Mag-log in“Sir, nandito na po si Vida.” Saad ni sir Dane.
“Follow me!” Sabi ni Escalante sa akin. Gaya ng dati, ang arogante pa rin niyang tignan. Hindi porke’t gwapo siya at mayaman e pwede na niyang manduan ang buhay ng mga tao.
“Saan tayo?” hindi ko maitago ang inis sa boses ko.
“We’re going to talk.”
“Bakit hindi nalang tayo dito mag-usap?”
Agad niyang pinagkrus ang kamay niya sa dibdib niya at tinaasan niya ako ng kilay. “So gusto mong dito tayo mag-usap sa harapan mismo ni Dane?”
Napatingin ako kay sir Dane at naabutan ko siyang papalit ang tingin sa amin ni Escalante. Like he’s enjoying the scene.
“Saan tayo mag-uusap?” tanong ko nalang.
Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya at napatingin sa orasan niya. “We cannot make it kung uuwi pa tayo ng bahay so we’re going to talk inside my car.”
Nauna siyang naglakad sa akin at ako naman ay tahimik na sumunod sa kaniya. Paglabas namin ng airport, nakita ko agad ang magara niyang sasakyan na nakapark sa labas.
Pumasok siya sa driver’s seat, ako naman ay pumasok sa likuran ng sasakyan niya. Nakita kong pinapanood niya ako mula sa salamin.
“Lalabas pa ba ako para buhatin ka at ilipat dito sa tabi ko?”
Agad akong napalunok at dali-daling lumabas. Kilala ko yang Escalante na yan. Hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya.
Nang makapasok ako sa front seat, alam kong ngumisi siya na agad ring nawala.
“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Kaya kita gustong makausap dahil doon sa nangyari sa atin kagabi.”
Agad kumunot ang noo ko. Bakit? Ayaw ba niyang malaman ng lahat ng tao na may nangyari sa amin? Dahil empleyado lang ako at hindi model na madalas nalilink sa kaniya?
Pwes, ayoko rin malaman ng iba.
Hindi lang pala siya arogante, matapobre din pala siya.
“Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan. Para lang rin sa alam mo, hindi ko rin gusto ang nangyari. Kaya hindi mo na ako kailangang paalalahanan kasi mula ng lumabas ako sa bahay mo, sinabi ko na sa sarili kong kakalimutan ko na yung nangyari.”
There. Inunahan ko na siya. Siguro naman matahimik na yang kaluluwa niya.
Nakita ko kung paano nagbago ang expression sa mukha niya pagkatapos ay napailing at tumingin sa harapan.
“Last night… I made the first move. You kissed me because you were drunk. But everything after that, I was the one who pushed it.”
Gets ko ang point niya. Na lasing kami pareho tapos ako ang unang humaIik kaya hindi niya ako pananagutan. Well hindi naman kailangan kasi wala naman akong balak maghabol.
“Sinabi ko naman sayo na kinalimutan ko na at hindi mo ko kailangan na panagutan kasi-"
“Have you considered becoming my wife?”
“Huh?” Naputol ang pagsasalita ko nang sabihin niya yun.
“I said, have you considered of becoming-"
“Teka lang Escalante!” Agad akong napatakip sa bibig ko nang matawag ko siyang Escalante.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya.
“What did you call me?”
“I mean sir Aris,” kinakabahang sabi ko. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko at hindi marunong mag-isip.
Kumislap ang mata niya at agad niyang itinuko ang siko niya sa bintana habang ang ulo ay nakaharap sa akin. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.
Ano bang nakain ng Escalante na to at niyaya niya ako ng kasal? Hindi ba dapat ang sabihin niya ay ilihim ang nangyari sa amin? So bakit kasal?
“So what’s your answer?”
“N-No.. I mean, hindi sir. Hindi pwede. Tama, hindi pwede.”
“Bakit hindi pwede?”
Napatanga ako sa katanungang yun. Bakit? Gusto ba niya akong pakasalan? Or nantitrip lang siya?
“Dahil may ano… boyfriend. Tama, may boyfriend ako sir.”
Kumunot ang noo niya at tumahimik. Dahil pakiramdam ko wala na siyang sasabihin, agad akong nagpaalam sa kaniya. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan pero bago ako nakalabas, may sinabi pa siya.
“Pag-isipan mo muna ang sinabi ko.”
Sinara ko na ang pinto at malalaki ang lakad na pumasok muli ng airport. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para na akong aatakihin ngayon. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi kay Escalante at may offer siyang ganoon. Alam ko namang ayaw niya sakin.
Nakita ko si sir Dane na nakaupo sa lounge area. “Kamusta ang meeting niyo ni sir Aris?”
Pakiramdam ko ay may alam tong si sir Dane at ang weird dahil kada tumitingin siya sa akin ay panay ngiti siya. Parang pinagtitripan niya ko.
