“Huwag niyo na akong ihatid sir Dane,” sabi ko dahil ayaw kong makita kami ng ibang mga kasamahan namin.
Oras makita nila akong kasama ko si sir Dane na madaling araw pa, alam kong tatadtarin nila ako ng katanungan.
“Okay.. Just call me kung may kailangan ka.”
“Po?”
“Utos ni sir Aris.” Sabi niya at may nakakaloko na namang ngiti sa labi niya. Mukhang hindi yata siya naniniwala sa sinabi kong walang nangyari sa amin ni Escalante.
Nang makaalis siya, pumasok na rin ako ng hotel nang biglang tumawag sa akin si Marky, ang boyfriend ko. Agad nalukot ang mukha ko nang makita ang pangalan niya.
Mula pa no’ng Sabado, pagdating ko dito sa Paris, palagi ko siyang hindi nakakausap tuwing gabi dahil busy daw siya. Hindi ko alam kung anong pinagkabusyhan niya para mawalan siya ng oras sakin. At dahil badtrip pa ako sa kaniya, hindi ko sinagot ang tawag niya.
Nang bumukas ang elevator, agad akong pumasok. Bago pa magsara, may isang babae ang dali-daling pumasok na isang kasamahan ko sa trabaho. May dala pa siyang pagkain. Nang magtagpo ang mga mata namin, sabay kaming nagulat.
“Vida! Nauna ka pa lang bumalik ng hotel?” hindi makapaniwalang sabi niya.
Hilaw akong ngumiti at tumango. Kinabahan ako. Hindi naman nila ako nakita na kasama ni Escalante hindi ba?
Nang mawala siguro ako ay iniisip nilang nauna na akong umuwi.
“Ikaw talagang babae ka. Nagpasabi ka man lang sana para hindi na kami mabaliw kakahanap sayo.” Napahilot siya sa ulo niya. “Ang sakit ng ulo ko. Napasobra yata ang pag-inom namin kahapon.”
Ngumisi lang ako at hindi siya nagawang sagutin. Akala ko naman ay tatahimik na siya, pero nagulat ako nang bigla niyang punahin ang damit ko.
“Ay wow. Ang ganda naman ng damit mo. Bago ba yan?”
Napatingin ako sa suot ko. Nagulat ako nang makita na ang binigay pala ni Escalante sa akin na damit ay yung design ko na sinabihan niyang panget. Ito yung design na iniyakan ko at naging dahilan bakit panay Escalante ako sa kaniya sa utak ko.
“Mamahalin ba to? Ang ganda ng tela.”
Sa mga oras na to, para na akong maiihi lalo’t may brand ang damit.
Bigla niya akong hinawakan.
“Wait. Product ba yan ng AE Lines?”
Nangatog na ang binti ko. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kaniya.
“Yung logo-" nang bumukas ang elevator, agad akong lumayo.
“Bye. Una na ako…” Nagmamadali akong tumakbo paalis. Nang makapasok ako sa hotel room ko, napahawak ako kaagad sa aking dibdib. Muntik na yun.
Agad akong pumunta ng salamin.
“Ito nga ang design ko. Bakit? Akala ko ba ay ayaw niya kasi panget?”
Nang mapansin ko ang roommate kong gumalaw sa kama, agad akong kumuha ng damit sa maleta at nagpunta ng banyo para magpalit ng damit.
Saktong paglabas ko ng banyo, gising na siya. Si Helena, ang roommate kong fashion designer rin kagaya ko. Naka-upo siya sa kama at nakatingin sa cellphone niya.
“G-Good morning, Helena.”
“Good morning, Vida. Anong oras ka nakauwi kagabi? Hindi kita nakita pag-uwi ko.”
Alanganin akong ngumiti. “Ano, tulog ka na kasi pagpasok ko.”
“Okay,” aniya at tumango.
Pasimple akong lumapit sa maleta para ipasok ang damit na pinasuot sa akin ni Escalante nang bigla siyang sumigaw.
