko.

"Pasensya ka na talaga iha, hindi kasi talaga pwede eh. Alam kong masipag ka. Saksi ako sa iyong kasipagan at humahanga ako sa'yo. Pero… rules are rules. Hindi kita pwedeng ilusot. Maghanap ka na lang sa iba, ha?"

Umuwi ako 'nun na sawing sawi sa paghahanap ng trabaho.

It was really difficult. Inaabot pa ako ng tanghali kakalakad para mag apply sa kung saan saan. Mainit. Nakakapagod. Nakakangalay sa paa. Pero hindi ako pwedeng sumuko. For all those days ng aking paghihirap. Hindi nawala sa aking utak ang pagsisisi. Pati na ang pag sisi ko sa lalaking nakabuntis sa akin na nakatakda na palang ikasal. Kung gaano kaginhawa ang kanyang buhay ay siya namang kabaliktaran ng aking buhay.

May mga nagsasabi pa noon na 'wag daw ako tanggapin dahil baka landiin ko ang may ari at ipaako sa kanya ang bata. That thing is really below the belt. Wala pa akong ginagawa pero sobra na sila kung makapag husga sa akin. Dahil doon, hindi ako nakapag trabaho. Doble kayod ang aking mga magulang upang makakuha ng pandagdag sa amin.

Hanggang sa manganak ako ay nasa loob ng bahay lamang ako. Gabi gabi akong umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Makalipas ang buwan ay sinubukan ko ulit maghanap ng trabaho ngunit sa malalaking kompanya.

"Sorry miss, but we're looking for a college graduate."

"You didn't pass our company's qualifications."

"Thank you for your effort in applying to us. However, with many applicants, we are choosing the best that will fit the role."

'Yan ang sagot ng magkakaibang kompanya kung saan ako nag apply. Lumipas ang mahigit isang taon ay sa wakas at may tumanggap na rin sa akin. Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi ko lubos na maisip at matanggap na ang kumpanya na aking pinagtatrabahuhan ay pagmamay-ari ng lalaking naging dahilan ng aking mga paghihirap.

Nang makapasok kami sa sasakyan ng aking boss ay humarap agad ako sa kanya. Sa driver seat siya nakaupo samantalang ako ay nasa passenger seat. Taka naman siyang bumaling ng tingin sa'kin. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong sa aking biglaang pag iba ng kilos. Tiningnan ko siya ng masama. Sa isip ko ay gusto ko na siyang itapon sa moon. Kung saan malayo sa akin at hindi ako madidisturbo.

"Is there something wrong?"

"Yes, there is!" Agad kong sabat. Tumaas baba ang aking dibdib dahil sa galit. Para akong sasabog. Ayoko ng maulit ang dati. Nakaka depress ang mahusgahan araw araw. Tipong kada galaw mo ay may mga matang nakaantabay.

Just by thinking about the past and seeing the face of the person in front of me. Bumabalik sa aking ala-ala ang hirap na pinagdaanan namin.

"Nag reply ako sa'yo kagabi di'ba? Ang sabi ko hindi mo na kailangan pang pumunta dito para sunduin ako." Hindi ko mapigilan ang aking emosyon at maluha luha akong tumaas ng boses sa harap niya.

"Why are you raising your voice at me? I just want to help you. You can save money with this."

Napailing iling ako at napa sabunot sa aking sariling buhok. Argh! What if maging usap usapan na naman ako? Okay na sana eh. Nag lie low na. Pero mukhang mauungkat muli.

"Besides, I asked you why but you didn't reply." Tugon niya pa na lalong nagpakulo sa dugo ko.

"Y-you! Once is enough! Akala ko ba matalino ka, eh bakit hindi ka makaintindi sa unang beses pa lang?" Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay biglang tumigas ang kanyang ekspresyon. Ang dating nagtatanong na mata ay biglang tumulis at tumalim. Humigpit din ang pagkaka hawak niya sa manibela at tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Are you insulting me? I can fire you whenever I want." Malamig na sambit niya. Tila umahon ang kanyang pride.

Of course, bilang isang mayaman ayaw nilang naiinsulto ng mga mababang antas sa buhay. Oo nga naman, empleyado ako at boss ko siya. Sino ako para mang insulto sa kanya. Sa kaloob-looban ko ay gusto kong matawa ng malakas. The power of money it is. Kayang kaya niya akong tanggalan ng trabaho. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang aking sarili. Kailangan kong mag isip ng mabuti. Sa ngayon ay dapat 'di ko hayaang pangunahan ng emosyon kung gusto kong buhayin ang anak ko.

Nang kumalma ay wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad sa kanya. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Ito na lamang ang pag asa ko. Kapag naka luwag luwag ay ipagpapatuloy ko ang aking pag aaral sa kolehiyo. Kaya't kailangan kong mag tiis sa ngayon.

Hindi siya sumagot sa akin. Bagkus ay nagsimula siyang paandarin ang kotse. Kung hindi dahil sa ingay ng kotse ay mabibingi na ako sa katahimikan namin. Maya maya pa'y pinatakbo na niya ang sasakyan. Diretso lamang sa daan ang kanyang tingin. Ang pagkakahawak niya sa manibela ay mahigpit pa rin. Maging ang kanyang matigas na ekspresyon ay hindi nag bago. Umigting ang kanyang panga bago nagsalita, "Hindi ako view para pagmasdan mo."

Napatikhim ako at inayos ang aking pagkakaupo.

"Tatanggalin mo pa ba ako?" Mahina kong tanong habang ang mga mata ay nakapukol sa aking kamay na nasa aking hita.

"Of course…" halos tumigil ang tibok ng puso ko sa kaba, "no." Nakahinga naman ako ng maluwag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status