Malapit na mag 3 at sumakay na kami sa private plane. Dahil exclusive ito, si sir Dane, ako at boss naming si Escanlante lang ang nakasakay saka iilang guards at mga crew. Marami pang vacant seat, kaya plano kong umupo sa dulo nang harangan ako ng flight stewardess.
“For safety ma’am, it’s advisable kung maupo nalang po kayo katabi ni sir Aris.”
Natigilan ako at napatingin kay Escanlante na ngayon ay prenteng nakaupo at nakapikit. Dahil pinagtitinginan ako ng lahat, nahiya na ako at umupo nalang sa tabi nito.
Nang maupo ako, nakita kong nagpipigil ng ngiti si sir Dane. Nakakabanas na.
Sa inis ko, natulog lang ako buong byahe. Hindi ko kayang huminga sa eroplanong to kasama ang arogante kong boss.
Nang magising ako, nagulat ako nang may jacket nang nakapatong sa akin. Bigla akong napabalikwas at napatingin sa paligid, pero parang wala ng tao maliban sa akin at kay Escalante na nasa phone lang ang tingin. Mukhang nakalanding na rin kami.
“S-Sorry sir, nakaidlip ako…” Sabi ko sa kaniya.
“Hindi ka nakaidlip. Talagang natulog ka.”
Naitikom ko ang labi ko. Galit na naman siya. Hindi ko naman kasalanan kung nakatulog ako. Edi sana ginising niya ako kung ayaw niyang maghintay diyan.
“Sorry sir…”
Kinuha niya ang jacket na inaabot ko at naunang bumaba sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakasunod ako sa kaniya.
Paglabas namin ng airport, heto na naman si sir Dane, panay na naman siya ngiti.
“Hatid ka na namin Vida.”
Bago pa ako makasagot, sunod-sunod na tumunog ang phone ko. Nakita ko ang text massages galing kay Marky at gusto niyang makipagkita sa akin.
Nagreply ako na hindi ako pwede pero sabi niya, nasa parking lot na daw siya naghihintay.
[Nalaman ko kay Helena na nakauwi na kayo. I’m here in the parking lot, kanina pa ako naghihintay nang pagdating mo.] Marky
Wala akong nagawa kun’di ang pumayag. Nang tumingin ako kina sir Dane, naabutan ko ang paninitig ni Escalante sakin.
“Let’s go Dane, huwag na nating pilitin ang taong may ayaw.” Masungit na sabi niya at naunang pumasok ng sasakyan.
Nakapasok na rin kami sa wakas matapos ng ilang pilitan na nangyayari. Grabe naman kasi magselos tong onggoy na to. Talagang kailangan mo pang ipaglandakan sa harapan niya na siya ang favorite mo, siya ang love mo, na siya ang lahat. Di ko na tuloy alam kung 30 years old ba siya o 10. Dinaig pa niya ang isang bata sa assurance. Kahit iyong panglalait ko sa kanila ni Caldon na onggoy at butiki ay pinapapili ako. Napailing nalang tuloy ako. Pagkapasok namin sa bahay, nadatnan namin si mama at Caldon na nakaupo na sa hapag-kainan at nag-uusap. Kitang kita kay mama na natutuwa siya na makita ang kababata ko na naging sakit rin ng ulo sa kaniya dati. Trinato rin kasi niya noon si Caldon na anak. Umupo na kami sa harapan nila. "Oo nga pala Caldon, ito ang aking son-in-law, asawa ni Vida, si Aris Escalante." Pagpapakilala ni mama kay Escalante. Tumingin si Caldon samin. Alam kong gusto niya akong kausapin pero di niya magawa kasi ibubuka pa lang niya ang bibig niya ay para ng
Patay na! Iyon ang unang pumasok sa utak ko nang makita ko si Escalante sa likuran na lukot na lukot ang mukha at kulang nalang ay sugurin na si Caldon.May muta pa siya sa mata niya. Kakagising lang niya at mukhang ako agad ang hinanap tapos timing pa na ito ang naabutan niya.Malalaki ang hakbang niya na lumapit samin at agad akong hinigit palayo kay Caldon.“I’m her husband.” Sabi pa niya, na para bang hindi enough yung sinabi niya kanina na ‘oo at ako yun’.Tumingin sakin si Caldon. Matalik kaming magkaibigan niyan noon pero umalis siya at nagpunta ng New York at doon na nanirahan kaya natigil ang friendship namin.Hindi naman ako nalungkot kasi no’ng nawala siya e nakilala ko rin noon si Toneth na kalaunan ay naging best friend ko rin.“Ah pre, ako pala si Caldon. Bff kami niyang si Vidachoy.”Vidachoy na naman ang sinabi ng lalaking to. Ano nga ang tawag ko sa kaniya noon? Bu—ah, tama. Butiki!“Pwede ba Caldon, malalaki na tayo oh. At FYI lang, hindi na ako tabachoy ngayon. Ikaw
