MasukAno ba yan. Super love ko tong si Aris at Vida. Ang hirap yata e let go ng dalawang to.
Habang sinisindihan namin ni Jude ang kandila, may isang babae ang tumigil sa tabi namin at pinagmasdan kami. Hindi namin pinansin no’ng una at baka nakitingin lang siya pero talagang lumapit pa siya.“Kaano-ano niyo po yung namatay?”“Mga magulang ko po sila. Bakit po?”Namilog ang mga mata niya na pinagtaka ko. Bakit siya nagulat?“Anak po kayo ni tatay Terio at nanay Linda?”Bakit kilala niya ang mga magulang ko?“Opo. Anak po nila ako. Sino po sila?”Mas lalo pa siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa kamat ko.“Kapitbahay kami dati ng mga magulang mo. Nanay ko si Dresa, kasama siya ng inay mo noon sa mga kaganapan sa bayan.”Natuwa ako nang maaalala si Aleng Dresa. Naalala ko siya, kaibigan nga siya ni inay. Kapag may mga kaganapan noon sa bayan e lagi silang magkasama para tumulong sa mga paghahanda lalo na kapag may gaganapin na fiesta.“Nice to meet you po…”Bahagya siyang lumapit sakin. “Ano, nagmamadali ba kayong umuwi?”“Kararating lang namin,” si Jude ang sumagot.“Ah kas
(Present time)“Ma, anong ginagawa mo sa labas?” napatingin ako sa likuran ko at nakita si Vida kasama si Tobi. Napangiti ako at sinalubong sila.“Nagpapahangin lang anak.”“Bakit lola? Mainit ba sa room mo? Sira ba ang aircon?”Umiling ako. “Hindi. Talagang gusto ko lang tumambay sa labas.”Tumabi silang dalawa sakin. Si Tobi na agad naglaro sa cellphone niya habang si Vida na inuusisa ako.“Mama, ayos lang ba talaga kayo? Parang napapansin ko na lagi kayong nag-iisa dito sa gilid. Namimiss mo na ba ang probinsya?”“Hindi naman anak,”“Pero bakit parang ang lungkot niyo?”Bumuntong hininga ako. Si Jude kasi, niyaya na akong magpakasal. Hindi ko alam bakit parang may bigat sa puso ko.Walang problema sa mga anak ko, walang problema kay Toneth pero may bumabagabag pa rin sakin.Tapos kanina lang, habang nagmuni-muni ako dito ay naalala ko yung nangyari sa amin noon. Kung paano kami nagsimulang dalawa.At marahil doon galing itong agam-agam ko.Dahil nagkasala ako sa mga magulang ko no’
Mahigpit na binilin ng inay sakin na hindi muna ako papasok ng skwelahan sa loob ng dalawang araw lalo na no’ng nalaman niya na hindi nakulong si Jude.Pinalaya rin kasi siya dahil napag-alaman na pinagtanggol lang niya ang malapit na kaibigan na si Negro nang bigla silang sugurin ni Johnny kahapon dahil sa kalasingan.No’ng malaman ko yun, sobra akong natuwa dahil tama ako ng hinala, na hindi siya ang nagsimula sa gulo. Pero kahit pa man ganoon, para sa mga magulang ko e masama siyang tao.No’ng umalis si inay para makisali sa paghahanda sa bayan sa paparating na fiesta, agad akong umalis at nagpunta ng sweklahan kahit na tatlong oras na akong late.Gusto ko lang makita si Jude.Pagdating ko, pinagtitinginan ako ng ibang mga studyante, marahil nakarating sa kanila ang balitang ginawa kong pagyakap kay Jude.“Liya!”Huminto ako at nakita si Maris na nanlalaki ang mata habang nakatingin sakin. Lumapit siya at kinaladkad ako sa tabi.“Totoo ba yung balita? May relasyon kayo ni Jude?”“Ma
“Liya, ikaw ba ay may gusto sa lalaking yun?” Yan ang tanong ni inay habang namimili ng magandang gulay sa palengke.Akala ko e nakalimutan na niya si Jude, mukhang di pala.Binabagabag pa rin siguro siya no’ng dinala ko ito sa bahay kanina.“W-Wala po ‘nay…”Marahan siyang tumango at dumampot ng isang sayote. “Kung ganoon, bakit labis ang pag-aalala mo sa taong yun matapos ko itong paalisin sa bahay kanina? Sumama ang loob mo, di ba?”Humigpit ang hawak ko sa tote bag na bitbit namin para lagyan ng mga pinamiling gulay. Sobrang talas nang pakiramdam ng inay.“H-Hindi po… hindi po sumama ang loob ko kanina.” Pagsisinungaling ko.“Liya, papunta ka pa lang, pabalik na ako.” Makahulugan niyang sabi. Nagbaba ako nang tingin.Alam kong kung aamin akong gusto ko si Jude e magagalit siya.Kaya nilakasan ko ang loob ko na magsinungaling sa harapan niya. “Magkaibigan lang po talaga kami ‘nay.”Tinignan niya ko nang may pagdududa.“Siguraduhin mo lang ang sinasabi mong magkaibigan lang kayo. Ayo