“OMG! Vida look!”
Agad niyang hinarap sa akin ang phone niya at halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ang larawan na pinakita niya.
“Diba si sir Aris to? OMG! Sino itong kahaIikan niya?”
Dali-dali akong lumapit sa kaniya at binawi ang cellphone niya. Nagulat ako nang makita na frontpage iyon ng isang local news. Kalat na sa internet na ang CEO ng AE Lines ay namataang may kahaIikang babae sa loob ng sasakyan.
Nababaliw na ba sila? Kahit dito sa Paris may paparazzi pa rin siya?
“Vida, sino yang babaeng yan? Napansin mo ba yan kagabi?” umiiyak na sabi ni Helena. Crush niya si Escalante kaya ganyan siya makareact.
Tumingin ako sa kaniya at binalik ko ang cellphone niya.
“Hindi k-ko k-kilala.” Sabi ko tumawa ng peke.
“Waaaaah!!! No! Ang first love ko!” Pinagsusuntok niya ang bedsheet namin habang ako ay sunod-sunod na lang na napalunok.
Nagpapasalamat ako na yung kuha e nakatalikod ako sa camera kaya mukha lang ni Escalante ang kita.
Naging usapan sa mga kasamahan ko sa trabaho ang viral picture ng boss namin na may kahaIikang babae. Ngayon, hinahunting nila kung sino ito. Dahil last day na namin sa Paris, nagkaayaan ang lahat na magshopping sandali pero natapos nalang kami at nasa kainan na, iyon pa rin ang topic nila.
“Operation 101, hanapin ang mystery girl ni sir Aris.”
Halos mabilaukan ako sa kinakain kong pasta nang sabihin yun ni Helena. Talagang hindi pa siya nakamove-on diyan.
“Sino sa tingin niyo ang babaeng ito?”
“Base sa pananamit niya, isa siyang model.”
“Hindi. Hula ko e prosti yan.”
“Sa tingin ko, yung waitress yan na panay ang tingin kay sir kagabi.”
Nagkaroon na sila ng samu’t-saring hula kung sino ang babaeng yun, ako naman ay tahimik lang. Hindi pwedeng malaman nila na ako yun at baka kuyugin nila akong lahat lalo pa’t may gusto sila kay Escalante.
“Ikaw Vida, sino sa tingin mo itong kahaIikan ng boss natin?”
Napalunok ako ng wala sa oras lalo na’t lahat ng mata nila ay nasa akin na, hinihintay ang sasabihin ko.
“W-Wala akong idea e.” Sabi ko sabay simsim sa frappe ko.
“What? Wala kang idea kahit konti?”
“W-Wala,” sabi ko sabay tingin sa gilid.
Nang wala silang mahita sa akin, bumalik sila sa pagchichismisan. Gusto ko nalang tuloy umalis.
Nang makauwi na kami sa hotel room namin, nagpack na kami ng aming maleta dahil flight na namin mamayang midnight. Sinundo lang kami ni sir Dane ng 9 ng gabi at nagtungo na sa airport.
Yung mga kasamahan ko, nagbubulungan sila sa tabi habang nakatingin sa boss naming may katawagan sa phone niya. Nang papasok na kami sa plane, bigla akong nilapitan ni sir Dane.
“Vida, sa amin ka sasabay utos ni sir Aris. Mamaya pa tayo aalis mga 3 ng umaga.”
Napahinto ako pati na yung mga kasamahan ko. Agad silang napatingin sa akin.
“Sa private plane po? B-Bakit po sir?”
“May trabaho pa daw siyang ipapagawa sayo.”
Napatingin ako kina Helena, nang makita nila si sir Dane na napatingin sa kanila, bahagya silang nataranta.
“Bye Vida, mauna na kami sayo. See you sa Pinas!” Sabay na sabi nila at nagmamadaling umalis dala ang maleta nila.