After that day, pakiramdam ko e naging malinaw na rin sakin ang kalahati sa nakaraan ni Escalante. Pakiramdam ko e parang mas nakilala ko na siya ngayon.Natulog kami kagabi na maayos at nang magising ako ay okay ang mood ko. Niyakap ko pa nga siya at hinayaan siyang haIikan ako sa noo.One thing I realized, I have no right to criticize him for his past dahil ako ay may past rin. Bale patas lang kami. Parang ang toxic naman kung aawayin ko siya dahil lang sa may naging girlfriend siya na minahal niya.Ako rin naman. Kahit gago si Marky e minahal ko rin naman yung tao.Nauna akong bumaba sa kaniya at naabutan ko si mama na siyang nagluluto ng breakfast namin.“Oh, si Aris?”“Tulog pa po ma.” Naalala ko na parang may problema siya kahapon. Ayos na kaya si mama? “Ma, kamusta na ang pakiramdam niyo? Ayos na po ba kayo?”“Oo naman anak. Ayos na ako. Bakit mo naitanong?”“Kahapon po kasi mama, parang pakiramdam ko ay may problema po kayo.”Natawa siya at napailing. “Masakit lang ang ulo ko k
Vida’s POV“Anong masasabi mo?” tanong ni Escalante matapos niyang ikwento sakin kung sino si Andinne sa buhay niya.Pinagsingkitan ko siya ng mata.“Hindi mo ba ako ginawang panakip butas o replacement lang niya or something?”Mahina siyang natawa at kinuha ang kamay ko para ilapit sa kaniya. Pinaupo niya ako sa kandungan niya.“Why would I do that? Ibang iba kayo ni Andinne ng personalidad. I fell for her before and I fell harder for you now. Nagustuhan kita bilang ikaw at hindi bilang multo ng kung sino mang babae.”Ngumuso ako. Aaminin ko, medyo kumikirot ang puso ko nang malaman na may past siya na minahal niya. At alam kong ang petty kung ikukumpara ko ang sarili ko doon sa ex niya.Saka isa pa, sa sinabi ni Escalante, mother-figure niya si Andinne kaya grabe ang pagka-attach niya dito. Dapat ay hindi na ako magselos pero di ko lang mapigilan ng konti.“Nasaan ang anak niya? Bakit hindi mo na nadadalaw? Nasasaktan ka pa rin ba kung nakikita mo ang bata?”Umiling siya.“Noon, hind
Aris’ POV[Hint of past]Isang malakas na sampal ang ginawa ni dad when I dragged our family into this mess because of Ardinne’s death. My cheek felt numb pero yung mata ko ay nanlalabo na dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.“Wala ka na talagang ibang ginawa Aris kun’di maging sakit sa ulo sakin! I told you many times, hiwalayan mo ang babaeng yan! Pero hindi ka nakinig. And look! You even killed her!”I bit my lips. Galit na galit ko siyang tinignan.“I did not kill her! She ended her life at wala man lang ako doon para mapigilan siya.” Nanginginig ang kamay ko at gustong gusto ko siyang suntukin. I never consider this man as my dad. He never been a father to me.“Yes. You killed her! Hindi mo ba naintindihan? She chose to end her life than to face you dahil wala na siyang mukhang maihaharap sayo. Dahil sinisisi niya ang sarili niya na nangyari sa kaniya ang bagay na yun. She killed herself than to suffer with guilt. Yan ang nagagawa mo Aris, you pressured the people surround you to
Dane’s POVThey say, nakakatanggal ng stress ang anak and I think it’s true. Though, Cheng is not really my son. Pero ako kasi ang palaging nagchi-check sa kaniya kung may oras ako dahil walang oras si sir Aris. At sa tagal ng panahon na ginagawa ko to, napalapit na rin siya sakin.“Dane!!!”Hindi pa man ako nakakapasok sa gate, may naririnig na akong boses. Napangiti ako nang makita si Cheng na tumatakbo papalapit sakin.“Dane! I missed you!”Yumakap siya sa binti ko… Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.“I missed you, Cheng.”“Dane, kasama mo ba si papa?”Gaya ng dati, umiling ako. Kita ko ang paglungkot ng mukha niya. Alam kong gustong gusto niyang makita si sir.Cheng short for Cheston Engelram Villaluna. Si sir Aris ang nagpangalan kay Cheng. Naalala ko pa ang sinabi niya why he named this kid Engelram, dahil para sa kaniya Cheng is an angel; a pure soul.Anak si Cheng ng dating girlfriend ni sir Aris na nagsuicide pagkatapos manganak.Kinuha niya si Cheng at pinaalagaan pero hin