Dahan-dahan ang aming paglalakad. Nasa likuran ko siya habang ako ay nasa unahan. Kahit hindi siya kita ng mga mata ko, ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang halos tumatagos sa likod ko.Hindi siya nagsasalita pero nabibingi ako sa katahimikan naming dalawa.Nakakabingi… pero paano nangyayari to? Yung mabingi ka sa katahimikan?Dahil ba ito sa lakas na pagkabog ng dibdib ko?O dahil sa hindi matigil ang utak ko kakatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya?Kung sobrang dahan na nang paglalakad ko kanina, mas lalo ko pa talagang binagalan na kulang nalang e huminto ako nang sa ganoon makarating siya agad sa tabi ko pero wala…Mas lalo rin niyang binagalan ang paglalakad niya.Tuluyan na akong huminto at humarap sa kaniya. Nakakunot ang noo ko nang maabutan siyang nakatitig nang mariin sakin.“Bakit?” nagtatakang tanong ko.Umiling siya sabay sabing, “wala…”‘Wala daw pero nakatitig ng husto.’ Komento ng utak ko.“Anong meron? Marumi ba ang likuran ng damit ko?” tanong ko pa sa kani
Liya’s POV[The past, the beginning…]“Liya, natapos mo na ba ang assignment na pinapagawa ni sir?” ang tanong ni Maris, kaklase ko.Bahagya akong tumango.“Oo tapos na,” nakangiti kong sagot.Humaba ang nguso niya at lumapit sakin. “Ako hindi pa. Pero teka, maiba ako… balita ko nagpapapansin daw sayo si Jude?”Napatigil ako nang ilang sandali at tinapunan siya ng tingin bago ako tumingin ulit sa harapan.“Hindi naman…” sabay hinga nang malalim.“Anong hindi? Kita kaya ng lahat na nilapitan ka niya during recess. Anong sinabi niya sayo? Inaya ka ba niya na i-date mo siya? O baka naman ay ginugulo ka niya? Gusto mo bang samahan kita sa disciplinary office?”Hindi ako sumagot para matigil na siya katitiktik tungkol kay Jude.Umang umaga pa lang, nagiging masama na yung tao kahit na wala naman siyang ibang ginagawa.Akala ko titigil na siya no’ng pinili kong hindi na magsalita pero talagang binuka pa niya ang bibig niya.“Naku Liya, huwag ka nang lumapit lapit doon sa lalaking yun. Alam m
“So you’re doing this because you want to protect her?” tanong ni Maica habang nilalapatan ng bulak itong sugat kong natamo mula sa ama niya.Wala na akong choice kundi sabihin sa kaniya ang bagay na ito dahil gusto niyang malaman bakit umabot ako sa puntong pati pagpapakaama sa anak niya ay inako k
Archi’s POV[Present]Biglang nawala ang alak sa katawan ko nang makita ko siyang umiiyak. I finally said it. That death was chasing me.Gulat na gulat siya at halos hindi na niya maibuka ang labi niya kanina.So I waited. I waited until magsink-in sa kaniya ang sinabi ko. Dahil I have no choice now
Vida’s POVBandang hapon, nasa labas ako ng bahay, nanonood ako sa mga taong nasa labas na nagkukumpulan dahil may sugalang nagaganap.Uso ata kasi ngayon yung mga gagamba na pinagsasabong nila tapos tumataya yung ibang mga kabitbahay namin dito.Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o maiinis lalo’t
Kinakabahan ako habang papasok ng company. Ilang linggo lang naman ako nawala. Siguro mga 2 weeks and now that I’m back, pero parang nakakapanibago pa rin.Pakiramdam ko e first time ko ulit magtrabaho sa AE Lines.Pagpasok ko ng elevator, wala pa rin namang kakaiba maliban sa panay ako tignan ng mg