Nakagat ko ang labi ko at sumunod kay sir Dane na papunta kay Escalante na ngayon ay nakatitig sa akin.
“Sir Dane, bakit daw po ako gustong makausap ni sir Aris?” bulong ko.
“No idea pero don’t worry, good mood yan mula pa kaninang umaga.” Aniya at ngumiti pa ng nakakaloko.
“E-E-Erin…” nautal ako at kinabahan ng husto.“Ah n-nauhaw l-lang a-a-ko. S-Sige, u-uuwi ako.”Nagmamadali siyang umalis sa kusina at halos hindi siya makatingin sakin. Hindi kami close ni Erin, close siya kay Vaughn. Kaya natatakot akong sabihin niya bukas ang tungkol sa nakita ay narinig niya.“Erin sandali!” Sinubukan ko siyang habulin pero hinawakan ako ni Escalante.“Escalante, a-anong ginagawa mo? Kailangan ko siyang makausap!”“Hindi siya makikinig sayo dahil nagulat pa siya sa nangyari. Bukas mo na siya kausapin.”Hindi sana ako makikinig sa kaniya pero nagising si Drix kaya inayos ko ang mukha ko at lumayo ng bahagya kay Escalante.“Si Erin?” tanong niya.“Kakaalis lang. Uuwi na daw siya.”“Hala. Andaya! Uwi na rin kami.”Sinipa niya si Jace kaya nagising ito. Umuwi na rin sila pagkatapos at hindi na kumain. Dahil wala ng naiwan sa apartment, umuwi na rin kami sa bahay ni Escalante.Nagpalit na ako ng pambahay at lahat na pero hindi pa rin nawala sa isipan ko si Erin. Sa sobr
Nakauwi na si Helena, Vaughn at Mhai. Ang natira ay si Jace, Drix, Eric at sir Dane then saka si Escalante. Nakapagluto na rin ako at inaya ko na sila kumain.Pero yung kumain lang ay si Escalante at sir Dane dahil tulog na yung tatlo sa sala sa sobrang kalasingan.“Feeling ko bukas ay may issue sa inyo.” Sabi ni sir Dane at sinulyapan kaming dalawa. Parang ako lang yung nabahala kasi si Escalante wala namang pakialam.“Sa tingin mo ba, halata kami sir Dane?”“Si sir Aris ang halata, Vida.” Tapos tumawa siya na parang may kumiliti sa kaniya.“Shut your mouth, Dane.”Agad itinikom ni sir Dane ang bibig niya.“Kumain ka na nga,” saway ko kasi sinusungitan niya si sir Dane na hindi naman siya inaano. Sumimangot siya.“Ang sarap mo magluto, Vida.” Nagsalita na naman si sir Dane. Lasing na nga talaga itong taong to kasi naging madaldal na siya kahit pa pinapatahimik na siya.“Thank you, sir!”“Pwede ka na mag-asawa!” At humalakhak ulit ito.“Asawa ko na siya!”Natigilan ulit kami at napatin
Agad kinuha ni sir Dane ang attention nila at nagpatuloy sa inuman. Nag-excuse rin ako na magluluto ako para kung sakaling magutom sila ay may makain sila.Pero ang totoo, gusto kong umiwas kasi naiilang ako sa mga tingin nila sakin.Nagpunta ako ng kusina at kinuha ang mga pagkain sa fridge. Nagstock ako ng pagkain kanina umaga dito para may makain mamaya. Di lang ako bumili ng alcohol kasi diko naman alam anong iinumin nila.Habang nakaharap ako sa fridge, nagulat ako ng may kamay ang pumulupot sa bewang ko.Tumikhim ako at alam kong si Escalante ito.“I’m sorry baby… are you mad?”Pakiramdam ko e lasing na siya.“I’m not mad. Sige na, bumalik ka na doon.”“But you’re mad.”Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Sumalubong sakin ang mapupungay niyang mata.“Hindi nga ako galit. Sige na, balik ka na doon.”Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko.“Did I make you uncomfortable earlier? Galit ka ba sakin ng sobra?”Umiling ako.“Hindi. Kakasabi ko lang kanina. Kung galit ako sayo, hindi
Sunday, ang araw kung saan sila iinom sa apartment ko.Kami ni Escalante ang bumili ng mga alak at si sir Dane ang naiwan doon kasama ni Mhai, Vaughn, Helena at tatlo pa na si Jace, Drix, at Erin.Kanina no’ng nakarating sila ng apartment, kasabayan nila sa pagdating si Escalante at sir Dane. Kita ko sa mukha nilang lahat ang pagkagulat at pagkailang kasi di nila aakalain na ang boss na kinakatakutan nila e sasama sa inuman sa apartment ko.“Uy. Kasama si sir Aris?” bulong ni Mhai sakin na hindi ko alam kung gusto pa bang ituloy ang inuman o hindi.“Ah guys, si sir Aris… Inaya ko. Diko kasi aakalain na papayag siya.” Sabi ni sir Dane, na ibig sabihin ay inaya niya si Escalante out of courtesy kahit na ang totoo e alam niya sa simula pa lang na sasama ito dahil sakin.“Ano… Ako na bibili ng alak sa convenience store.” Gusto kong tumakas at naiilang ako na nandito ang mga co-worker ko at si Escalante.“Sasama ako.”Napatingin ako agad kay Escalante na biglang gustong sumama.“I have a ca
“Vida! Let’s talk! What is this?”Sinusundan ako ni Marky ngayon na parang aso. Nong nakaraang araw, matapos naming mag-usap ni Escalante, agad akong kumuha ng wedding gown sa AE Lines worth 15,000.“Marky, mali-late na ako sa trabaho.” Sabi ko. Supposed to be, sasabay ako kay Escalante kanina pero hindi ko tinuloy kasi batid ko ng inaabangan na ako ni Marky sa labas ng AE Lines dahil nagtext siya bigla na gusto niya akong makausap.Stress na stress ang mukha niya nang makita niya ako.“Vida, wait. Mag-usap tayo.” Hinablot niya ang kamay ko kaya wala akong choice kun’di ang tumigil para tignan siya.“Ano bang problema mo?”“May staff ng AE Lines pumunta ng bahay para magdeliver ng wedding gown.”“Maganda. Nahatid na pala agad ang gown ko.”“Vida, teka. Bakit sa AE Lines?”“Ano bang problema? Gusto ko e.”“Kasi ang mahal. Para lang sa wedding gown, gagastos na tayo ng $15,000.”Lihim akong ngumisi. Sa wedding gown pa lang, malaking pera na ang nawala sa kaniya. Kung e-convert sa peso, n
“Drink this!” Sabi ni Escalante sabay lapag ng gatas sa harapan ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kasi di ko alam kung iniinis ba niya ako.Nagbukas siya ng beer at ininom niya.“Bakit gatas?”“Because you’re pregnant kaya di ka pwede sa beer.”“Pwede namang juice!”“Nagjuice ka na kanina.”Itinikom ko nalang ang bibig ko kasi baka may tao akong masisipa ng wala sa oras.Pagkatapos namin sa bookstore, umalis na kami pero narinig ko ang buong sinabi ni tita Narsing.“Oo ma, may relasyon ang dalawa pero labas na tayo doon.” Iyon ang sinabi niya kay lola.“Anong labas? Hindi ka ba naaawa kay Vida?”“Naaawa ako, ma. Alam mong mabait si Vida, pero wala na tayong magagawa. Buntis si Toneth at si Marky, desidido siyang panagutan si Toneth.”“Pero paano si Vida? Bakit pa niya inaya ng kasal?”“Hindi ko alam. Baka naghahanap lang si Marky ng pagkakataon para sabihin kay Vida ang totoo.”“Hindi ako papayag dito Narsing. Kung hindi niyo sasabihin kay Vida ang katotohanan, ako ang magsasabi sa